SELF-DEFENSE

1339 Words
CHAPTER 2 Dala ng aking pagkagulat, bago ko pa man naundayan ng saksak ang intruder ay nasukol na niya ang kamay ko. Ipinilipit niya ang daliri ko na siyang dahilan ng pagkakatilapon ng kutsilyo sa di kalayuan. “Sino ka! Anong kailangan mo sa akin!” singhal ko habang pilit akong lumalaban. Ngunit imbes sumagot, imbes na lumuwang ang pagkakasakal niiya sa akin ay lalo pa niya itong hinigpitan. Malakas siya. Lakas ng isang lalaki na hindi ko mapantayan. Sinikap kong kumawala sa pamamagitan ng pagsipa sa kanya ngunit nakailag siya. Nang akin siyang sikuin ay parang napaghandaan na niya iyon kasi mabilis niyang iniwas ang kanyang katawan. Hindi ko mamukhaan dahil nakabonete ang muka at mga mata lang niya ang aking nakikita. Sinikap niyang itumba ako ngunit hindi ako pumapayag. Hanggang sa ginamit na rin ng intruder ang paa niya para tuluyan akong matumba. Nagtagumpay siya. Bumagsak ako at nang lumaban ako ay na-lock agad niya ako. Hindi ko na maikilos ang aking kamay at paa. Kahit pa anong gawin ko, kahit pa ibuhos ko ang aking natitirang lakas, hindi ako makawala. Mahusay siyang mag-lock. Pero hindi ako susuko kahit pa sa tingin ko, hawak na niya ang buhay ko. Ilalaban ko ito. Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makawala. Alam kong may kahinaan din ang kalaban. Oo, lalaki siya, mas malakas sa akin. Malaki ang katawan at mas matangkad pero kaya ko ito. Kahit babae ako, kaya konng protektahan ang buhay ko. Huminga ako nang malalim. Siniko ko ang kanyang sikmura. Ngunit imbes na masaktan, lalo pang dumiin pa ang kanyang pagkakasakal niya sa akin. Muli kong sinubukang sikuin siya dahil nasa likod ko lang siya ngunit kahit anong siko ko, hindi siya nasasaktan dahil pinatitigas niya ang kanyang sikmura. Hanggang nararamdaman ko na ang pagka-ubos ng deposito kong hangin. Hindi na ako makahinga. Gusto ko pa rin namang ilaban ang buhay ko ngunit bakit parang bigo pa rin ako? Dumidilim na ang aking paningin ngunit hindi, hindi ito maari! Kailangan may dapat akong gawin para mabuhay! Nakita ko ang pader. Makatutulong sa akin ang pader. Ginamit ko ang mga paa ko para sipain iyon ng ubod ng lakas dahilan para sumadsad kami sa sulok ng kalaban. Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makawala sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang daliri at buong lakas ko iyong binali. Dinig ko pa ang tunog ng nabali niyang hintuturo. Sa wakas, nabitiwan niya ako. Mabilis akong suminghap ng hangin habang dumidistansiya sa kanya. Naubo pa ako ngunit mahalaga ang bawat sandali kaya kahit hindi pa ako tuluyang nakaka-recover ay mabilis kong pinulot ang kutsilyo ngunit bago ko pa man iyon mapulot ay nasipa na agad ng intruder. Hindi ko iyon nahawakan man lang. Umatras ako. palapit sa drawer kung saan ko inilagay ang baril na binigay sa akin ni Daddy. Pilit kong kinikilala ang intruder pero hindi ko talaga siya makilala. Matangkad, malaki ang katawan at mukhang magaling din sa martial arts. Nakatakip ng itim na bonete ang buong mukha kaya imposibleng mamukhaan ko siya. Nanginginig ang mga paa ko sa paghakbang paatras patungo sa drawer ko. Hindi iyon nginig sa takot kundi nginig sa poot. “Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka nasa pamamahay ko!” sunud-sunod na pasigaw kong tanong. Alam ko namang hindi niya ako sasagutin pero makatutulong iyon para masira ang kanyang konsentrasyon. Pinulot niya ang kutsilyo at hawak na niyang iyong sumugod sa akin. Mabilis kong inapuhap ang baril sa nabuksan ko nang drawer ko pero wala. Wala doon sa drawer ko ang baril ko. Dalawang dipa na lang ang layo niya sa akin. Nakita ko ang baril ko sa ibabaw ng kama ko at may papel na pinatungan ng baril ko. Agad akong nagsirko at pinulot ko ang baril ko sa kama. Mahusay ang pagbagsak ko sa pag-tumbling kong iyon. Inaral ko ang kilos niya lalo pa’t nakaporma na siya na handa akong laban. Maganda ang kanyang tindig sa pakikipaglaban. Knife ang hawak niyang armas samantalang sa akin ay baril. Kung tutusin, nasa akin ang advantage. Agad kong itinutok ang baril ko sa kanya walang kagatol-gatol kong kinalabit ang gatilyo pero wala akong putok na narinig. Walang balang lumabas sa hawak kong baril. Mukhang natanggal na nya ang bala no’n at siya rin mismo ang naglagay ng baril sa aking klama Mukhang tagilid ako ngunit kailangan kong iparamdam sa kalaban na hindi ako natatakot sa kanya kahit pa hawak niya ang kutsilyo. Pumorma pa rin ako. Pormang handang makipagbasagan ng mukha kahit pa lalaki siya. Nang makita kong ipukol na niya sa akin ang kutsilyo para tamaan ang dibdib ko ay mabilis akong umilag. Nakapagsirko ako at nadaplisan lang ang balikat ko. Tumarget ang kutsilyo sa headboard ng kama ko. Hindi pa man ako nakakaporma nang umatake na siya at binigyan agad ako ng flying kick. Padausdos akong bumagsak. Agad akong tumayo at nilapitan ko rin siya agad sabay ng aking pagsigaw ko at ng aking crescent kick. Sa wakas pumasok ang sipa ko sa mukha niya. Muli kong sinuntok ngunit nakailag siya pero kahit pa nakaiwas siya sa suntok ko, hindi na niya nagawang umilag pa sa sipa sa kanyang dibdb. Sa lakas ng tira kong iyon, napaatras siya. Habang hindi pa siya nakakabangon sa pagkakasadsad niya sa sulok ay binubot ko ang knife na nasa headboard at iyon ang pumaimbulog sa hangin palapit sa kanya. Hindi na niya nagawang umilag pa. Bumaon iyon sa kanang balikat niya. Nang makita kong huhugutin niya ang kung anong bumubukol na iyon sa tagiliran niya ay hindi ako nagsayang ng panahon. Mabilis kong hinugot ang nakatagong isang baril ko sa silong ng aking kama. naunahan ko siyang ikasa ang baril dahil hirap na rin naman niyang ikasa ang baril na hawak niya dahil sa nakabaon na kutsilyo sa dumudugo niyang balikat. Nang kalabitin ko na ang gatilyo ng baril ay bigla na lang niyang tinungo ang bukas na pinto ng aking kuwarto. Mabilis siyang lumabas doon at tumalon mula sa terrace. Pinaulanan ko ng bala ngunit nilamon na siya ng kadiliman. Agad kong isinara ang pinto. Kabado pa rin kahit alam kong hindi ako natuluyan nang intruder na iyon. Agad kong pinulot ang nakatuping papel sa ibabaw ng aking kama at binasa ko ang nakasulat sa papel gamit ang pulang tinta. “Iatras mo ang kandidatura mo kung ayaw mong paglalamayan ka!” Napailing ako. Tinatakot lang ako pero sino ba ang kalaban? Sino ba ang gagawa nito kundi ang ngayon ay kasalukuyang alkalde. Napaupo ako. Hinawakan ko ang cellphone ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay sabihin kay Daddy ang tungkol sa nanngyari kaya lang natigilan ako. Palalakihin ni Daddy ito at panigurado, baka siya ang pag-initan ng alkalde. Wala kaming proof bukod sa nakasulat sa pulanng tinta na pananakot. Agad akong nagbihis. Hinakot ko ang mga school forms ko at uniform ko bukas. Hindi ligtas na dito ako sa dati naming bahay tumira. Hindi kasi maayos ang kandado at madaling pasukin ang mga bintana. Hindi ko naman inaasahan na may banta na pala ang buhay ko dahil simpleng guro lang naman ako ngayon. Wala sa plano ko ang tumakbo kahit pa si Daddy ang kumakausap sa akin. Kung magsusumbong ako sa mga pulis, mukhang tagilid dahil hawak ng Mayor namin ang mga ito. Umiwas. Iyon na muna ang kailangan kong gawin sa ngayon. Nang nakuha ko na at naisilid sa bag ko ang mga kakailanganin ko bukas sa pagtuturo ay agad kong kinuha ang payong. Lumabas ako ng bahay at kinandado ito. Sinuong ko ang malakas na ulan at patakbo kong tinungo ang nakaparada kong sasakyan. Sa condo ko na lang muna ako titira. Alam kong mas ligtas ako roon. Hindi ako dapat pinapangunahan ng takot. Hindi nakatutulong ang takot sa pagharap sa mga kalaban. Kailangan ko ng lakas ng loob at ibayong pag-iingat. Alam ko ang kapasidad ko kahit babae lang ako. Kahit simpleng guro lang ako ngayon, kaya kong patumbahin kahit pa ang mga namumuno. Huwag nila akong sagarin. Huwag nilang subukan ang aking kakayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD