CHAPTER 47 Hindi ko ipinarating sa mga magulang ko ang nangyari sa akin. Ayaw kong makagawa si Daddy ng ikapapahamak niya. Alam kong tagilid ang pamilya ko sa koneksiyon ni Mayor. Hindi ko gustong habang nasa loob ako, buhay ni Daddy ang magiging kapalit ng pagsasabi ko sa aking pinagdaanan. Sinarili ko ang sakit. Sa tuwing bumabalik sa aking panaginip ang ginawa nilang pambababoy sa akin ay naluluha ako. Bumabangon ako sa aking higaan at nanginginig akong nakaupo sa sulok. Habang ang lahat sa mainit at madilim na kulungang iyon ay tulog, ako naman ay abala sa mga plano ko. Hinding-hindi na nila mauulit pang saktan ako. Hinding-hindi na ako papayag pang magahasa ako. Nagpanggabi si Rocky dahil sa akin. Madalas kong makita na nakasilip sa selda namin. Sinisigurado niya kung maayos ang ka