CHAPTER 40 Kailangan kong mag-step up. Ayaw kong pumatol ngunit kung ganitong sinasaktan na ako ng walag kadahi-dahilan, ibang usapan na ‘yon. Tumayo akong parang walang nangyari kahit pa ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Hindi dahil apat sila at malaking tao ang makakalaban ko ay titiklop na agad ako. Hindi ko kailangan iparamdam sa kanya, sa kanilang lahat na takot ako. Alam ko kasi na kung makita niyang natakot ako ngayon pa lamang paniguradong patuloy niya akong aapihin, tatakutin at sisindakin. Hindi ako papayag na gano’n ang magiging buhay ko dito sa loob. Hindi ko gustong iyon ang magiging impresyon din ng mga ibang nanonood ngayon. Hindi ko deserve ang makulong lalo pa ang magtitiis na apihin ng ilang taon. Hindi ako narito sa kulungan para lang kakawawain ng kung sino lang na mayaba