Napatingin siya sa pagbagsak ng ulan. Kasalukuyan niyang tinitingnan ang malalaking patak ng ulan hanggang sa lumakas iyon.
Kanina niya pa napansin na medyo makulimlim na at ito nga ay tuluyan ng umulan ng malakas.
"May sundo ka 'di ba?" Nilingon niya si Zyldian na nasa tabi niya na. Sabay naman silang bumaba pero pumunta pa kasi 'to sa
comfort room.
"Oo. Paano ka? Naka-motor ka 'di ba? Ang lakas ng ulan," ani niya at binaling muli ang tingin sa labas. May mga estudyanteng mga nakapayong papunta sa mga kotseng sundo nila, ang iba naman papuntang gawi ng parking lot dahil may mga dalang sasakyan.
"Tatawag na lang ako ng taxi, sana lang may kumuha." Muli niyang tiningnan ito, nagtitipa na ito sa cellphone marahil ay nagbo-book na ng taxi.
Tinext niya naman ang driver niya kung nasaang building siya, wala kasi siyang payong kaya hindi siya makaalis doon.
limang minuto lang ang lumipas at huminto na sa tapat ng building ang sasakyan na sundo niya. Lumabas ang isang bodyguard niya para payungan siya.
"Paano ka? May nakuha ka ng taxi?" tanong niya kay Zyldian. Umiling naman ito habang nakatutok pa rin ang mata sa cellphone.
"Walang tumatanggap. I guess I'll drive under the rain," he chuckled. Tumingin ito sa kaniya nang maibulsa ang cellphone.
"Go home now. Ask your parents if you can go to my birthday party. If they want to talk to me, I'll be glad too." Ginulo nito ang buhok niya. Sinundan niya ito ng tingin nang hubarin ang backpack at gawin pang takip sa ulo nito. Bago pa ito makatakbo ay nahawakan niya kaagad ang braso nito.
"Sumabay ka na lang kaya sa amin?" tanong niya rito. Nilingon niya ang bodyguard niya na nasa tabi niya.
"Pasensiya na po ma'am pero hindi po papayag si sir Draze," ani kaagad ng bodyguard.
"Kahit sa makahanap lang tayo ng taxi na masasakyan niya? Sige na please, kuya? Kawawa naman siya dahil naka-motor lang siya at malakas pa ang ulan," ani niya pa.
"Ma'am pero po—"
"It's fine, AC. Sanay naman ako." Ngumiti sa kaniya si Zyldian at tinapik ang balikat niya. "Thanks for worrying but I'm fine. See you tomorrow!" Hindi na siya nakapagsalita at nasundan na lang ng tingin si Zyldian na tumatakbo sa ilalim ng ulan.
Napabuntong hininga na lang siya. May pasok pa sila bukas kaya naman nag-aalala siya kung mababasa ito ng ulan, baka magkasakit pa at magiging dahilan iyon ng pag-absent nito.
Pinagbuksan siya ng bodyguard niya ng pintuan kaya agad na siyang pumasok. Hindi na siya nag-update kay Draze dahil pauwi na rin naman siya. Na-traffic sila kaya umabot ng isang oras bago sila makauwi. Mas lumakas ang ulan kaya hindi niya mapigilan maisip si Zyldian.
Pagdating niya ng bahay ay dumeretso siya kaagad sa kwarto niya para makapagpalit. Ginawa niya rin muna ang madali niyang assignment bago siya maghapunan.
Palabas na siya ng kwarto nang mag-ring ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot iyon nang makita si Zyldian.
"Hello? Nakauwi ka na? kakauwi mo lang?" sunod-sunod na tanong niya. Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Kanina pa pero ngayon ko lang na-open yung cellphone ko. Kakatapos ko lang maligo para hindi magkasakit."
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Mahirap magkasakit lalo na pag maraming ginagawa sa school. Sa tingin niya ay kahit isang absent mo lang sa klase ay marami ka ng mami-missed na mga activities.
"Mabuti naman. Pasensiya ka na dahil hindi kita nasabay kanina." Pumasok siya ng kusina nang makitang nakahanda na lahat ng pagkain sa lamesa.
"Magpaalam ka ha? Kahit 'wag ka na bumili ng regalo basta pumunta ka lang sa birthday party ko, okay na ako."
"S-sige, susubukan ko kung papayagan ako... Anong klaseng party nga ulit?"
"Pool party, sa bagong bahay na regalo sa akin ng parents ko. Housewarming na rin 'yon kaya sana makapunta ka talaga." Napatango-tango naman siya.
"Sige, susubukan ko talaga. Kakain na ako kaya puputulin ko na ang tawag, kumain ka na rin para hindi ka magkasakit at may quiz pa tayo bukas," ani niya at mahinang tumawa. Natawa rin ito at tuluyan nang nagpaalam sa kaniya. Pagkatapos niya magpaalam ay pinatay niya na ang tawag.
Natigilan naman siya saglit nang maramdaman na may nakatingin sa kaniya kaya lumingon siya sa kaliwang gawi at muntikan niya ng mabitawan ang cellphone dahil sa sobrang gulat.
Si Draze ang nakatingin sa kaniya at mukhang kanina pa ito nakikinig dahil nakasandal pa ito sa pader doon banda sa dadan na papasok sa kitchen.
"You'll not attending any party." Sinundan niya ito ng tingin nang naglakad at tumungo sa may refrigerator. Umalis na ang ilang kasambahay na naroroon sa kusina dahil sumenyas si Draze sa mga ito.
"H-ha? Bakit naman? Birthday lang naman iyon ni Zyldian." Nakasunod lang ang tingin niya rito hanggang sa umupo ito sa kaharap na uupuan niya. Umupo na rin siya dahil kakain naman na siya.
"No other men remember?" ani nito at kinunotan siya ng noo. Halata na naiinis na ito sa kaniya.
"Pero iba naman si Zyldian, kaibigan ko lang naman siya."
"No party." Bumagsak ang balikat niya nang pagdiinan nito ang sinabi. Siyempre hindi siya makapalag dahil nga malaki ang utang na loob niya rito kaya kahit gusto niya man dumalo ay hindi niya na lang pipilitin si Draze.
Tahimik siyang kumain at hindi niya na kinibo ang binata. Binilisan niya ang pagkain dahil nabibingi na siya sa katahimikan doon.
Mabilis niyang hinugusan ang pinagkainan niya, pagkatapos ay umalis na siya kaagad doon ng walang sabi-sabi.
Dumeretso siya sa kwarto niya para mag-review dahil may quiz sila bukas. Tahimik lang siya doon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Hindi naman kasi siya nagla-lock, depende na lang kung maliligo o magbibihis siya.
Bumungad sa kaniya si Draze na nakapagpalit na ng damit. Binalik niya rin ang tingin sa librong binabasa at sa sinusulat niyang reviewer.
"You'll come with me tomorrow evening. We'll have a dinner with my co-investors. One of them found out that I have a wife that's why I need to bring you."
"Okay." Pinagpatuloy niya ang pagsusulat at ang ginagawa niya. Naramdaman niya na lumapit ito sa kaniya pero hindi niya aakalain na hahatakin nito ang upuan niya. Ang upuan niya kasi sa desk ay may gulong kaya madali nitong nahatak siya at naiikot para makaharap ang binata.
Nakaupo na ito sa dulo ng kama niya habang ang isang kamay nito ay mariin na nakahawak sa upuan niya.
"Are you mad at me?" His confused tone voice filled the room. Nakasalubong ang kilay nito at nakatitig ito ng malalim sa kaniya.
"Hindi ah." Hindi naman kasi talaga siya galit, medyo nagtatampo lang talaga siya. Hindi pa nga siya nakakapunta sa mga party ng kaibigan dahil hindi niya pa nararanasan ang gano'n pero hindi niya rin pala magagawa dahil ayaw ng binata.
"You are. You're answering me plainly," he scoffed.
"Hindi nga."
"Do you really want to hangout with that guy? Do you like him?"
"Oo."
"What?" Tumaas ang boses nito kaya napapitlag siya. "Do you really f*****g like him?" hindi makapaniwalang tanong pa nito.
"Oo. Mabait si Zyldian kaya ko nga siya kaibigan."
"Not as a friend! Do you like him as a guy? As a man, for f**k sake!" Napapikit siya dahil napakalapit na nga nito sa kaniya ay medyo sumisigaw pa ito.
"Kung gusto ko ba siya maging boyfriend? 'yan ang tinatanong mo?" paninigurado niya. Hindi niya kasi masiyadong ma-gets ang pinupuna nito. Paano niya maiintindihan ang binata kung ganito ba naman makipausap sa kaniya. Kala mo naman ay pasan na naman ang buong mundo.
Hindi ito kinibo at tiningnan lang siya habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. Napaisip naman siya, hindi niya pa nararanasan ang magka-boyfriend pero may nabasa na siya na iilan na mga romance story.
She absentmindedly nodded while thinking Zyldian. Guwapo at mabait si Zyldian kaya hindi ito mahirap gustuhin, napapansin niya nga rin na sikat ito dahil maraming kumakaway lagi pagdumadaan sila lalo na sa cafeteria.
"Do you know that you're pissing me off right f*****g now?"
"Huh?" binaling niya ulit ang tingin dito. "Bakit? Lagi ka namang galit sa akin."
"What? Are you complaining to me now?" Napahawak siya sa kamay ni Draze nang mas hatakin pa nito ang upuan niya. Muntikan na siyang masubsob sa mismong mukha nito.
"Hindi. Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi naman ako makapag-reklamo sa'yo dahil malaki ang utang na loob ko sa'yo. Ang sinasabi ko lang ay lagi naman mainit ang ulo mo sa akin at nagsusungit ka kahit wala naman akong ginagawa."
"That's it! I'm irritated with you because I, too, don't know. You smile at anyone, and now you have a guy friend? Seriously?" He shut his eyes and calm himself.
"Alam ko naman na nag-aalala ka dahil mainit ang mga mata sa akin ng mga kaaway niyo, kaya nga pinipilit kong 'wag maging pabigat sa'yo dahil ikaw na ang nag-alis sa akin sa impyernong lugar pero ako naman bumalik. Kasalan ko rin naman kaya ako nadamay." Napayuko siya at nagpakawala ng isang buntong hininga.
"That's not what I am talking about! I don't want to see you with other f*****g man Aurelia... I don't want you to smile with other men. Just f*****g smile and cling to me not to anyone!" Natigilan siya at natulala na lang. Hindi niya alam bakit biglang dumagundong ang puso niya dahil sa sinabi nito kahit galit naman ang boses nito.
"Just f*****g me... just me, baby."