Tiningnan niya ang kabuuan ng sarili sa malaking salamin. Napaka-elegante niyang tingnan sa suot niya ngayon. Kagabi pa lang ay talagang kinakabahan na siya sa mangyayari ngayon pero pilit niyang tinatatagan ang loob niya.
Gusto niyang makatulong kila Draze kahit sa simpleng bagay lang. Oo, sa totoo lang simpleng bagay lang itong gagawin niya kaysa sa nagawa ni Draze at ng grupo nito sa kaniya. Utang niya na ang buhay niya sa binata dahil kung hindi siya nito niligtas noon ay nabubulok na siya siguro sa masamang tao na nakabili sa kaniya.
Mas gusto niya pang maging isa sa grupo ng binata kung ang layunin naman ay puro kabutihan. Mas gusto niyang madungisan ang kamay para sa hustisiya kaysa mapunta siya sa masasamang tao na bababuyin at aalilain lang siya.
Nakarinig siya ng katok at mayamaya ay bumukas din ang pinto at nakita niya si Draze. Simple lang ang suot nito, naka-all black ito at may mga armas na nakakabit sa katawan. Baril at kutsilyo ang mayroon siya sa ilalim ng dress na suot.
"Let's go. Don't forget your I.D." Tumango siya rito at chineck niya sa pouch niya ang pekeng I.D na gagamitin niya mamaya.
Lumabas sila ng bahay at sumakay sa van na gagamitin. Tahimik lang siya sa byahe at paayos-ayos ng damit niya, hindi dahil naco-concious siya sa itsura kun'di dahil kinakabahan siya.
Kaya ko 'to... Hindi ako mapapahamak dahil nakabantay lang sila sa akin... lalo na si Draze, hindi niya ako pababayaan...
Huminga siya ng malalim at pinagsiklop ang kaniyang kamay, medyo nanginginig kasi iyon.
"Do you want to back out?" Napatingin siya kay Draze dahil sa sinabi nito. Inaayos nito ang baril na dala at doon din nakapokus ang tingin nito.
"H-hindi! Kaya ko naman," ani niya at tumawa pa ng mahina para maitago ang kabang nararamdaman niya. Napalunok siya nang lumingon ito sa kaniya. He's in usual emotionless face but suddenly she want to hold Draze hands. Gusto niyang kumuha ng lakas dito at maramdaman ito na nakabantay lang talaga ito sa kaniya.
Pero hindi niya magawa dahil may hiya pa rin naman siya sa binata. Napapitlag siya sa gulat nang hawakan nito ang kamay niya.
May sinuot itong singsing sa kaliwang kamay niya kaya napatingin siya roon.
"Tap the diamond if you sense something danger. I'll come and save you no matter what happen, so trust me, us, I'll not let you die," he said in his serious tone. Para namang may kumalabog sa kaniyang puso sa mga sinabi nito. Napabuga siya ng hangin at napatango sa sarili. Kakayanin niya ito at magagawa niya dahil maraming tao ang nakabantay sa kaniya.
Hindi niya napansin na nakahawak na pala siya sa kamay ni Draze kanina pa, kung hindi pa huminto ang van at kailangan niya ng bumaba ay hindi niya malalaman. Hindi naman kasi ito nagreklamo na mahigpit na siyang nakahawak sa kamay nito.
May sarili na atang utak ang katawan niya.
Nahihiya niya iyong tinanggal at hindi na tiningnan pa ang mukha ni Draze nang pagbuksan na siya ni Gunner.
"You'll be transfer at that van. 'Yong naka-dress na violet ang spy at kabilang sa atin kaya sa kaniya ka lang tumabi at sumama," ani nito sa kaniya. Nakita niya naman ang babaeng nakatayo sa van at nakatingin sa kanila. Tinapik siya sa balikat ni Gunner at
sinenyasan na na pumunta sa babae. Napatingin pa siya sa paligid dahil wala masiyadong establishment sa lugar at wala ring cctv.
"Huwag kang magsasalita ng kung ano at gayahin mo lang ang gagawin ng mga babae para hindi ka mapahamak," sambit sa kaniya ng babaeng naka-violet dress. "By the way I'm Riley, nice to meet you, Draze wife," dagdag pa nito at ngumisi.
Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Napatingin siya sa mukha nito at mas lalo niyang nakita ang kagandahan nito sa malapitan lalo na dahil may ilaw na nasa loob ng sasakyan.
"For your information, our enemies called me Bubbles. At kung nagtataka ka kung paanong hindi ako nahuhuli? Tanga-tanga kasi ang matabang panot na kumakausap sa babaeng kumukuha ng mga babae para pagbitbitin ng droga. Akalain mo ba naman na hindi niya kabisado ang mukha ng kausap niya? Nakakainis 'yong mga taong gano'n, gagawa na nga lang ng katarantaduhan tapos hindi pa maingat?"
Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Halata niya pa lang sa itsura nito na medyo mataray pero hindi niya akalain na mukhang mainitin pala ang ulo at madaldal.
Nawala ang kaba niya dahil kinakausap lang siya ni Riley buong byahe nila hanggang sa makarating sila sa lumang gusali at nagsilabasan doon ang mga babae na pumasok naman sa loob ng van na sinasakyan nila. Tama nga si Riley dahil 'yong dalawang lalaki na armado ay hindi man lang tiningnan ang loob ng sasakyan at basta na lang pinapasok ang mga babae.
Walang nakapansin sa kaniya kaya hindi niya na kailangan umakting at magdahilan kung sakali mang tanungin siya ng mga ito.
"Oh 'di ba, mga bobo talaga," bulong ni Riley na ikinatawa niya ng mahina.
"Deretso na kami sa party, mukhang malaki ang porsyento na makukuha natin, may bonus daw sabi ni boss," pagkakausap ni Riley sa isang lalaki at kinindatan pa.
"Nice! Baka naman mamaya Bubbles pagbigyan mo na kami." Gusto niyang masuka sa tono ng lalaki dahil boses pa lang ay manyakis na.
"Sige ba! Basta dito lang kayo at huwag na kayo sumunod doon para naka-ready na kayo mamaya," sagot naman ni Riley.
Mukhang natuwa naman ang lalaki dahil tumawa pa ito. Hindi na rin sila nagtagal at umalis na muli, tatlong minuto lang naman ang byahe papunta sa venue kaya mabilis na lang iyon.
Hindi na sila nag-usap pa ni Riley dahil may kasama na sila sa loob ng sasakyan. Pansin niya sa mga babae ay parang natural na lang sa mga ito ang ginagawa. Pero alam niya rin na sa loob loob ng mga ito ay natatakot din ito sa klase ng trabaho na ginagawa.
Mahirap ang buhay pero hanggang sa makakaya sana ay 'wag nang kumapit sa patalim dahil paniguradong ikakasira lang 'yon ng buhay na alam naman natin na pagsisisihan natin.
Sinuklay niya ang maalon niyang buhok nang makarating sila sa venue. Sa labas ay mukhang simpleng party lang ang magaganap pero dahil may alam siya sa nangyayari pansin niya ang mga armas ng mga bantay. Nilibot niya ang paningin niya sa labas at nahagip ng mata niya ang mga nasa limang lalaki na may hawak ng sniper sa dalawang building na katapat ng venue.
Nakahinga siya ng maluwag dahil mga tao iyon ni Draze. Tumikhim siya at seryosong tumingin sa bantay nang hingin nito ang I.D niya. Pinapasok naman agad sila at nakadikit lang siya kay Riley.
"Be confident, walk like you're used to this." Pasimple siyang tumango at sinunod ito. Nasa harapan nila ang mga babae habang sila ni Riley ay nasa likod ng mga ito.
"Your name is Butter, I forgot to tell you," Riley winked at her. Malakas ang tugtog ng music dahil nag-umpisa na ang party. Parang simpleng masquerade party lang ang nangyayari dahil sa mga eleganteng suot at mask na nakatabing sa mukha ng mga bisita.
Kinapa niya ang maliit na spy camera sa bandang dibdib niya na nakakabit sa suot na dress at ang kwintas naman niya na camera rin ang pendant pero hindi halata dahil sa diamond na itsura.
Lumiko pa sila sa isang pasilyo bago nila narating ang isang malaking pinto na may dalawang armadong lalaking bantay.
Pinagbuksan sila kaagad at bumungad sa kaniya ang apat na babae na halos wala ng saplot dahil sa bikini na suot. Nakayakap ang mga ito sa isang may edad na lalaki.
Governor Mercado...
"Where's my babies?" nakangiting ani ni Mercado habang nililibot nito ang mata sa kanila.
"Girls," sambit ni Riley at sabay-sabay naman na inabot ng mga babae ang mga bag na dala ng mga ito. May dalawang lalaki na kumuha ng mga bag na dala nila. Sa pagkakaalam niya ay napalitan na ng tawas ang droga na laman noon dahil napagpalit na kanina
noong sinundo siya ni Riley sa tagong lugar.
"I'll expect all this are complete because I trust your works Bubbles. Dadagdagan ko ang porsyento mo dahil nagpakita ka na sa akin ngayon. Hindi ko alam na maganda ka pala at madiskarte rin," ngisi nito habang binibigyan ng malagkit na tingin si Riley.
"Oh, Governor, you can always ask me wherever you want. Alam mo naman na malinis akong trumabaho at maghatid ng mga orders mo," maarteng ani ni Riley rito. Tumawa naman ang matanda na parang tuwang-tuwa sa sagot ni Riley.
"Who is she?" baling nito sa kaniya na ikinakaba niya kaagad.
"Oh, she's Butter! Matagal ko na siyang nakakasama pero ngayon lang siya nag-deliver sa'yo," nakangiting ani ni Riley at inakbayan siya. Ramdam niya ang marahan na haplos sa kaniya ni Riley na parang sinasabi nito na 'wag siyang kabahan.
Binaba nito ang baso na hawak at sinenyasan ang apat na babae na lumayo.
"Come here," tawag nito sa kaniya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at lumapit na rito dahil baka mahalata pang natatakot siya.
Governor Mercado tapped the sofa. She sat immediately and smile at him like she's happy even she's not.
"Do you want some extra-service? Mataas ako magbigay." Nahigit niya ang hininga niya nang hawakan nito ang balikat niya at hapitin siya. Halos lumabas na ang puso niya sa ribcage dahil sa bilis ng t***k noon sa takot at kaba.
Parang gusto niyang sapakin ito dahil sa manyak nitong paghaplos sa kaniya.
"Governor! She's not your type, I mean she's not virgin. That not your type, right?" Agad na singit ni Riley at lumapit sa kanila.
Hinawakan siya nito sa kamay para patayuin pero hinawakan naman ni Mercado ang kamay ni Riley para pigilan ito.
"I can give you a bonus, Bubbles. Just let me—"
"Hindi kasama ito sa pinagusapan natin," matigas na ani ni Riley. "You always tell who you want in our girls before we go to you.
Kaya wala kang kukunin ngayon," dagdag pa nito. Ramdam niya na sa boses ni Riley ang inis kaya tumayo na siya at siya na ang nagtanggal ng pagkakahawak ni Mercado sa kamay niya.
"Then fine, I'll not give you a bonus." Tumingin ito sa mga tauhan, "Check the goods if it's complete and right," seryosong ani ng matanda.
Nataranta naman siya dahil napalitan na iyon. Binuksan ang isang bag at tiningnan ng matanda ang laman pero bago pa nito mahawakan ng tuluyan ang loob ay nagsalita na siya.
"Kung gusto mo ako, payag naman ako, basta bibigyan mo kami ng malaking bayad," ani niya. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nautal. Napatingin naman sa kaniya si Riley kaya tumingin din siya rito.
"Game ako, basta ba malaki okay lang sa akin," dagdag niya pa at pilit na sinesenyasan si Riley gamit ang tingin niya na sumangayon lang ito sa kaniya.
Binalik niya ang tingin kay Mercado na mas lumawak na ang ngisi. Binitawan nito ang bag at binigay sa tauhan.
"Good decision darling... Don't worry I'll triple my p*****t to you and the bonus for Bubbles." Tumayo ito at hinapit siya sa bewang.
"Paalisin mo na sila pati ang bantay mo, gusto kong walang audience sa gagawin natin," maarteng ani niya. Sa totoo lang ay nasusuka na siya dahil sa mga sinasabi niya at sa hawak na ginagawa sa kaniya ng matanda pero may binabalak siya para mapaamin ang mga kasamaan na ginagawa nito.
"Of course, darling..." Sinenyasan nito ang lahat na lumabas. Nakipagbeso siya kay Riley para mabulungan ito.
"Wait for my signal," bulong nito at ngumiti pa rito. "Uuwi ako bukas dahil makikitulog na rin ako kay governor," ani niya kay Riley na parang iyon talaga ang sinabi niya. Tumingin siya kay Mercado at lumapit na rito.
Riley just smile and nodded at her before she left with the women.
Ngayon ay silang dalawa na lang ng governor na ito sa malaking kwarto. Sisiguraduhin niyang mailalabas niya ang baho nito at ito na mismo ang magsasabi ng mga kasamaan na ginagawa niya sa likod ng mga tao na na nagtitiwala rito.