CHAPTER-4

1213 Words
Nakatulala lang siya sa kwarto na nakalaan sa kaniya. Isang linggo na siyang nakatira rito pero halos maburyo na siya dahil wala siyang ibang magawa. Sa dami ng kasambahay ay hindi siya pinapakilos ng mga ito, kahit gusto niyang tumulong man lang mag walis ay hindi niya magawa. Hindi siya nakakalabas sa malaking bahay kaya nakailang ikot na siya kung saan saan. Ang tanging nagagawa niya lang ay tumutok sa laptop o cellphone na binigay sa kaniya. Lumabas siya ng kwarto dahil nakaramdam siya ng gutom. Alas-tres na ng hapon kaya nagugutom na naman siya. "Ma'am, naghanda po kami ng waffles and fruit shake. Gusto niyo po ba at ipaghahain po namin kayo?" tanong sa kaniya ng isang kasambahay. "Sige po, ako na lang po kukuha." Mabilis naman itong umiling sa kaniya. "Ay nako ma'am, ako na po, maupo na lang po kayo sa sala." Wala na siyang nagawa nang tumalikod na ito sa kaniya at tumungo sa may kusina. Hindi talaga siya rito pinapakilos kahit man lang mag hugas siya ng pinagkainan niya. Napakamot siya sa ulo niya at dumeretso sa may sala at umupo sa sofa. Binuksan niya ang tv at tahimik na nanood hanggang sa ibigay na ang meryenda sa kaniya. Hindi talaga siya sanay na pinagsisilbihan siya, hindi siya sanay na wala siyang ginagawa man lang. Hindi naman siya prinsesa rito, siya na nga ang tinutulungan pero wala man lang siyang maibalik na tulong sa binata. "Uuwi mamaya si sir Draze at dito maghahapunan kasama sila sir Gunner at sir Conrad. I-check niyo kung fresh pa ba ang mga ingredients at kung hindi ay mamili na ngayon pa lang," ani ng mayordoma. Narinig niya ito dahil nasa likuran niya lang ito at dali-daling kinausap ang dalawang kasambahay. Napainom siya ng shake habang may iniisip. Bigla niya kasing naisip na siya kaya ang magluto para sa kakainin nilang hapunan mamaya. Gusto niya kasing bumawi pero hindi niya alam. "O-okay lang po ba ako ang magluto?" biglang tayo niya at lingon sa mga ito. Natulala ang mayordoma at dalawa pang kasambahay. "Hindi p-pwede madam, makakagalitan kami ni sir Draze pag kumilos ka. Ito ang trabaho namin pero ipapasa lang namin sa'yo? Hindi pwede," agad na tanggi ng mayordoma sa kaniya. "Tama ma'am! Hindi ka talaga p-pwedeng tumulong sa amin kahit anong pakiusap mo, asawa ka po ni sir Draze at amo rin po namin kayo," ani pa ng isa. Asawa... "A-asawa niya nga ako kaya gusto ko siyang ipagluto! S-sige na? please?" pakiusap niya pa sa mga ito at pingdikit ang dalawang kamay niya. Nag tinginan ang tatlo na para bang nag-uusap usap gamit ang mata. "Marunong ka ba mag luto?" Natigilan siya sa tanong ng mayordoma sa kaniya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya pa nasusubukan magluto ng pagkain dahil noong nasa ampunan sila ay hindi sila inuutusan magluto dahil kailangan kainin nila ang kung ano man ang ihain sa kanila. Magaling lang siya sa paglilinis, paglalaba at pag-aayos ng gamit pero sa pagluluto ay hindi niya pa nasusubukan. "Sige pwede kang magluto pero dahil hindi ka marunong ay kailangan i-assist ka ni Gabo at Dynna," sambit nito sa kaniya. Si Gabo at Dynna ang chef sa bahay na 'to kaya laging masarap ang pagkain na kinakain niya. Lumawak ang ngiti niya lalo at napahawak sa kamay ng mayordoma. "Maraming salamat po talaga manang..." "Tawagin mo na lang akong manang Corazon o manang Cora." Mabilis siyang tumango-tango rito. Inubos niya kaagad ang meryenda niya at pagkatapos ay sumunod na sa kusina. Ang dalawang babae kanina na kasama ni manang Cora ay nakilala niya na, si Jaslene at Imelda. "May gusto bang pagkain si Draze? Hindi ko kasi alam ang paborito niya," tanong niya sa mga ito. Napaisip naman ang dalawa. "Hindi kasi madalas kumain si sir Draze sa bahay. Pero kung minsan ay nagpapaluto siya sa amin ng Kare-Kare." Napabaling ang tingin niya kay Dynna. "Kung gusto mo ma'am ay 'yon na lang ang lutuin mo at may ingredients naman tayo rito. Tuturuan ka namin ni Gabo," dagdag pa ni Dynna. Mabilis siyang sumangayon dito. Una ay tinuruan siya nito na maghiwa ng sibuyas. Nanginginig pa nga ang kamay niya dahil hindi siya sanay maghiwa. "Hala ma'am! Nahiwa ka!" puna ni Gabo sa kaniya. "Okay lang, hindi naman dumugo ng sobra," nakangiting sambit niya at tiningnan ang dalawa para ipakita na okay lang siya. Mahapdi lang naman pero kaya naman niya. "Eh bakit po kayo umiiyak?" natatawang ani ni Dynna. "Ang sakit ng mata ko!" bulalas niya at hinawakan pa ang mata niya pero nakalimutan niyang 'yong kamay na pinangpunas niya sa mata niya ay pinanghawak niya ng sibuyas. Mas lalong natawa ang dalawa sa kaniya. "Ang cute mo ma'am!" maarteng sambit ni Gabo sa kaniya. "Kung lalaki lang ang puso ko niligawan na kita pero mas type ko si sir Draze." "Gaga ka!" saway rito ni Dynna. Natawa naman siya dahil sa sinabi nito pero ang mata niya ay patuloy pa rin sa pagluha. Naghilamos siya sa lababo at inabutan naman siya ng tissue ni Dynna. Nagpatuloy ang pagluluto nila habang namamaga ang mata niya at nagkanda-sugat sugat ang kamay niya dahil sa paghihiwa. Gusto na sana siyang tulungan ng dalawa pero hindi niya ito pinatulong dahil gusto niya mismo siya ang gumagawa. Mabuti na lang ay may pressure cooker dahil mabilis doon napalambot ang beef. Ginawa niya lahat ng mga sinasabi ng dalawa at nakahinga siya ng maluwag nang matapos siya ng ala-sais ng gabi. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya dahil nakapagluto siya. "Nandiyan na sila sir!" salubong sa kanila ni Imelda. Agad niyang inayos ang paghain sa table at pinunasan ang kamay niya. Dali-dali siyang lumabas ng kusina para batiin ang binata pero napatigil siya nang makitang may dugo ang puting damit nito. Nilagpasan lang siya nito kaya napasunod ang tingin niya hanggang sa makaakyat ito sa taas. "She's Draze wife?" Napatingin siya sa katabi ni Gunner. Singkit ito at medyo mas maputi kaysa kay Draze at Gunner. Tumango naman si Gunner dito at nagulat na lang siya nang bigla nitong tinaas ang kamay. "I'm Conrad, the best hacker in the world. Do you want to test me? I can dig your past in a minute —" "Cut the crap, brute." Hinampas ni Gunner ang dibdib nito pero tumawa lang si Conrad sa ginawa ng kaibigan. "Anong nangyari kay Draze? Bakit siya may dugo sa damit?" tanong niya kay Gunner. "Don't worry it's not his blood. Don't bother to call him, he's not going to eat anyway," singit ni Conrad. Muli niyang naibalik ang tingin sa may hagdan kung saan ito dumaan. "I'm f*****g hungry. Let's eat, I smell something delicious," Conrad added and go straight to the kitchen. "Don't ask anything... Magbulagbulagan ka na lang sa nakikita mo. It's normal to us if we have a blood on our clothes, especially in our hands. Just stay still and worry nothing." Tinapik siya ni Gunner bago sundan si Conrad na nauna na sa hapagkainan. Napabuntong hininga na lang siya dahil nag-aalala na naman siya sa binata. Sumabay na siya sa pagkain sa dalawa, natuwa siya kahit papaano dahil nagustuhan ng dalawa ang niluto niya pero hindi niya pa rin maiwasan malungkot dahil hindi makakakain si Draze. Ito pa naman ang pinagluto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD