CHAPTER 13 “Pa-pasensiya na ho… akala ko kasi ho …” Nakita kong nataranta rin ang gwardiya namin kagaya ng pagkataranta namin ni Gjiam. Namayani ang katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko at ganoon din ang pobreng guard na wala naman intensiyong mag-marites. Kahit pa hindi ko sinabi, kusa nang umatras si Gjiam. Nakita ko rin sa mukha niya ang hiya, takot at pagkabahala. Siguro takot at pagkabahala sa akin. Hiya dahil alam niyang maling-mali siya sa kanyang ginawa. Bumunot ako ng malalim na hininga. Umiling-iling ako habang tinitignan ko siya ng masama. Kung nakakasugat lang ang tingin, paniguradong sugatan na siya ngayon. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Yumuko na lang siya tanda ng pagtanggap ng kanyang pagkakamali. “Ano ho ‘yon, kuya?” tanong ko sa guard para lang mab