Ngumunguya siya ng chips habang sa isang kamay niya ay may nakabukas na chocolate. Ngayon lang niya naranasan na makain lahat ng cravings niya pag buwanang dalaw. Hindi siya pinapasok ni Draze at wala na rin siyang nagawa dahil wala rin siya sa mood.
Talagang malala kasi ang dysmenorrhea niya. Noon nga pagnasasaktuhan na malala ang pinapagawa sa kanila ay nilalagnat na siya dahil sa sobrang pagod kasabay pa ng masakit na puson.
Napatingin siya sa may pintuan ng kwarto niya nang bumukas iyon. Si Draze ang pumasok at may dala itong tubig na alam niyang maligamgam.
"What do you feel?" he asked. Draze sat beside her.
Hindi ito pumasok sa trabaho kaya nagtataka rin siya.
"Hindi ka ba papasok sa trabaho mo? O hindi ka man lang aalis ng bahay para pumunta ng hideout niyo?" tanong niya rito bago
kumagat ng chocolate. Nagiging komportable na ata siya rito.
"Pinapaalis mo ba ako?" Napanguso na lang siya nang nahihimigan niya na naman ang pagsusungit nito.
"Nagtatanong lang!" Sinundan niya ito ng tingin habang naglalagay ng tubig sa baso. Inabot nito sa kaniya iyon kaya sinubo niya na ang chips na nasa isang kamay. Kinuha naman niya ang tubig at uminom kaagad.
"Paano mo nalaman ang mga kailangan ng babae pag merong menstruation?" Muli niyang inabot dito ang baso pabalik dahil kumakain pa siya. Natigilan naman siya nang lumapat ang hinlalaki nito sa gilid ng labi niya na parang may pinunasan doon.
"I always take care of my older sister when she has a dysmenorrhea." Napalunok siya at marahan na tumikhim. Biglang nag-init ang pisngi niya dahil sa ginawa nitong paghawak sa gilid ng labi niya. Hindi niya ine-expect iyon.
"M-may ate ka? Saan na siya?" Binalik niya ang tingin sa kinakain dahil nailang na siya rito, lalo na't katabi pa niya ito at malapit talaga sa kaniya.
"Yes. But she's far away now," he plainly said. Tumayo ito at inilagay ang baso sa side table.
"Just ask the maids or text me if you are craving for other foods. I'll just go to my office." Alam niya na ang tinutukoy nitong office ay narito rin sa bahay.
Tumango na lang siya rito at ngumiti. Medyo natutuwa talaga siya at hindi mapigilan na makaramdam ng tinatawag na kilig. Paano
ba naman ay nakita niya ang ganitong side ni Draze. Alam niya naman na mabuti ito pero hindi niya alam na magaling ito sa pag-
aalaga.
Gusto niya tuloy ma-meet ang ate nito dahil panigurado mabait din pati ang magulang nito. Inubos niya ang pagkain niya habang nanonood ng movie sa laptop.
Draze goes to his office at his home. It's kind a like more of library vibes than an office. Mahilig kasi siya magbasa ng kung ano-ano
lalo na tungkol sa business.
Umupo siya sa swivel chair na naroroon at binuksan ang laptop niya. Napahinto naman siya sa ginagawa nang mag-ring ang
cellphone niya.
Sinagot niya ang tawag nang makitang si Jennie iyon.
"Thank god, you answer my calls!" bulalas nito. Ilang beses na kasi siya nito tinatawagan simula kagabi kaso hindi niya ito masagot
dahil busy siyang inaasikaso si AC dahil sa malalang dysmenorrhea nito.
"I was busy."
"Busy? Busy with your pretending wife?" she scoffed. "I can feel it. She's not your wife, Draze. What happened? Do you know how shocked I am?"
"She is, Jennie. She's my wife from now on." Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. Hindi naman problema kung malaman ni Jennie ang totoo, alam niya naman kasi na hindi nito ipagkakalat ang sikreto na 'yon.
Since most people are afraid of him, he feels it is a good thing that they are aware of his wife's identity. There is a good and a bad
aspect to this; the bad side is that the opponents will almost certainly assault AC; the good side is that most of them will be afraid and will not want to fight him.
"You are kidding!"
"I am not."
"Kung kailangan mo lang din pala ng asawa bakit hindi mo na lang ako sinabihan? I can pretend to be your wife, Draze. Alam mo bang madadamay siya sa mga gulo? And worst, can she accept you for who you are? Alam niya rin ba kung bakit ka napasok sa underground world?"
Natigilan siya at natulala ng bahagya. He knows Jennie like him that's why she's reacting this way. But still he can't accept her feelings because he doesn't deserve a family. Masiyado nang madungis ang kamay niya, kahit pa masasamang tao ang tinutugis niya
ay napakadumi niya na.
"As you know, our relationship is not serious. Even if she can accept me or not, it's not a big deal. I have to end the call because I'm busy."
Natahimik ito sa kabilang linya, ibababa na sana niya nang muli itong magsalita.
"Fine. I know I can't change your mind. Nangyari na ang nangyari. I advise that you should research on how to be a good husband, Draze. Kasi kung ganiyan ang pagpapanggap niyo, mahahalata kayo na hindi mag-asawa. You know how the enemies work, kung ako nahalata ko na na hindi totoo ang relasyon niyo panigurado rin ang mga kalaban mo."
Jennie ended the call. It's doesn't matter to him anyway. If enemies and other people believe it or not, it's not a big deal for him. AC is now his responsible, and if anything happen to her he knows that he's the reason so he's doing everything to keep her safe.
Napatingin siya sa laptop niya at kusang kumilos ang kamay niya para mag-type sa google. He absentmindedly type 'How to be a good husband'.
Napamura siya ng mahina dahil doon. Napaisip din kasi siya sa sinabi ni Jennie. Well, he admit that he always get mad of AC, not because she's not doing good but because he doesn't know also the reason of his anger towards her.
Basta naiinis lang siya, lalo na pag nakikita niya itong nakikipagngitian lalo na sa mga lalaki. Marahil siguro ay iniisip niyang delikado ang dalaga sa mga ibang lalaki.
He licked his lower lip while reading the list of how to be a good husband to your wife.
1. Learn how to communicate to your wife.
2. Learn how to listen to her problems.
3. Schedule a weekly date.
4. Compliment her a lot.
5. Show your true feelings for her.
Napahilamos siya sa mukha niya dahil sa mga nabasa. He tapped his fingers on the table while reading it repeatedly. Hindi niya alam kung susundin niya ang sinabi ni Jennie at susundin niya itong nabasa niya.
He let out a heavy sighed and just exit the tab. Ginawa niya na ang mga dapat niyang gawin. Sa totoo lang ay marami pa siyang trabaho na kailangan gawin ngayong araw pero hindi siya nakaalis.
Pwede naman niyang iwanan ang dalaga dahil nasa bahay lang naman ito pero hindi niya nagawa dahil naririnig niya itong umiiyak kanina dahil sa dysmenorrhea. Dahil doon ay naalala niya na naman ang nakakatandang kapatid niya.
Napatingin siya sa pintuan nang marinig niyang may kumakatok, mayamaya ay bumukas ang pintuan.
"Hello!" AC said while smiling ear to ear. "P-pwede ba ako rito? O pwede bang makahiram na lang ng libro?" she added.
He stared at her for a seconds before he motion to her to come in. Mas lalong lumawak ang ngiti nito sa kaniya.
"Get any book you want to read, and you don't need to ask for permission to me. You can borrow anything."
"Thank you! Hanap lang ako tapos lalabas na ako para hindi kita maistorbo."
Umiling naman siya at sumandal pa lalo sa kinauupuan niya. Tinitigan niya ang dalaga na naghahanap na ng libro sa bookshelves.
"You can read here. Just sit on the sofa." Lumingon ito sa kaniya nang may makuha ng libro.
"Sigurado ka? Pwede talaga?" Kumislap ang mata nito na parang tuwang-tuwa sa narinig. Hindi pa siya nagpapapasok ng kung sino sa library na 'to, bukod sa mayordoma na naglilinis ng opisina niya na ito.
"Yes. Sit there and read quietly, don't ask now a question." Hindi na ito nagsalita at tumungo na sa sofa at doon nagbasa. Binalik niya na ang tingin sa ginagawa pero nawala na siya sa focus.
Pasimple siyang tumitingin-tingin sa dalaga na seryoso ng nagbabasa ng libro. Pumasok na naman sa isip niya ang na-search niya kanina.
Should he make a conversation with her?
Should he compliment her because she loves to read books too?
He shut his eyes for a seconds and opened it again. He brushed his hair using her fingers and just shook his head. Tuluyan na ata siyang na-distract. Balak pa naman niya sanang tapusin ang mga ginagawa niya pero mukhang matatagalan siya.