Habang dahan-dahan na lumalapit sa akin si Rayle biglang tumulo ang kanyang mga luha na kaagad nagpasakit sa aking puso kahit hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya lumuluha. Kahit hindi ko pa alam ang dahilan kakaibang bigat na ang nasa puso ko, habang nakikita ko palang na palapit nasa akin si Rayle at ng dahan-dahan akung napatingin kina Austin napaiwas sila ng tingin sa akin at nakitaan ko ng kakaibang emosyon ang kanilang mga mata, alam kung may mali akung ginawa sa kanila. Kung tama ang sinabi ng goblin na iyon sa akin hinding-hindi ko mapapatawad ang akingsarili dahil sa maling nagawa ko.
Hindi kuna hinintay na si Rayle pa mismo ang makalapit sa akin bagkus ay ako na mismo ang tumakbo palapit sa kanya at sinalubong ito ng mahigpit na yakap habang sunod-sunod din na tumulo ang aking luha kahit hindi ko pa alam ang aking kasalanan kasi kakaibang konsensya at sakit ang nasa puso ko habang nakikita kung lumuluha si Rayle. Ng tuluyan kuna siyang niyakap mabilis niyang binaon ang kanyang ulo sa aking leeg at doon naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng kanyang luha na kaagad bumasa sa aking leeg.
“Im so sorry Rayle,” hagulgol ko habang nakayakap sa kanya kasi ramdam at alam kung malaki ang kasalanan ko sa kanya. Mahigpit kung hinawakan ang kanyang coat habang nakayakap ako sa kanya at bigl ako nalang nabitiwan ang eespada na hawak ko. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang pagmamahal na tinatawag pero kakaibang saya naman ang nabibigay sayo. “Im sorry kung hindi na ako nakapag-paalam sayo na aalis ako, akala ko lang talaga kasi kailangan mo ng oras at nahihiya din akung lumapit sayo kasi baka may problema ka at mas gusto mong mapag-isa kaya naisipan kung magpa-hangin muna at umuwi, patawad Rayle,” sunod-sunod kung saad kay Rayle pero marahan lang niyang hinaplos ang aking likod habang nakabaon parin sa aking leeg ang kanyang mukha.
“May kasalanan din naman ako sayo kaya huwag ka ng humingi ng tawad na iintindihan ko, Im sorry baby,” mas lalo lang akung naiyak ng sabihin iyon ni Rayle kasi ako na ang may kasalanan nagawa niya paring humingi ng tawad sa akin. “Kasalanan ko ang lahat-lahat kung bakit hindi ko sinabi sayo, sapat na kasi sa akin ang makasama ka at wala na akung pakialam kung ano man ang mangyari hanggat nasa tabi lang kita,” dahan-dahan na kumalas sa pagkakayakap sa akin si Rayle at mas lalong sumakit lang ang aking puso ng makita ang namamasa nitong mata ng luha. Sa hindi malamang dahilan dahan-dahan kung pinunasan ang kanyang luha at mabilis niyang hinawakan ang aking kamay sabay mariin itong hinalikan at tinignan ako ng deritso sa mga mata. “Im sorry kung hindi na kita napansin nitong nakaraang araw, marami lang kasi akung inaasikaso at iniisip, patawad,” siya naman ang humawak sa aking pisngi at marahan ito hinaplos habang ako naman mas lalong nasaktan kasi siya pa talaga ang humingi ng tawad kahit sa totoo ako naman talaga ang may kasalanan. “Nandoon ako ng magtagpo ang landas niyo ni Ivan at rinig na rinig ko ang lahat-lahat na pinag-usapan niyo hanggang sa muntik na siyang mapatay ng goblin at ang pag balik mo sa kanya,” hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi kasi pumasok nasa isipan ko iyon at ayos lang naman sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang nararamdaman habang nakikinig siya sa usapan namin ni Ivan kasi sobrang seryoso ng pinag-uusapan naming dalawa at alam kung nakikita niya kung paano masaktan si Ivan.
“Hindi ko man gustong saktan si Ivan pero hindi naman siguro iyon maiiwasan,” mapait kung saad sabay buntong hininga ng malalim. “Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akung sinabi sa kanya na kahit ano, ayaw kung pati siya madamay dito at alam kung mahihirap siyang paniwalaan ang lahat ng ito. Ayos lang naman sa aking kung narinig mo, mahalaga din naman sa akin si Ivan hindi naman kasi basta-basta ang pinagsamahan naming dalawa isipin mo simula palang noong bata kami pero sadyang hindi lang magka-tugma ang nararamdaman namin sa bawat isa,” mahina kung sagot kay Rayle kaya napatango naman sa akin si Rayle at muli na naman ako nitong tinignan sa mga mata. Kakaiba ang titig sa akin ni Rayle, titig na maraming laman at hindi ko lang masabi kung anong klaseng tingin ang kanyang ginagawad sa akin.
“Kung darating man ang panahon na mawala ako alam kung mapupunta ka sa taong magmamahal sayo ng totoo, taong mas mahal kapa kaysa sa kanyang buhay at nandito lang ako para tignan ka at bantayan,” para akung sinampal sa sinabi ni Rayle at hindi kaagad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan parang napako ako doon at binuhusan ng malamig na tubig at hindi nakagalaw. Ayaw tanggapin ng aking utak ang kanyang sinabi dahil para akung sinusunog na hindi makahinga iisipin ko palang ang mga sinabi ni Rayle. Bakit niya ba sa akin sinasabi ang mga salitang ito? Ayaw niya ba akung makasama? Ngaing sunod-sunod itong tanong sa aking utak kasi hindi ko maintindihan kung bakit ito sinabi sa akin ni Rayle. “Alam kung mahal na mahal ka ni Ivan at hinding-hindi ka niya sasaktan, kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung paano ka niya tignan bilang pinakamamahal niyang babae, kung paano ako tumingin sayo ganon din siya tumingin sayo at sa oras na mawala man ako dito sa mundo at hindi ko kaya alam kung may taong handing magpasaya sayo kahit wala na ako,” literal na napanganga na ako sa kanyang sinabi at mas lalong binalot ng sakit at lungkot ang aking buong puso ng tuluyan na itong sinabi ni Rayle, hinid kaagad ako nakasagot sa kanya habang dahan-dahan na nalalag ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya pero ang alam ko nasasaktan na talaga ako ng sobra-sobra sa bawat salitang binibitiwan ni Rayle.
“Ano ba ang pinagsasabi mo Rayle!” malakas kung sigaw sa kanya na alam ko namang ikinagulat niya pero sunod-sunod akung umiling sa kanya. “Nasasaktan naman ako sa mga salitang binabanggit mo Rayle ano ba ang nangyayari sayo? Sorry kung umalis ako na hindi nagpaalam sayo pero huwag mo namang sabihin sa akin ang mga salitang iyan kasi nasasaktan ako at alam mo naman kung gaano kita kamahal sa tingin mo magmamahal pa ako ng ibang lalaki kagaya ng pagmamahal ko sayo? Matagal ko ng sinabi sayo na lalaban ako ng p*****n sayo at hinding-hindi ako susuko sa pagmamahal ko sayo handa akung masaktan ng paulit-ulit para lang sayo kaya sana naman huwag mo namang pangunahan ang mga mangyayari kasi wala namang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas! Nasasaktan ako kapag sinasabi mo ang salitang iyan kasi pakiramdam ko ayaw mo akung makasama, pakiramdam ko handa moa kung ibigay sa iba ng basta-basta nalang Rayle bakit hindi mo ba ako mahal?” bigla akung kinabahan sa sarili kung tanong lalo nasa magiging sgaot ni Rayle. Nanatiling ganon parin ang tingin sa akin ni Rayle kaya mas lalong binalot ng kaba ang aking puso.
“Hindi sa hindi kita mahal,” marahan siyang napabuntong hininga at hinawakan ang aking kamay at mariin itong hinalikan. “Kung alam mo lang kung gaano kita mahal Kleyton na kahit buhay ko kayang-kaya kung ibigay sayo, handa akung masaktan at gawin ang lahat-lahat para sayo,” tumulo na naman ang kanyang luha habang nakatingin sa akin at mas lalo lang sumakit ang aking puso. “ Takot na takot akung mawala ka sa akin pero mas takot akung masaktan ka dahil sa akin, tama si Ivan na kung mahal kita bakit kita hinayan na masaktan, wala man lang akung nagawa para protektahan ka at habang nakikita kitang nasasaktan dahil sa akin ang sakit-sakit ng puso ko,” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi parang napepe na naman ako at hindi alam ang isasagot sa kanya.
