PROLOGUE

1979 Words
Halos magkandadapa-dapa na si AC habang tumatakbo palayo sa malaking orphanage kung saan siya lumaki at namulat sa impyernong mundo. Hindi niya na kaya magtiis pa na roon tumira para lang may bubong na matutulugan at may pagkain na makakain sa araw-araw. Ilang taon na siyang nagtitiis mabugbog at maging utusan doon at hindi na niya kaya pa lalo na't nalaman niya kung anong ginagawa ng mga nag-aalaga sa kanila. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng mga kasamaan na nangyayari sa orphanage pero nalaman niya at siya mismo ang nakarinig sa pag-uusap ni Madam Felicia— ang babaeng nagbabantay sa kanila — at ng kausap nitong lalaki na may ibebentang dalawang babae sa black market at ang tatlo ay naibili na. Hindi siya tanga para hindi malaman ang black market. Hindi man siya nakapag-aral sa eskwelahan pero halos lahat ng libro na pinapadala sa orphanage at dino-donate ay nabasa niya na. Para sa ibang tao ay swerte sila dahil maayos ang orphanage na tinitirhan nila pero hindi alam ng iba na may kasamaan na na ginagawa sa loob na 'yon. Takbo lang siya ng takbo at tangin nasa harapan lang siya nakatingin. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya ng maayos nang hindi nahuhuli. Madilim ang daan at umuulan pa, hindi masiyado malakas ang ulan pero malakas naman ang hangin. Napatigil siya sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad dahil nakaramdam ng panghihina. Nailingon niya ang tingin nang may makitang van na dadaan. Hindi iyon pamilyar sa kaniya kaya agad siyang kumaway para humingi ng tulong. Hinintuan siya ng van at may isang lalaki na lumabas doon. "Anong ginagawa mo sa gitna ng daan? Umuulan ha," ani nito sa kaniya. Hindi siya kaagad nakapagsalita nang makitang may lumabas na isa pang lalaki. Nanlaki ang mata niya at agad nang kumaripas ng takbo nang makita ito ang lalaking kausap ni Madam Felicia. "Habulin niyo! Siya ang ibebenta sa black market bukas!" sigaw nito na nakaabot sa tainga niya. Bumuhos ang luha niya nang maramdaman na hinahabol na siya ng mga ito. Napadaing siya nang tumama pa ang paa niya sa bato, mabuti na lang ay hindi siya nadapa. Pero dahil nanghihina na nga siya at pagod ay bumagal ang takbo niya at nahablot siya ng isang lalaki. "Ahhh! Bitawan niyo ako!" sigaw niya nang hablutin nito ang buhok niya at buhatin siya na parang sako. "Parang awa niyo na! gusto ko ng umalis, pabayaan niyo na ako!" pakiusap niya habang umiiyak. Pinasok siya ng mga ito sa van at bago pa siya makapagsalita ay may tinurok sa kaniya ang pamilyar na lalaki at doon na siya nawalan ng malay. "Hindi ito p-pwedeng makatakas. Mahal ang benta natin sa kaniya dahil panigurado ay maraming mag aagawan sa magandang babae na 'to." Iyon na ang huli niyang narinig bago siya kainin ng dilim. Nagising siya nang may yumugyog sa kaniya ng malakas. Bumungad sa kaniya ang galit na mukha ni Madam Felicia. Napapikit pa siya ng akma siya nitong sasaktan pero hindi nito tinuloy. "Gusto man kitang kaladkarin, sabunutan at 'wag pakainin ay hind pu-pwede dahil mamaya ka na dadalhin sa auction. Kailangang maganda at maayos ka sa harapan ng maraming tao para pag mataas ang bid sa'yo ay mataas din ang makukuha ko, kaya umayos-ayos ka. Dito ka lang sa kwarto na ito at hindi ka makakalabas hangga't hindi dumadating ang sundo mo!" galit na bulalas nito sa kaniya. Pumasok ang isang babae na taga bigay ng pagkain sa kanila at inabutan siya ng dalawang tray ng pagkain. Pakiramdam niya ay bibitayin na siya dahil sa masasarap na pagkain na inihain sa kaniya. "Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na at aayusan ka pa," dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa loob ng kwarto. Inilibot niya ang tingin kung nasaan siya ngayon. Ngayon pa lang niya nalaman na may malaking kwarto pala sa bahay ampunan. Siguro ay dito rin dinadala ang mga babaeng binebenta na galing sa ampunan. Dati ay hindi niya pinapansin kung bakit puro babae lang sila sa ampunan na ito ngayon ay alam niya na kung bakit. Hindi niya na matandaan kung anong mga nangyari dati pero ang alam niya lang 6 years old daw siya nang mapunta siya roon dahil wala na siyang magulang. Okay naman ang lahat dati kahit napapansin niyang mahigpit ang mga nag-aalaga sa kanila. 2 years ago, napalitan ang lahat ng tagapag-alaga sa kanila. Doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ng lahat. Strikto masiyado sa kanila si Madam Felicia at dapat lahat sila ay maayos at marunong mag-ayos ng sarili pag may hindi sumunod ay hindi sila makakakain ng isang araw at nabubugbog pa. Siguro ang mga natatawag niyang ate noon ay ganito rin ang nangyari. Kaya pala bawat madadagdagan siya ng edad ay umaalis ang mga mas nakakatanda sa kanila. Ang akala nila ay may umampon na 'yon pala binenta na. Kinain niya ang mga pagkain na hinain sa kaniya dahil kumukulo na rin ang tiyan niya. Mahaba-haba siya nakatulog marahil sa tinurok sa kaniya. Pagkatapos ay naligo siya at ginamit ang mga mamahaling sabon na nasa loob ng banyo sa kwarto. Kung normal lang ang lahat ay matutuwa siya sa ginagamit niyang sabon dahil napakabango at malambot sa lahat pero hindi, binigyan siya at pinagamit ng mga ganito para ihanda sa pagbebenta sa kaniya mamayang gabi. Pagkatapos niya maligo ay inayusan na siya ng kung sino. Nakatulala na lang siya sa kawalan dahil alam niyang hindi na siya makakaalis. Tuluyan na talagang magiging impyerno ang buhay niya hanggang sa mamatay siya. Gusto niya lang naman mamuhay ng normal at malayo sa masasamang tao. Iyong mag-aaral o magtatrabaho ka para sa mga kailangan mo at makahanap ng lalaking mamahalin katulad ng nababasa niya sa libro. "Huwag kang iiyak! Mabubura ang makeup mo!" Hinatak ni Madam Felicia ang buhok niya nang makitang may tumulong luha galing sa mata niya. Nakasakay na sila ngayon sa van papunta kung saan. Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang pag iyak pa lalo. Nakasuot siya ng dress na hapit sa katawan niya. Elegante iyon tingnan pero masiyadong revealing ang damit na hindi niya kinasanayan. "Subukan mong umiyak at tumakas, putok ng baril ang tatama sa'yo," pagtatakot pa ng isang lalaking nagturok sa kaniya ng gamot. Halos manginig siya sa pagbabanta nito at yumuko na lang at nanahimik sa kinauupuan. Nang makarating sila sa lugar na hindi niya alam ay hinawakan siya kaagad ni Madam Felicia para hindi siya makawala. Napalunok siya sa sobrang kaba nang makitang maraming bantay ang may hawak ng baril. Maraming tanong sa isipan niya kung sino ang mga taong nandoon. Pumasok sila sa loob at may pinasukan pa silang pasilyo at isang kwarto. Pinaupo siya sa isang sofa habang nakabantay sa kaniya ang isang lalaki at si Madam Felicia. Hindi niya alam kung ilang oras silang naghintay roon basta alam niya na lang ay dinampot na siya ng dalawang lalaki at dumeretso sila sa likod ng stage. May mga babae rin doon pero nasa pinakahuli siya ng pila. Muli siyang naghintay hanggang siya na ang paakyatin sa stage. Nakayuko lang siya at walang balak na tingnan ang mga nasa harapan niya pero binantaan siyang umayos ng isang lalaki. Halos kainin siya ng kaba nang makitang hinahawakan nito ang baril na nakasabit sa pantalon nito. Nanginginig ng husto ang kaniyang tuhod nang marinig niya ang mga reaction ng mga lalaking nakaupo at nakatingin sa kaniya. Kinagat niya ang labi para pakalmahin ang sarili dahil pakiramdam niya ay babagsak siya anomang oras dahil sa kaba. Maraming nakapalibot na may hawak na mga baril at kung ano pa. Ang masasabi niya lang ay gusto niya ng umalis sa lugar na 'yon at tumakas palayo sa mga tao na nasa loob. "Her price is starting at 5 million, the bid will start now." Gusto niyang umiyak dahil pakiramdam niya isa siyang bagay na binibili lang. Gusto niyang murahin lahat ng mga tao rito dahil sa mga kahayupan at kawalanghiyaan na