CHAPTER 20 “Sabi ko na nga ba eh, susunod ka. Hindi ba? Ayaw na nilang magpalabas pa?” nakangiti niyang sinabi at nakabalandra ang kanyang hubad sa pang-itaas na katawan. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” mataray kong sinabi kahit nanlalambot na ang tuhod ko sa bumubukol na iyon sa kanyang boxer short. Tumabi siya at nakangiti. Pagkapasok ko saka niya isinara ang pintuan. “Nasaan ang telepono dito?” “Bakit?” “Kailangan nilang malaman sa inyo na nandito ka at kung pwedeng kang sunduin, dito ka na lang magpapasundo.” “Ako? Papasundo? Sinong susundo sa akin?” “Kahit sino.” “Kung gusto ko talagang umuwi dapat ginawa ko na iyon kanina pa. Dumating ang mga driver ko sa school napagtaguan ko. Ngayong bumabagyo, gusto mong sunduin ako rito? Sa tingin mo hindi ako aalis bago pa man s