CHAPTER 12 Nang binalak niyang ibuka ang labi ko sa pamamagitan ng kanyang labi at dila ay doon ako bumalik sa aking katinuan. Agad ko siyang naitulak palayo sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung kailangan kong maggalit-galitan ngunit paano kung alam kong alam niya na nagustuhan ko ang halik na iyon. Na kinilig ako ng husto sa sandaling pagkakahinang ng aming mga labi. Hanggang sa bigla na lang din tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Daddy sa akin. Alam kong nakapangako ako sa kanya na maghahapunan ako sa bahay at pag-uusapan namin ang gusto niyang pagtakbo ko sa nalalapit na eleksiyon. Sasagutin ko pa lang sana nang bigla na lang namatay ang cellphone ko. Lowbat na nga. Nawala tuloy sa isip kong kastiguhin si Gjiam sa ginawa niyang biglang pag