CHAPTER-2

1392 Words
Hindi niya alam kung paano siya nakapasok at nakaakyat sa palapag ng hospital, basta't deretso lang ang pasok niya na parang isa siya sa tagabantay sa mga isa sa pasyente ngayong gabi. Hindi siya p-pwedeng magtanong kung nasaan ang kwarto ni Mr. Moretti dahil panigurado ay papalabasin siya. Kung ang media nga ay hindi makapasok ay siya pa kaya na isang simpleng tao lang. Agad siyang napapasok sa cr ng girls nang makakita ng naglalakad na mga doctor. Ayaw niya salubungin ang mga ito dahil baka matanong pa siya. Madaling araw na pero naglalakad pa siya rito sa hallway at pag natanong pa siya ay wala siyang masasagot. Pumasok siya sa isang cubicle dahil naiihi na rin siya sa kaba. Napalunok pa siya ng sunod-sunod nang makarinig ng tatlong babaeng nag-uusap. "Kumusta si Mr. Moretti? Hindi pa rin ba gising? Ikaw ang naka-assign na nurse sa kaniya 'di ba?" "Oo, medyo nakakakaba nga dahil ang daming bantay sa labas ng VIP 403. Parang kada pasok ko kailangna ko ipakita ang I.d ko na nurse talaga ako roon." "Gusto ko rin siya makita, hindi ko pa talaga siya nakikita ng malapitan. Sobrang gwapo ba talaga?" "Hay nako! Totoo ang chismis! Hindi lang basta gwapo, sobra sobra pa! 'yong muscles, grabe!" "Pupunta ako sa 4th floor sa next rounds ko para masilip man lang." "Kung masisilip mo! Maraming bantay nga 'di ba?" Pinagsiklop niya ang kamay niya at hinintay lang makaalis ang tatlong nurse sa loob ng comfort room bago siya tuluyang lumabas sa cubicle. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan ang pagbukas niya ng cr, nakahinga siya ng maluwag nang walang tao sa hallway. Mabilis siyang naglakad at tumungo sa elevator at nang makasakay ay pinindot niya ang 4th floor gaya ng narinig niya sa mga nurse kanina. AC, siguraduhin mong hindi ka mahuhuli sa ginagawa mo! Napapikit siya ng mariin nang bumukas muli ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na siya. Dumeretso siya at napahinto nang makitang may paliko pa roon. Dahan-dahan siyang sumilip at doon niya nakita ang tatlong bantay sa labas ng kwarto. Sigurado na siya na roon ang kwarto ni Mr. Moretti. Hindi niya alam kung paano makakapasok sa loob ng kwarto, kahit anong isipin niya ay wala siyang kakayahan basta basta makapasok doon. "Pre, aalis lang ako saglit, may pinapakuya si sir Gunner." "Sige. Sabay na ako sa'yo saglit para makapagbanyo. Ikaw muna bahala rito." Sumilip siya muli at nakita niyang kinakausap ng dalawa ang isang lalaki. Dali-dali siyang umalis doon at nagtago sa kabilang pasilyo. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya dahil isang pagkakamaling galaw niya lang ay baka mahuli siya. Nakita niyang nakaalis na ang dalawa at mayamaya ay halos atakihin siya sa puso nang makarinig ng tunog ng cellphone. Akala niya sakaniya iyon kaya medyo nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kaisa-isang bantay na umalis din doon. Pumunta ito sa kabilang dulo kaya habang busy ito sa kausap ay marahan na siyang tumakbo at lumiko para makapunta sa kwarto ng lalaki. Deretso siyang pumasok at aga na sinarado iyon. Halos manlumo siya nang makitang may mga nakakabit dito at may gasa pa ang ulo. Bagsak ang balikat niya dahil naawa siya sa kalagayan ng lalaki. Malaki ang utang na loob niya rito kaya labis talaga siyang nalulungkot at nag-aalala. Kagat kagat niya ang labi habang unti-unti siyang lumalapit dito. "Sana magising ka na..." Hindi niya alam kung bakit niya kinakausap ang walang malay na lalaki, parang kahit hindi siya nito naririnig ay gusto niya lang sabihin ang alam niya para kahit papaano ay hindi na siya makunsensiya. "Gusto ko man sabihin sa pulis ang nakita ko pero sigurado akong tatanungin nila kung nasaan ako banda at paano ko nakita ang nakita ko. M-mahirap ipaliwanag, basta kahit nasa rooftop ako no'n ay malinaw kong nakita ang nangyari at 'yong lalaking umalis habang nakatingin sa kotseng sinasakyan mo. Hindi ko rin alam kung bakit kita kinakausap pero nakokonsensiya talaga ako. Niligtas mo ang buhay ko noong gabing iyon at malaki ang utang na loob ko sa'yo." Binigyan mo ako ng pag-asa mabuhay ng normal at sa paraan na gusto ko... Napabuntong hininga siya at saglit pang tinitigan ang lalaki. Para bang may pumiga ng puso niya dahil sa kalagayan nito. Wala na siyang balak magtagal pa roon at aalis na sana nang marinig niya ang mga lalaki sa labas. Bago pa siya maka-react ay may bumukas na ng pinto at halos matapilok siya sa pag-atras nang makita ang pamilyar na lalaki. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki at tinutok na sa kaniya ang baril na hawak. Halos mawalan siya ng dugo sa mukha dahil ramdam niya ang pamumutla niya dahil sa kaba. Ang apat na lalaki ay nakatutok na sa kaniya ng baril. Hindi lang iyon ang kinatakot niya ng lubos, ang isang lalaki na hindi niya nakita kanina sa pagbabantay ay ang lalaking nakita niya noong aksidente. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na may hawak ng baril, kita niya ang malaking peklat doon na hindi niya makalimutan. Wala sa sariling napahawak siya sa kamay ng lalaking nakahiga. Nanginginig na ang buong katawan niya at parang gusto niya maiyak. "What happened here?" Naibaling niya ang tingin sa lalaking pumasok. Matangkad ito at nakakatakot ding tingnan pero pakiramdam niya ay nakita niya na ito. "Sir Gunner may nakapasok po. Ano pong gagawin namin —" "If you keep pointing your gun at my wife, you'll end up in hell in an instant." Muntikan na siyang mapatalon sa gulat nang mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Agad niya itong nilingon at nagtama ang paningin nilang dalawa nang dahan-dahan itong umupo habang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Nilihis nito ang tingin sa kaniiya at tiningnan ang isang lalaking matangkad, 'yong tinawag na sir Gunner ng mga bantay. "Put your guns down. She's Draze, wife," mariin na utos ng lalaki sa mga ito. "Get out! I don't want to hear a commotion inside my room," sambit ni Draze sa mababang boses. Sinunod naman agad ng mga bantay ang utos ng dalawa. Pero hindi niya maalis ang tingin sa lalaking may peklat sa kamay. Nakasuot ito ng salamin at malinaw sa paningin niya ang maliit na camerang nakakabit doon. Agad niyang nabitawan ang pagkakahawak sa kamay ng binata at napaupo na lang sa sahig pilit pinapasok sa utak niya ang mga nangyari. "Lock the door. My wife is here, I didn't know that I will woke up when she finally visited me." Naiangat niya ang ulo at kunot noong tiningnan ang lalaking nagngangalang Draze Moretti. Naibaling niya rin ang tingin sa isang lalaki nang ma-lock na nito ang pintuan. Naitutok niya ang paningin sa ipad na tinapat ni Gunner kay Draze. 'He's here.' 'The guy with an eyeglasses.' 'He dropped the device, we can't talk freely now.' "How's the vacation to your friends house? I'm sorry I was busy and this accident happened," sambit ng binata habang nakatutok pa rin ang mata sa ipad. Gusto niyang magtanong kung ano ba ang nangyayari at bakit siya ang naging asawa nito. Pero hindi niya magagawa iyon dahil nabasa niya na ang mensahe na pinapabasa ng lalaki kay Draze. Inagaw ng binata ang ipad at nag type roon tiyaka itinapat sa kaniya kaya napatayo na siya. 'Talk. Answer what I said or else I'll kill you right here right now.' Halos lumuwa ang mata niya dahil sa nabasa. "O-okay naman! Masaya kami... pero huli ko ng nalaman na naaksidente ka pala, pasensiya na," nauutal niyang sambit. Sobrang awkward ng pagkakasabi niya dahil paano ba naman, ang dalawang lalaki ay seryoso lang na nakatingin sa kaniya, wala man lang ka-expression ang mukha. "It's fine. I also ordered that you shouldn't know what happened to me. This is a simple accident." Hindi siya nakasagot dahil hindi niya na alam ang sasabihin niya. Bumaling siya ulit sa ipad nang mag-type ito pero dahil hindi na siya nakatiis ay kinalabit niya ito para mapatingin sa kaniya. Sumenyas siya kung pwede na ba siya umalis dahil hindi na siya komportable sa paligid niya. Pinagpatuloy nito ang pag-type at mayamaya ay pinakita sa kaniya. 'You can't leave now. You need to explain what you said earlier, and honestly, if you go home right now, you'll found dead later.' Namutla ang buong mukha niya sa nabasa niya at tuluyan ng hindi nakapagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD