Chapter 30

2238 Words
Habang nasa tabi ko si Rayle at nakaupo kaming dalawa sa duyan na nandito sa labas ng palasyo at tahimik lang ako at hindi kumikibo siya naman ay panay ang hawak sa aking kamay at mahina itong pinipisil na hindi ko alam siguro mahilig siyang gawin ang bagay na iyon. Ayos lang naman sa akin kasi gusto ko naman at gusto ko kapag ginaganito ako parang ang sweet na nag laki ng respeto sayo. Alam ko naman na masyadong maaga nag nararamdaman ko sa kanya pero hindi ko naman mapigilan ang aking sarili dahil kapag nandiyan siya sa tabi ko ang lakas naman ng kabog ng aking puso na hindi ko maipaliwanag. Dahan-dahan kung nilingon si Rayle na kaagad ko namang ikina-gulat dahil nakatingin din pala ito sa akin at biglang ngumiti ng sobrang tamis kaya sabihin niyo sa akin kung sino ang hindi mahuhulog sa kanya kapag ganito ang kanyang ipinapakita idagdag mo pa ang maamo nitong mukha na talaga namang magpapahulog sa sayo. Lakas loob naman akung tumingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga tingin. “Salamat dahil kahit ano man ang malaman mo mas pinili mo paring paniwalaan ako at intindihin ang sitwasyon ko kahit ang hirap naman talaga paniwalaan,” ngumiti ako sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi dahil alam ko sa aking sarili na kapag kaharap ko si Rayle nakakalimutan ko ang kasalanan niya sa akin at mas lalong nanaig ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal kuna ngaba ang lalaking ito? Kasi sa tingin ko oo pero matagal ko lang aminin sa sarili ko at sa ganon kabilis minahal kuna siya kaagad ng sobra-sobra. Hindi lang ako makapaniwala na minahal ko ng ganon kabilis si Rayle kasi pakiramdam ko matagal kuna siyang mahal pero hindi ko lang masabi at mas lalong nadagdagan ng nakita at nakilala kuna siya. Kung para sa akin unexpected lang sana ito pero para pala sa kanya naka tadhana na ito at hindi ako makapaniwala na para sa kanya ako ang babaeng nakatadhana para sa kanya at matagal na niya akung hinihintay at ang mas malala sinabi niya sa akin na alam ito ni Lola pero paano nalaman ni Lola ang lahat ng ito? Iyan pa ang gusto kung malaman pero marami pa naman kaming panahon ni Rayle siguro itatanong ko sa kanya kapag nakalaya na siya at magkasama na kaming dalawa sa ngayon tutulungan ko muna siyang mapalaya sa sinasabi nitong sumpa para mawala na ang kanyang problema paano ba nama tangina naman kasi ang bruha na iyon wala namang kasalanan sa kanya ang tao pero sinumpa niya hindi niya naman mapipilit si Rayle kung ayaw sa kanya ng isa pero talagang sinumpa pa niya. “Hindi kapa ba uuwi?” biglang tanong niya saakin kaya doon naman nabuo sa isipan ko ang katanungan. Paano niya nagagawa ang bagay na ito? Nagagawa niya akung ibalik sa kabilang mundo at gising ako dito habang doon nama ay tulog ako. “Malapit ng sumikat ang araw sa inyo,” mabilis ko siyang tinignan at inayos ang aking pagkakaupo at tuluyan na nga siyang hinarap. Kanina nandoon kami sa pinaka-itaas na bahagi ng palasyo bumaba lang kami dito ng sumakit na ang sikat ng araw. “Sandali nga paano mo nalaman na umaga na doon at paano mo ako nababalik sa kabilang mundo paano iyon na dito gising ako pero doon tulog ako paano nalang kung mamatay ako dito paano nalang ang katawan ko doon? Paano ako napupunta at nababalik sa lugar na iyon?” biglang napangiti sa akin si Rayle ano naman kasi ang nakakatawa sa sinabi ko nagtatanong lang naman ako at talaga namang itatanong koi to sa kanya kasi hindi ko alam kung paano ako nakakapasok dito. “Nasa panaginip mo tayo Kleyton at kapag matutulog kana kusa nalang nangyayari ito sa iyong panaginip at kapag oras na para gumising ka sasabihin kulang sa utak kuna pwede ka ng umuwi at kusa kanalang din babalik doon pero palagi mong tandaan na nandoon ako palagi sa tabi mo at kung minsan nga nandoon ako sa opisina mo nakatayo sa tabi mo habang pinapanuod kang nakaupo at nakatulala o mas tamang sabihin na palagi moa kung kasama sadyang hindi mo lang ako nakikita at nararamdaman pero ako kitang-kita kita at alam ko bawat galaw mo simula ng lumabas ka sa mansion hanggang sa bumalik kasa San Nicholas,” literal na nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi at biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa kanyang sinabi pero siya nanatiling nakangiti na parang wala lang sa kanya ang sinabi nto. Pero ako para akung natulos sa aking kinatatayuan paano ba naman sadyang nagulat talaga ako sa kanyang sinabi hindi lang basta nagulat dahil parang nabuhay ang lahat-lahat ng dugo ko sa aking katawan maisip ko palang na palagi palang nasa tabi ko si Rayle paano nalang kapag naliligo ako? Mas lalong uminit ang pisngi ko maisip ko palang ang bagay na iyon tanginang Rayle sana sinabi niya ito sa akin noon palang mas lalo lang akug nahiya ngayon sa knayang ginawa. Mabilis kung hinablot ang kamay ko sa kanya at tinignan ito ng masama kaya mabilis naman siyang napatingin sa akin. “Kung ano man ang nasa isipan mo hindi ko iyan ginagawa kaya tigilan mo ako ha,” mas lalo naman akung namula sa knayang sinabi pero hindi koi to pinahalata pero kitang-kita nama sa aking mga pisngi. Walang hiya talaga ang lalaking ito wala ng ibang ginawa kundi ang tawanan nalang ako bwesit. “Binabantayan lang kita pero hindi naman ako sumasabay sayo maligo tangina kung ano-ano na ang nasa isipan mo tapos mamumula ka diyan,” hindi kuna napigilan ang aking sarili at na hampas kuna nga siya na mas lalo naman niyang ikinatawa ng husto hindi ko alam na may pagka-baliw din pala ang lalaking ito. “Wala akung iniisip na kung ano Rayle iakw tung umiisip ng kung ano-ano,” sagot ko sa kanya pero tinaasan lang ako nitong klay at doon napatampal ako ng aking noo dahil baka binasa na naman niya ang utak ko talagang lagot sa akin ang lalaking ito kapag iyon ang knayang ginawa dahil masampulan ko talaga siya.”Baka binasa muna naman ang utak ko kaya tigilan mo ako Rayle at baka masapak na talaga kita,” mabilis akung inakbayan ni Rayle ng mahigpit kaya hindi ko mapigilan ang sarili kuna hindi kiligin sa kanyang ginawa. Masyadong mahalaga sa akin si Rayle kaya ganito nalang ang epekto niya sa akin hindi lang basta importante mahal ko ang lalaking ito pero hindi ko sa kanya sasabihin baka lumapad pa husto ang ngiti niya. “Hindi ko naman binabasa ang utak mo Kleyton sadyang nahalata ko lang paano ba naman bigla ka nalang namula diyan kaya alam kuna kaagad kung ano ang laman ng nasa utak mo,” iniwas ko nalang ang tingin ko kay Rayle at hindi na ako sumagot sa kanya dahil kapag sumagot pa ako sa kanya baka saan na naman mapunta ang usapan naming na hindi naman ito ang pinag-uusapan naming kanina. “Kumain kana at magpahinga para mabawi mo ang lakas na nawala sayo diba naka-leave ka naman sa trabaho kaya ipahinga mo nalang kung gabi ka nalang dito pumunta kung araw magpahinga ka or matulog isipin mo lang na hind ka pupunta dito at magiging maayos ang tulog mo at hindi ka mapupunta dito tapos kapag gabi sabihin mo lang na nais munang pumunta dito at anytime nandito kana kahit anong oras naman pwede ka ng pumunta dito,” ganon pala akala ko kapag sinabi kuna hindi na ako pupunta dito hindi na ako makakabalik pero iyon lang naman nasa akin din pala kung pupunta ako dito pero bakit noon wala naman akung sinasabing ganyan napupunta parin ako dito. “Pero bakit noon kahit wala akung sinasabi na ganyan napupunta parin ako dito tapos pwede din pala ito,” sagot ko kay Rayle upang maliwanagan ako sa mga nangyayari kaya mas lalo niya lang akung inakbayan at pinisil ang aking ilong sabay sandal sa aking balikat na akala mo naman kung anong insekto na hindi na maalis sa tabi ko mas lalong naging malambing lang nga si Rayle sa akin at masaya naman ako sa kanyang ginagawa. “Pwede din naman kasi na ako mismo ang gumawa iisipin ko lang inyo pero ngayon na alam muna ikaw na ang gagawa para kahit kailan mo gusto makakapunta ka dito sa akin,” hindi ko napigilan ang aking sarili at napangiti nadin ako sa kanyang sinabi talagang matamis din magsalita ang isang ito. “Kung ganon babalik nalang ako mamaya ulit dito maglilinis pa ako ng aking apartment ikaw din magpahinga kana malapit nadin mag-gabi dito,” doon sa kabilang mundo umaga na dito naman gabi kaya ang alis ko dito ay gabi habang doon sa kabilang mundo ay umaga na. Sino ang mag-aakala na ang isang tulad ko ay makakaranas na ng ganito ang hirap paniwalaan pero totoo na nangyayari sa akin ang bagay na ito na noon sa mga movie at kwento ko lang naririnig pero ngayon nasa