CHAPTER 6
Nang matapos ang aking klase ay lalong sumungit ang panahon. Nag-aabang pa rin ang lahat na kanselahin ng alkalde ng aming lungsod ang klase. Hindi rin naman makapagdesisyon ang aming Principal. Naririnig kong sinasabi ng mga co-teacher ko na kung si Daddy pa sana ang Mayor, hindi na umabot na pagsipasukan kami sa aming mga klase kahit ganoon kalakas ang ulan. Naisip ko, anak nga mismo ng Mayor pinayagan niyang pumasok sa kanyang klase, iisipi pa kaya niya ang ibang tao? Dahil doon, napapaisip na ako kung tatakbo ba ako sa susunod na eleksiyon para lang mawala sa posisyon ang kasalukuyang Mayor. Hindi lang naman pamilya ko ang naniniwalang maipapanalo ko ang eleksiyon kung walang dayaang mangyayari. Alam ko at ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng mga tao sa akin, sa aming pamilya. Nararamdaman na kasi nila ang lumalalang kriminalidad at talamak na bentahan at gamitan ng droga sa aming lungsod.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita kong hindi makauwi ang ibang mga bata dahil sa lalo pang lumakas ang ulan at hangin. Nakakairita na sa ang mayor na lang namin ang walang announcement ng cancellation of classes samantalang ang ibang mga mayor ay nagkasenla na kahapon pa. Ano kayang tingin ng alkalde sa mga bata at guro sa nasasakupan niya? Mga dahon ng gabi?
“Dapat kasi pumayag ka nang tumakbo sa susunod na halalan Miss Sanchez. Panigurado, ikaw na ang mananalo. Hindi maganda ang patakbo ng mandurugas na alkalde. Sisiguraduhin ng taong bayan na bantayan ang halalan nang di ka madudugas,” sabi ng co-teacher kong nakahanda na para umuwi.
“Pag-iisipan ko ho, sir.”
“Huwag mo nang pag-isipan, Ma’am. Kawawa kami at mga bata oh? Halatang walang pakialam ang hayop na alkalde. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang pansarili niyang interes na magpayaman. Marami ngang nagsasabi na bukod sa pangungurakot eh talamak na ang negosyo niya sa droga. Hindi ba ang Daddy mo ang nangungunang kritiko niya? Wala pa bang ebidensiya para maipakiulong na ‘yan?” galit na galit na sinabi ng isa sa mga seasoned teacher namin.
“Nag-iipon pa ang kampo ni Daddy ng mga ilalabas nilang ebidensiya laban kay Mayor, konting-“ natigilan ako nang pumasok si Gjiam. Natahimik din ang mga katsismisan ko. Anak pa rin ng Mayor ang dumating. Kailangan naming i-respeto iyon.
“Oh paano, Miss Sanchez. Mauna na kami at baka aapaw na naman ang tubig. Magko-commute lang kami eh,” paalam ng mga kausap ko at sumunod na ring nag-uwian ang iba ko pang mga co-teachers.
Bago umalis ang mga ito, napansin ko pa ang ilang pag-irap ng dati niyang mga guro sa kanya. Ang ilan ay nagsitaasan ng kilay hindi sa kanya kundi sa inis nila sa kanyang ama. Kahit papa’no, nakaramdam ako ng awa kay Gjiam. Hindi niya kasalanan ang kasalanan ng ama. Hindi siya dapat nadadamay sa kapalpakan ng ama. Kung sa pag-irap naman ng mga napahiya at nasaktan niyang teacher dahil sa kanyang katalinuhan at katarantaduhan sa loob ng classroom, iyon ay dahil hindi siya naiintindihan.
Malakas ang pagbati niya ng Good afternoon teachers pero ni isa sa kanila walang sumagot. Tanging ako lang ang sumagot sa kanyang pagbati. Gusto ko man intindihin ang mga kapwa ko guro sa kanilang mga inasal ngunit wala akong magawa. Hindi ko naman pwedeng ipagtanggol sa kanila si Gjiam. Hindi ko magawang tanungin sila kung bakit kailangan nilang patulan ang istudiyante nila. Kami dapat na guro ang iintindi at aakay sa kanila sa kabutihan at hindi yung pakitaan pa ng hindi maganda na lalong ikaka-trigger nito na gumawa na lang ng mali dahil nang sinusubukan niyang gumawa ng tama, hindi naman na-appreciate. Bumati siya pagpasok ngunit hindi pinansin, nasaan doon ang pagtanggap? Ang pagpansin sa kabutihang ginagawa nito? Aalam ko karamihan sa mga galit kay Gjiam ay ang mga gurong hindi nagtuturo o ang napahiya dahil mas marami pang alam ang istudiyante nila kaysa sa kanila. Ang nagtanong ng tungkol sa lesson nila mismo ngunit hindi nila masagot ang kanilang student ng tama. Yung napahiya at namahiya para paumatas. Bakit kailangan nilang magtanim ng sama ng loob sa minsan ay nagpamukha sa kanila ng kanilang kahinaan bilang guro? Bawat kaguruan ay responsibilidad dapat na mag-aral pang mabuti at masaliksik ng mas malalim pa sa kanilang mga aralin nang kapag may kahit anong tanong na ibato sa kanila, nakahanda silang sumagot. Kailangan naming itama ang maling ugali ng aming mga istudiyante at hindi yung kakikitaan pa nila ng maling pag-uugali. Kung sakaling napahiya man sila sa mga tanong noon ni Gjiam na hindi nila masagot, kailangan bang magalit sila? Hindi ba’t kailangan na lang nilang tanggapin na maging hamon ito sa kanila na aralin pang mabuti ang kanilang mga ituturo dahil nakakahiya na mas matalino marami pang alam ang kanilang mag-aaral kaysa sa kanila? Hindi ba dapat iyon na ang magiging wake up call para pag-ibayuhin pa nila ang kanilang pagsasaliksik at pag-aaral para lalo silang gumaling sa kanilang pagtuturo? Naniniwala akong lahat halos ng mga naging teacher ni Gjiam ay may hindi magandang karanasan sa kanya. Alam kong maligalig ngunit matalinong istudiyante si Gjiam. Yung akala mo hindi nakikinig, yung akala mo wala siyang alam dahil minsan napapadaldal o natutulog sa klase pero kapag tanungin mo, mapapanganga ka sa kanyang mga sagot. Natutulog siya dahil alam na niya ang lesson o nabo-bored siya sa lesson. Ang simangutan o deadmahin ang istudiyanteng bumati ng magandang hapon ang hindi ko kayang intindihin sa mga katulad kong mga guro. Tinuturaan namin ang mga batang bumati at nang bumati sila, hindi papansinin? Nakakawalang gana. Sana isinantabi na lang nila yung inis nila sa kaangasan at kayabangan ni Gjiam noong hawak pa nila ito. Ako na teacher-adviser ni Gjiam ngayong nasa huling taon na siya ng Junior High ang nasasaktan sa ipinaparamdam nila sa aking istudiyante. Batid kong huli na para putulin ang kanyang sungay ngunit alam ko at naniniwala ako na kaya pa. Actually may mga manifestations naman na nagbabago na siya kaya alam na alam kong pwede pa.
Kakausapin ko pa lang sana si Gjiam nang biglang may pumasok. Si Miss Reyes na sinasabing tomboy. Hindi man halata sa kanya ang bulung-bulungang iyon kasi babaeng-babae naman siya kumilos at magsalita ngunit isa ako sa makapagpapatunay na tomboy nga siya.
“Grabe na ang baha sa labas, Faith. Naku, siguradong ang hirap na naman ne’tong makakasakay. Nakakainis kasi na hindi na lang kinansel ang klase. Hayan tuloy, ang hirap hirap nang uuwi,” reklamo ni Miss Reyes pagpasok na pagpasok niya sa Faculty Room.
“Hindi talaga nagpatinag si Mayor ano? Tinapos talaga niya ang klase. Dapat kasi inagahan na lang ng Principal natin ang magpauwi.”
“Kailangan pang makiusap kamo ang Principal na pauwiin na ang mga bata. Alama mo namang mahina ang Principal natin. Lahat ng sasabihin niya nakaangkla lang sa ating Mayor. Wala naman iyon sariling paninindigan kaya mukhang wala siyang magagawa. Dapat ang kailangan nating sisihin ay yung Daddy niyan oh,” inginuso niya si OIivarez na noon ay nakaupo na sa harap ko kahit hindi ko pa sinasabihang umupo, “Si Mayor naman dapat ang nag-declare na suspendehin ang klase sa buong dibisyon. Naghihintay lang naman ang Principal natin eh. Oh ngayon, paano uuwi yung mga bata stranded na? Lalo nang mahihirapan ang mga ‘yan kapag tumaas bigla na naman ang tubig.”
“Doon na magkakaproblema ngayon,” sagot ko.
“Kaya mag-isip-isip ka, Faith. Ikaw na lang ang pag-asa namin. Hindi ka naman nababagay sa pagtuturo. Doon ka sa City Hall para naman mapakinabangan ng lahat ang galing mo sa paglilingkod bayan. Sigurado na ang panalo mo niyan. Tutulungan ka namin. Huwag mo nang pag-isipan pa, nasabi na ng dating mayor na pumayag ka, panindigan mo na.”
“Titignan ko pa nga. Mahirap nang pabigla-bigla sa pagdedesisyon.”
“Naku naman, sayang eh. Mabango ang pamilya mo sa tao. Nanalo ka nga dati bilang pinakabata at pinakamahusay na councilor. Kayang-kaya mong mapatalsik ang daddy niyan na wala namang ginawa kundi ang magpayaman.”
“Naririnig ng bata, Ma’am.”
“Eh ano naman? Hindi ka pa ba uuwi?”
“Mamaya pa,”sagot ko. Alam kong may balak sumabay na naman sa akin. Kahit maganda siya at seksi ay wala talaga ako maramdaman sa kanya dahil pareho kaming babae. May mga pagkakataon kasing alam kong gusto akong diskartehan pero lalaki lang ang gusto ko noon, lalaki pa rin ang gusto ko ngayon.
“Sasabay na sana ako sa’yo eh,” napabuntong-hininga siya.
“Mamaya pa ako. Kalakasan ng ulan eh. Umaasa pa ako na baka titila pa ang ulan. Ang hirap kasing magmaneho kapag zero visibility e. Hindi ko makita ang daan at baka maaksidente o makaaksidente ako. Isa pa, kausapin ko muna ‘to.” Inginuso ko si Gjiam na nakatingin sa bintana.
“Sige na nga. Mauna na lang ako. Paano? Ikaw na lang ang mag-lock dito sa Faculty Room?”
“Oo, ako na lang. Sige na at baka mahirapan kang makasakay.”
“Hay naku, sinabi mo pa. Sige na. Maiwan ko na kayo. Makikisabay sana talaga ako sa’yo e.”
“Mapapalayo ka lang eh. Iikot pa ako kasi yung dadaanan natin na madadaanan ka, mababa. Hindi kayang lusungin ng sasakyan ko kasi paniguradong malalim na ang tubig roon. Mauna ka na lang, Ma’am.”
“Oo nga ‘no. Mahirap kasi kung gabihin pa ako. Aalis na ako ngayon na siguradong may mga jeep pa sa labas at di pa gaano ang pagbaha. Bye, Faith.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango kasabay ng aking pagkaway.
Nang nakalabas na si Miss Reyes ay hinarap ko ang tahimik na si Gjiam.
“Bakit ka pa pumunta rito? Sana umuwi ka na lang.”
“Sabi mo mag-uusap pa tayo.”
“Saka na. Hindi na importante. Sige na. Umuwi ka na.”
“Wala na yung sundo ko, pinauwi ko na.”
“Ano? Baka naman nandiyan pa ang sundo mo. Mamaya may mangyari pa sa’yo ako pa ang masisisi. Saka na lang tayo mag-usap.”
“Umalis na nga. Sasabay na lang ako sa’yo.”
“Gjiam naman eh! Hindi ba nasa sa’yo naman ang contact number ko? Sana sinabi mo na lang sa akin na nandiyan na ang sundo mo at umuwi ka na lang. Alam mo namang bumabagyo na oh? Sige na, tawagan mo na lang uli sila para bumalik.”
“Lowbat na ang cellphone ko.”
“Lowbat o ayaw mo lang tawagan?”
Binunot niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Umangat ang kanyang uniform. Nakita ang maganda niyang tiyan na may manipis na buhok na tumutubo sa puson niya. Napakaputi at napakaganda ang pagkakalubog ng kanyang pusod. Ang kinis ng bahaging iyon ng katawan niya. Napalunok ako.
“Oh, nakikita mo? Patay na ang cellphone ko oh!”
“Okey eh di sige. Sandali ha,” hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko. “Ito na muna ang gamitin mo para matawagan ang sundo mo.” Bago ko iniabot, tinignan ko ang battery ng cellphone ko, isang bar na rin lang pala. Hindi ko pa naman dala ang charger ko sa pagmamadali ko kaninang umaga.
“Huwag na lang kasi. Hindi ba pwedeng sasabay na lang ako sa’yo pag-uwi mo. Pwede rin naman akong mag-commute kung ayaw mo.”
“Ang kulit mo talaga ano? Ang tigas ng ulo mo. Hindi ka nga pwedeng gabihin sa school kasama ko. Baka mamaya bahain ang dadaanan mo. Bahain pa naman din ang inuuwian ko. Ako nasa hustong edad na. Okey lang na ma-stranded ako, e ikaw?”
“Nasa hustong edad na rin namana ko ah. Eighteen na ako.”
“Oo na. Sige na. Alam ko namang di ka talaga patatalo e. Kung sakaling hindi pa mataas ang tubig, maihahatid kita sa tapat ng bahay ninyo pero kung baha na, ikaw na lang ang magpasundo sa kanila sa condo ko, okey?”
Tumango siyang nakangiti. Hayon na naman ang mga malalim na dimples niya. Ang makalaglag panty niyang kapogian.
Binuksan ko ang aking drawer. Hinanap ko yung mga iuuwi kong trabaho. Dapat kumpleto na nang matapos ko ang lahat ng mga gagawin ko sa bahay lalo na pasahan na ng grades sa susunod na linggo.
“Oh, himala. Tahimik ka yata ngayon?” Pamamasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
Tinitigan niya ako. Straight to my eyes. Grabe siya makipagtitigan.
Huminga ako nang malalim.
Kung titignan mo talaga siya, para siyang anghel sa kabaitan. Iba kasi ang kanyang karisma. Aakalain mong napakabait na tupa dahil sa gwapo siya at maamo ng kanyang mukha.
“Ano nga? Bakit antahimik mo bigla?”
Hindi man siya sumagot pero kinabahan akong hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Titig na titig siya. Napalunok ako. Pinagpawisan. Ako na lang ang unang nagbaba ng aking tingin.
“Alam mo ba Gjiam kung bakit kita gustong kausapin?”
“Kung gusto mo akong kausapin, may gusto rin ako sa’yong aminin.”
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Iba ang kuryenteng naramdaman ko sa ginawa niyang iyon sa akin lalo pa’t nakakadarang ang kanyang mga titig sa akin. Hindi ko alam kung paano ko hihilain ang kamay ko. Bibigay na ba ako o lalabanan ko pa rin ang hindi pwedeng nararamdaman ko rin namang pagtatangi sa kanya?