THE MINOR

1528 Words
CHAPTER 9 “Aling ba hong batas ang tinutukoy ninyo? Anong sinasabi ho ng batas na iyon kasi, kung ako ang tatanungin, batas lang ng puso ko ang susundin ko. Wala akong tinatapakang iba, walang sinasaktan, hindi ba gano’n naman dapat?” “Ganoon lang kadali sa’yo kasi hindi naman kayo ang binabantayan ng batas na iyon kundi ako, kaming mga guro ag kawawa kapag lumabag kami. Saka narinig mo ba ang sinabi ko sa’yo kanina? “Alin ho doon?” “Yung sinabi kong kaming mga guro ang tumatayong loco parentis ng mga kagaya ninyong menor de edad pa lamang.” “Sandali lang Ma’am ha. Hindi na ako menor de edad. 18 na ako.” “Hindi ka 18, Gjiam. 17 ka pa lang at sakop ka pa rin ng batas na iyon.” “Ano, mag-e-eighteen na ako next month.” “Still, istudyante pa rin kita at isa ka sa mga mag-aaral na protektado ng ating batas.” “Aling batas?” Huminga ako ng malalim. Pilit kong inaalala kong anong batas uli iyon. “Kung hindi ako nagkakamali nasa tinatawag na Child Abuse Law o Republic Act 7610 at meron din sa Anti- s****l Harrasment Act.” “At talagang memoryado mo kung anong Republic Act ang mga ito ah.” “Kailangan alam ko dahil ipinangako ko sa aking sarili na kahit kailan, hindi ako lalabag sa batas. Mahalang maprotektahan ang pangalan ng pamilya ko. Hindi kami pwedeng lumabag sa batas dahil alam mo kung gaano kataas ang tingin sa aming pamilya mula nang nanungkulan si Daddy bilang alkalde ng lungsod natin. At ikaw bilang anak ng ating Mayor ngayon, magkaroon ka ng takot. Isipin mong dala-dala mo ang pangalan ng Daddy mo. Anumang gagawin mong ikasisira mo ay ikasisira niya lalo. Hindi ko kailanman hahayaan ang sarili kong magkamali” “Magkamali? Magkamali sa ano, Ma’am?” “Magkamali sa batas. Hindi ko gustong pinagpipistahan ang pangalan ko dahil lang sa naging marupok ako. Mahirap madungisan ang pangalan. Hindi ko yata kayang isugal ang pangalan ko sa panandaliang kaligayahan. Alam ko naman ang tama bakit ko pipiliing magkamali?” “Para mo na ring sinabing pagkakamali ang mahalin ako. mag-eigteen na ako. Para sa’yo ba? Bata pa ang 18?” “Tulad ng sinabi ko 17 ka pa lang. Alam ko kung ano talaga ang edad mo Gjiam kasi hawak ko ang records mo. Sabihin na nating 18 ka na nga pero istudiyante pa rin kita. Makinig kang mabuti sa paliwanag ko ha? Ke minor ka o hindi basta istudiyante kita, hindi kita pwedeng patulan. Kaming mga guro ay may direktang impluwensya at may sinasabing moral ascendency na kailangang sundin. Kahit pa kayo ang nagpakita ng motibo, kahit pa kayo ang may gusto nito, hindi pa rin magandang tignan na pumapatol kami sa aming mga mag-aaral. sa inyong mga mag-aaral kahit pa kayo ay boluntaryong pumasok sa love affair sa aming mga guro. Ang ganitong in relationship theory ay hindi kailanman tumatalab sa korte lalo pa at menor de edad ka pa nga.” “Eighteen na nga ako eh. Hindi ba ang menor de edad, 18 pababa? Hindi na ako sakop niyan, ma’am” “Bakit ba ang kulit mo? Sabihin na nating 18 na nga ang edad mo. Ang tanong, hindi na ba isang krimen ang pakikipagrelasyon ko sa’yo? Alalahanin natin na mayroon pa rin tayong Child Protection Policy (DepEd Order 40, s. 2012) na kung saan, kasama sa mga itinuturing na bata ang mga may edad na 18 pataas basta sila ay mag aaral sa paaralan na kinabibilangan kung saan ako nagtuturo at ikaw naman ay istudiyante ko. Tandaan mo Gjiam, marami nang guro sa ating bansa ang nakasuhan ng s****l harassment, qualified seduction, child abuse ilan pa nga ay rape na nagsimula lamang sa tinatawag na pagmamahalan. Hindi lang pagkakulong ang kaparusahan kundi pati na rin ang perpetual disqualification from the public service at mabigat iyon sa akin. Sabihin nating ikaw naman ang lalaki at babae ko pero ang batas ay batas. Matalo man ako o manalo, nakaladkad na ang pangalan ko lalo pa’t alam kong naghihintay lang ang Daddy mo na magkamali ako. Naghahanap siya ngayon ng butas sa akin at hindi. Hindi ako papatol sa’yo. Gjiam. Hindi kailanman mangyayari ang gusto mo.” “Ang sakit mo namang magsalita. Para namang tinanggalan mo na ako ng pag-asa habang buhay na mahalin ka at mahalin mo ako.” “Gusto mo pa ba ng dagdag na batas? Sige dagdagan