CHAPTER 49 Sa mga panahong nasa baba ako at parang wala nang pag-asa pang makabawi, ang tanging kinakapitan ko ay ang sinag ng pag-asa. Pag-asang hindi ako laging nasa ibaba. Pag-asa na hindi natutulog ang hustisya at pag-asa na darating din ang pagkampi ng pagkakataon sa akin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong nakadapa sa marumi at mapanghing bahaging iyon ng comfort room ng kulungan. Nagising na lang ako nang bigla ako nang pinupunasan na ang mukha ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay si Rocky ang una kong nakita. Nakakamulat na ako pero mahapdi pa rin ang aking buong mukha at mga mata. Nagsasalita siya ngunit hindi ko agad naintindihan. Binalutan niya ako ng tuwalya dahil panty lang ang suot ko at nakalabas ang s**o ko na itinago ko lang gamit ang aking mga braso. Hanggang sa