CHAPTER 72 Dumating ang pinakahihintay kong trial ng aking kaso. Wala akong alam kung anong mga ipe-present nilang mga ebidensiya. Wala rin akong alam kung sino ang kukunin nilang mga testigo. Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng aking abogado. Nakaposas. Nagmumukhang kriminal. Hanggang sa ilang sandali pa ay dumating si Gjiam at ang kanyang pamilya. Napakaguwapo ni Gjiam sa suot niyang puting t-shirt at kupasing pantalon. Simple pero napaangat ng kasuotan niyang iyon ang lakas ng kanyang s*x appeal. Huminga ako nang malalim. Gusto ko siyang mayakap. Gusto kong kahit sandali ay makausap muli ngunit alam kong mahihirapan akong gawin iyon. Nakasalamin siya kaya hindi ko kita ang kanyang mga mata. Para siyang isang matinee idol sa lakas ng kanyang dating. Naghintay ako na lingunin niya a