THE LOVE

1466 Words
CHAPTER 8 Hindi ko na mabawi ang namutawi ng labi kong, “You do? Ibig sabihin mahalaga ako sa’yo and you really do care for me?” Huminga ako nang malalim saka walang malisya ko siyang sinagot, “Yes I do.” “Talaga? Hindi ko alam na sa kabila ng pagsusungit mo…” “Don’t get wrong,” agad kong pambawi sa nasabi ko, “I care for as your teacher-adviser, iyon lang ‘yon.” Maagap kong sinabi sa kanya at baka nga iba ang pagkakaintindi niya sa nasabi ko. Inaamin ko, galing sa puso ang sinabi kong iyon ngunit natatakot din naman akong iyon ang magiging mitsa ng pagpaparamdam niya ng hindi pwedeng pagkagusto niya sa akin. Baka hindi kayang kontrolin ang aking nararamdaman at papatulan ko ang aking istudiyante. Mukha siyang nadismaya sa pagbawi ko, “Akala ko, iyon na iyon eh.” “Anong iyon na ‘yon?” “Akala ko for real na. Yung kagaya ng pagke-care ko sa’yo. Nang nararamdaman ko sa’yo. Akala ko mahalaga ako sa’yo kasi mahal mo ako and not as your student.” Hindi ko alam kung kikiligin ako sa sinabi niya ngunit napayuko ako. Parang ako pa na teacher niya ang naasiwa at nahiya. “If you do care for me sana marunong ka ring makinig sa akin at hindi lang sarili mo ang pinakikinggan mo. Hindi lang yung gusto mo. Hindi ka dapat nagiging mayabang arogante.” “You know that I am not. Arogante at mayabang siguro ako sa mga taong hindi nakakakilala sa akin. Sa mga hindi nakakaunawa pero you know who I am. Hindi ako naging mayabang at arogante sa’yo. Madahilan at mahilig makipag-argue but I am not mayabang.” “Okey, sabi mo eh.” “Nabasa mo na ba yung letter na ibinigay ko kanina sa’yo?” pagbabago niya ng usapan. “Would you please be more respectful kapag kinakausap mo ako? Saka mo na ako kausapin ng ganyan kapag hindi na ako student lalo na kapag may narating ka na. Sa ngayon, guro mo pa rin ako at naalibadbaran akong naririnig kang hindi gumagamit ng po at opo, hindi mo ako tinatawag ng ma’am. Pwede ba Gjiam?” “Okey po, Ma’am. Nabasa mo na po ba ang letter ko?” pag-uulit niya sa tanong niya. “Nabasa ko na. Bakit?” “Pwede na po ba natin pag-usapan yung bagay na gusto ko rin sanang ipagtapat sa inyo, Ma’am?” magalang na niyang pagtatanong at hindi ko alam kung paano ko siya babarahin. “Tungkol saan ba ‘yan? May problema ka ba? May gumugulo ba sa isip mo?” “Meron hong matagal nang gumugulo sa isip ko at naapektuhan na po pati ang puso ko at kung tatagal pa ito, pati na rin ho ang buhay ko,” nakatitig siya sa akin. “Ang OA mo naman,” napalunok ako. “Ano ba kasi ‘yan?” “Hindi ho ba, adviser ko kayo?” “Yes. Huwag ka nang paligoy-ligoy.” “Dahil adviser kita, ibig sabihin lahat ay pwede kong ipagtapat at sabihin sa inyo.” “Isa sa mga dapat mong asahan sa akin iyan.” “At kayo rin ang magpapayo po sa akin sa dapat kong gawin, tama ho ba, Ma’am?” “Tama ka. Isa sa mga responsibilidad ko iyon. Bakit ba kasi? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” “Okey. Tanong ko lang, paano mo pala malalaman na gusto o mahal mo ang isang tao?” Kumunot ang noo ko, “Mukhang may kinalaman pa rin ito sa naging usapan natin sa canteen kanina na ah. Personal ang dating pero sige, kung nakakaapekto sa’yo at ginugulo ang isip at puso mo, pag-usapan natin.” “So, paano mo nga malalaman na mahal mo ang isang tao?” pag-uulit niyang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. “Bakit Gjiam? May nararamdaman ka na bang kakaiba sa isang babae?” “Ako di ba Ma’am ang unang nagtanong? Pwede ho bang sagutin mo na muna ako? Saka ko na lang sasagutin ang tanong ninyo pagkatapos ninyong sagutin ang itinanong ko sa inyo.” “Okey. Ang tanong mo ay kung paano mo malalaman na mahal mo na ang isang tao tama?” Tumango siya. “Para sa akin, masasabi kong gusto ko o mahal ko ang isang tao kapag lagi ko siyang gustong makita at makasama. Kung hindi ko naman siya kasama o nakikita, lagi siyang laman ng aking isip. Lagi ko siyang gustong makausap. Siya ang kasama ko sa aking pangarap. Siya ang gusto kong makatuwang sa aking buhay. Sa hirap at ginhawa, kaming dalawa ang dapat magkaagapay. Masaya ako sa tuwing napapaligaya ko siya at gusto kong makita siyang lagi ring masaya kahit ang kapalit no’n ay ang aking kalungkutan at pagkasawi. Gagawin ko ang lahat ng gusto niya at sinusunod ko lahat ng kahilingan niya. Yung kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. ” “Tama pala ako sa hinala ko. Ibig sabihin pagmamahal na nga ito. Lahat ng sinabi ninyo, iyon ang gusto kong mangyari. Iyon ang nararamdaman ko. May ilang bagay pa akong hindi nagagawa sa sinabi ninyo.” “Ano pa sa mga sinabi ko ang hindi mo pa nagagawa?” “Yung tungkol sa sinabi mo, Ma’am na mahal mo ang isang tao kung ginagawa mo ang lahat ng gusto niya at sinusunod mo lahat ng kahilingan niya.” “Tama naman hindi ba? Kaya mong mag-adjust para sa mahal mo. Kung gusto mong maging maayos kayo, kailangan mong ibigay kung ano ang ikasisiya niya at ikapapanatag ng loob niya. Bakit, Gjiam? May mga hiling ba siya na hindi mo ginagawa o sinusunod?” “Meron at pangako, simula bukas, gagawin ko ang hiling niya sa akin para mapasaya ko siya, para sa ikapapanatag ng loob niya.” “Then, that’s good. Kung mahal ka rin ng taong ito, I am sure na gusto lang niyang mapabuti ka. Gusto lang niyang maging maayos ang tingin ng ibang tao sa’yo. Timbangin mong mabuti kung hindi mo naman ikasasama ang mga gusto niya, then do it for her and for yourself.” “Tingin ko naman, Ma’am, lahat ng sinasabi at hinihiling niya ay para naman sa kapakanan ko. Gusto kong makita niyang hindi ako mayabang at arogante. Na marunong rin akong rumespeto at makinig.” Napalunok ako. Mukhang ako nga talaga ang pinatutungkjulan niya. Nakikita ko rin kasi iyon sa lagkit ng tingin niya sa akin. “Isa pa hong tanong.” “Ano iyon?” “Bawal ho ba talaga na makipagrelasyon ang isang istudyante nasa tamang edad na sa kanyang gurong dalaga naman?” “Hindi porke nasa tamang edad na, okey lang na patulan siya ng teacher niya kahit pa sabihing dalaga naman ang teacher.” “Paano iyon? Kailan pwedeng magmahalan?” “Kapag pwede na.” “Hindi ba mga tao rin naman kayong mga teacher? Narinig kong sinabi ninyo iyan sa akin habang nagtatalo tayo tungkol sa pagcha-challenge ko after discussion. Na kayong mga guro ay tao rin lang. Katulad ho ninyo, tao rin ho kaming mga istudiyante. Hindi ko lang maintindihan kung paanong naging bawal magmahalan ang dalawang tao lalo na kung wala naman sa kanila ang kasal pa at nasa tamang edad naman na ang lalaki?” “May umiiral tayong batas tungkol diyan, Gjiam. Hindi lang basta ipinagbabawal ng school o ng mga teacher o ng Principal, Dean o Campus President.” “Anong hong batas ang nilalabag, Ma’am if you don’t mind? Kasi hirap na hirap na akong magtimpi. May higit pa bang dapat sundin kung puso na ang dumikta.” “Ang batas ay batas. Wala itong ini-excuse.” “Kailangan bang magpakahirap sa batas na gawa lang ng tao? Sabihin ninyo kung anong batas iyon, Ma’am dahil gusto kong malaman.” “Teacher-student romantic relationship is not acceptable. Maraming konserbatibong mga tao sa lipunan ang nagtataas ng kilay at hindi kailanman tinatanggap. Sa kabilang banda, mayroon din namang mga nagmamahalan na mga guro at istudiyante ang pilit na inilababan ang kanilang karapatang magmahal. Naghahanap ang mga pusong nagmamahal na ito ng pamamaraan para ito ay mabigyang laya at mabigyang katarungan na nauuwi naman sa mabuting pagsasama. Maaari naman talaga itong ilihim until such time na pwede na. Ilan na ang nakapagpapatunay na pwede pero ako personally, hindi ko kaya. Hindi ko gusto at hindi pwede.” “Kahit ako? Kahit ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa inyo? Kahit gagawin ko ang lahat, sagutin mo lang ay hindi mo pa rin ako mabibigyan ng pagkakataon? Kung may mga nakapagpatunay nang pwede, kung may nauwi sa pagpapakasal, bakit tayo, hindi pwede?” diretsahang tanong niya sa akin na hindi ko napaghandaan man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD