CHAPTER 74 Batay sa mga sagot ni Miss Reyes, malinaw na ang kapalit ng pag-upo at pagtestigo niya laban sa akin ay ang bago niya ngayong posisyon. Patunay lamang na wala na talagang pwedeng pagkatiwalaan pa ngayon. Katulad ng ginawa kong pagsira sa tiwala sa akin ni Gjiam. Muli kong tinignan si Gjiam, umaasa na tignan rin niya ako. Ngunit paano ko ba iyon malalaman kung makapal ang suot niyang salamin. Mahalaga sa akin ang testimonya ni Gjiam. Alam kong siya na lamang ang natatangi kong testigo kahit siya ang sinasabing biktima ng kanyang mga magulang. Umaasa pa rin ako na magsasabi siya ng totoo. Kung may credible ang testimonya, si Gjiam lang iyon. Kung may sure na magpapanalo sa kaso ko, iyon ay ang salaysay lang ni Gjiam. Ngunit maramot ang kanyang sulyap. Hindi ko rin siya malapitan