Chapter 56

1031 Words
Nakasakay ako sa kabayo niya at hinihintay si Rayle kasi inaya ako nitong umalis muna kami at magpa-hangin na dalawa habang naiwan naman dito sina Austin. Hinihintay ko lang siya kasi sabi niya sa akin may kukunin lang siya sa loob kaya dito lang ako sa kanyang kabayo nakaupo habang hinihintay siya. Dalawang araw na ako dito at naayos na naman namin ang gusot na nagawa ko simula ng bumalik ako sa kabilang mundo na hindi nagpa-alam sa kanila, kasi iyong nakaharap kuna mga kaibigan ni Rayle ay hindi sila walang iba kundi ang mga alagad ni Esmeralda. Hindi nagtagal nakarating nadin si Rayle at may dalawa itong basket na alam kung pagkain siguro ang laman nito kasi mukhang aabutin kami ng tanghali o gabi sa pupuntahan naming, gusto lang naming bawiin ang oras na nawala dati. Ng tuluyang magtagpo ang mga mata naming daalwa kaagad siyang ngumiti sa akin at habang nasa itaas ako ng kabayo nakaupo siya naman ay nasa ibaba mabilis niyang kinuha ang aking kamay at mariin itong hinalikan kaya mabilis naman akung napangiti sa kanya kasi hindi talaga pumapalya si Rayle na pangitiin ako. “You really know how to make me smile,” mahina kung saad sa kanya na kaagad naman niyang ikina-ngiti at mabilis na umakyat sa kabayo habang sa unahan naman ako nakaupo kaya ng hawakan niya ang lubid sa unahan ko parang niyayakap niya ako. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya at dahan-dahan itong nilingon pero narinig ko lang ang kanyang munting tawa at talagang niyakap na niya ako mula sa likod. “Doon tayo pupunta sa batis na pinuntahan natin dati sa gitna ng kagubatan,” kaagad namang napatingin ako sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi. “Alam ko namang gustong-gusto mo ang lugar na iyon kaya doon na muna tayo ng makapag-pahangin tayo matapos ng mga nangyari, alam kung maraming problema na ang dumating sa ating dalawa pero nandito parin tayo at nakahawak sa isat-isat at kahit nasasaktan kana nandito ka parin sa tabi ko at nakahawak sa aking mga kamay at hindi ako sinukuan,” mahinang bulong sa akin ni Rayle kaya ako naman na kilig na kilig sa kanya hindi ko napigilan ang aking sarili at sumandal sa kanya kaya mas lalo nalang ako nitong niyakap. “Ayos lang naman sa akin ang lahat—lahat ng ito Rayle kasi mahal na mahal kita at alam kung hanggang sa huli tayo parin ang sa huli, problema lang sila alam kung malalagpasan natin ito,” sagot ko sa kanya at muling hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. “Hinid mo lang alam pero mahal na mahal kita parang kalahati kana ng buhay ko at kung ano man ang mangayri sobra-sobra ang naging balik sa akin at iisipin ko palang na iiwan mo ako hinding-hindi ko kaya Rayle kaya sana ang hinihingi ko lang sayo lumaban ka kung paano ka lumaban noon sana ganon ka din lumaban ngayon, nandito na ako sa likod mo Rayle nandito na ako para tulungan ka nandito na ako para hawakan ang kamay mo hanggang sa huli,” hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin ang mga salitang iyon kay Rayle pero kailangan naman niya akung marinig at pakinggan ako. “Alam kung mahirap na ito sayo lalo pa at naging sunod-sunod na sila pero handa naman kaming tulungan ka at tapusin ang sinimulan nila at ipinangako kuna hanggang sa huli sasamahan kita at hahawakan ko ang kamay mo, hinding-hindi kita bibitiwan at hindi ako susuko lalo pa at mahal na mahal kita Rayle,” kahit hindi ako nakaharap kay Rayle alam kung naluluha siya sa aking sinabi, ramdam ko lang talaga kasi parang kung ano ang kanyang nararamdaman damang-dama ko din naman ito parang alam ko kung nasasaktan siya, parang attach na attach ako sa kanya. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o isasagot ko sayo pero alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal at kahit ano man ang mangyari mamahalin at ikaw parin ang pipiliin ko hanggang sa dulo,” biglang sinandal ni Rayle ang kanyang ulo sa aking balikat at doon niyakap na niya talaga ako. “Hindi mo lang binigyan ng kulay ulit ang buhay ko Kleyton binigyan mo ako ng pag-asa na maging masaya ulit kahit ito na ang nangyayari sa akin, my life is over without you baby,” mabilis kung hinawakan ang kanyang kamay na nakayakap sa akin at mas lalong sumandal sa kanya. “Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil kahit anong sakit nan g pinagdaanan mo nandito ka parin sa tabi ko at hindi ako pinabayaan at iniwan,” doon na pinilit kuna ang aking sarili na lumingon sa kanya at kaagad na nagtagpo an gaming mga mukha at hindi kuna napigilan ang aking sarili at mabilis ko siyang hinalikan na kaagad naman niyang ikinagulat pero mabilis naman siyang nakabawi at napangiti nalang sabay pisil ng aking ilong. “Umalis na tayo baka kung ano pa ag magawa ko sayo dito mamaya,” doon naman ako napangiti sa kanya at umayos nalang ng pagkakaupo sa kanyang kabayo. Umalis na nga kami habang hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi paano ba naman kaunting galaw lang ni Rayle kilig na kilig na ako. Habang papunta kami doon sa batis na pinuntahan namin dati. Hindi ko alam pero mas gusto kuna dito kung minsan nga nakalimutan ko ng nasa ibang mundo pala ako at may katawan akung pwedeng balikan, natatakot ako na kung tatanungin ako ngayon kung aling mundo ang piliin ko nagdududa na ako sa magiging sagot ko dahil dito na ako masaya, dito na ang taong mahal ko at dito ako masaya. Hindi niyo naman ako masisisi kung bakit itong mundo ang pipiliin ko, nandito si Rayle at kagaya ng sinabi ko parang kalahati na siya ng buhay ko at kapag pinilit ko ang sarili kunai wan siya hindi ko alam kung sana ako pupulutin. Malalim akung napabuntong hininga at hinawakan muli ang kamay ni Rayle na nakahawak sa akin. Naramdaman kung mahina niya akung hinalikan sa likod ng aking ulo habang naglalakad ang kanyang kabayo sa ilog na dadaanan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD