Habang nakaupo kami ni Rayle sa batuhan at naka sawsaw an gaming paa sa tubig at nakasandal ako sa kanya hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin sa kanya habang pinaglalaruan nito ang aking kamay at kung minsan mabilis niya itong hinahalikan sabay ngiti sa akin. Hindi ko alam pero sa ganitong galaw lang ni Rayle mas lalo lang akung nahuhulog sa kanya at hindi ko alam kung makakaya ko paring bumangon kapag iniwan niya ako na hindi naman mangyayari, malaki ang tiwala ko kay Rayle na hindi niya ako iiwan at hanggang sa huli kami parin ang nasa dulo.
“Habang nakikinig ako sa inyo ni Ivan noong isang araw doon ko lang napansin na sobrang mahal na mahal ka pala niya,” doon ako dahan-dahan na napatingin sa kanya kasi siya na mismo ang nagbukas ng topic na iyon kahit alam niyang siya naman ang mahal ko. Wala naman akung magagawa kung ganon ako kamahal ni Ivan, alam kung sobrang swerte ko kasi may kagayang lalaki niya na nagmamahal sa akin ng buong-buo at hindi lang basta lalaki dahil matalik ko siyang kaibigan at kilala niya ako simula noong bata palang kami siya na ang kasama ko hanggang sa lumaki ako ang kanyang pamilya ay naging pamilya kuna din.
“Matagal ko ng kilala si Ivan pero kahit kailan hindi ko napansin na iba na pala ang pagtingin niya sa akin at wala manlang akung kaalam-alam na kahit ma notice manlang hindi ko nagawa,” malalim akung napabutong hininga at umalis sa pagkakasandal kay Rayle at napatingin sa taas ng talon kung saan bumabagsak ang tubig mula sa itaas, sobrang linaw naman kasi nito at kitang-kita na ang nasa ilalim ng tubig pero delikado naman ang lugar na ito kapag ikaw lang mag-isa, mataas lang ang tiwala ko ngayon kasi kasama ko si Rayle. “Kahit nga ngayon hindi kayang isipin na nagmumukhang fantasy na ang buhay ko, sino ba naman ang mag-aakala na ganito pala ang buhay na sasapitan ko? Hindi naman ako nagsisi kasi mahal naman kita at kung papipiliin ako mas pipiliin ko parin ang ganitong pangyayari sa buhay ko kung alam kung sa huli ikaw parin ang sa huli,” mabilis ko siyang nilingon at kaagad na ngumit sa kanya habang si Rayle naman ay nanatiling nakatingin sa akin at kaagad na hinawakan ako sa aking mukha.
Hindi na ako nagulat ng bigla niya nalang ako hinalikan sa labi at hinayaan ko nalang ang aking sarili na magpadala sa mga halik ni Rayle hanggang sa dahan-dahan niya akung hiniga sa inuupan naming bato at kaagad ko namang naramdaman ang lamig ng bato habang dahan-dahan niya akung hinihiga at tanging malalim nitong hininga ang aking naririnig isabay mo pa ang malakas na bagsak ng tubig mula sa taas. Sa bawat halik ni Rayle ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa akin dahil sa paraan palang ng paghaplos ng labi ni Rayle sa akin naaalala ko kaagad ang kanyang sinabi sa akin na mahal na mahal niya ako kahit magka-iba kami ng kinagisnang buhay. Siya nabuhay ng ilang libong taon habang naghihintay sa akin hanggang sa tuluyan na akung dumating sa kanyang buhay habang ako naman nabuhay na walang alam tungkol dito, hindi ko alam na nakatakda na pala ako sa isang lalaki na hindi ko din inaasahan na mamahalin ko ng sobra-sobra.
Marahang hinaplos ni Rayle ang aking mukha ng tuluyan na niya ako nitong mapahiga sa bato habang walang humpay parin siya sa paghalik sa akin, sobrang bagal ng paraan ng kanyang paghalik sa akin na parang dinadama niya ang bawat minuto na magkasama kaming dalawa. Napadilat nalang ako ng tumigil na ito sa paghalik sa akin at mariing hinalikan ang aking noo habang nakatingin siya ng deritso sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin.
“Palagi mo lang tandaan na mahal na mahal kita at kahit saan ako nasa sayo parin ang aking puso,” hinaplos na naman nitoang aking pisngi at hinalikan na naman ako sa pingi tapos sa ilong at matamis ako nitong hinalikan. “Kung minsan wala man ako sa tabi mo palagi mo lang tandaan na nasa sayo naman ang puso ko at walang makakakuha nito sayo kahit ano man ang gawin nila, tanging ikaw lang ang may kakayahan na patibukin ng ganito ang aking puso kaya hawakan mo at huwag na huwag mo ng bitawan,” hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya dahil sa huling salita nitong sinabi kasi kung ako lang parang matatawa talaga ako. Hindi ko nga napigilan ang aking sarili at napatawa na ako sa kanyang sinabi pero kaagad ko namang hinawakan ang kanyang pisngi.
“Sa tingin mo magmamahal pa ako ng iba sa kalagayan kung ito Rayle?” mabilis kung tanong sa kanya at mabilis din siyang hinalikan sa dulo ng kanyang ilong. “Huwag kang mag-alala palagi kung tatandaan ang sinabi mo at kahit kailan hinding-hindi ko bibitiwan ang puso mo Rayle hanggang sa hukay dadalhin ko ang pagmamahal ko sayo kahit ano man ang mangyari palagi mo lang tandaan na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko,” biglang napangiti si Rayle at mabilis na pinitik ang aking ilong at mabilis na bumangon at tinulungan naman niya ako para makabangon.
“Hindi pa pala tuluyang naghilom ang mga sugat mo mukhang matatagalan pa bago gumaling ang mga pasa at ibang sugat muna malalim,” hinaplos na naman nito ang aking mga naging sugat ng mahuli ako ng reyna ng mga goblin. “Ako din Kleyton hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo simula pa noon hindi kapa napapanganak dito sa mundo mahal na mahal na kita at kahit mawala man ako nandito lang ang pagmamahal ko sayo at palagi mo iyong mararamdaman hindi mo makikita pero palagi mo itong mararamdaman,” mas lalo naman akung kinilig sa kanyang sinabi kaya mabilis kung pinisil ang kanyang ilong. Hindi ko alam kung nagpapakilig lang ba talaga kami dito kasi kung may nakikinig man malamang lalamgamin talaga dahil sa usapan naming dalawa. Nagkatinginan na naman kaming dalawa at mabilis na ngumiti si Rayle at sa isang iglap bigla na naman niya akung hinalikan sa labi kaya mabilis nadin akung tumugon.
Ilang oras pa kaming nag stay doon ni Rayle habang nagtatawanan kaming dalawa at ang pwedeng pag-usapan naming dalawa pinag-usapan na naming. Hindi ko alam kung ilang percent ang kasiyahan ko ngayon pero ang alam ko masayang-masaya ako at walang makakapantay ng kasiyahan ko ngayon lalo pa at si Rayle na ang kasama ko. Habang kumakain kaming dalawa hindi parin mawala ang ngiti ko sa aking mga labi habang nakatingin ako kay Rayle habang nakahiga ito sa tela na nilapag namin kanina at ako naman ay kumakain habang nakatingin sa kanya.