akin na at dinaig pa nga talaga. “Mag-iingat ka ngayon siguro hindi ako makakabantay sayo may kailangan akung asikasuhin dito sa palasyo kasi mukhang unti-unting nasisira na ang barrier ng palasyo para sa mga masamang nilalang kaya kailangan ko munang ayusin at tignan ito,” doon naman ako napatingin sa kanya hindi ko naman alam na may barrier pala ang palasyo na ito at akalain mo sobrang ganda naman kasi ng palasyo na ito na kahit sino mahuhumaling. “Ayos lang ako dito hihintayin kita bukas kaya umaga kapa may pupuntahan tayo,” kaagad naman lumiwanag ang aking mga mata sa kayang sinabi kasi parang hindi na ako aalis dito masaya naman ako dito pero may sarili naman akung buhay sa kabilang mundo ay may mga taong naghihintay sa akin doon at may trabaho din naman ako na kailangan asikasuhin siguro kailangan ko lang talaga masanay sa ganitong sitwasyon hanggang sa tuluyan ko ng mapalaya si Rayle ng matapos na ito at magkasama na kaming dalawa. “Don’t worry babalik ako kaagad dito mabuti nadin ang sitwasyon natin kapag natapos na ito at tuluyan na kitang mapalaya at makakasama nadi kita sa kabilang mundo,” nakangiting saad ko kaya naman napangiti si Rayle at kaagad na napayuko pero hinawakan naman niya ang aking kamay habang nakangiti siya ng matamis at mahinang pinisil ang aking kamay. “Diba kapag nakalaya kana makakasama na kita hindi lang sa panaginip ko kundi pati nadin sa personal at ililibot kita sa mga lugar na napuntahan kuna siguradong magiging masaya doon,” hindi ko mapigilan ang sarili kuna hindi mapangiti ng tuluyan kapag iniisip ko palang iyon mas lalo lang akung naging masaya. Biglang tumayo si Rayle at niyakap na talaga ako nito ng mahigpit kaya niyakap ko nadin siya ng mahigpit habang ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng knayang puso. Mahina kung hinimas ang kanyang likod habang nagsasayaw pa kaming dalawa habang nagyayakapan hindi ko alam kung bakit ko hinayaan si Rayle basta magaan ang loob ko sa kanya at ang laki naman kasi talaga ng tiwala ko sa kanya. “Kapag maayos na ang lahat dapat samahan mo ako na libutin ang buong mundo na kasama ka,” mabilis akung kumalas sa kanyang pagkakayakap at hinawakan siya sa kanyang pisngi at kaagad na ngumiti ng matamis pero kahit sandal lang nakakita ako ng kalungkutan sa mga mata ni Rayle pero kaagad naman itong nawala ng tumingin ako sa kanya. “Oo naman isasama kita at talagang magkasama tayong lilibutin ang buong mundo habag hawak-hawak ko ang kamay mo,” hinawakan din ni Rayle ang aking pisngi at ang sunod nitong ginawa ang mas lalong nagpagulat sa akin para akung natulos sa aking kinatatayuan ng dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin at ang inaasahan kung gagawi niya ay ginawa niya talaga at hindi nagtagal naramdamanko nalang ang kanyang labi na dahan-dahan humahaplos sa aking labi. Sa paghaplos palang ng kanyang labi sa akin kakaibang emosyon na kaagad ang namuno sa aking puso damdamin na ngayon ko palang naramdaman simula ng nagka-isip ako ito ba ang tinatawag nilang totoong pagmamahal na kahit ikaw mismo hindi mo kayang piglan ang iyong nararamdaman at mas lalong bumibilis lang ang t***k ng aking puso. Naramdaman ko nalang ang pagdahan-dahang pagbaba ni Rayle ng kanyang kamay sa aking beywang hanggang sa kaagad niya akung hinila lalo palapit sa kanya. Mahinang pinisil ni Rayle ang aking beywang habang ang kamay ko naman ay dahan-dahan kung nilagay sa kanyang ulo habang dahan-dahan na hinihimas ang kanyang ulo at mahinang hinawakan ang kanyang leeg at hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghahalikan ni Rayle pero alam kung matagal dahil nangalay ang paa ko sa kakatayo. Ng tuluyan ng makalayo ang labi sa akin ni Rayle dahan-dahan ko siyang tinignan sa mga mata at kaagad na ngumiti ng matamis sa akin si Rayle habang hinahaplos ang aking mukha. “Sige na umuwi kana baka ano pa ang magawa ko sayo dito,” napangiti naman ako sa kanyang sinabi at kaagad na tumango pero kaagad na naman ako nitong niyakap ng mahigpit hanggang sa tuluyan na akung nilamon ng itim na usok kaya mariin akung napapikit at sa muling pagdilat ko nandito na ako sa aking kwarto at isang matamis na ngiti ang kaagad na bumakat sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD