CHAPTER 46 Nang makita ko siyang galit na galit na sinuntok sa mukha si Roxas at ang kasama nitong pulis na humalay sa akin at tinutukan niya muli ng baril ang dalawa na umiiyak ay alam kong kakampi ko si Gjiam. Na totoo ang mga sinabi niya sa akin. Mahal ako ng lalaking minahal ko. Totoo sa akin ang lalaking pinagdudahan ko. Pero nang mga sandaling iyon, nang lumuhod siya at ikinulong ako sa kanyang bisig, naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal. Hanggang sa hinawakan niya ang aking mukha. Lumuluha kaming dalawa. “Anong ginawa ninyo! Anong ginawa ninyo sa kanya mga hayooop kayo!” pinagbabaril niya ang dalawa nang makita ang kalunos-lunos kong kalagayan ngunit hindi niya sila tinamaan. Hindi ko alam kung sadyang hindi niya sila inasinta ngunit malaking tulong pa rin na narito siya.