Chapter 37

1271 Words
Gabi na habang ako naman ay nakatayo parin dito sa ilalim ng shower at nagbabad sa tubg kung saan hindi ko alam kung ilang oras na ako dito basta ang alam ko kanina pa ako nakaramdam ng lamig pero hindi ko naman magawang lumabas ng banyo dahil sa mga iniisip ko. Nagtagal pa kami ni Ivan doon sa park pero hindi ko din natagalan at iniwan ko siya doon hindi ko alam kung saan ako nakakita ng lakas ng loob para iwan ang kaibigan ko doon na masama ang loob sa akin at wala manlang akung magawa para maging maayos ang kanyang kalagayan, paano magiging maayos ang kanyang kalagayan kung ako naman ang dahilan ng sakit ng kanyang puso at damdamin. Kaagad akung napahilamos sa aking mukha at kinuha ang towel sa dulo at kaagad itong binalot sa aking katawan at kaagad na lumabas ng banyo habang ang isang towel naman ay pinupunas ko sa aking ulo. Siguro kakausapin ko nalang ulit si Ivan kapag naging maayos na ang lahat sa ngayon hahayaan ko muna siyang makapag-isip at maayos ang kanyang sarili alam ko namang nasaktan ko siya ng sobra sa mga sinabi ko kanina. Sa tanang buhay ko hindi ko inaasahan na aabot ako sa ganito na aabot kami sa ganito ni Ivan, kitang-kita ko kanina ang sakit sa kanyang mga mata na kanina ko lang nakita kahit matagal na kaming magkasama at magka-kilala na dalawa. Dahan-dahan kung kinuha ang damit kuna nasa kama at sinuot ito at umupo sa kama ko ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko kung sino ang tumawag kaagad na kinabahan ako ng makiita ang pangalan ni Ivan dito. Hinayaa ko lang ito hanggang sa nawala ang tawag pero kaagad na naman itong nag ring kaya lakas loob koi tong sinagot pero isnag maingay na musika ang sumalubong sa akin kaya nailayo ko ang cellphone ko sa aking tenga. “Ivan nasaan ka?” mabilis kung tanong kung naririnig man niya ang sinabi ko mukhang hindi kuna kailangang tanungin dahil mukhang nasa bar siya expected na iyon matapos ang nangyari sa aming dalawa kanina alam kung iinom talaga siya. “Sagutin mo ako!” medyo napalakas na ang boses ko kasi mukhang hindi niya naman ako naririnig at hindi naman siya sumasagot sa kabilang linya. “Manager po ito ng bar na pinasukan ni Sir Ivan pwede niyo po ba siyang sunduin?” kaagad akung napatampal sa aking noo dahil mukhang lasing na si Ivan kaya ako na ang tinawagan ng manager ngbar.”Pasensya napo Maam masyado napo kasing lasing si Sir kaya binuksan kuna po ang cellphone niya,” magalang na sagot sa akin ng manager ng bar na pinasukan ni Ivan mariin akung napapikit at napabuntong hininga hindi ko naman pwedeng tawagan sina Tita baka tulog na sila ganitong oras. “Papunta na ako pakibantayan nalang muna siya habang wala pa ako,” malumanay kung sagot sa kanila at binaba ang tawag sabay tayo sa aking kama kinuha ko ang wallet ko pati nadin ang jacket kuna nakasabit sa likod ng pinto ay kinuha kuna din at walang alinlangan na lumabas ng apartment ko kapag may nangyaring masama kay Ivan hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa akin baka kung mapano siya at ano ang mangyari sa kanya. Mabilis naman akung nakahanap ng taxi at nagpahatid sa palaging bar na pinupuntahan ni Ivan at habang nasa byahe ako bigla kung naisip si Rayle kaya napatampal naman ako sa noo ko dahil baka hinihintay na ako ni Rayle pero kung nandito Kaman sa tabi ko Rayle alam kung maiintindihan mo ako kung bakit hindi ako makakapunta ngayon diyan sayo mas kailangan kasi ako ni Ivan siguro kapag nauwi kuna siya ng maayos kaagad akung pupunta sayo. Mabuti nalang maintindihin si Rayle at hindi siya kaagad nagagalit sa akin mas pinipili niyang marinig ang explanation ko kaysa sa magalit siya kahit sabihin pa natin nasa panaginip ko palang siya makakasama pero alam naman natn na kapag naayos na naming ang sumpa na iyon makakasama kuna siya pero sa ngayon kailangan ko munang mag-tiis kung ano man kami ngayon. Ilang minuto pa ang nagdaan at nandito na ako sa bar kung saan palaging pinupuntahan ni Ivan at sa labas palang ako grabi na ang musika at ang usok sa loob at puro mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas isa na doon ang kotse ni Ivan at ang mas nakkahiya naka pantulog pa ako nakalimutan kuna kaninang palitan ang damit ko bago ako dito pumunta wala namang kaso kung papasok ako kung iba lang siguro hindi nila papasukin kung ganito ang damit pero kasi kaibigan ni Ivan ang may-ari ng bar na ito kaya kahit ako kilala din dito hindi sa palagi akung nandito kundi bilang kaibigan nadin nila ang kaibigan kasi ni Ivan ay kaibigan kuna din kaya malamang may alam din sila tungkol sa nangyayari sa amin ni Ivan. Sa pinto palang ako nakatingin nasa akin ang ibang tao malamang sa suot ko pero ng makita ako ng bouncer at guard kaagad na ngumiti sila sa akin kagaya ng sinabi ko kilala na ako dito kaya mabilis naman nila akung pinapasok habang nakangiti sila sa akin. Kung mausok nasa labas mas mausok naman dito sa loo bang iba sa kanila dito ay mga college student at ang iba naman ay mga professional na kahit sabihin natin na bar lang ito pero isa ito sa mga kilalang bar sa buong mundo lalo na ang may-ari nito at isang artista at talagang gumagawa ng wine ang business nila. Mga mayaman at kilalang tao ang mga kaibigan ni Ivan pero siya naging tourguide muna bago sinalo ang kompanya nila ngayon ayaw ko ng pumapasok sa utak kuna ideya na baka kaya naging tourguide si Ivan ay dahil sa akin dahil kahit nag-aaral kami noon may klase din siya sa gabi about business talagang pinag-sabay niya ang dalawa at hindi ko alam kung paano niya iyon nakaya sa loob ng ilang taon. Dumaan ako sa gilid ng mga mesa ng mga umiinom at napapatingin naman sila sa akin pero hinahayaan ko nalang hanggang sa umabot na ako sa gitna atbigla nalang ako nilapitan ng isang crew nila. “Ikaw po ba si Maam Kleyton?” kaagad na tanong nito sa akin habang may dugo ang kanyang labi at may hawak na itong ice cube na nilalagay niya sa kanyang labi kaya kaagad namang nangunot ang noo ko. “Oo ako nga nasaan si Ivan?” kaagad kung tanong sa kanya na kaagad naman nitong kinamot ang kanyang ulo kaya bigla naman akung kinabahan nakita ko palang ang pasa niya sa mukha mukhang alam kuna ang nangyari. “Sabihin mo sa akin kung nasaan siya ako na bahala sa kanya,” sagot ko sa crew kaya kaagad naman itong tumango sa akin at nauna na itong maglakad kaya kaagad ko naman siyang sinundan at dinaanan nag ibang nag-iinuman sa na ngayon ay napapatingin sa akin lalo nasa damit ko alam ko naman na hindi bagay ang damit ko ngayon dito at wala naman akung balak mag stay dito nandito ako para sunduin si Ivan. Hanggang sa makapasok kami sa isang silid at sa labas palang kami kahit na malakas ang music naririnig ko parin ang sigaw sa loob ng kwarto na sigurado ako na si Ivan ang sumigaw na iyon hindi lang basta sigaw kundi sigaw na may kasamang mura na ngayon ko lang napagtanto na kahit palagi kung nakikitang lasing si Ivan hindi ko pa siya nakitang nasasaktan ng ganito at ang mas masakit ako pa ang dahilan ng sakit na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD