CHAPTER 70 Hindi ko muna pinansin. Hindi ko rin alam kung nakita niya ako na nakita ko sila. Gusto kong bumawi. Alam man ni Gjiam o hindi na gusto kong ayusin ang ginawa kong mali na kahit wala naman nangyari sa amin ni Rocky kundi halik lang ay gagawin ko. Wala akong batas na sinisira. Hindi kami kasal ni Gjiam para husgahan ako. Ngunit ang mali at mali at iyon at gusto ko sanang ayusin. Ayaw kong kausapin si Rocky na galit na galit pa ako dahil sa nakita kong inaabot sa kanya ni Mayor na white envelop. Hindi ko alam kung kinuha niya iyon. Wala rin akong alam kung anong pinag-usapan nila kaya hindi ako manghuhusga. Tatanungin ko siya kung kailan hindi na ako galit pa para mas makapag-isip ako ng tama. Pumunta ako sa gym, kinuha ko ang boxing gloves at isinuntok ko nang isinuntok ang g