Chapter 29

1799 Words
Habang pababa ako ng hagdan at suot-suot ang damit na nilagay ni Rayle sa kanyang kama kaina para akung nahihiya na hindi ko alam paano ba naman parang pantulog ang damit hindi naman siya maselan pero kasi medyo hindi ako sanay sa ganito at hanggang sa itaas ng tuhod ko lang ito. Medyo nahihiya nga ako dahil baka kung ano na ang mukha ko ngayon kasi naman Kleyton bakit mo nilangoy ang ilog na iyon paano nalang kung hinila ka ng halimas na iyon sa ilalim ng tubig malamang patay ka talaga at walang tutulong sayo. Hanggang sa tuluyan na nga akung makababa hindi ko nalang pinahalata na nahihiya ako sa aking damit at bumalik na ako doon sa kusena kung saan kumakain si Rayle at hinihintay ako hindi ko alam kung makakapag-usap paba kami sa lagay na ito dahil natatalo talaga ng puso ko ang isipan ko kapag kaharap kuna si Rayle. Hindi ko alam kung bakit ganito ako basta ang alam ko marupok ako kapag si Rayle ang usapan. Nasa tabi palang ako ng pinto nakita kuna siyang kakatapos lang kumain at bigla itong napatingin sa akin at kaagad na ngumiti ng matamis sa akin at dahan-dahan na nilapitan ako habang kumikinang ang kanyang mga mata. “Bagay nga talaga sayo ang damit,” mahinang saad ni Rayle habang hinahaplos ang kamay ko at deritso akung tinitignan sa aking mga mata. “Masyado ka ng mahalaga sa akin Kleyton para hayaan lang kitang masaktan sa mga nangyayari ngayon alam kung gulong-gulo kana kaya hayaan mo akung ilinaw sayo ang lahat-lahat hayaan mo akung alagaan ka alam kung mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko noon pero handa naman akung patunayan ang lahat ng sinabi ko,” hindi ako nakasagot sa sinabi ni Rayle bagkus ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin ito lang naman ang hinihintay ko ang sabihin niya sa akin ang totoo at ipaliwanag ang lahat-lahat ng ito dahil gulong-gulo na ako. “Ayos nasa akin ang sabihin mo ang totoo Rayle ang gusto ko lang naman ay maliwanagan sa mga nangyayari at mawala ang mga katanungan sa utak ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan na akung mabaliw sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ko at isa pa bumalik ako dito para maging klaro nasa akin ang lahat na sana sabihin muna sa akin ang totoo,” mahina kung sagot sa kanya na kaagad naman niyang ikina-tango sabay hawak sa kamay ko at dahan-dahan akung hinila kaya sumunod nalang ako sa kanya kung saan naman niya akung balak dalhin basta masabi niya lang sa akin ang gusto kung malaman. “Sumama kasa akin sa itaas tayo ng palasyo mag-usap mas maganda ang tanawin doon,” sumunod nalang ako sa kanya habang marahan niya akung hinihila papunta sa daanan paakyat sa itaas ng palasyo. “Doon nalang tayo mag-usap ng maayos para makita mo ang kabuuan ng buong lugar na ito,” nakahawak lang ako kay Rayle habang paakyat kami at hindi naman niya ako binibitiwan kaya hinahayaan ko nalang at makalipas ang ilang minuto nandito na kami sa pinaka-mataas na bahagi ng palasyo at may kampana pa talaga sa itaas kaya alam kung ito na talaga ang pinaka-mataas na parte ng palasyo. Kaagad akung napabitaw kay Rayle dahil tama nga siya sa kanyang sinabi tungkol sa lugar na ito dahil sobrang ganda naman kasi talaga dito at mas lalong nakakamangha ang buong tanawin dito at mas kita mo ang buong paligid. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at matamis na napangiti habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. “Kagaya ng sinabi ko sayo isa akung sinumpang tao noong unang panahon na magiging multo kapag namatay ako at maninirahan sa mansion sa San Nicholas at maghihintay ako sa babaeng para sa akin kahit abutin pa ito ng libong taon na nangyari nga,” dahan-dahan akung napatingin kay Rayle ng bigla niya itong sinabi sa akin pero hindi ako sumagot at mas pinili na makinig nalang sa kanya. “Wala ako noong napupusuang babae iyong tipo na wala akung nagustuhan o minahal manlang at hindi ko noon kailangan ng reyna hanggang sa dumating ang bruha na iyon at nagtapat sa akin ng kanyang pagmamahal pero hindi koi to pinansin at sinabi sa kanya na hindi ko siya gusto siguro nasaktan ko siya kaya niya ako sinumpa. Sinabi niya sa akin na ang babaeng nakatakda lang sa akin ang tanging makaka-alis nito sa darating na oras kapag nakasama kuna siya at malalaman ko kung siya na ang babae na hinihintay ko kung muling bumalik ang buhay ng palasyo at mag-umpisa ng tumunog ang kampana ng palasyo at kapag nag-umpisa ng gumalaw ang orasan na libong taon ng hindi gumagana,” literal na nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ang istroya sa likod ng tao. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalaking tio na halos nasa kanya na ang lahat. “Noong una ayaw kung maniwala pero nangyari na kaya haharapin ko nalang kahit sobrang tagal kuna sa mundo na ito sa kakahintay sayo hindi napagod ang puso ko sa kakahintay sayo dahil alam kung sobrang worth it ng hinihintay ko kaya ng pumasok ka sa mansion na iyon sinabi ko sa sarili kuna baka ikaw na dahil umiba na ang ihip ng hangin sa loob ng mansion hanggang sa tuluyan kana ngang pumasok at doon na nagsimula ang lahat ng mapag-tanto kuna ikaw nga ang hinihintay ko,” hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa kanya na ngayon ay nasa malayo ang kanyang tingin habang sobrang seryoso ang kanyang mukha kaya mas pinili ko nalang na makinig nadin sa kanya. “Tama ang mga sinabi ng taga San Nicholas na kung sino man ang pumasok sa mansion na iyon ay hindi na makakalabas dahil sinumpa din ang mansion na iyon na kapag hindi ang babaeng nakatakda sa akin ang papasok sa mansion na iyon kusa nalang ito lalamunin ng mansion at walang may alam kung saan sila napupunta at hindi ako ang kumukuha sa kanila wala akung ginagawang masama sa kanila sadyang iyon lang talaga ang sumpa na nakapatong doon at wala akung magagawa dahil naka dikit nasa mansion na iyon ang sumpa,” kung ganon totoo nga na hindi na nakakalabas ang kung sino man ang pumasok doon. Kung ibang tao din pala ako hindi ko alam kung saan na ako pupulutin ngayon baka wala na talaga akung buhay kapag nagkataon. “Bakit ako Rayle? Bakit sa dinadami-dami ng babae sa buogn mundo bakit ako pa?” hindi ko napigilan ang aking sarili kuna itanong ito sa kanya na naging dahilan para tumingin ito sa akin at biglang ngumiti sabay buntong hininga ng malalim. “Hindi naman ako siguro dating reyna noong nakaraang buhay ko para mangyari sa akin ang bagay na ito hindi naman sa ayaw ko pero alam mo bang ang hirap tanggapin na hindi ko alam pero nandito naman ako at nakikinig syao kaya pati sarili ko hindi kuna din naman maintindihan,” sinabi kuna ito kay Rayle ng kahit paano naman mawala nadin ang iniisip ko dahil mukhang alam kuna ang maging role ko sa kanyang buhay na talaga namang hindi kapani-paniwala. “Ito palang ang unang beses na nabuhay ka dito sa mundo Kleyton wala kang buhay noon o mas tamang sabihin na reincarnation ka pero hindi dahil ito palang ang unang beses na nabuhay ka,” mas lalong napanganga ako sa kanyang sinabi dahil paano niya nalaman ang ganong bagay na parang wala lang sa kanya. “Alam kung masasaktan ka kapag sinabi ko ang bagay na ito pero dahil sa nangako ako sayo na wala na akung itatago sayo sasabihin ko sayo na ipinanganak ka talaga para sa akin kaya ka nag-iisa sa buhay kaya ka namatayan ng mga magulang alam kung mahirap pero paniwalaan pero iyon ang totoo at alam ng Lola mo ang tungkol dito noong bata ka palang pero mas pinili nilang itago sayo ang totoo at ginawang kwento nalang sayo ang lahat pero hindi naman kita nakikita noon dahil sa oras na namatay ang Lola mo wala na akung alam tungkol sayo hinintay ko nalang na darating ang araw na pumasok ka sa mansion,” mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi at talaga namang hindi ako naniniwala pero anong gagawin ko dahil mukhang seryoso si Rayle sa kanyang sinabi. Pero para akung tinulos sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang sinabi. Sino ba naman ang hindi magugulat kung iyon ang kanyang sasabin na kahit ako hindi kuna alam kung ano ang isasagot ko sa kanya hindi ko nga alam kung ano ang paniniwalaan ko pero malaki ang parte sa puso at utak kuna maniwala sa kanya kasi hindi naman ito ang panahon para magbiro siya ng ganyan dahil hindi na talaga nakakatawa. “Simula ng makapasok kasa mansion doon na kita sinundan dahil ang pagpasok mo sa mansion ay ang naging susi para mabantayan na kita at iligtas sa kung sino man ang gustong manakit sayo kasi iyon naman talaga ang dapat kung gawin ang siguraduhin ang iyong kaligtasan,” dahan-dahan na lumapit sa akin si Rayle at kaagad na hinawakan ang aking mga kamay ng mahigpit. “Sinabi ko ito para malaman mo ang sinimulan ng lahat ng ito dahil kung may magagawa lang ako para hindi kana madamay sa naging problema ko hindi kita idadamay ayaw kung mandamay ng ibang tao dahil wala naman silang kasalanan dito ako ang may kasalanan ng lahat ng ito mas lalong ayaw kitang idamay dito pero walang ibang makakatulong kundi ikaw lang, ikaw lang talaga,” biglang namasa ang mata ni Rayle habang nakatingin sa akin kaya kaagad namang sumikip ang aking dibdib. Hindi ko kayang makita si Rayle na umiiyak ng ganito o ano dahil parang binibiyak ang aking puso. “Rayle huwag ka namang umiyak Rayle,” mahina kung saad sa kanya kasi pakiramdam ko nakalimutan ko ang lahat-lahat ng kanyang sinabi at ang natira nalang ay ang sakit ng puso ko habang nakikita na naiiyak na siya. Aaminin kuna nahulog na ang loob ko kay Rayle at hindi ko alam kung kailan o paano basta natagpuan ko nalang ang sarili kuna nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Biglang ngumiti sa akin si Rayle at biglang ako niyakap ng mahigpit. “Tama na muna Rayle marami pa ang oras na masabi mo sa akin ang lahat ng ito handa naman akung makinig sayo at huwag kang mag-alala dahil babalik ako dito babalikan kita dito,” gumanti ako ng yakap sa kanya dahil sigurado na ako na totoo ang sinabi ni Rayle iyon naman kasi ang nararamdaman ko at kahit puso at utak ko nagsasabi na maniwala ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD