Doon nga siya natulog sa hospital room nito pero sa malaking sofa siya humiga. Hindi pa nga maayos ang tulog niya dahil sa nararamdaman niyang takot at kaba. Gusto niya lang naman kasi makita ang binata at malaman ang kalagayan nito pero hindi niya naman aakalain na nandito ang lalaking 'yon.
Kinaumagahan ay dumating muli si Gunner, 'yong kaibigan ni Draze. Natatandaan niya na ito, ito 'yong lalaking nakasumbrero noong auction night sa black market, iyong sumundo at hinatid siya hanggang sa labas at makasakay ng kotse ni Draze.
Hindi niya pa alam kung anong klaseng tao ang mga ito bukod sa alam niyang mayaman si Draze at businessman.
Dumating ang doctor at chineck ang binata at mayamaya ay pwede na itong lumabas. Hindi pa siya makapagtanong at makapagsalita dahil alam niyang may nakikinig na iba. Hindi raw iyon pwedeng tanggalin sabi ni Gunner dahil malalaman na ng nakikinig sa
kanila na may alam na sila.
Nang makasakay sa kotse na dala ni Gunner ay roon lang siya nakahinga ng maluwag.
"T-talaga bang okay ka na? 'di ba dapat manatili ka muna sa hospital dahil kakagising mo lang?" hindi niya mapigilang hindi mag-alala sa binata. Mukha naman itong malakas pero nabangga pa rin ito at galing sa disgrasiya.
"I already woke up 3 days ago so I'm fine," matipid na tugon nito sa kaniya.
"Paano mo nakilala ang lalaking 'yon?" tanong sa kaniya ni Gunner habang nakatutok pa rin sa daan. Napayuko naman siya at
pinagsiklop ang kamay niya. Wala naman na siyang itatago dahil narinig pala ni Draze ang sinabi niya dahil gising naman talaga ito.
"Nasa rooftop ako kasi tapos na ang duty ko... Nakasanayan ko kasing tumingin lagi sa paligid at daan mula sa rooftop. Doon ko nakita kung paanong mabilis ang pagmamaneho ng sinasakyan niya at no'ng malaking truck."
"What exactly you saw? I know its a bit possible to saw the road and the cars clearly if you have a 20/20 vission, but for you to see that man is very impossible," tugon ni Gunner sa seryosong boses. Napabuntong hininga naman siya at pasimpleng tiningnan ang
katabi niya, si Draze. Mukhang nakikinig lang ito sa pag-uusisa sa kaniya ni Gunner.
"M-mayroon akong kondisyon sa mata, malinaw sa paningin ko ang mga detalye kahit malalayo. Nakikita ko ang mga detalye na hindi napapansin ng tao kahit 20/20 pa ang vision nila. Nalaman ko lang no'ng 12 years old ako dahil may bumisitang mga doctor sa a-ampunan," mahinang sambit niya.
"I don't care about your eye condition, can you just explain what you saw and how come you suspect that f*****g man?" iritableng tanong ng katabi niya.
Napagdikit niya ang labi niya dahil sa kaba. Malaki ang utang na loob niya rito kaya hindi siya p-pwedeng magreklamo. Isa pa siya din naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya nadamay sa gulo nito at ngayon ay nasa panganib na rin ang buhay niya.
"Nakita ko kasi siyang nakatanaw nang mabangga ng truck ang sasakyan mo. Nakita ko rin kung paano siya ngumiti nang mas banggain pa ng truck ang sasakyan kaya sigurado akong hindi aksidente 'yon dahil mukhang sinadiya talaga ng driver ng truck."
"Of course, and now he's dead too," mariin na tugon nito.
"Iyong lalaki... may nakakabit na camera sa suot niyang salamin," sambit niya agad nang maalala iyon.
"They will know now your face," ani ni Gunner kaya napatingin siya rito. "You'll be really in danger once you go out without him by your side," dagdag pa nito at mabilis na tumingin sa kaniya gamit ang salamin sa harap.
"S-sino ba kayo? Sila? Bakit gusto ka nilang patayin?" lakas loob na tanong niya sa katabi niyang seryoso ang mukha na parang malalim ang iniisip. Napalunok siya nang lumingon ito sa kaniya at titigan siya.
"I bought you for 100 million so you can get out to the underground world, but you're the one who bring yourself back to hell. Do you know that you can't get out now? You're involved to me now!"
Parang may bumara sa lalamunan niya nang sermunan siya nito. Tama naman ito, niligtas siya nito at ginastusan ng malaki pero ito siya ngayon, pinasok niya naman ang sarili pabalik sa mundong tinatakbuhan niya.
Natahimik na lang siya buong byahe hanggang sa makarating sila sa isang malaking bahay. Maraming guards ang nakapalibot sa bahay at may mga maids na sumalubong sa kanila. Halos malula siya sa laki ng bahay.
"I'm going to rest, talk to her," ani ni Draze kay Gunner.
Nasundan niya na lang ng tingin ang binata na papalayo sa kanila. Umakyat ito ng hagdan hanggang sa hindi niya na ito natanaw.
"First, let's eat breakfast," baling sa kaniya ni Gunner at ngumiti ng tipid sa kaniya. Gunner has a deep brown eyes compared to Draze that has deep gray eyes. Guwapo rin ito at matangkad katulad ni Draze at nakakatakot tingnan pero ibang-iba pa rin ang aura ng binata kumpara rito, para bang ang tingin nito ay nakamamatay na kaagad.
Kung hindi niya lang alam na may mabuting puso ito dahil sa ginawa sa kaniya ay paniguradong umiiyak na siya sa takot kagabi pa.
Ilang beses siyang napalunok sa mga pagkain na nakahain sa malaki at mahabang lamesa. Umahon ang gutom na nararamdaman niya. Magtatanghali na rin kasi kaya gutom na talaga siya.
"Hindi ba kakain si... si Mr.Moretti?" Natawa naman ito sa tanong niya.
"Don't call him Mr.Moretti, that's too formal as his wife," sagot nito na ikinainit ng pisngi niya. Bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya at ilang nang tawagin siya nitong asawa ni Draze.
"Call him by his name. Masanay ka na rin sa laging iritable at seryosong mukha niya. He doesn't know how to smile. Tiyaka 'wag mong alalahanin 'yon, kakain naman 'yon pag gusto niya," he shrugged.
Napakamot naman siya sa batok at tumango na lang.
"Don't worry after our brunch, we will talk. I'll explain all to you so you can know us, especially Draze," he added.
Gaya nga ng sinabi nito pagkatapos nilang kumain ay pinaliwanag nito kung anong nangyayari.
"Nakita mo naman na ang black market at auction... so, you have idea on what is underground world?" tanong nito sa kaniya.
"H-hindi ako sigurado, ang alam ko lang puro masasama ang mga ginagawa ng mga tao roon," mahinang sambit niya. Kung underground world ang tawag doon ay 'yon ang kinakatakutan niya na lugar pati ang mga tao ay kinasusuklaman niya... depende na lang sa dalawang lalaking ito, lalo na kay Draze na nagligtas ng buhay niya.
"Okay. Hindi ko na pahahabain pa, Draze is a mafia boss in underground world. As you can see that night, everyone can't against at him. Na-late lang kami ng dating pero halos lahat ng binebenta na babae ay si Draze ang bumibili at pinapalaya namin, katulad ng ginawa namin sa'yo. That's the goal of our group. We save those innocent from those bullshits and perverts," simpleng paliwanag nito.
"I'm not saying that we are clean because we already have a lot of bloods in our hands. I'm just saying that you can trust us, especially him. We are not killing innocent people here, so don't be scared," he added.
Tumango naman siya dahil ramdam naman niya na hindi siya papatayin ng mga ito o pahihirapan dahil ito nga ang nagligtas sa kaniya sa kamay ng mga manyakis na nagbi-bid sa kaniya noong gabing 'yon.
"Mafia boss siya? Ibig sabihin ba no'n siya ang namumuno sa underground world na tinutukoy mo?" pagtatanong niya dahil gusto niyang ma-klaro ang lahat.
"Hindi siya ang namumuno sa lahat, sa grupo lang namin at ang grupo ni Draze ang pinakamalakas. We still have a lot of works so we can kick the ass of all the shits in underground world. If you notice, Draze is not hiding his real name to anyone. Pero kahit gano'n ay kaunti lang ang tunay na nakakaalam na mafia boss ito. They are scared but some of them are not." Sumeryoso ang mukha nito at pinatunog ang kamay.
"Kilala niyo na ba kung sino ang nasa likod kung bakit naaksidente si D-draze?" nautal pa siya dahil sa pagbanggit ng pangalan nito.
"We have idea but still we know that they are just a puppets. Their boss is hiding and we don't have any idea who the f**k is he."
"Paano na ako? Malalaman na nila na ako ang asawa ni Draze 'di ba? May camera 'yong lalaki... kung may boss iyon, paniguradong napanood na ako noong nasa hospital ako," natatakot na sambit niya rito.
Napabuntong hininga ito sa kaniya at tiningnan siya ng husto.
"You don't have any choices but to pretend as his real wife and move to his house."
"Huh?!"
"The enemies' eyes are on you now. Believe me, it will spread like a fire. Kung hindi ka pinakilalang asawa ni Draze ay paniguradong patay ka na kagabi pa."
Nanlamig ang kamay niya, mas lalo tuloy siyang natatakot dahil sa kalagayan niya.
"Ito lang ang magagawa natin para makasiguro sa kaligtasan mo, pero nasa sa'yo pa rin ang desisyon. Kung susunod ka sa amin ay maliligtas ang buhay mo pero kung hindi, it's fine, as long as you're ready to die-"
"Susunod ako! A-ayaw kong mamatay," ani niya at iniwas ang tingin dito.
"Good. Give me your address and I'll send some women who will get your things in your house. You'll not allow to go outside from now on."
Napabuntong hininga na lang siya at sinunod ang sinabi nito.