Chapter 31

2990 Words
Habang nililinis ko ang aking kwarto hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapangiti ng malaki habang iniisip ang nangyari sa amin ni Rayle kung noon halos magalit ako sa kanya dahil sa ginawa nito pero ngayon nakangiti na ako habang iniisip siya at aaminin kuna naniniwala na ako sa kanyang sinabi hindi lang basta naniniwala dahil tanggap kuna kung ano man ang nangyayari sa buhay ko ang mahalaga mahal ko siya kahit hindi niya naman iyon alam basta palagi ko siyang nakikita at masaya ako na kasama siya. Sa mga sinabi palang sa akin ni Rayle umaasa ako na ganon din ang nararamdaman niya sa akin lalo na ang sinabi niya sa akin na ako lang ang babae niya. Naibaba ko ang hawak kung walis at nahiga sa kama ko habang nakatingin sa kisame pakiramdam ko ang gaan-gaan ng buong katawan ko at nababalot ako ng kasiyahan habang masayang iniisip ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko kapag kasama ko si Rayle at kapag nakalaya na siya mas lalo kaming sasaya pero paano ko ngaba siya mapapalaya wala naman siyang sinabi sa akin kung paano basta sa tamang panahon daw siguro mabilis lang naman iyon. Hindi naman ako magsasawang hintayin siya at habang hinihintay naming iyon masaya naman akung kasama siya hindi lang basta masaya dahil pakiramdam ko siya na talaga ang rason ng kasiyahan ko ngayon at nakakalimutan ko ag masalimuot na nakaraan ko dahil buong buhay ko pala nakatakda nasa akin si Rayle kahit na nahuli siya ng dating naging worth it naman ang lahat-lahat. Bigla na naman akung napangiti ng maalala kung paano hawakan ni Rayle ang pisngi ko at marahan akung hinalikan sadyang malala na nga ako kung sino man ang nakakakita sa akin ngayon iisipin na baliw ako dahil napapangiti ako kahit ako lang talaga mag-isa pasensya na inlove lang ako ito kasi ang unang pagkakataon na nagmahal ako ng ganito ka lalim na parang ito na ang huli na wala akung mamahalin na lalaki kagaya niya. Hindi ko alam kung paano koi to ipapaalam kay Ivan siguro huwag ko nalang muna sabihin sa kanya siguro sasabihin ko nalang kapag natapos na ang problema namin ni Rayle sa bruha na iyon paano ba naman nakakainis ang bruha na iyon pero kung hindi naman dahil sa kanya baka hindi ko makikilala si Rayle at hindi ko pa makakasama si Rayle kaya haharapin nalang naming ito nandito naman si Rayle para gabayan ako kung ano ba talaga ang gagawin malaki naman ang tiwala ko sa kanya at alam kung hindi niya ako pababayaan. Bigla akung napabalikwas ng bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si Ivan na nakataas ang kilay at kaagad na napatingin sa akin at sa walis na nasa sahig at kaagad na napabuntong hininga ng malalim. Ngumiti ako sa kanya at kaagad na bumangon at umupo sa kama habang siya naman ay dahan-dahan na lumapit sa akin at kaagad na sinapo ang aking noo sabay upo sa tabi ko. “Maayos naba ang pakiramdam mo? Sasamahan nalang kita dito ngayon wala naman akung pasok inaayos kuna kasi ang resignation letter ko dahil mukhang kailangan na talaga ako ni Daddy sa kompanya,” kaagad naman akung napatingin kay Ivan ng kaagad naman itong napabuntong hininga. Oo nga pala may kompanya na kailangan asikasuhin si Ivan at hinayaan muna ito nina Tito at kapag kailangan na siya talaga doon na siya aalis sa kanyang trabaho. “Bakit ka naman napapabuntong hininga?” tanong ko sa kanya at kaagad na kinurot siya sa pisngi. “Ayusn mo nalang ang kompanya niyo mas malaki ang kita niyo doon at alam muna noon palang sayo ipapamana ang kompanya niyo,” dagdag saad ko pa sa kanya kaya inirapan lang ako nito at kaagad na nahiga sa kama ko na parang wala lang sa kanya. Nasanay nadin ako kay Ivan na ganito siya ganito din naman kasi ang pagdating sa kanya lalo nasa bahay nito pero mukhang magka-iba na kami dahil may lalaki na ako sa buhay ko at ayaw kung mag-isip ng kahit ano si Rayle. Hindi ko naman pinaalis si Rayle bagkus ay ako ang umalis sa kama na parang wala lang at kaagad na uminat sa harapan nito sabay pulot ng aking walis at tinaasan siya ng kilay mabuti nga siguro na huwag ko munang sabihin sa kanya ang lahat ng ito kasi mukhang hindi maniniwala si Ivan at kung ano-ano pa ang isipin ng mokong na ito. “Dito ka nalang muna maglilinis pa ako magluluto nadin ako ng pagkain natin,” saad ko kay Ivan kaya mabilis naman siyang napatingin sa akin at bumangon habang nakataas ang kanyang kilay. “Para kang sabog ano ba ang ginawa mo? Para kang dinumog ng ilang babae sa mukha mo at amoy alak kapa may problema kaba?” tanong ko sa kanya kasi ngayon ko lang napansin na ang lutang ng mukha ni Ivan mukhang hangover pa ang mokong. “Don’t tell me babae ang problema mo?” tanong ko sa kanya kaya kaagad naman siyang pagak na napatawa at bigla nalang napahilamos sa kanyang mukha. Doon nadin ako napatampal sa noo ko dahil mukhang may problema nga si Ivan halata ko naman kasi sa kanyang mukha at mukhang uminom pa ito, ano kaya ang iniisip ng mokong na ito para uminom na naman siya hindi naman si Ivan mahilig uminom na halos araw-araw kapag niyaya lang ito ng kanyang mga kaibigan na lalaki umiinom siyang mag-isa kapag may problema o may iniisip siya. “Paano kung sabihin ko sayo na problema nga talaga ang problema ko,” napakisap ako ng aking mata dahil hindi ako sanay na may problema sa babae si Ivan babae lang may problema sa kanya may hindi ba sinasabi sa akin ang mokong na ito tungkol sa kanyang lovelife kunsabagay ako nga walang sinasabi sa kanya kaya patas lang kami pero nabigla lang ako na may problema siya sa babae. “Malaki ang problema ko sa babae na iyon matutulungan mo ba ako?” mabilis akung napalapit sa kanya at naupo sa tabi nito dahil mukhang masaya ang sasabihin niya sa akin kung sino man ang babaeng iyon gusto ko siyang makilala. Malamang ngayon lang nagka-ganito si Ivan sa isang babae at talagang intersado ako sa napupusuan niyang babae. “Kung ganon sabihin mo sa akin kun sino ang babae na iyon ng makilala kuna siya at kilalanin ko din naman siya para sayo kasi mukhang iniyakan mo talaga siya namumugto pa ang mata mo,” sita ko sa kanya paano ba naman ang laki ng kanyang eyebags at mukha na siyang panda idagdag mo pa ang kanyang lutang na mukha mas malala pasa mukha kuna lutang din noong isang araw. “Bakit hindi ko manlang nahalata na may nagugustuhan kana tapos hindi mo manlang pinaalam sa akin sana tinulungankita para mapasagot mo siya at ako ang unang makakaalam na may girlfriend kana,”mas excited pa ako sa kanya habang sinasabi ko ang mga salitang iyon syempre masaya ako para sa kaibigan ko at minsan lang maging ganito si Ivan. “Baka nakalimutan mo kung ano ang nangyari sayo nitong nakaraang araw kaya bakit ko sasabihin sayo mas lalong nadagdagan lang problema mo,” kaagad naman akung napangiwi sa kanyang sinabi kunsabagay may punto nga siya paano ba nama si Rayle nalang palagi ang laman ng utak ko nitong nakaraang araw at nakalimutan kuna nga ang aking sarili. “Kamustana pala ang pakiramdam mo maayos kana ba?” balik tanong sa akin ni Ivan kaya matamis akung ngumiti sa kanya ngiting magpapatunay na maayos na ako. “Ayos na ayos na ako kita mo nagwawalis na nga ako ikaw ba sabihin muna sa akin baka sakaling makatulong ako sa poblema mo,” saad ko sa kanya kaya napabuntong hininga na naman ito at bigla nalang humiga sa kama ko habang nakatingin sa aking kisame at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay. “Para ka namang bata Ivan busted kana ba sa kanya? Ayaw niya ba sayo kaya ka nagkakaganyan ano ba yan gawan mo ng paraan para makuha siya kunin mo ang loob niya hanggang sa tuluyan na siyang mahulog sayo,’ saad ko sa kanya na taglay na mukha ni Ivan imposible namang hindi mapapatingin sa kanya ang babaeng gusto nito at lapitin din naman ng mga babae si Ivan at kilala din naman ang lalaking ito dahil malaki ang kompanya ni Tito na ngayon ay mukhang si Ivan na ang magpapatakbo kaya mas lalo pa itong makikilala. “Kahit kailan talaga ang bunganga mo Kleyton hindi mo naman mapipilit ang isag tao kung ayaw niya sayo masaya na ako na nakikita at nakakasama ko siya,” biglang mapait na ngumiti si Ivan at kahit ako nakaramdam ako ng sakit habag nakikita ang mukha ng kaibigan ko naging busy na ako na hindi kuna napansin na may ganito palang problema ang kaibigan ko at wala naman akung nagawa para sa kanya. “Kuntento