natin ha? Ayon po sa Code of Ethics for Professional Teachers of the Philippines, art. VIII, section 7, sinasabi doon na “Where mutual attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.” Nakita mong ang sisi ay sa akin pa rin? Ako pa rin ang magdadala ng kahihiyan. Kaya kalimutan mo na ang iniisip mong ‘yan Gjiam.” “Pwede namang patago.” Kumunot ang noo ko. “Patago ka riyan.” “May kakilala kaya ako lalo sa senior high rito.” “Oh tapos? Gagaya tayo, gano’n ba? Sa panahon ngayon na halos magkakaedad na ang teacher at ang mga estudyante, hindi naman talaga maiwasan na may mamagitan na nagkakagustuhan, may mga nagkakaroon ng patagong love affair pero tulad ng sinabi ko, hindi ako gano’n.” “Kung pwede sa kanila. Kung naitatago nila ng taon ang kanilang relasyon hanggang handa na silang ilantad, bakit tayo hindi pwede? May kaibahan ba sila sa atin.” “May pinaninindigan ako at pinaniniwalaan. Iba sila sa akin at sana patunayan mong iba ka rin sa kanila. Magtapos ka na muna sa iyong pag-aaral saka natin pag-usapan ang tungkol rito.” Tumingin siya sa akin. Nakita ko sa mukha niyang nagkaroon ng kakaibang pag-asa. “Talaga? May pag-asa pa rin na maging tayo?” “Tignan natin, Gjiam. Sa ngayon, pag-aaral na muna ang atupagin mo. Hindi natin alam kung anong mangyayari in the future. Nagbabago ang damdamin. Ang gusto mo ngayon, maaring hindi na pagdaan ng panahon lalo na sa’yong bata pa. Malay mo kapag ganap ka nang titulado, may iba nang tinitibok ang puso mo at hindi na ako iyon. Huwag kang magmadali.” “Krimen pa rin ba iyon kapag nakatapos na ako ng aking pag-aaral at babalikan ko ang teacher ko sa high school at maging kami sa takdang panahon?” Parang may bumara sa lalamunan ko. Umubo ako sandali. Hindi ko na alam kung paano baguhin ang topic. Ayaw kong magbigay ng pag-asa sa kanya lalo na sa sarili ko. Hindi ako pwedeng umasa na maging kami pa rin naman sa huli. “Hindi ko alam ang sagot, Gjiam. Ang tanong bakit mo babalikan ang isang bagay na wala ka namang panghahawakan na mababalikan pa? Hindi ba mas mainam yung malaya ka? Malaya tayong dalawa?” “Pero graduate na ako no’n dito. Hindi na kita direktang guro. Sabihin natin nasa college na ako at sa ibang school na nag-aaral, palagay ko naman wala nang batas na magbabawal pa roon unless ayaw mo talaga sa akin?” “Alam mo? Hindi magandang pinag-uusapan natin ‘yan ngayon. Hindi ako komportable at binabalaan kita, ngayon lang natin ito pag-uusapan at sana hindi na maulit pa.” “Babalik ako. Babalikan kita kapag nakatapos na ako rito.” “Bahala ka. Desisyon mo ‘yan pero alam ko marami kang makikilalang iba. At sana huwag doon sa lilipatan mong school ninyo ikaw magkakagusto uli ng isang teacher mo.” “Hindi na ako kailanman magkakagusto pa ng iba. Nahanap ko na ang babaeng gusto ko at pakakasalan ko. Ang babaeng kasama kong bubuo ng pamilya.” “Ang OA mo. 18 ka pa lang asawa na agad ang inisip mo. Pamilya na agad eh hindi ka pa nga sinasagot.” “Paano kung liligawan na kita ngayon pero hindi mo pa ako sasagutin. Ibig sabihin, hindi mo pa ako pinapatulan. Ako pa lang ang nagkakasala at hindi ikaw.” “Baliw ka ba? Hindi nga pwede.” “Pero mahal kita, Faith. Alam kong alam mo iyon!” Nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko agad nahila ang kamay ko sa gulat. Wala sa hinagap ko na gagawin niya iyon. “Mahal mo naman ako hindi ba? Natatakot ka lang sa letseng batas na ‘yan pero please, hayaan mong iparamdam ko sa’yo na mahal kita. Na ikaw ang gusto kong makasama hanggang pagtanda.” Mabilis niya akong hinila. Halos yakapin na niya ako. Magkalapat na ang aming mga katawan nang biglag nagbukas ang pintuan. Hawak ni Gjiam ang palad ko habang ang isang kamay niya ay nakayakap sa akin. Kahit pa hinila ko pa ang kamay ko ay nakita na ni Miss Reyes ang hindi pangkaraniwang tagpong iyon sa pagitan ng isang student at teacher. Kilala si Miss Reyes na chismosa sa aming campus. Kinabahan ako. Ito na ang mitsa ng pagkasira ng inaalagaan kong pangalan ng aming pamilya o may mas mga matitindi pang mangyayari na ikabagsak ng buhay ko dahil sa kakulitan ni Gjiam na pasukin ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD