CHAPTER-15

1636 Words
Tumigil ang sasakyan sa labas ng isang mamahaling restaurant. Sabay silang lumabas ni Draze at agad naman siyang kumapit dito. Kailangan niyang ayusin ang pagpapanggap niya bilang asawa nito dahil maraming nakatingin sa paligid. Pumasok sila sa loob ng restaurant at binati naman sila ng mga staff. Sinalubong din si Draze ng tatlong lalaki na may mga kasamang mga babae na sigurado siyang mga asawa ng mga ito dahil may mga edad na ang halos lahat. "Good to see you again, Draze." Tinapik ng matandang lalaki sa balikat ang binata. "How's business? You came with a new product again." Gumapang ang kamay ni Draze sa bewang niya kaya medyo nagulat siya pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. "Always good. You know how I focused on my business, right?" he chuckled. Tumingin ito sa kaniya habang nakatawa pa rin ang mukha. "So, this is your wife?" "Yes. This is Aurelia Celeste- Moretti, my wife." Nag-init ang pisngi niya dahil ngayon lang naman siya pinakilala mismo ni Draze sa iba na asawa siya nito. "You're very pretty, no wonder this man fell for you," ani ng isang lalaki at sumangayon naman ang asawa nito. "Tama! Napakagandang bata. Bata pa lang kayo pero successful na!" singit pa ng isang ginang. Naramdaman niya ang haplos ni Draze sa bewang niya kaya napatingin siya rito. Nakangiti ito sa kaniya at kahit tipid lang iyon atleast ay nakita niya itong ngumiti kahit papaano. Lumawak lalo ang ngiti niya dahil doon. Sabay-sabay silang umupo sa pwesto nila at nagsimula na rin mag-serve ang mga waiter at waitress sa table nila. Hindi siya masiyadong nagsasalita dahil hindi naman siya maka-relate sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Naiintindihan niya naman pwera lang sa mga business terms na ginagamit nila. She silently eat her food while sometimes smiling and nodding when some of them got her attention. Tumigil siya saglit nang ipagpalit ni Draze ang plato nilang may laman ng steak. Binigay nito ang hiniwa nitong steak para sa kaniya. "Salamat," bulong niya. Kahit busy ito makipag-usap habang kumakain ay hindi siya nito pinabayaan. Naging maayos naman ang takbo ng dinner nila. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang nagtanong tungkol sa buhay niya o kung saan siya nakilala ni Draze. Naramdaman niya rin na totoong mabuti ang mga ito at maayos talaga ang pakikitungo sa binata. Nang matapos ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Inabutan pa siya ng isang ginang ng regalo, sabi pa nito ay magagamit niya iyon dahil bagong kasal lang naman sila at bata pa. Hindi niya alam ang laman ng paperbag pero nagpasalamat siya sa binigay nito. Palabas na sila ng restaurant nang may tumawag kay Draze at sa kaniya. Sabay na sabay pa iyon kaya nagulat siya. "Draze?" "AC?" Nanlaki ang mata niya nang makita si Zyldian na nakatayong nakatingin sa kaniya. Nakapwesto ito sa window view na table. Katabi nito ang babaeng tumawag kay Draze at may kaharap pa ang dalawa na isang babae at isang lalaki. "Z-zyldian?" bulalas niya. Ramdam niya ang pagtingin ni Draze sa kaniya kaya napatingin din siya rito. "He's your guy friend?" ani ni Draze sa mahinang boses. "Draze!" Hindi siya nakasagot dahil lumapit ang babae sa kanila pati na rin si Zyldian ay lumapit na. Napalunok siya dahil sa kaba, hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ng mga ito. "Jennie..." Ngumiti ang babae kay Draze. Nakita niya ang nagtatanong na mata ni Zyldian, marahil nagtataka kung sino ang kasama ko. "You're here... Mga co-investors mo 'yong mga lumabas 'di ba? May dinner pala kayo," sambit ng babae habang patingin tingin sa kaniya. "Kilala mo pala si Draze Moretti, Ac," singit ni Zyldian at mahinang tumawa. "Pinsan ko pala si ate Jennie," dagdag pa nito. Ngumiti siya at tumango sa babae. "Investor ka rin ba? O nandito rin ang parents mo?" tanong sa kaniya ni Zyldian. "Papaalam na sana kita kung nandito, ako kakausap para maka-attend ka sa party ko." "Maybe I'm the one you should talk to." Dumagundong lalo ang puso niya sa kaba nang nagsalita si Draze. Nagulat na lang siya nang ipadausdos ni Draze ang kamay nito sa bewang niya at hapitin siya. Iniwas niya ang tingin sa mukha ni Zyldian dahil hindi niya rin talaga alam ang sasabihin. "Who is she, Draze?" tanong ng babae. "Magkamag-anak ba kayo —" "She's my wife." Nahigit niya ang hininga niya dahil pinagpapawisan na siya. Hindi siya handa, lalo na't kaklase niya pa naman si Zyldian. Paano na lang kung kumalat sa university na may asawa na siya. Kahit hindi pa siya sikat o kilala sa school o kahit sa tingin niya ay hindi naman magdadaldal si Zyldian ay kinakabahan pa rin siya. "S-she's your what?" gulat na gulat na sambit ng babae. "She's my wife. We just got married actually," he casually said. "Y-you're married..." Nakagat niya ang labi dahil kita niya na hindi makapaniwala si Zyldian. "So... I bet she can't attend to your party because we have a honeymoon and dates to do." Hinawakan siya sa kamay ng binata kaya napahawak na rin siya. "We're going now. We have a lot of things to do." Hindi na nakapagsalita ang dalawa at pati na rin siya. Hinatak na siya palabas ni Draze at dere-deretso lang sila sa sasakyan. "Draze wait!" Napahinto silang dalawa ng binata dahil sinundan sila ng babae na nagngangalang Jennie. "Can we talk for a second? Please?" she added. "Next time, Jen." Nakita niya na lang ang pagbagsak ng balikat ng babae habang nakatingin kay Draze. Saglit lang 'yon pero nakita niyang may bahid ng lungkot at sakit ang mata nito. Pinagbuksan siya ni Draze ng pinto ng kotse kaya pumasok na siya kaagad bago pa ito magalit ng tuluyan. Umikot ito at pumasok na rin ng sasakyan. Hindi na ito nagsalita pa at pinaandar na lang ang sasakyan. Patingin-tingin siya rito dahil binabasa niya ang mukha nito pero hindi niya naman mabasa dahil wala man lang emosyon ang makikita sa mukha nito. "P-paano kung kumalat sa school na may a-asawa ako?" mahinang sambit niya. Iyon talaga ang ikinababahala niya kahit sigurado naman siyang hindi ipagkakalat iyon ni Zyldian. "Then it's fine. No one can touch you if everyone knows that you're my wife." "Pero... p-paano kung mabalita ako? Edi mas lalo akong matutunton ng mga kalaban?" kinakabahang ani niya. Ginilid nito ang sasakyan at inihinto 'yon. Tumingin ito sa kaniya at nakasalubong na naman ang kilay nito. "It's fine. No one can touch you nor kill you because they need to kill me first before they can kill you. Still, no one can kill me so you're safe." Napatungo siya at pinaglaruan ang kamay niya. Naisip niya si Zyldian at ang mukha nitong gulat na gulat sa nangyari kanina. "Kailangan ko kausapin si Zyldian... Kailangan kong magpaliwanag—" "What?! Why do you need to explain? If he going to spill it to everyone in the school then it's good! Boys will not flock on your feet." Agad niya itong nilingon at kinunotan ng noo. Gulong gulo na talaga siya rito. "Bakit ka ba galit na galit sa ibang lalaki? Lalaki ka rin naman? Tiyaka kaibigan ko lang si Zyldian!" medyo may bahid ng inis ang boses niya. "Because you're my wife!" "Ba't ka sumisigaw?!" Hindi niya na napigilan na sumigaw na rin. Ewan niya ba bakit nagiging moody na rin siya. "And why are you shouting back? Do you really want to explain to that guy? Kaya ka nagagalit sa akin dahil sinabi ko sa mukha ng lalaking 'yon na asawa kita?" he fumed. Umawang ang labi niya dahil hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit siya sumisigaw. Bigla na lang kasi siya nairita dito dahil galit na naman ito. Napapikit siya ng sumakit ang puson niya. Mukhang magkakaroon na siya ngayong gabi dahil nararamdaman niya na. "Mag drive ka na nga! K-kailangan ko na makauwi," ani niya at iniwas ang tingin dito. Pakiramdam niya ay mayroon na siya. Wala pa naman siyang dalang napkin. Nakita niya sa peripheral vision niya ang paggulo nito ng buhok na parang asar na asar na sa mundo. Hindi na ito nagsalita at pinaandar na lang ang sasakyan pero ramdam niya pa rin ang madilim na aura nito. Hindi siya makapaniwala na sinagot sagot niya ito at sinigawan pa. Okay lang naman siguro na sigawan niya ito 'di ba? Ngayon niya lang naman ginawa iyon. Napatingin siya nang may makitang convenience store na madadaanan nila. "Pwede bang itigil mo muna diyaan? May bibilhin lang ak—" Naputol ang sasabihin niya nang mapadaing siya ng mahina dahil may gumuhit na sakit sa puson niya. Pinikit niya ang mata niya at niyakap ang slingbag na dala. Ito ang ayaw niya talaga, pagmagkakaroon kasi siya ay sa una hanggang pangalawang araw ay para siyang lalagnatin sa sakit ng puson. Hindi niya ba alam kung bakit gano'n siya pag may dalaw. May pasok pa naman siya bukas, ayaw niyang umabsent. "What happened?" natatarantang tanong ng binata nang maitabi nito ang kotse sa tapat ng convenience store. "M-masakit p-puson ko," naiiyak na sambit niya. Napahawak siya sa kamay nito at piniga iyon. Sumasakit na rin ang ulo niya at hindi siya mapakali. "Wait here. I'll buy you a napkin and a hot compress." Napadilat siya ng mata kaagad nang binitawan nito ang kamay niya at lumabas ng sasakyan. Gusto niyang mag-react at magtanong kung paanong alam nito ang gagawin. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng convenience store. Mabilis lang ito at pagbalik nito sa sasakyan ay halos lumuwa ang mata niya dahil sa dami ng binili nito. Napkins, hot compress pack, chocolates and chips. Mas lalo tuloy gumulo ang isip niya dahil alam na alam nito ang mga cravings ng mga babae pag mayroon. Hindi siya umimik at tiningnan na lang ito na may halong pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD