Nakatulala lang siya habang nakahiga sa malambot na kama. Hindi siya makatulog dahil sa hindi malaman na dahilan. Marahil na rin siguro ay kanina niya pa iniisip si Draze.
Simula nang lumipat kasi siya sa bahay nito ay madalang niya lang ito makita at hindi naman siya nito kinakausap.
Hindi na sa kaniya pinapaalam kung ano na ang mga nangyayari dahil sabi sa kaniya ni Gunner ay 'wag na niyang isipin ang problema dahil baka mas lalo lang siya makaramdam ng takot sa paligid.
Napabuga siya ng hangin bago naisipang bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba siya para kumuha na rin ng tubig. Hindi pa kasi talaga siya dinadalaw ng antok, napagod na rin siya kakatitig sa cellphone at kakanood.
Halos humiwalay ang kaluluwa niya dahil sa gulat nang makitang naroon pala sa kusina si Draze. Kumakain ito ng vegetable salad habang nakatutok ang mata sa Ipad.
Napatingin naman ito sa kaniya marahil ay naramdaman ang presensiya niya.
"Nandito ka pala," mahinang sambit niya. Hindi niya alam ang sasabihin dito at parang nahihiya siya kausapin ito. Dumapo ang mata niya sa kinakain nito at sa gitna ng table, naroon kasi ang tinira niyang ulam kay Draze, tinakpan niya pa iyon.
"May ulam na niluto kanina... ito oh," sambit niya para mabasag ang katahimikan. Tinanggal niya ang takip at kinuha ang bowl para
ilapit sa binata. "Pwede kong initin para makain mo," dagdag niya pa at ngumiti rito.
"No need." Nawala ang ngiti niya sa labi dahil parang napahiya siya rito. Hindi na lang siya nagsalita at balak niya na sanang kunin ang pang takip ng mga pagkain para itabi pero nang makuha niya iyon ay hindi niya napansin na masasagi niya pala ang baso na may lamang tubig.
"Shit."
"Sorry!" pagre-react niya kaagad at binitawan ang hawak niya. Mabilis siyang kumuha ng tissue sa may lamesa at pinunasan ang kaunting tubig na natapon. Mabuti na lang ay kaunti na lang ang laman ng baso kun'di nabuhos na iyon hanggang sa sahig.
Agad niyang pinunasan ang isang kamay ni Draze na nabasa. Sobrang nataranta siya dahil sa katangahan niya. Napatingin siya rito nang hindi ito umimik. Nakatitig ito sa may kamay niya kaya agad niya iyon tinanggal sa pagkakahawak sa kamay nito.
"P-pasensiya na... hindi ko napansin 'yong baso," halos pabulong niyang sambit. Buti ay hindi nabasa ang Ipad nitong nakapatong sa lamesa. Wala na nga siyang pambayad sa lahat ng binigay nito sa kaniya tapos makakasira pa siya. Wala pa naman siyang trabaho dahil kailangan niya mag-resign sa rooftop restaurant para manatili lang sa bahay nito.
"What happened to your hands?"
"Huh?" kunot noong tanong niya at binalingan ulit ito ng tingin. Napalunok siya nang tingnan lang siya nito na parang hinihintay ang sagot niya.
"A-ah... ito... wala lang 'to."
"Do you think I'll believe that?" he scoffed. Napanguso naman siya dahil sa kasungitan nito.
"Gusto ko kayo ipagluto lalo na ikaw dahil wala naman akong ginagawa rito at para lang akong palamuning baboy. Gusto kong makabawi sa lahat ng ginawa mong tulong sa akin kaya nagpresinta ako magluto," pagsasabi niya ng totoo rito.
"And because you don't know how to cook, that's what happened," he stated. Napayuko siya at pinaglaruan ang mga daliri dahil wala siyang masabi. Tama naman ito, nagpumilit siya magluto kahit hindi naman siya marunong, lalo na sa paghihiwa.
Hindi na siya umimik pa at nilagpasan ito para kumuha ng tubig. Tahimik siyang uminom ng tubig at mabilis ding hinugasan ang baso na ginamit niya. Pagkatapos ay aalis na sana siya roon nang magsalita ito.
"Where are you going?" Binalingan niya ito at sumenyas na sa itaas na siya pupunta at babalik.
"Sa kwarto?" patanong pa ang pagkakasabi niya dahil nagtataka siya sa tanong nito. Inalis nito ang tingin sa kaniya at muling tinutok sa Ipad. Akala niya ay hindi na ito magsasalita pero akala niya lang 'yon.
"Reheat the food. I'm still hungry and I don't want to waste it." Natigilan siya pero kumilos rin naman siya kaagad. Kinuha niya ang bowl at ininit iyon sa microwave. Nang makatalikod na siya rito ay doon na sumilay ang ngiti sa labi niya.
Hindi niya mapigilan ang pagngiti, masaya siya na makakain nito ang pagkain na niluto niya. Habang iniinit niya iyon ay nakita niyang tumayo ito at may kinuha sa isang cabinet. Napansin niyang binuksan nito ang first aid kit box.
"While we're waiting for the food, let me treat your wounds." Umawang ang labi niya dahil sa gulat. Umupo ito pabalik sa kinauupuan nito at sinenyasan siya na umupo sa kabilang upuan.
"Hindi naman kailangan, hiwa lang naman ito," ani niya at tumawa pa habang hinihimas ang kamay niya gamit ang isa at paunti-unting lumakad palapit dito.
"You have a lot of cuts on your finger, you should treat it so it won't leave scar." Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hatakin siya para paupuin sa kabilang upuan.
Pinanood niya lang ito kung paano lagyan ng ointment ang mga sugat niya.
"Manang Cora said that you are borrowing some books at my library." Agad niyang nabawi ang kamay niya at pinagsiklop iyon.
"Bawal ba? A-akala ko kasi pwede... nalaman ko kasi na marami ka palang libro —"
"I didn't say that you're not allowed to borrow or to use it. I'm just asking." Kinuha nito muli ang kamay niya at pinagpatuloy ang ginagawang paglalagay ng ointment sa mga daliri niya.
Nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay may nagawa na naman siyang mali.
"Starting next week you'll attend school." Lumuwa ang mata niya dahil sa narinig. School? Ibig sabihin ay makakalabas na siya ng bahay at makakapag-aral pa siya.
"T-talaga? Pag-aaralin mo ako? Pwede na akong lumabas ng mansyon mo?" sunod-sunod na tanong niya. Binitawan nito ang kamay niya dahil tapos na siyang gamutin nito kasabay no'n ang pag tunog ng microwave, hudyat na tapos na ang pag-init.
Tumayo siya para kuhain ang pagkain at nilagay iyon sa tapat ni Draze.
"You'll attend university. Because you don't have a record in attending school, you need to study for a year and pass exams to be qualified. After that you will have a certificate and you are allowed to start college."
Napatitig na lang siya sa binata dahil sa sobrang saya. Makakapag-aral na siya sa mismong paaralan. Nababasa at nakikita niya lang iyon sa social media pero ngayon ay makakatungtong na talaga siya.
Pero paano niya maibabalik ang tulong na ginagawa nito sa kaniya.
"Wala akong trabaho... paano pala kita mababayaran?" deretsong tanong niya rito.
"I know you're going to ask that but you don't need to pay me, just stay beside me and pretend to be my wife," seryosong sambit nito
sa kaniya habang nakatingin sa kaniya. Napahawak siya sa laylayan ng damit niya dahil biglang kumalabog ng mabilis ang puso niya
na para bang may nagkakarera roon.
"O-okay," wala sa sariling sambit niya at agad na tinalikuran ito. "Akyat na ako... salamat at sana magustuhan mo ang niluto ko."
Mabilis ang lakad niya hanggang makaakyat at makapasok siya sa kwarto niya.
Nang maisara niya ang pintuan ay inuntog niya ang noo niya sa pinto dahil na-realize niya na ang awkward ng tono niya sa mga salitang binitawan niya.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagkagano'n at nakaramdam ng hiya sa harapan nito. Basta gusto niya na lang magtago kung saan dahil sa kung anong nararamdaman niya.
Aaaaaaaaaaaaaah! Anong kagagahan ang pinapakita mo AC?!
Nakayuko siyang naglakad patungo sa kama niya at binagsak ang sarili roon sa kama.