CHAPTER 41 Napabuntong-hininga ako. Pasalampak akong umupo sa sahig na siyang magiging higaan ko habang nasa kulungan ako. Kung gaano katagal, kung hanggang kailan ako magtitiis sa matigas na bahaging ito ng kulungan, hindi ko alam. Basta sobrang sakit. Sobrang hirap sa aking isipin na ito ang kinauwian ng lahat ng isang pagkakamali. Kung pagkakamali mang maituturing ang magmahal. Inapuhap ko ang malamig na semento. Hindi ko pa naranasang humiga sa semento. Nasanay ako sa malambot na kami at kung sa ganito katigas ako matutulog na walang unan at sapin, paano kaya ako tatagal? May bakante namang kama na maari kong pwestuhan ngunit mukhang ayaw sa akin ibigay at ipagamit. Hindi lang naman ako ang naroon sa sahig. Marami kami at sila, tinatanggap na lang ang lahat dahil sa takot. Nagpapaapi