ginagawa. "7 million!" "10.5 million!" "11 million!" "15 million!" Napayuko siya saglit dahil nahihilo siya sa spotlight na nakatutok sa kaniya at sa mga sigawan ng mga lalaking nagbi-bid para lang makuha siya. "100 million." Naiangat niya ang ulo niya nang marinig ang malamig na boses na 'yon. Nagtaka pa siya dahil lahat ng maiingay na lalaking nagbi-bid sa kaniya ay nanahimik. "O-oh... Mr. Moretti is here... 100 million! Going once, going twice, sold!" Nangunot ang noo niya nang makitang tumayo ang lalaki. Nagtama pa ang mata nila pero mabilis na itong tumalikod at lumabas sa lugar na 'yon. Pinababa na siya sa stage at may lumapit sa kaniyang panibagong lalaki. "Sumama ka na sa kaniya, dadalhin ka niya kay Mr. Moretti," ani ng lalaki na kanina pa siya binabantayan. Hindi na siya umimik at sumunod na lang sa matangkad na lalaki. Nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa kaba at sa lamig ng paligid lalo na nang makalabas sila sa lugar na 'yon dahil umihip ng malakas ang hangin. Nakayuko lang siya habang nakasunod sa lalaki hanggang sa pagbuksan siya nito ng pinto. Hindi na siya nagsalita pa at pumasok na lang sa kotse, napahinto pa siya dahil nakita niya ang lalaking nag-bid sa kaniya ng 100 million. Mr. Moretti... Doon niya lang napansin na mas lalo itong nakakatakot sa malapitan pero hindi niya rin mapigilang mag-isip na kung saan galing ito. Malakas ang dating ng lalaki, matangkad din at higit sa lahat ay mukha itong hinubog sa kaperpektuhan. "Get in." Dalawang salita lang iyon pero mas lalo siyang kinabahan kaya dali-dali niya itong sinunod. Pinagsiklop niya ang kamay niya, hindi niya alam kung anong gagawin ng mga ito sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang hita nang may maglapag doon ng coat. Agad niyang nilingon ang katabi niya pero nakatingin ito sa harap at hindi sa kaniya. "Wear that coat. We'll drop you off somewhere. Use this money to get away from this place and never comeback if you don't want your life to be hell." Nilingon siya nito at muling nagtama ang paningin nilang dalawa. Mayroon itong kulay abong mata na parang tinititigan siya sa kaloob-looban niya. "H-hindi mo a-ako aalilain o papatayin?" wala sa sariling tanong niya. Bumaba ang tingin niya sa itim na bag na may lamang maraming pera, nakita niya iyon dahil nakabukas pa ng bahagya ang bag. Hindi siya nito sinagot bagkus ay pinatigil nito ang sasakyan. "Get out before I think twice and kill you tonight," he said in his lower voice. Agad siyang nataranta at hinawakan ng mahigpit ang bag at coat na inabot nito sa kaniya. Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at patakbong lumayo kung saan nakaparada ang sasakyan. Halos matapilok pa siya dahil may taking ang suot niyang sapatos pero dahil sa takot at kaba ay nagawa niyang makatakbo ng mabilis palayo kung saan siya binaba ng lalaking bumili sa kaniya. Napatigil siya nang makita kung saan siya nito binaba. Maliwanag ang paligid at maraming tao, doon niya lang napagtanto na nasa city na siya. Maraming kaininan sa paligid at may supermarket pa siyang nakita. Sa dulong banda ay may hotel pa. Bumaba ang tingin niya sa bag na dala, malaki iyon at kung puno iyon ng pera ay pwede siyang manuluyan ngayong gabi sa hotel. Nilingon niya muli kung saan siya galing kanina. Hindi niya na matanaw ang sasakyan dahil na rin sa layo ng natakbo niya. Parang may bumara sa kaniyang lalamunan at parang gusto niyang umiyak. Hindi man lang siya nakapagpasalamat sa lalaking binili siya ng 100 million para lang makawala sa impyernong lugar na 'yon at binigyan pa siya ng pera para mabuhay. Tinitigan niya ang coat na binigay nito at tiyaka sinuot. Pinunasan niya ang luha niya at muling naglakad patungong hotel. Hindi niya man alam kung nasaan siya ngayon pero nakahinga na siya ng maluwag dahil alam niyang nakaalis na siya sa lugar na kinatatakutan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD