"Sigurado ka bang mababayaran mo kami ng malaki?" tanong niya at marahan na hinaplos ang mukha nito. Katabi niya ito ngayon sa sofa.
"Of course! Para saan pa ba ang pangunguha ko ng pera sa taong bayan? Siyempre para sa mga luho ko iyon. Kaya sigurado akong mababayaran kita ng malaki. Milyon ang ibabayad ko sa inyo ni Bubbles dahil milyon ang kikitain ko sa droga na inihatid niyo sa akin. Gusto mo bilhin pa kita," ngisi nito sa kaniya at hinaplos ang legs niya.
Mabuti na lang ay ang kanan na legs nito ang hinaplos niya kung hindi ay makakapa nito ang kutsilyo at baril na nakakabit sa leg belt niya sa kaliwa.
"Kaya mo ba akong bilhin?"
"Magkano ka ba?"
"100 million." Tumawa ito sa sinabi niya at napatingin sa kaniya.
"Wala pa akong narinig na bumili ng isang babae para sa halagang iyan. Masiyadong malaki ang presyo mo," tawa nito sa kaniya.
"Pwera na lang kung magaling ka talaga at maganda. Hubarin mo ang nakatakip sa mukha mo," utos nito at agad na hinawakan ang mask na suot niya.
Mabilis niya itong tinulak at dinaganan. Ngumiti naman ito na parang natuwa sa ginawa niya. Akala siguro nito ay mag-uumpisa na siyang paligayahin ito pero doon ito nagkakamali.
She tapped the ring she's wearing. Huhugutin niya na sana ang baril na nakatago sa ilalim ng dress niya nang biglang bumukas ang pinto.
Napalingon siya kaagad at sumalubong ang madilim na mukha ni Draze sa kaniya. Hindi siya kaagad nakapag-react kaya agad siyang tumalsik sa dulo ng sofa nang tulakin siya ni Mercado.
"M-moretti?" takot na sambit ni Mercado habang nakatingin kay Draze. Nakita niya ang tatlong tauhan ni Draze na tumungo sa takot na takot na si Mercado.
"Tulungan niyo ako!" sigaw pa nito.
"Fucker, your men is on the ground now, you can't ask for help because I'll make you go to hell." Napasinghap siya nang malakas na sinuntok ni Draze ang mukha nito at hinampas pa nito ang ulo gamit ang baril sa matanda, dahilan para mawalan ito ng malay.
Napatayo siya sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya kay Draze. Bigla siyang nanibago dahil kahit makita niya na itong galit ay parang ibang-iba ngayon.
"Are you f*****g kidding me?" Halos mapatalon siya sa sigaw ni Draze habang nakatingin sa kaniya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at hinablot ang palapulsuhan niya.
"D-draze na-nasasaktan ako," bulong niya rito. Hindi siya nito pinansin at dere-deretsong hinatak siya palabas. Doon niya nakita ang mga duguan na mga tauhan ng gobernador.
Paglabas din nila ng pasilyo ay malakas pa rin ang tugtog ng music pero wala ng tao ang naroroon na nagpa-party. Hanggang sa makalabas sila ay hindi siya kinausap ng binata.
Pinapasok siya nito sa ibang sasakyan kaya sumunod na lang siya. Umikot ito at pumasok sa driver's seat.
Walang sabi-sabi na pinaandar nito ng mabilis ang sasakyan. Nataranta naman siya at agad na sinuot ang seatbelt.
"D-draze —"
"Damnit! Are you thinking? Is it a part of our plan? Alam mo bang madidisgrasiya ka sa ginagawa mo? What if you don't have any
cameras in you? What if there's a technical issue and the camera's suddenly turn of? What will you f*****g do?"
Natulala siya dahil sa pagsigaw nito sa kaniya. Kita niya ang ugat nito sa noo dahil sa sobrang galit. Pinark nito sa tabi ang sasakyan at napatalon pa siya sa gulat dahil sa paghampas nito sa manubela.
"D-draze... p-pasensiya na... balak ko naman kasi na tanungin siya ng tanungin at pag nasabi niya na mismo ang mga ginagawa niya ay tatawagin ko na kayo... k-kaya nga tinap ko kaagad yung singsing na binigay mo —"
"You're not even thinking! Paano kung hindi kami nanonood at hindi kaagad kami nakakilos? You're giving me a headache!" Singhal nito sa kaniya.
Hindi na siya nakapagsalita at napayuko na lang. Nakarating sila sa bahay at hanggang sa pagpasok nila sa loob ay galit ito. Deretso itong pumunta sa kwarto nito kaya naiwan na lang siyang tulala sa sala.
Napabuga siya ng hangin bago tuluyang humakbang ulit at umakyat para pumunta sa kwarto niya. Nang makapasok ay napaupo siya at inabot niya ang cellphone niyang hindi niya dinala kanina.
Nakita niya ang miscall doon ni Gunner dalawang minuto pa lang ang nakakalipas kaya tinawagan niya ito.
"Hello, Gunner? Napatawag ka? Kakarating lang namin sa bahay kaya kakakuha ko lang ng cellphone ko," ani niya kaagad dito.
"Okay. Where is Draze? He didn't answer my calls. Hindi ko alam na deretso ang uwi niyo sa bahay akala ko pupunta pa siya sa hideout." Naitikom niya naman ang bibig niya dahil nahihiya siya sa mga kasamahan ni Draze. Galit ito kaya pati ito ay umuwi na.
"G-galit kasi siya... may nagawa kasi akong mali. S-sinigawan niya ako," halos pabulong na sambit niya rito. Parang maiiyak siya dahil naalala niya na naman ang galit na mukha nito at kung paano ito galit na galit sa kaniya.
"If you saw him while watching you with the jackass governor touching you everywhere? Well, siguro masasabi mong hindi pa malala iyang pagsigaw niya sa'yo. Alam mo bang siya ang bumugbog sa lahat ng nakaharang sa daanan niya sa loob ng venue?
Nakita mo naman siguro kung anong itsura ng mga tauhan ng gobernador na 'yon?"
Naalala niya iyon, noong hinatak siya ni Draze palabas ay kita niya ang mga bugbog sarado na mga lalaki habang nakahiga sa sahig.
"Kahit ako ay magagalit sa ginawa mo, AC. You know how much we want to protect you, kasi nga ay nadamay ka sa amin kaya obligado ka namin, lalo na si Draze. Ayaw ka niyang mapahamak lalo na't puntirya ka na ng mga kalaban niya." Hindi niya alam ang isasagot dito. Tama naman ang mga ito dahil nagpadalos-dalos siya. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung anong gagawin kung biglang naging marahan sa kaniya ang gobernadora na 'yon.
Gusto niya lang kasi marinig galing sa bibig nito ang mga nagawa nito at sakto naman na nagsalita ito kahit papaano tungkol sa ginawa nito sa pera ng bayan.
"Go to him and apologize. Payo ko lang sa'yo na 'wag kang matutulog hangga't hindi ka niya napapatawad. Believe me, hindi siya maganda kaaway," ani nito at mahinang tumawa. Nagpaalam na rin kaagad ito dahil aasikasuhin pa raw nila si Mercado bago ibigay sa mga FBI na kakilala nito.
Binaba niya ang cellphone niya sa kama at agad na lumabas sa kwarto nang matanggal niya ang kutsilyo at baril na nakakabit sa kaniyang hita.
Sunod-sunod na kinatok niya ang pinto ni Draze at hindi naman ito sumagot. Pero hindi siya tumigil at talagang kinatok niya pa ang pinto ng malakas.
Mayamaya ay bumukas iyon at nakatingin ito ng masama sa kaniya habang may hawak na yosi sa kamay. Wala rin itong saplot pang-itaas kaya napatingin na naman siya sa maganda nitong katawan.
"What? Sleep it's too late," ani nito at akmang isasara na ang pinto. Hinarang niya kaagad ang katawan niya, akala niya ay aatras ito pero hindi kaya isang daliri na lang ata ang pagitan nilang dalawa. Napatingala siya dahil nakatutok na ang mukha niya sa dibdib nito.
"A-ano... patawarin mo na ako," mahinang sambit niya. Bumitaw ito sa pintuan at tinalikuran siya kaya nakapasok siya sa kwarto nito. Napaubo naman siya ng husto nang hindi niya na kayanin ang amoy ng sigarilyo.
"Damnit." Sinundan niya ito ng tingin at dumeretso ito sa desk para patayin ang upos sa ashtray.
"Akala ko kasi mas makakabuti pag mas napaamin natin siya. Wala naman nangyari sa akin kaya okay lang naman ako—"
"He touched you. He f*****g touched you so don't say that it's f*****g alright! f**k it!" Napatalon siya sa gulat at napaatras dahil sinamaan na naman siya nito ng tingin.
"S-sorry na... patawarin mo na ako. Huwag ka na magalit sa akin, please? Hindi na mauulit, susunod na ako sa lahat ng gusto mo," pagmamakaawa niya rito. Ayaw niya talagang magalit ito sa kaniya pero siya naman din kasi ang may kasalanan.
Tumalikod ito sa kaniya at may kinuha sa liquor fridge nito na ngayon niya lang napansin. Kumuha ito ng baso at sinalinan ng alak iyon at agad na ininom.
"Take a bath. He touched you, you need to remove the dirt of his f*****g hands." Napatango naman siya agad na parang nakikita siya nito kaya dali-dali siyang naghubad ng damit dahil sa pagkataranta.
"What the hell are you doing?" Napatigil siya sa paghuhubad nang sumigaw muli ito, nakalingon na ito sa kaniya at halos magtama na ang kilay nito dahil sa sobrang kunot ng noo.
"A-ano... naghuhubad? Para maligo—"
"Are you f*****g kidding me? I'm here for f**k sake and this is my room! Get out and go to your room and do it there!" Naitaas niya ang strap ng dress kaagad at dali-daling tumalikod dito para pumunta sa pinto pero napatigil din siya at muli itong hinarap.
"What?"
"Pinapatawad mo na ba ako?" tanong niya. Hindi kasi siya talaga matutulog hangga't hindi siya nito pinapatawad.
"Get out, now," mariin na ani nito. Nilapitan siya nito at hinawakan ang kaniyang balikat pero napahiwalay silang dalawa dahil para bang nakuryente siya sa kamay nito.
"Get out." Muli siyang tinulak nito palabas ng kwarto kaya natulala na lang siya roon hanggang sa pagsarhan siya ng pintuan nito.