CHAPTER 76 “Wala akong ginawang mali. Hindi ko ‘yan magagawa kay Gjiam! Set-up lang ang lahat. Wala akong kasalanan! Hindi ko dapat pinagbabayaran ang kasinungalingang ito sa kulungan! Fabricated lahat ng mga ebidensiya nila laban sa akin! Maniwala kayo! Hindi ko ginawa ‘yan!” “Iba ang sinasabi mo sa mga nasa katibayan na video. Tulad ng isang ‘to your honor. Dito sa exhibit 2B, your honor. Ito ang nakunang video na nagpapatunay na sadyang itinali ng akusado ang biktima. Makikita sa video ang pagsira ng mga awtoridad sa pintuan ng bahay para lang makapasok sila. Makikita sa video na pagbukas na pagbukas pa lamang sa pinto ng bahay ng nasasakdal kung saan niya ikunulong at itinago ang biktima ay nakunan na agad ng ina ng biktima ang loob ng kwarto. Makikita ang mga nagkalat na bote ng ala