Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang pinto at kung paano ko haharapin si Ivan ngayon matapos ng nangyari sa aming dalawa kanina hindi basta kanina dahil talagang nasaktan ko si Ivan kanina at hindi ko naman pwedengh bawiin ang sinabi ko sa knaya dahil iyon naman talaga ang totoo at kapag mas lalong pinatagal ko pa ito baka mas lalo siyang nasaktan at ayaw ko iyong mangyari. Masyadong mahalaga sa akin si Ivan para mas patagalin ito mas mabuti ng malamanniya kaagad kaysa sa itgao ko pa kanya.
Tinignan ko ang crew na naghatid sa akin kanina dito at ngumiti ako sa kanya at sumenyas na ako na ang bahala dito kaya dahan-dahan na umalis ito sa tabi ko at naiwan ako doong nanatiling nakatingin parin sa pinto sigurado ako na kaibigan ni Ivan ang kasama niya sa loob ngayon kaya kung makasigaw wagas. Lakas loob kung binuksan ang pinto na nasa harapan ko at kaagad na bumungad sa akin ang wasted na katawan ni Ivan na nakahiga sa semento pero kaagad na naman itong tumayo kahit na naduduling na siya tuloy parin siya sa kanyang pagtayo. Hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko kay Ivan ngayon hanggang sa napatingin sa akin ang kasamahan nito at parang binunutan ng tinik sa puso ng makita ako.
Ngumiti ako sa kanya kaya kaagad naman siyang lumapit sa akin at napabuntong hininga at itinuro si Ivan kung saan may pasa nasa mukha at may dugo din ang kamay ni Renz na parang nabasagan ng botelya hindi nalang ako nagtanong sa kanya dahil mukhang bad trip ngayon si Renz kay Ivan kung titignan ko nga mukhang sobrang lasing na nga talaga si Ivan kasi kung ano ang damit niya kanina ito parin ang damit niya ngayon.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina pero bigla nalang siyang naglasing at naghanap ng away diyan kanina sa labas alam mo naman na lasing nadin ang mga tao diyan sa labas kaya pinatulan na siya talaga kaya ayan pati ako nadamay sa gulo niya may photoshoot pa naman ako bukas tapos may sugat ako sa kamay,” napakamot naman ako sa aking ulo habang hindi parin ako napapansin ni Ivan dahil abala ito sa pagsuntok sa pader na hindi ko alam na may salpak din pala sa utak ang lalaking ito.
“Pasensya kana Renz ha ako na ang bahala sa kanya iuuwi ko nalang siya,” magalang kung sagot kay Renz ang may-ari ng bar na ito at naging kaibigan kuna din naman siya dahil kay Ivan. “Mukhang naparami nga talaga ang inom niya kita mo para na siyang tanga,” hindi ko napigilan ang sarili kuna sabihin iyon dahil totoo naman at mukhang walang kamalay-malay si Ivan na nandito na ako. Nakonsensya naman ako pero hindi naman pwedeng hindi kosabihin sa kanya ang totoo na may mahal na akung iba dahil baka umasa sa akin si Ivan hindi naman sa nagmamalaki ako pero parang ganon ang pakiramdam ko. Hindi ko lang sasabihin sa kanya kung sino at ano siguro kapag maayos na ang lahat baka pwede ko ng maipakilala sa kanya si Rayle.
“Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan ko kasi wala naman siyang sinabi sa akin pero alam kung hindi iiyak nalang ng basta-basta si Ivan ng walang dahilan Kleyton at alam kung may alam kana,” bigla akung natahimik sa sinabi ni Renz dahil alam kung alam niya din ito kaya napabuntong hininga naalang ako sa sinabi ni Renz. Aminado naman ako na nasaktan ko si Ivan pero kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng iyon.
“Alam kung nasaktan ko si Ivan pero hindi ko alam kung maiintindihan mo ako kung bakit ko iyon ginawa, mahalaga sa akin si Ivan at pamilya na ang turing ko sa kanya at kung gugustuhin ko ayaw ko siyang saktan pero hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko kung sino ang mamahalin ako ang mali ko lang ay hindi ko kaagad napansin na mahal na niya ako sobra pasa pagmamahal bilang isang kaibigan,” kaagad na tinapik ni Renz ang likod ko at ngumiti sa akin.
“Hindi naman kita sisisihin Kleyton nasa sayo na kasi iyon kausapin mo lang si Ivan kapag maayos na siya siguro nagulat lang talaga siya at isa pa mukhang hindi niya nalaman na may mahal kana palang iba iyon siguro ang ikina-gulat niya ng husto pero alam kung maiintindihan ka ni Ivan para saan pa at mahal na mahal ka niya,” ngumiyi ako kay Renz dahil kahit paano naiintindihan niya ako at hindi niya kaagad ako hinusgahan. “Mabuti pa ipahatid ko nalang kayo iwan mo nalang dito ang saasakyan ni Ivan ako sana ang maghahatid sa inyo pero may kailangan pa kasi akung tapusin at ipapagamot ko pa ang sugat ko,” saad ni Renz sabay lapit kay Ivan na ngayon ay naka handusay na naman sa sahig.
Mabilis akung lumapit kay Ivan at tinulungan si Renz sa pag-alalay dito at ang sarap lang talaga batukan ni Ivan dahil sa kanyang mga pasa ngayon paano ko haharapin si Tita nito na ganito na ang mukha ng kanyang anak dahil sa akin. Dahil sa akin naghanap ng gulo si Ivan hindi ko naman siya mapipigilan hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Tita nito aminado ako na alam nan i Tita ang lahat ng ito alam kung alam niya nag nararamdaman ni Ivan para sa akin.
“Bitawan niyo ako putangina namansino ba kayo!” malakas na sigaw ni Ivan at akmang itutulak niya kami ni Renz ng mabilis na hinawakan ni Renz nag kamay nito na wala ng lakas dahil sa kalasingan. Mariin nalang akung napapikit dahil sa inasal niya malayong-malayo sa Ivan na nakilala ko. Hanggang sa makalabas kami sa bar patuloy parin ang sigaw ni Ivan pero hinayaan nalang namin ni Renz ito at kaagad ko namang kinuha ang susi ng kanyang kotse.
“Isasarado ko lang ang kotse niya at kunin ang ibang gamit susunod ako,” saad ko naman kay Renz kaya kaagad naman siayng tumango sa akin at siya naang umalalay kay Ivan papunta sa kotse na maghahatid sa amin na isa sa mga body guard ni Renz. Napapatingin sa akin ang ibang tao lalo na ang mga kababaihan nasa tingin ko ay kilala nila si Ivan pero hanggang tingin lang naman sila sa akin. Kinuha ko sa loo bang coat nito at ang kanyang business bag at kaagad na sinirado ang kanyang kotse ng paalis n asana ako may biglang humarag sa akin na mga babae na akala mo naman pinaglihi sa pakwan ang mga dibdib.
“Who are you? Bakit mo kasama si Ivan at Renz?” mataray na saad nito sa akin sabay tingin sa akin pataas-baba na akala mo naman matatakot ako sa kanya mas nakakatakot ang mukha ng goblin kaysa sa tingin ng babaeng ito at akala niya papatulan ko ang kagaya baka type lang niya si Ivan at Renz pero hindi naman siya pinapansin. Tinignan ko naman siya kung paano niya ako tignan hindi ako natatakot sa mukha niya na parang nadapa sa buhangin.
“Ikaw sino kaba para tanungin kung sino ako?” balik tanong ko sa kanya na mukhang mas lalo lang niyang ikina-inis mas mabuti nga kung mainis siya lalo nagmamadali na ako humarang pa siya sa unahan ko. “Ang lakas naman ng loob muna haranga ako dito bakit sino kaba? Kung inaakala muna papatulan kita pwes wala akung panahon sa kagaya mo,”akmang tatalikuran kuna siya ng bigla niyang hinila ang kamay ko at napaharap na naman ako sa kanya.
“Akala mo kung sino kana hindi porket kasama mo si Ivan at Renz baka yaya ka lang nila kita mo naka pantulog kapa,” napataas naman ang kilay ko sabi kuna ngaba may gusto to kay Renz or kay Ivan dahil ako talaga ang inuna niyang nilait dito.
“Alam mo iha kung gusto mo silang dalawa hindi ko pipigilan ang damdamin mo sa kanila mo nalang sasabihin dahil wala na akung panahon sayo,” inirapan ko siya bago ako umalis pero naka tatlong hakbang palang ako muli kuna naman siyang nilingon at tinaasan ng kilay. “Kung ako sayo kung nais mo silang makuha huwag moa kung awayin dahil mas lalong hindi mo sila makukuha sana nagpatulong ka nalang sa akin,” nginisihan ko siya hindi naman sa nagmamalaki ako inaasar ko lang talaga siya paano ba naman hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
Kaagad na akung lumapit sa pwesto nina Renz kung saan nasa loob na si Ivan ng kotse at nakahiga sa backseat at ay suka na nga ang kotse nako hindi ko alam kung paano ito haharapin bukas ni Ivan wala talaga siyang kaalam-alam na ganito na ang nangyayari sa kanya. Sinilip ko siya sa loob at nilapag ang kanyang mga gamit at tinignan ulit si Renz.
“Ako na ang bahala sa kanya Renz salamat nga pala ha,” ngumiti sa akin si Renz at kaagad niya akung niyakap kaya napayakap nalnag din ako sa kanya. Naging malapit nadin naman ako sa mga kaibigan ni Ivan at hindi na sila bago sa akin kaya normal nalang kung tratuhin ko sila.
“Ikaw paba Kleyton ikaw kaya ang bunso namin,” hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti nalang bago kumalas sa pagkakayakap kay Renz. “Mag-iingat kasa pagmamaneho ha,” saad ni Renz sa kanyang body guard na kaagad namnag tumango kaya mabilis na akung pumasoksa kotse hanggang sa umusad na ito at tulog nasa backseat si Ivan hindi manlang alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.
“