Habang nakatingin ako kay Ivan na nakatulala sa akin hindi ko maiwasang masaktan ng sobra dahil kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin na hindi makapaniwala na parang hindi niya inaasahan ang sasabin ko sa kanya na parang hindi niya lubos maisip na iyon ang sasabihin ko sa kanya, wala namang alam si Ivan tungkol sa amin ni Rayle wala itong ideya kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin ang buong akala nito may problema lang ako pero wala siyang alam na ang problema ko ay ang puso ko.
“Alam kung nagulat ka sa sinabi ko Ivan alam kung hindi kapani-paniwala ang sinabi ko pero totoo na may mahal na akung iba,” mahina kung saad sa kanya habang nanatiling gulat parin ang kanyang mukha. “Mas pinili kung hindi sinabi sayo ang nararamdaman ko nitong nakaraang araw dahil ayaw kung pati ang problema ko problemahin mo pero hindi ko naman inaasahan na ito ang mangyayari sa ating dalawa at mas pinili kung itago ito dahil alam kung hindi ka maniniwala,” hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Rayle pero hindi ko parin sasabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Rayle sasabihin ko lang sa kanya na may mahal akung iba pero mananatiling sekreto ang sa amin ni Rayle.
Dahan-dahan kung hinawakan ang kamay ni Ivan na sobrang lamig at mukhang nagulat ko talaga ng husto si Ivan sa aking sinabi. Naluluha ang kanyang mata habang nakatingin sa akin at mas lalong kumirot ang aking puso dahil sa konsensya na hindi ko kung ako lang ayaw kung saktan si Ivan ng ganito pero hindi ko namang paasahin siya sa wala kung hanggang sa kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko.
“Sabihin mo sa akin na panaginip lang ang lahat ng ito Kleyton sabihin mo sa akin na sinasabi mo lang ito para tigilan kuna ang nararamdaman ko sayo kasi mas kakayanin mo pa iyo kaysa sa malaman kuna may iba ng mahal ang puso mo mas kakayanin ko pa kung sinabi muna hindi kapa handa at hindi ka naniniwala sa akin pero ang sabihin muna may mahal kang iba parang sasabog ang puso ko sa sakit at hindi ko matatanggap na may mahal ka ng iba na wala manlang akung kaalam-alam,” biglang hinila ni Ivan ang kamay niyang hawak-hawak ko at napahilamos sa kanyang mukha na mukhang hindi talaga niya matatanggap ang sinabi ko. “Bakit wala akung alam? Wala naman akung karapatan na himasukan ang buhay mo pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon sayo,” mabilis na napatayo si Ivan at napahilamos na naman sa kanyang mukha habang nakatingin sa dulo. “Ang tanga ko naman na hindi ko napansin na nahulog kana pala sa iba kahit nasa tabi lang kita, hindi ko manlang napansin na kinukuha kana pala ng iba sa akin ang sakit isipin na huli na pala ako sayo, huli naba talaga ako Kleyton?” dahan-dahan akung nilingon ni Ivan habang binabanggit nito ang huling salita at parang nabiyak ang puso ko.
Paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa akin kung noon kahit ako nga hindi makapaniwala sa nangyayari sa akin na kahit ako nababaliw kung ano ba talaga ang dapat kung paniwalaan sa panahon na iyon kasi pakiramdam ko nahuhulog ako sa lalaking gawang-gawa lang ng aking imahinasyon ang sabihin pa kaya sa kanya? Hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin na huwag niyang sisihin ang kanyang sarili kung bakit ako nagmahal ng iba na hindi niya nahahalata, nakatakda na ang mangyari ang lahat ng ito at kusa ko nalang minahal si Rayle ng sobra-sobra.
“Talagang tinago ko sayo ang lahat ng ito Ivan,” mas lalong naluha si Ivan sa aking Ivan kaagad ko namang iniwas ang aking tingin dahil kapag humarap ako sa kanya mas lalo lang akung nasasaktan para sa kaibigan ko at hindi ko kaya ang emosyon sa kanyang mga mata. “Mas pinili kung sarilihin nalang ang problema ko na iyon kaysa sa sabihin sayo dahil alam kung ako lang ang makakagawa non pero nagising nalang ako isang araw na minahal ko nalang siya bigla at hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon Ivan,” napaigtad ako ng malakas na sinuntok ni Ivan ang sandalan ng upuan na inuupuan ko at sa tanang buhay ko ngayon ko palang ganito si Ivan ngayon ko lang nakita magalit ng ganito si Ivan mas lalong kibahan ako sa kanyang ginawa lalo nan g tumulo ang dugo sa kanyang kamay pero parang wala lang sa kanya ang kanyang ginawa.
“Sino siya Kleyton!” mas lalong napaigtad ako sa kanyang sinabi at napahawak sa bibig ko dahil sa takot sa aking katawan lalo na ang nakikita kung galit sa mga mata ni Ivan. “Huli naba talaga ako? Paano mo siya minahal kung ako ang kasama mo Kleyton! Halos araw-araw ako ang kasama mo pero nahulog kapa sa iba at ang mas malala hindi ko manlang napansin at wala manlang akung kaalam-alam na ang babaeng mahal ko ay nakukuha na pala sa akin,” biglang hinawakan ni Ivan ang kamay ko at kaagad na napunta sa kamay ko at dugo na nasa kamay nito habang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko sabay sandal ng kanyang ulo sa kaing mga tuhod at doon ko narinig ang sunod-sunod niyang pagtangis na mas lalong nagpa-kirot sa aking puso.
Dahan-dahan kung hinawakan ang ulo ni Ivan na ngayon ay nakahiga nasa aking tuhod habang siya naman ay nakaluhod sa lupa at habang naririnig ko ang iyak ng aking kaibigan patuloy namang sumasakit. Hindi ko naman basta nalang talikuran si Ivan dahil sobrang halaga niya talaga sa akin hindi ko lang siya basta kaibigan pamilya kuna siya noong walang-wala ako si Ivan ang nandiyan para sa akin ang pamilya ni Ivan ang tumulong sa akin hindi lang basta tulong dahil itinuring nila akung anak at hindi na ako naiiba sa kanila tapos dahil sa ganito hindi ko alam kung ano ang magiging tingin nila sa akin.
“Im so sorry Ivan,” iyon nalang ang salitang lumalabas sa aking mga labi habang hinihimas ang kanyang ulo pero kaagad naman siyang tumayo at tinignan ako ng deritso sa mga mata at hinaplos ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha.
“Sana ako nalang ang lalaking mahal mo, sana ako nalang iyon Kleyton please, ako nalang,” hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob para huminga pa habang nasa harapan ko ang tao na kasama ko buong buhay ko nasasaktan dahil sa akin. Sa bawat sana na binabanggit ni Ivan parang isang karayom ang tumutusok sa puso ko at mas lalong sumasakit. “Sana ako nalang ako ang minahal mo, sana sa akin ka nalang,” doon na naman bumuhos ang luha ni Ivan habang nakatingin sa akin hindi ko alam kung pupunasan ko ba ang luha niya o hahayaan ko nalang.