na ako kung ano kami ngayon ang mahalaga nasa maayos lang siya pero alam mo naman ang pagmamahal ay hinding-hindi mo mapipigilan at mas lalong lalaki ito kapag tinatago mo lalo at kung minsan hindi mo mapipigilan ang maipakita ito sa kanya kahit sa maliit na bagay lang,” kaagad akung napangiwi sa sinabi ni Ivan at kaagad na hinipo ang noo nito dahl baka nagkakasakit siya kasi wala naman akung maintindihan sa kanyang sinabi at ano ba ang kanyang sinasabi? “Alam mo Ivan baka sabog kapa at may alak pa pati ang utak mo dahil kung ano-ano na ang sinabi mo hindi ko nga maintindihan kung ano ang sinasabi mo kaya magpahinga kana muna mamaya nalang tayo mag-usap baka sakaling magising na ang mga brain cells mo mukhang sabog kapa,” sita ko sa kaibigan ko ahil mukhang tama nga ang aking sinabi dahil kaagad na napakamot si Ivan sa kanyang ulo at napahilamos ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin at inirapan ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay at kaagad naman niyang pinisil ang ilong ko at dahan-dahan akung niyakap ng mahigpit kaya mas lalong napataas naman ang aking kilay sa kanyang ginawa. “Hoy ano ba ang nangyayari sayo?” sita kuna naman sa kanya pero iling lang nito ang naramdaman ko habang nakayakap siya sa akin. Hindi kuna maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaibigan ko basta nababaliw na siya ng tuluyan at kung ano-ano na ang nasa isipan nito. “Makayakap ka diyan sa akin parang wala ng bukas ganyan kana ba ka adik sa babaeng iyon? Sabihin mo kasi sa akin kung sino siya ng makilala ko naman ang babaeng nagpapatibok ng puso mo,” narinig ko ang munting tawa ni Ivan habang sinasabi ko ang mga salitang iyon at mabilis naman siyang napabitaw sa akin at pinisil ang aking ilong. “Hayaan mo ipapakilala kita sa kanya at pagkatapos sampalin mo kung bakit ang manhid-manhid niya at hindi niya manlang naramdaman na mahal na mahal ko siya,” habang sinasabi ni Ivan ang mga salitang iyon kitang-kita ko ang emosyon sa kanyang mga mata na biglang nagpakabog ng puso kong sobrang lakas. May nakita kasi akung emosyon sa mga mata ni Ivan na hindi ko maipaliwanag kasi bigla nalang nagsitayuan ang balahibo ko habang patuloy parin akung tinitignan ni Ivan sa mga mata at mas lalong kinabahan pa ako ng hinaplos nito ang aking pisngi habang malalim siyang humihinga. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ko sa mga mata ni Ivan pero hindi ko gusto kung ano man ang nasa utak ko hindi ko gusto ang takbo ng aking isipan habang nakatingin ako sa mga mata ni Ivan dahil ganito din kasi ang tingin ko kay Rayle at kung paano ako tignan ni Rayle hindi ko alamkung ano ang sasabihin ko kay Ivan habang hindi parin niya kinukuha ang tingin niya sa akin at hindi manlang ito nag-abala na umiwas ng tingin sa akin. “Ivan naman hindi ako ang babae mo kaya tigilan mo ako sa tingin nayan mukhang may sabit pa ang alak sayo kaya kung ano-ano na ang tingin mo sa akin baka akala mo sa akin babae mo nako tigilan mo ako,” sita ko sa kanya at ako na mismo ang umiwas ng tingin sa kanya pero laking gulat ko dahil bigla lang akung pinigilan ni Ivan na mas lalong nagpakaba sa akin. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at mariin itong hinalikan at doon kaagad na tumulo ang mga luha ni Ivan na kaagad na nagpasakit ng damdamin ko at kakaibang emosyon ang nanguna sa akin at wala akung ibang masabi. “Patawarin mo ako Kleyton patawarin mo ako,” mas lalong tumulo ang luha ko habang naririnig ang sinabi ni Ivan ang salitang sorry ni Ivan ay mas lalong nagpasakit sa puso ko at kung ano man ang nais nitong sabihin ayaw kuna itong marinig dahil sa oras na marinig ko ang siinabi ni Ivan hindi ko alam kung saan aabot ang pagkaka-ibigan naming dahil alam kung may magbabago talaga. “Alam kung nagulat ka sa sinabi ko pero hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob para sabihin sayo ang nais kung sabihin dahil mas lalo lang akung kinababahan kung ngayon na buong tapang ko ng sasabihin sayo dahil baka sa susunod na araw mawalan na ako ng lakas at wala na akung mukha na ihaharap sayo,” hindi ko mapigilan ang aking sarili at sunod-sunod na umiling kay Ivan dahil ayaw kung marinig ang kanyang sasabihin kung tama man ang hinala ko. “Ivan please alam kung epekto lang iyan ng alak na nainom mo palagi mo naman ito ginagawa sa akin kaya tigilan mo ako dahil baka masapak na talaga kita ng wala sa oras para magising ka,” saad ko sa kanya dahil baka binibiro lang ako ni Ivan alam ko naman ang lalaking ito ang lakas ng loob na asarin ako at baka ngayon gagawin na naman niya. “Dito kana nga maglilinis nalang ako o baka naman ang utak muna kailangan na linisin,” akmang tatayo na ako ng mabilis na namang hilahin ni Ivan ang kamay ko kaya napaupo ako ng tuluyan sa kama at laking gulat ko ng mabilis niya akung niyakap ng mahigpit sa likod. Mas lalong binundol ng kaba ang aking puso at hindi ko napigilan ang aking sarili at lakas loob kung kinuha ang kamay ni Ivan na nakayap sa akin at kaagadna namang tumayo. Sunod-sunod akung umiling kay Ivan at mapait na ngumiti habang siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin at kung paano niya ako tignan kanina ganon niya din ako tignan ngayon. Isa akung malaking tanga para hindi mahalata na ang tingin ni Rayle at Ivan sa akin ay iisa lang pero hindi ako makapaniwala sa ganito si Ivan dahil buong buhay ko hindi ko akalain na ganito si Ivan sa akin na kahit sabihin ko ang salitang iyon hindi ko kaya kasi hindi naman ako makapaniwala. “Ayaw kung marinig kung ano man ang sasabihin mo Ivan kung ano man ang balak mong sabihin sa akin huwag mo ng ituloy dahil alam mo kung ano tayo,” hindi kuna napigilan ang sarili ko at nasabi ko ang mga salitang iyon kay Ivan kahit na alam kung pwede siyang masaktan pero ano ba talaga dapat ang kailangan kung sabihin sa kanya dahil talaga namang nagulat niya ang buong pagkatao ko kahit hindi niya sabihin sa akin alam kuna at ayaw ko itong marinig ayaw kung aminin niya sa akin ang totoo ayaw ko at masyadong mahalaga sa akin si Ivan lalo na ang pagkaka-ibigan namin. “Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin Ivan,” seryoso kung sagot sa kanya pero kaagad naman siyang napayuko at napahilamos sa kanyang mukha habang ako naman ay sobrang lakas ng kabog ng aking puso. “Mahalaga kadin naman sa akin Kleyton hindi mo lang alam kung gaano ka kahalaga sa akin na halos ibigay kuna sayo ang lahat-lahat hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kuna mahal na kita hindi ko alam kung nararamdaman mo iyon pero noon palang mahal na kita,” doon na tuluyang tumulo ang aking luha sa sinabi ni Ivan hindi ko alam kung saan ako naiiyak basta ang alam ko naiiyak ako sa hindi maipaliwanag na dahilan dahil alam kung malaki ang magiging epekto nito sa pagkaka-ibigan naming dalawa. “Ngayon lang siguro ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sayo sa takot na maagaw kasa akin na hindi ko naman alam kung sino basta iyon ang pakiramdam ko na may sino man ang may balak na agawin sa akin ang babaeng mahal ko,” sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha ng sabihin ni Ivan ang mga salitang iyon salitang nagpa-pikit sa akin at nagpatameme sa akin dahil hindi ko lubos akalain na may pagtingin pala sa akin si Rayle. Nasobrahan na nga talaga ako siguro sa pagka-manhid dahil hindi ko napansin ang nararamdaman sa akin ni Ivan sino ba naman kasi ang mag-aakala dahil simulanoong bata kami magkaibigan na kami at hindi pumasok sa utak kuna mamahalin niya ako dahil akala ko kapatid na ang turing niya sa akin pero mas malalim pa pala doon kaya sino ang hindi magugulat kung isang araw bigla niya nalang sinabi sa akin na mahal niya ako. “Ivan naman alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Alam mo ba ang magiging epekto nito sa akin?” mahinang tanong ko sa kanya pero parang binibiyak ang puso ko habang nakikita ang luha ni Ivan na sunod-sunod ang pagtulo. Nasasaktan ako habang nakikita siyang umiiyak dahil sa akin dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naramdaman niya bang may mahal na akung iba kaya niya sinabi sa akin ito? Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin ito pero kahit noon niya pa sinabi alam kung wala paring magbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD