"AC! I-serve mo ito sa table 10 at ito sa table 4," utos sa kaniya ni Maricar. Kinuha niya ang serving cart at nilagay doon ang mga pagkain. Mabilis naman ang kilos niya na nilapitan ang dalawang table para i-serve ang mga pagkain.
Nang matapos ay binalik niya ang serving cart at kumilos naman para tumulong sa paglalagay ng drinks dahil marami-rami na ang customer. Gabi na rin kasi at mas marami ang customer sa kanila paggabi dahil maganda ang mga ilaw sa rooftop restaurant na pinagta-trabahuan niya.
Weeks already passed and she lived a normal life. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya. Masaya siya sa bawat araw na pumapasok siya sa trabaho at numumuhay ng normal kagaya ng ibang tao. Hindi na siya nakakulong sa bahay ampunan at ngayon ay nakakalibot na siya kung saan.
Laking pasasalamat niya sa diyos dahil nakakuha siya ng maayos at magandang trabaho. Pinagpataloy niya lang ang ginagawa niya hanggang sa out niya na. 12am ang out niya sa trabaho, mabuti na lang ay marami siyang nasasakyan na mga jeep kahit gabi na.
Nagpalit siya ng damit pagkatapos niyang makuha ang gamit sa locker. Nagpaalam na rin siya sa mga katrabaho niya at sa manager na uuwi na siya. Bago siya tuluyang bumaba ay pumunta muna siya banda sa railings at pinicture-an ang mga building nap uno ng ilaw.
Natutuwa kasi siya makita ang magagandang tanawin. Hindi naman sobrang taas ng building kung saan ang rooftop restaurant na pinagtatrabahuan niya. Tatlong palapag lang bago ang rooftop. Pinagmasdan niya ang mga sasakyan na nasa kalsada, kaunti na lang ang tao sa labas na naglalakad marahil ay gabi na rin kasi.
Nanlaki ang mata niya nang mapatingin sa kabilang gawi, isang kotse ang sobrang bili na umaandar kaya napatingin naman siya sa kabila dahil intersection iyon. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang sa isang iglap ay sumalpok ang mabilis na kotse sa truck na nasa kabila. Hindi lang iyon ang kinatakot niya dahil mas binangga pa ng truck ang itim na kotse.
Nataranta siya sa nakita niya at agad na binuksan ang cellphone pero napatigil siya dahil baka hindi rin siya paniwalaan.
Sino ba naman ang maniniwala kung nasa rooftop ka at sasabihin mong kitang-kita mo ang nangyari. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya at napatitig na lang sa ibaba. May dalawang itim na kotse ang sumunod at lumabas ang walong lalaki na naka-formal na damit.
Kita niya ang isa na may tinatawagan at ang iba naman ay tinitingnan ang kotse na nabangga. Sa tingin niya ay kilala ng mga ito ang nabangga at ito ang tutulong kung sino man ang nasa loob ng kotse na 'yon. Aalis na sana siya nang dumapo ang mata niya sa isang
kanto.
Isang lalaki na naka-hoody na itim ang nakatingin sa aksidente habang may kausap sa cellphone na hawak.
Nangilabot ang buong katawan niya nang makita itong ngumisi. Dahil nakataas ang sleeves ng jacket na suot nito ay kita niya ang malaking peklat nito sa kamay hanggang palapulsuhan. Dumagundong naman ang puso niya nang makitang luminga-linga ito at pati na rin sa taas ay napatingin kaya bigla siyang napatalikod.
Panigurado naman ay hindi siya nito makikita dahil normal lang ang paningin nito. Hindi katulad niya na napakalinaw ng mata at lahat nalang ng detalye ay napapansin niya.
Iniisip niya na lang na blessings iyon, pero hindi niya pa rin pinagsasabi dahil alam niyang baka husgahan at isiping weird siya ng ibang tao.
Nag-stay muna siya roon ng ilang minuto bago tuluyang bumaba. Pagkababa at pagkalabas niya ng building ay saktong pagdating ng ambulansiya at mga police. Hindi niya na nilingon ang mga nando'n dahil kinikilabutan lang siya sa nangyari.
Malakas ang loob niyang hindi lang iyon simpleng aksidente kun'di sinadiya iyon. Simula ng araw na 'yon ay hindi na mawala sa isipan niya ang lalaking naka-hoody, pati ang ngisi nito ay hindi niya makalimutan.
Nakasakay naman siya agad ng jeep at nakauwi sa apartment na tinutuluyan niya. Hindi siya kaagad nakatulog pero pinilit niyang ipikit ang mata niya at kalimutan ang nangyari.
Paggising niya ay naghanda siya ng almusal niya at pagkatapos no'n ay kumain na kaagad siya. Dahil wala siyang tv sa apartment ay kinuha niya ang cellphone niya para manood ng balita habang kumakain. Nakasanayan niya na iyon dahil curious siya sa mga nangyayari sa bansa at sa mundo.
Ilang taon siyang hindi man lang nakakanood ng mga balita o mga palabas dahil puro pagbabasa lang naman ang nagagawa sa ampunan.
Napatigil siya sa pagsubo nang may makitang pamilyar na mukha na nasa telebisyon. Mas lalong lumukot ang mukha niya nang marinig at mabasa pa ang pangalan ng lalaki na na aksidente.
"Mr. Draze Moretti was rushed to the hospital at exactly 12:18 am today. His car was hit by a truck and the driver of the truck was dead after an hour because of a sudden heart attack..."
"Mr. Moretti... ang lalaking tumulong sa akin noong gabing iyon..." Napasabunot siya sa buhok niya dahil mas lalong hindi siya mapapakali nito. May alam siya pero hindi niya alam kung paano masasabi. Sigurado siyang hindi iyon basta aksidente lang lalo na't alam niya na kung sino ang nasa loob ng kotse na 'yon.
Alam niyang hindi basta bastang tao si Mr. Moretti dahil noong gabing nasa auction sila ay puro mga armado at nakakatakot ang tao roon. Na-obserbahan niya rin na parang kinatatakutan ng lahat ang lalaki. Suspetya niya ay may kaaway ito kaya nagkaroon ng gano'n.
Nakagat niya ang kuko habang natulala na lang sa kawalan.
Ilang araw rin siya hindi mapakali kakaisip sa nangyari. Hindi niya magawa kalimutan iyon dahil may nabasa na naman siya sa social media. Hindi niya tuloy mapigilan na alamin kung anong tao si Mr. Moretti.
"Uy! Si Mr. Moretti 'yan ha!" ani ni Maricar sa kaniya. Nakita kasi nito ang sinesearch niya. Breaktime kasi nilang dalawa.
"A-ah... oo. Nakita ko kasi siya sa news noong nakaraan, siya pala 'yong nabangga diyaan sa may intersection sa labas."
"Oo! Nagulat din ako! Naabutan mo pa 'yon 'di ba?" tanong ni Maricar sa kaniya habang kumakain ng tinapay.
"Si Mr. Moretti, sikat 'yan na bachelor businessman! Maraming ari-arian 'yan, iba-iba ang business at higit sa lahat marami ang ini-invest. Marami rin siyang organization para makatulong sa mga mahihirap. Kawawa lang talaga at nadisgrasiya pa siya," malungkot na sambit ni Maricar at ngumuso pa.
Kinagat niya ang labi dahil gusto niyang sabihin dito na nakita niyang hindi ito simpleng aksidente lang.
"Misteryoso ang buhay no'n ni Mr. Moretti kaya laging iisang picture lang ang pinapakita sa news o sa article. Basta ang alam lang ng lahat grabe ang yaman at mga pagmamay-ari nito. Sobrang gwapo pa naman, sana magising na siya." Dagdag pa nito.
Napatingin na lang siya sa cellphone niya habang inii-scroll ang kaunting impormasyon na nakita niya sa social media tungkol kay Mr. Moretti.
Draze Moretti, 28 years old, young bachelor businessman who owns a lot of assets and invest more than a hundred companies.
Maraming tanong ang nasa isip niya ngayon, katulad na lang kung paano ito napunta sa auction ng black market noong gabing iyon.
"Hay nako ang traffic! Masiyadong maraming media roon sa Abberton Medical Hospital. Marami kasing nakaalam na hindi pa nagigising si Mr. Moretti at maraming gustong malaman kung mabubuhay pa ba dahil grabe daw ang tinamo sa katawan."
Napalingon siya sa sinabi ni Nicco sa kanila nang makapasok ito sa staff room. Kakarating pa lang nito dahil night shift ang duty nito at hanggang closing.
"Napanood ko nga sa balita, ang alam lang nila hindi pa raw nagigising. Kawawa naman ang crush ko!" pagre-react ni Maricar.
Mas lalo na siyang nakunsensiya dahil sa nalaman. Ilanga raw na ang nakalipas pero hindi pa rin ito nagigising at ang akala ng lahat ay simpleng aksidente lang iyon kahit hindi naman. Masiyadong malakas ang kutob niya sa mga nangyayari.
Hanggang sa matapos ang duty niya ay hindi matahimik ang utak niya. Dere-deretso ang lakad niya sa sakayan ng jeep pero agad din siyang napahinto at lumihis ng direksyon papunta sa kabilang jeep kung saan dadaan iyon sa Abberton Medical Hospital.
Nanginginig man ang kamay niya ay nilakasan niya ang loob para lang puntahan ang lalaki.
Bahala na... basta kailangan ko lang makita ang mismong kalagayan niya dahil hindi ako makakatulog kakaisip sa lalaking nag ligtas sa buhay ko at ngayon ito naman ang delikado ang buhay.