CHAPTER 73 Hinarang ako ni Rocky at ni Tores nang palapit ako kay Miss Reyes para sampalin siya. Mabilis na lumapit sa akin si Mommy. Nakikiusap ang kanyang mga matang tumingin sa akin. Na-contempt na si Daddy at nakulong na ng ilang Linggo dahil sa ginawa niya noon kay Mayor at alam kong ayaw na ni Mommy na maulit pa uli iyon. Pinaupo ako nina Mommy, Daddy pati na rin ang aking abogado. Ipinaindi nila sa akin ang maaring mangyari kung hindi ko kayang kontrolin ang galit ko. Nang mga sandaling iyon, ni minsan hindi ko nakita si Gjiam na tumingin sa akin. Para bang wala na siyang pakialam pa at iyon ang masakit sa akin.. Hanggang sa ang abogado ko naman ang tumayo para tanungin si Miss Reyes. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Miss Reyes. Gusto kong makita niya sa mga mata ko aang sakit