Hindi siya hinatid ni Draze sa school. Galit nga talaga ito sa kaniya. Gusto lang naman niya kasi mag ingat.
Hindi biro ang itsura nito, sigurado siyang pagkakaguluhan ang binata.
Humikab siya nang matapos ang pangatlo nilang subject. Break time muna nila ng isang oras bago ang last two subject niya.
Hindi niya kaklase si Zyldian ngayon sa pangatlong subject kaya naman ay wala siyang kasabay.
May mga iilan naman siyang nakakausap na sa mga nagiging kaklase niya kada subject pero sadiyang hindi lang siya madalas sumama sa mga ito.
Pumunta siya sa cafeteria para bumili ng corndog at isang onion rings. Sa garden kasi siya tatambay para mahangin. Hindi sobrang init kaya napagpasiyahan niya na roon tumambay ng isang oras.
Umupo siya sa bench na bakante. Sa pwesto niya ay tanaw niya ang naglalaro ng soccer sa field.
Pinicture-an niya ang pagkain niya bago tuluyang kumain. Sinend niya iyon kay Draze bilang update kahit na mainit ang ulo nito sa kaniya.
"I'll pick you up later."
Napangiti naman siya sa mensahe nito sa kaniya. Hindi na siya tatanggi pa ayaw niya sa pakiramdam ang hindi siya nito pinapansin.
Oo at sanay naman siya sa ugali ng binata pero nitong mga nakaraang araw na pinapansin siya nito madalas ay nasasanay na rin siya sa gano'ng sitwasyon.
"Watch out!" Huli na para mag-react ang katawan niya. Napapikit siya sa sakit nang tumama ang bola sa braso niya. Masakit iyon dahil malayo ang pinanggalingan.
Natulala na lang siya at napatingin sa pagkain at cellphone niyang nasa damuhan na.
Agad niyang dinampot ang cellphone at nakahinga ng maluwag nang hindi iyon nasira o nabasag man lang.
"Are you okay?" Naiangat niya ang tingin sa matangkad na lalaki. Moreno ito na may pagka-singkit.
"You have bruise. Let me accompany you to the clinic."
Hinawakan nito ang braso niya at napadaing siya kahit dumikit lang naman ang kamay nito sa nagpasa niyang braso.
"O-okay lang... ako na ang bahala," ani niya rito.
"No. I insist. Kami ang nakatama sa'yo. Pasensiya na," sambit nito. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
Ngumiti siya rito at umiling para ipakita na okay lang siya. "Ako ang may kasalanan kasi dito ako pumwesto."
Natigilan ito sa sinabi niya at bahagyang tumawa.
"It's not your fault. Don't worry I will not bite you. I promise, I'll just accompany you to the clinic and buy you a food because your food can't be eat by now because of us then I'll go," he explained while smiling.
"Parang natatakot ka kasi sa akin," dagdag niya pa at tumawa ulit.
"H-hindi! K-kaya ko naman kasi at ayoko ng maistorbo ka pa sa laro niyo. Hindi mo naman kailangan samahan ako."
Hindi sa takot siya dito, hindi naman ito mukhang nakakatakot. Kahit hindi niya ito kilala.
"Kami ang nakaistorbo sa'yo. Huwag ka ng tumanggi para rin sa ikapapayapa ng konsensiya namin," he chuckled. Nanlaki ang mata niya nang hawakan nito ang palapulsuhan niya para hatakin siya at binitbit na rin nito ang bag niya.
Dumeretso sila sa clinic. Ang lalaki ang nagpaliwanag sa nurse kung anong nangyari. Ginamot naman ang pasa niya at pinatungan ng cold compress.
Hindi naman sobrang laki ng pasa pero masakit talaga dahil sa lakas ng pagkakatama.
"I'm very sorry on behalf of my team. Sa'yo tuloy napunta ang bola." Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang cold compress sa kaniya at ito ang naghawak.
"Okay lang... hindi naman sinasadiya."
"Sobrang bait mo naman. Siguro kung iyong iba na natamaan ay nag wala na sa sobrang galit dahil madudungisan ang maganda nilang balat," ani nito.
Ngumiti naman siya sa sinabi nito. Hindi naman maganda ang balat niya katulad ng iba. Normal lang naman ang kaniya.
"Hmm... I guess you don't know me at all, that's why you reacted like that."
Kumunot ang noo niya nang magsalita ulit ito at ngumisi.
"You just casually talking to me. I'm amaze."
Mas lalo siyang nagtataka dahil hindi niya ito maintindihan.
"Jun! Ito na 'yong pagkain at inumin." Binalingan niya ng tingin ang pumasok na lalaki. Pareho ng suot nitong lalaking sumama sa kaniya at tinawag na jun.
"Sabi pala ni coach mamaya na lang ulit ituloy ang laro."
"Noted."
Inabot sa kaniya ng lalaki ang pagkain at inumin.
"Pasensiya na sa nangyari. Ako 'yong sumipa ng bola. Hindi ko sinasadiya. Sorry." Yumuko ito sa kaniya kaya nataranta siya.
"Okay lang talaga ako," paninigurado niya rito.
"Mag iingat ka... pasensiya na ulit pero mukhang iinit na ang dugo ng mga kababaihan sa'yo dito. Dapat talaga ako na lang ang naghatid sa'yo dito sa clinic," ani pa nito at kumamot ng ulo.
"Ha?"
"Hindi mo ba siya kilala?"
"Stop it Jethro." Pinatunog ng lalaki ang dila nito at napailing pa.
"Hindi mo talaga siya kilala?!" Napapikit siya ng napalakas ang boses nito. Umiling naman siya at kita pa rin sa mukha niya ang pagtataka.
Tinuro nito ang katabing lalaki na may kasingkitan. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Hindi ka ba nanonood ng Tv? Series? Movies? Holyshit man! She didn't know you!" Tumawa ito ng malakas at napapalakpak pa.
"Akala ko no'ng una ay umaarte lang siya para makausap ka!" dagdag pa nito.
Napatigil naman ang lalaking tinawag na Jethro nang makita siya nitong nakatitig lang dito.
"Sorry, sorry. Everyone knows Lee Min-Jun. Every girls, especially here in the university tried to do something para lang mapansin ni Jun. Sorry on my reaction, sadiyang 'di lang ako makapaniwala. By the way beside of being an ace in a sport of soccer, he is an actor and a model since he was a child."
Umawang ang labi niya dahil sa narinig. Binalingan niya ng tingin ang lalaking nagngangalang Lee Min-Jun.
Ngumiti ito sa kaniya at parang nahihiya dahil pinakilala pa ito ng kaibigan.
Guwapo ito at matangkad, hindi niya lang talaga akalain na sikat ito ng sobra. Hindi naman kasi siya masiyadong nanonood ng mga palabas.
"So-sorry, hindi ko alam. Naabala pa tuloy kita." Siya tuloy ang nahiya ngayon. Nakaistorbo na nga siya tapos sa isang sikat pa na tao. Nakakahiya siya.
"No, no, no! Don't say sorry. It's our fault and I insisted to accompany you. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng lalaking 'to." Siniko ni Jun ang tiyan ni Jethro.
"What?! Na-amaze lang ako! May kaisa isang babae sa school natin na hindi ka kilala!" Jethro chuckled. "Anyways, sorry again."
Tinanguan niya na lang si Jethro. Nagpaalam na ito sa kanilang dalawa ni Jun.
"Eat this before you go to your next class. You still have 20 minutes to eat." Hindi na siya tumanggi pa at gutom na rin naman siya. Kumain siya ng tahimik doon habang pasulyap sulyap sa binata.
"H-hindi ka pa ba aalis?" pagtatanong niya dahil nasa isang gilid lang ito nakaupo at nakatutok sa cellphone habang umiinom ng shake na dala ng kaibigan nito.
"Oh... okay lang ba na ihatid kita sa next class mo? To be sure that you are safe. Don't worry I'll tell to my fans after that I just help you because it's my fault that you get bruise." Ngumiti ito sa kaniya at tinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Wala ka bang klase?" tanong niya.
"We're excuse. May game kami next week kaya nagpa-practice kami."
Tumango na lang siya bilang tugon. Mukha naman kasi itong mabait kaya pagbibigyan niya na lang dahil mukhang nakonsensiya talaga ito sa nangyari kahit hindi pa sadya.
Natapos siyang kumain at hinatid siya ni Jun sa next class niya. Nakayuko lang siya habang naglalakad dahil pinagtitinginan siya ng mga estudyante, lalo na ang kababaihan.
"So you are irregular student? Ilang taon ka na?"
"Turning 23 next month."
"Mas matanda ka sa'kin ng isang taon."
Tumigil sila sa tapat ng room dahil dito na ang next class niya.
"Sorry again." Umiling siya rito at ngumiti para ipakita na okay lang siya.
"Wala iyon. Salamat sa pagkain at sa paghatid."
"No problem. See you around." Kumaway siya rito nang ngumiti ito sa kaniya at bahagyang umatras bago tumalikod. Lumingon pa ito muli para tingnan siya bago tuluyang umalis doon.
Rinig niya pa ang pigil na tili ng mga kababaihan sa hallway. Ang iba ay nakatingin sa kaniya na para siyang hinuhusgahan at ang iba naman ay naka pokus lang sa papalayong si Jun.
Pagkapasok niya ng classroom ay doon na siya inusisa ng mga kaklase niya. Sa 15 minutes na late ang professor nila ay parang isang oras na sa kaniya. Marami kasing katanungan ang mga kaklase niya kung paano siya nito napansin. Siyempre ay pinaliwanag niya agad ang nangyari para naman hindi isipin ng mga ito na nagpapansin siya sa binata na hindi niya kilala no'ng una.
Hanggang sa huling klase niya ay may lumalapit pa rin sa kaniya para lang makibalita sa nangyari kanina. Napailing na lang siya at napasuklay sa buhok. Napagod ata siya lalo dahil sa mga ito.