CHAPTER 48 “Buksan mo ito, mag-uusap lang tayo sandali nang magkaliwanagan tayo!” malakas ang pagkalampag niya sa pinto ng banyo. Hindi rin naman ako makakaligo ng maayos hanggang may asungot na manggugulo sa akin. Kung bubuksan ko at papasukin nila ako sa loob, mas kaya nilang pagtulungan ako dahil sa liit ng space. Ibinalabal ko na muna ang tuwalya hanggang sa dibdib ko. “Bakit ba? Ano bang kailangan ninyo sa akin?” irita kong tanong. Akmang lalabas sana ako sa cubicle para mas madali ko silang malabanan kung sakaling mang-aamok sila ngunit agad nilang winisikan ng kung ano ang aking mga mata sabay tulak sa akin paloob. Nagawa kong sipain ang kasama ni Sanchez na nagwisik sa aking mga mata at nakita ko pang sumubsub siya sa sulok. Nang banatan ko ng suntok si Sanches ay mabilis siyang