CHAPTER-13

1482 Words
Napabuntong hininga siya dahil akala niya ay maabutan niya ang binata paggising niya pero hindi pala ito umuwi. Balak pa naman niya sana ito ipagluto ng umagahan bago siya pumasok ng paaralan. Tapos na siyang kumain at nakapag-ayos na rin siya. Kinuha niya ang bag niya para tuluyan nang lumabas ng bahay. Pumasok siya ng sasakyan at pinaandar din naman agad ng driver niya. Tinext niya si Draze na papunta na siya ng school. Ito naman ang napagkasunduan nila, na mag-a-update siya rito sa lahat ng ginagawa at kilos niya para alam nito ang mga ganap sa school. Mas okay naman 'yon kaysa sundan siya ng bodyguards niya sa loob ng paaralan at pag-usapan siya. Daig niya pa ang isang anak ng presidente. Nang makapasok siya sa loob ng school ay nakahinga siya ng maluwag nang umalis na rin ang bodyguards niya. Hindi na rin ito nag-park sa loob kaya tuwang-tuwa siya na hindi na siya susundan ng mga ito. Lumawak ang ngiti niya nang makitang marami na ang mga nakasuot ng uniform. Tumingin ulit siya sa kaniyang suot at mas lalo siyang natuwa dahil na-experience niya na mag-suot ng uniform habang nasa paaralan. "AC!" Agad niyang nilingon ang kanang gawi at nakita niyang si Zyldian ang tumawag sa kaniya habang patakbong lumapit sa pwesto niya. "Zyldian," salubong niya rito. "Magandang umaga," ngiting bati niya sa binata. Sabay silang naglakad patungo sa kaharap na building. Kaklase niya ito sa una, pangatlo at panghuling subject sa araw na ito. "Nagawa mo na lahat ng assignments mo?" tanong nito sa kaniya. "Oo, tapos ko na lahat. Ginagawa ko kasi kaagad para hindi ako magahol," sagot niya. Masasabi niyang strikto ang paaralan na 'to pagdating sa pag-aaral. May karamihan din kasi ang assignments na pinapagawa pero okay lang naman iyon sa kaniya dahil lahat ng binibigay na assignments ay siguradong naturo sa kanila ng maayos. Wala rin siyang reklamo sa mga professor sa paaralan na ito dahil talagang natututo siya dahil sa mga galing ng mga ito. Pumasok sila sa room nila at umupo sa bandang gitna. Ibang klase kasi ang mga room dito dahil sobrang laki at ang upuan at lamesa ay isang pahaba na siguro ay bente sa isang linya ang makakaupo. Kahit saan pwede kang umupo kung walang naka-pwesto. "Nga pala, pwede ka bang maaya sa sabado? Friday talaga ang birthday ko pero sa sabado ko gagawin 'yong party." Tiningnan siya nito ng nakangiti habang inaabangan ang sagot niya. Natigilan naman siya kasi hindi siya sigurado kung papayagan siya ni Draze. "Hindi ka ba papayagan ng parents mo?" tanong pa ulit nito. Napagdikit niya lalo ang labi dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na wala naman siyang magulang. Hindi niya kasi pwedeng sabihin ang sitwasyon niya dahil masiyadong komplikado. "Ano kasi... hindi ko pa alam kung pwede ako?" ngumiti siya ng bahagya at napakamot sa ulo niya. "Sa sabado pa naman, may limang araw ka pa para magpaaalam, o kaya naman gusto mo ipaalam kita." Agad siyang umiling dito. "Huwag na... ako na lang magpapaalam, ita-try ko kung papayagan ako pero hindi pa ako sure ha?" ani niya rito. Tumango naman ito sa kaniya. Napaharap na ulit ang tingin niya dahil pumasok na ang professor nila. As usual ay nagturo ito at nagbigay ng activity. Lumipas ang oras at natapos ang unang subject. Lumipat naman siya ng room para sa susunod na subject. Gano'n lang ang lagi niyang ginagawa sa school wala ng iba. Wala naman na siyang ibang kaibigan bukod kay Zyldian. Ewan niya ba, parang walang gustong makipagkaibigan sa kaniya. Dumating ang lunch time ay nagkita sila ni Zyldian sa entrance ng cafeteria para sabay na kumain. Tinext niya rin si Draze na lunch time na nila. Bumagsak naman ang balikat niya dahil wala man lang itong reply ni-isa. Umupo sila sa isang bakanteng table nang matapos silang kumuha ng pagkain. Sa cafeteria ng elite university, hindi mo na kailangan magbayad ng cash dahil ita-tap mo lang ang I.d mo sa cashier at automatic na naka-bill na 'yon sa'yo Nilabas niya ang cellphone niya at pinicture-an ang pagkain nila ni Zyldian. Sinend niya iyon kay Draze bilang update niya rito. Ilalapag niya na sana ang cellphone sa table nang mag-vibrate ang cellphone niya. Hindi niya ine-expect na mag-rereply ang binata sa kaniya. From Draze, - Who's with you? To Draze, - Si Zyldian. Kumain ka na ng lunch? Ipagluluto sana kita kaninang umaga pero hindi ka pala umuwi. Sana patawarin mo na ako, Draze. Hindi ko na talaga uulitin, promise! Napatitig siya sa cellphone niya nang hindi ito ulit nag-reply. Napabuntong hininga na lang siya dahil nalulungkot siyang hindi na siya ulit masiyadong pinapansin ni Draze. Nilapag niya na lang ulit ang cellphone sa lamesa at nag-umpisa ng kumain. "Okay ka lang? bakit parang ang lungkot mo?" pagtatanong ni Zyldian sa kalagitnaan ng pagkain nila. Umiling naman siya at ngumiti ng tipid. "Okay lang ako. I-iniisip ko lang sana payagan ako sa party mo," pagdadahilan niya. "G-gusto ko rin kasi ma-experience um-attend ng mga birthday party ng kaibigan," ani niya pa. Siyempre, wala siyang naging-close ni-isa sa bahay ampunan kung saan siya lumaki. Oo nga't nakikilala niya ang mga kasama niya roon pero hindi niya nagawang maging close ang mga ito dahil ang iba'y nagpapakitang gilas sa mga taga bantay nila at ang iba naman ay dahil sa takot ay naka-pokus lang sa mga pinagagawa sa kanila. Gano'n lang siya, tahimik siya noon at ginagawa ang lahat para hindi mapagalitan. Sabik siya sa mga kalaro at sa totoong kaibigan at talagang natutuwa siya nang makipagkaibigan sa kaniya si Zyldian. Naalala niya pa noong okay pa ang bahay ampunan dahil hindi pa dumadating si madam Felicia ay wala pa rin siyang naging close, kaya minsan noon ay tumakas siya para makalabas man lang at makagala pero hindi naging maganda ang nangyari. Na-kidnap siya at akala niya ay di na siya makakatakas, mabuti na lang ay may nagligtas sa kanilang babae. Binaba niya ang kutsara't tinidor nang matapos sa pagkain. Uminom siya ng juice at pagkatapos ay tubig. Napatingin naman siya sa cellphone niya nang mag-vibrate iyon kaya agad niyang kinuha at laking gulat niya nang tumatawag si Draze sa kaniya. Nataranta naman siya at dali-dali iyong sinagot. "H-hello?" nautal pang sambit niya. "Are you still eating lunch with that guy? Do you remember our deal? No men around you." Napalunok siya dahil sa lamig ng boses nito. Galit nga talaga ito sa kaniya, naiimagine niya na ang guwapo nitong mukha at salubong nitong kilay. "O-oo... siya lang naman ang kaibigan ko," bulong niya rito. Napatingin siya kay Zyldian na nakatingin na rin sa kaniya. "Who's that?" tanong sa kaniya ni Zyldian. Natigilan naman siya dahil hindi niya alam ang isasagot sa madaling tanong nito. "He's in front of you? Or beside you? Are you f*****g kidding me Aurelia?" Dumagundong lalo ang puso niya nang banggitin nito ang pangalan niya. Ito ang unang tumawag sa kaniya sa pangalan niya. Lahat kasi ng nasa paligid niya ay nickname lang ang tawag sa kaniya. Hindi niya alam kung saan niya itutuon ang pansin, sa kausap niya ba sa telepono o sa kaharap niya. "K-kaibigan ko!" sagot niya agad nang makitang naghihintay si Zyldian ng sagot niya. "Ah akala ko parents mo, ipapaalam na sana kita para sa sabado," ani nito. "Saturday? What are you two doing on Saturday? And am I your friend? When did I became your friend?" Nakagat niya ang labi dahil sa sunod-sunod na tanong ni Draze sa kabilang linya. Sinenyasan siya ni Zyldian na ililigpit lang nito ang tray nilang dalawa kaya agad na siyang tumango para tumayo na ito. "Sorry... kasi iniimbitahan niya ako sa birthday party niya. Hindi ko naman alam kung p-paano kita.... I-ipapakilala," halos pabulong na paliwanag niya rito. "Then tell me I'm your husband!" masungit na bulalas nito. Hindi siya nakapagsalita, sa totoo lang ayaw niya sabihin na may asawa siya dahil hindi naman 'yon totoo. Gusto niya lang maging tahimik ang buhay niya dahil paniguradong dadagsain siya kung malaman ng maraming estudyante na asawa niya ang isang Draze Moretti. Okay na siyang kilala siya bilang asawa ni Draze sa underground lang. Hindi rin naman kasi iyon totoo. "A-ayoko." "What?" "Ayokong sabihin na asawa kita dahil hindi naman," bulong na sagot niya rito. Napatingin pa siya sa paligid niya dahil baka may makarinig sa kaniya. "Sige na, malapit na ang klase namin ni Zyldian. Sa bahay na lang tayo mag-usap, pasensiya na ulit," mahinahong ani niya pa. Hindi niya na ito hinantay magsalita dahil alam niyang magagalit lang naman ito sa kaniya. Marami na talaga siyang kasalanan sa binata. Parang lagi niya na lang pinapainit ang ulo nito. Sa tingin niya nga kailangan na nito magpa-doctor dahil laging highblood. Napapansin niya na kasi na kada kilos niya ay pinagiinitan nito. Napailing na lang siya sa kawalan at tumayo na lang para sundan si Zyldian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD