Humarap siya sa salamin nang matapos maligo. Mag aayos kasi siya dahil sa labas sila magdi-dinner ni Draze ngayong araw.
Tuwang tuwa siya nang malaman iyon dahil siyempre makakasama niya muli ang binata sa pagkain.
Mas madalas na niya ito makasama at makausap nitong mga nakaraang araw at masasabi niyang medyo hindi na siya nahihiya magsalita o kumilos sa harapan nito.
Hindi niya ba alam pero pakiramdam niya may nagbago, hindi niya lang alam kung ano iyon.
Ngumiti siya sa harapan ng salamin nang matapos magbihis. Sinuot niya ang isang magandang dress na isa sa binili rin sa kaniya ni Draze.
Sinuklay niya ang buhok niyang pinatuyo gamit ang blower. Nang okay na siya ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto bitbit ang sling bag niya na may laman na cellphone at wallet.
Pinagbuksan siya ng bodyguard niya para makapasok sa sasakyan. Ihahatid kasi siya ng mga ito sa restaurant kung saan sila kakain ni Draze. Galing kasi sa kompanya si Draze kaya para hindi na ito mahirapan para sunduin siya sinabi niyang magpapahatid na lang
siya sa mga bantay niya.
Saglit lang ang byahe dahil wala namang traffic sa dinaanan nila. Pagbaba niya ng sasakyan ay natanaw niya na si Draze sa loob ng restaurant. Glass wall kasi ang restaurant kaya naman ay kitang kita niya ang nasa loob.
Sinalubong niya ng ngiti ang binata at umupo sa harapan na upuan nito.
"I already ordered some foods but if you want to add something just tell me," ani nito sa mababang boses.
Umiling naman siya rito. Panigurado ay marami na itong inorder kaya hindi na niya kailangan pa magdagdag. Nilibot niya ang paningin sa restaurant. Sa gitna ay may wine bar, maari kang mag order ng mga alak.
Maganda ang lugar na ito. Kahit glass wall ang restaurant ay safe naman dahil bago ka makarating dito may malaking gate at pagpasok mo may dadaanan ka pang malaking garden.
"Bakit tayo lang ang customer dito?" tanong niya rito habang nililibot pa rin ang paningin.
"Of course, it's more safe and I don't want other people here."
Napatango naman siya.
"You look good on that dress."
"Ha?"
"You look good on that dress. It suits you."
Natameme naman siya at hindi talaga makapagsalita. Parang hindi nagsi-sink in ang sinabi sa kaniya ni Draze.
Nag init ang pisngi niya sa hiya dahil ngayon lang siya nito pinuri.
Napaiwas ito ng tingin at umubo pa. Inayos nito ang necktie na suot at bahagyang niluwagan.
Saktong dumating ang mga pagkain kaya hindi na siya lalo nagsalita pa. Hindi niya alam ang sasabihin niya o itutugon dito.
"You have 8am class tomorrow, right?"
Tumango siya kaagad nang tanungin siya ng binata. Marahan siyang ngumunguya ng steak at ninanamnam ang lasa no'n. Masarap kasi talaga at hindi siya magsasawa sa lasa no'n.
Nasasanay na rin siya sa mga mamahaling pagkain dahil sa binata.
"I'll drop you at your school tomorrow."
Napatingin siya rito dahil sa sinabi nito.
"Ihahatid mo ako?" pagkukumpirma niya ulit.
Draze nodded while munching his food.
"B-bakit?"
Nagsalubong ang kilay nito nang ibaling ang tingin sa kaniya.
"You look like you don't want me to drop you off at your school. Are you hiding something?"
Naibaba niya ang tingin sa pagkain niya. Wala siyang tinatago pero nag aalala siyang makita siya ng mga kaklase niya na kasama si Draze.
Paanong hindi siya mag-aalala kung hindi man ito kilala ng mga kaklase niya na isang businessman pagkakamalan naman itong artista.
Iba ang dating ng binata at alam na alam niya iyon. Isa pa't nitong mga nakaraang araw ay inaasar siya ng mga iilan niyang kaklase kay Zyldian dahil lagi niya itong kasama.
"Are you worried because I might found out that you are dating?"
Nanlaki ang mata niya at binitawan ang tinidor na hawak. Mabilis siyang umiling dito na parang may ginawa siyang mali.
"Hindi kami nagde-date ni Zyldian ah!" She reacted.
Dumilim ang mukha ni Draze kaya napalunok siya sa kaba. Wala siyang ginagawang masama pero ito siya at kabang kaba.
"I didn't mention any name."
Lumikot ang mata niya para iwasan ng tingin ang binata. Pansin niya naman kasing mainit ang ulo nito kay Zyldian kaya nga hindi siya nakapunta sa party nito at hindi niya na pinilit dahil baka magalit pa ito sa kaniya lalo.
"Hindi... hindi naman kasi kami nagde-date... Inaasar lang kami ng mga kaklase namin," ani niya. Pahina ng pahina ang boses niya dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi na siya magtataka kung paano nito nalaman. Wala naman siyang matatago rito.
"Because you are always with him! Siya lang ba ang kaibigan mo?" Iritableng bulalas nito.
Napanguso siya dahil inis na talaga ito. Wala pa sa kalahati ng pagkain ang nakakain nila pero nagtatalo na naman sila.
"K-kumain na lang tayo... galit ka na naman."
"Ayaw mo bang makita tayong magkasama ng mga classmates mo?" seryoso nitong tanong. Napabuntong hininga siya at tiningnan ito sa mata.
"Oo ayoko... kasi alam kong pagkakaguluhan ka lang doon at panigurado ay hindi ako titigilan ng mga babae kong schoolmates kakatanong sa pangalan mo at kung sino ka," pagsasabi niya ng totoo.
"Then tell them that I'm your husband. That guy already know that you have a husband, he should distance his self."
Hindi siya kumibo dahil hindi niya alam ang itutugon niya rito. Parang napakadali lang ng sinasabi nito. Oo nga't mag asawa sila
kunwari at umaakto sila sa harapan ng kakilala ng binata pero para umakto pa silang mag-asawa sa harapan ng mga kaklase at schoolmate niya ay parang hindi naman na kailangan pa lalo na't hindi naman pumupunta ng school si Draze.
"You really don't want me to introduce to your classmates," matabang na bulalas nito.
"Hindi sa gano'n. Ayaw ko lang maging komplikado-"
"Eat."
Napakamot siya sa likod ng tainga niya dahil pinutol nito ang sasabihin niya. Hindi niya maintindihan ang binata sa totoo lang.
Nag iingat lang din naman kasi siya. Nagpapanggap lang silang dalawa pero pakiramdam niya ay maling mali ang sinabi niya rito.
Parang nagtaksil siya sa kasintahan niya, iyon ang pakiramdam niya.
Nanahimik na lang siya at tinuloy ang pagkain kahit medyo nawalan na siya ng gana dahil sa pagtatalo nila ni Draze.
Naging tahimik na lalo sila. Hindi nagsasalita o umiimik ang binata hanggang sa byahe nila pauwi.Siya naman ay hindi mapakali kasi parang siya pa ang nakokonsensiya.
Nagpakawala siya ng buntong hininga at hindi na lang muna pinansin ang binata.
Dapat ay ineenjoy nila itong araw na 'to dahil naisapubliko na ang mga kasamaan ni Governor Mercado.
Nabawasan na kahit papaano ang iniisip ng binata kaya nga madalas niya na ito nakakasama.
Masaya siya sa naging resulta ng pagtulong niya sa grupo kahit na nagalit si Draze sa kaniya.
Hindi niya na lang pinansin ang pagtampururot ng binata at kumain na lang ng kumain dahil ayaw niya naman masayang ang lahat ng sinerve kung mawawalan lang siya ng gana.