“Kung mahal mo ako huwag mo akung iwan at ipamigay sa ibang lalaki Rayle kasi ikaw ang mahal ko,” habang sinasabi ko ang mga salitang iyon tumutulo ang aking mga luha kasi nasasaktan din naman ako. “Bakit mo ako ipapamigay sa ibang lalaki kung ikaw naman talaga ang mahal ko,” pinahid ko ang luhang kanina pa kumawala sa aking mga mata at mapait na ngumiti sa kanya habang hindi ko alam kung paba ang gagawin ko. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ngayon sinasabi sa akin kasi noon hindi mo naman sinasabi sa akin ang mga salitang iyan bakit ngayon pa Rayle? Sabihin mo sa akin kung anong mali ang ginawa ko? Sabihin mo sa akin ng maayos natin ito, huwag ganito Rayle,” mahina kung saad sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit. Mabilis na napahilamos si Rayle sa kanya mukha at kaagad na naman ako nitong niyakap. Hindi kuna napigilan ang aking sarili at napayakap nadin naman ako sa kanya at doon mas lalong tumulo ang aking mga luha.
“Mahal na mahal kita Kleyton,” parang musika sa aking tenga ang kanyang sinabi pero bakit ramdam ko ang sakit sa bawat salitang kanyang binibitiwan. Ayaw ko ng magsalita pa dahil baka kung saan na naman abutin ang usapan naming dalawa at ayaw kung umabot sa punto na ang hindi dapat mangyari ay mangyari, alam kung marami lang iniisip si Rayle at handa akung intindihin siya kahit ano man ang mangyari. Handa akung intindihin kung ano man ang problema niya o kung ano man ang kanyang iniisip handa akung makinig sa kanya, basta hindi ko siya susukuan at hinding-hindi ako bibitaw sa pagsasama naming dalawa. Aaminin kuna mas mahal ko si Rayle kays sa aking sarili iyong tipo na mas uunahin ko siya kaysa sa akin alam kung hindi na tama ang pagmamahal na meron ako pero anong magagawa ko kung ganito ang t***k ng aking puso para sa kanya.
“Pumasok na muna tayo sa palasyo may nais lang akung malaman,” mahina kung bulong sa kanya kaya kaagad naman siyang napatango sa akin at dahan-dahan na hinawakan ang aking kamay habang ako naman ay pinulot ang espada na nahulog ko kanina at hinayaan siyang hilahin ako papunta sa palasyo. Hindi ko alam kung ano ang paglalakad naming dalawa mahina ba o mabilis kasi nabalik lang ako sa wisyo ng nasa palasyo na talaga kaming dalawa. Hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng palasyo hindi niya parin binibitiwan ang aking kamay hanggang sa makarating sa harapan ng bulaklak na moonrise doon niya dahan-dahan na binitiwan ang aking kamay. “May sinabi sa akin ang mga goblin kanina habang kasama ko si Ivan, totoo ba ang lahat ng iyon Rayle? Totoo ba ang kanilang sinasabi tungkol sa atin?” sunod-sunod kung tanong sa kanya kasi kung totoo man ang lahat ng iyon hindi ko alam kung paano ko mapapatawwad ang aking sarili dahil sa katangahan at ng hindi sumagot si Rayle at nanatili siyang nakatingin sa akin doon na ako napatampal sa aking noo at parang gusto kung kastiguhin ang aking sarili dahil sa nagawa ko.
“Oo, totoo ang lahat-lahat ng kanilang sinabi,” mas lalong nanghina ang aking tuhod sa kanyang sinabi para akung sinampal ng maka-ilang beses kasi hindi ko alam nasasaktan ko na pala si Rayle ng wala akung kaalam-alam tapos sa iba ko pa nalaman at mas lalo ko pa siyang nasaktan. “Hindi kuna sinabi pa sayo ito kasi alam kung mahalaga sayo si Ivan at may tiwala naman ako sa pagmamahal mo sa akin at kahit anong sakit alam kung babalik ka parin sa akin kasi mahal mo ako, hindi kami galit sayo sadyang wala ka lang alam at kami ang may kasalanan nito kung bakit hindi namin sayo sinabi sayo ang totoo sa takot na baka mapano kapa at kung ano pa ang iyong isipin,” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Rayle habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Kinakain ako ngayon ng aking konsensya dahil sa ginawa ko, kung alam ko lang sana pero wala naman akung alam.
“Im so sorry Rayle, hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko siguro ang magagawa ko nalang ay ang humingi ng tawad sayo, kung alam ko lang sana hindi na ako umalis sa lugar na ito sana dito nalang muna ako, patawad,” mahina kung saad sa kanya at doon dahan-dahan akung tumayo at kaagad siyang niyakap ng mahigpit habang siya naman ay dahan-dahan niyang hinihimas ang aking likod at hinalikan ako sa ulo. Hindi ko parin napigilan ang sarili at tuluyan na naman akung umiyak.