Para akung malagutan ng hininga habang nakatingin kay Rayle na ngayon ay nakatusok sa kanya ang buntot ng bruha at alam kung nasasaktan si Rayle kasi basis a kanyang reaksiyon basang-basa kung nasasaktan siya pero mas pinili niyang huwag ipakita ito pero ako alam na alam ko at nararamdaman koi to. Kitang-kita ko ang nabuong ngisi sa mukha ng bruha ng malaya nitong nautakan si Rayle pero hanggang ngayon hawak-hawak parin ni Rayle ang kanyang leeg at ano mang oras pwede na siyang patayin ni Rayle.
“Rayle!” malakas kung sigaw sa kanya kaya mabilis na napatingin sa akin ang bruha kahit na hawak-hawak parin siya ni Rayle at nagawa niya parin akung ngisihan. Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang aking puso habang nakatingin sa lalaking mahal na mahal kuna nasasaktan. Ganito pala ang pakiramdam ng nakikita mo ang mahal mo na nasasaktan ng ibang nilalang parang pati ikaw nasasaktan, ngayon alam kuna kung bakit ganon nalang ang sakit at wala ni Rayle ng malaman niya ang nangyayari sa akin lalo na ng makita niya siguro ako na may kasamang ibang lalaki. Bigla nalang tumulo ang aking mga luha habang dinadama ang sakit sa aking puso habang nakatingin kay Rayle. “Rayle!” muli kuna namang tawag sa kanya kaya mabilis siyang napatingin sa akin at doon nakakuha ng pagkakatao ang bruha na makawala sa pagkakahawak ni Rayle kaya mabilis itong tumalon pataas sabay ubo at hawak sa kanyang leeg.
Kaagad na napatingin sa akin si Rayle at mas lalong naluha ang aking mata ng makita ang dugong lumabas sa kanyang damit dahil sa sugat na nagawa ng bruha sa kanyang likod. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakatingin kay Rayle na unti-unting namumuti ang kanyang katawan dahil siguro sa natamo niya sa bruha na iyon. Hindi kuna napigilan ang aking sarili at mabilis na akung napatakbo palapit sa kanya at doon nakalabas ako sa glass na kanyang ginawa na kaagad namang ikinalaki ng kanyang mga mata pero hindi koi yon pinansin at tuloy parin ako sa pagtakbo palapit sa kanya.
Hindi ko kayang tignan na ang lalaking mahal na mahal ko ay nasasaktan dahil sa akin para akung pinapatay ng maka-ilang beses habang nakatingin sa kanya ngayon. Ganito pala kapag mahal mo ang isang tao, kung anong sakit ang kanyang nararamdaman at habang nakatingin ka sa kanya parang damang-dama mo din ang sakit na kanyang dinadala. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo palapit sa kanya habang sinasalubong ako ng mga goblin at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang at lakas na nagawa ko silang patayin habang sinasalubong nila ako at sa bawat halimaw na lumalapit sa akin o humaharang sa akin papunta kay Rayle kaagad koi tong pinapatay ng walang awa, nagsi-talsikan sa aking mukha at katawan ang kanilang mga dugo pero wala naman akung pakialam at tuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa ang isang malaking goblin na ang humarang sa akin at dahil narin siguro sa galit ko mabilis kung itinaas ang aking espada at itinutok sa kanya at sa pagtalon ko mabilis kung itinusok sa kanyang ulo ang espada na hawak ko at mabilis din naman itong hinila at naiwang walang buhay ang goblin na iyon habang kita ko naman ang gulat sa ibang mata ng mga goblin ng makita nila ang aking ginawa. Hindi ko sila pinansin at kagaya kanina tuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na akung makalapit kay Rayle at dinamba ito ng yakap ng mahigpit.
Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik at binaon ang kanyang ulo sa aking leeg habang ako naman humagulgol ng iyak habang yakap-yakap ko siya. Mabilis niyang hinaplos ang aking likod at inalo ako pero tuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko kasi habang nakikita ko siyang nasasaktan para naman akung pinapatay, ganon ko siya kamahal na kahit ako nalang ang saktan nila huwag lang ang lalaking mahal ko.
“Bakit ka lumabas doon,” nanghihina ang boses ni Rayle habang sinasabi niya ang mga salitang iyon pero ako nanatiling nakayakap sa kanya at hindi alam ang gagawin. “You should stay there baby, mas safe ka kapag nandoon ka,” sunod-sunod akung umiling sa kanya habang nakayakap parin ako at mabilis na kumalas doon at tinignan siya deritso sa mga mata. “Sa tingin mo makakaya kung tignan ka habang naghihirap dito? Alam mo naman na hindi ko din kayang tignan kana nasasaktan at nahihirapan Rayle,” wala ng nagawa si Rayle kundi ang yakapin nalang din ako ng mahigpit at hinawakan ang aking kamay ng mahigpit.
“Lumaban ka hanggat kaya mo huwag na huwag kang magpapatalo sa kanya, you need to kill her,” mahinang bulong sa akin ni Rayle kaya napatingin naman ako sa bruha na ngayon ay nagbabaga ang kanyang mata habang nakatingin sa akin hindi lang galit ang nakikita ko sa kanyang mukha kundi pati narin ang selos. “Kahit na ano man ang mangyari dito ka lang sa tabi ko at kapag nakakita ka ng pagkakataon patayin mo siya,” mahinang bulong niya sa akin kaya kahit na natatakot ako mabilis akung tumango sa kanya kasi kailangan kung maging matapang ngayon hindi ko pwedeng umasa nalang ako kay Rayle, I nedd to protect him also. Hinawakan ko din ng mahigpit ang kanyang kamay kasi kahit hindi na niya kaya lalaban parin siya para sa aming dalawa.
“Akala ko malakas ka Rayle ngayon natin tignan ang lakas mo sa lason na nasa katawan mo,” malakas na tumawa ang bruha habang nakatingin siya sa amin pero tinignan ko lang din siya ng masama. “Tignan natin ang lakas at tapang mo ngayon sa lason na nasa katawan mo ngayon!” kakaibang galit naman ang namuo sa aking puso habang nakikita ko ang lintik niyang tawa. Hindi ko alam kung anong tapang ang meron ako ngayon na kahit anong takot ko kanina mas namayani ang tapang kuna patayin ang lintik niya.
“Hayop ka!” malakas kung sigaw na kaagad nagpawala sa kanyang mukha na tumatawa kanina at seryosong napatingin sa akin. Humigpit ang hawak ko sa aking espada habang nakatingin sa kanya ang ayaw ko lang talaga ay ang sinasaktan ang mga taong mahal ko. “Hayop ka!” muli kuna namang sigaw sa kanya pero isang masamang tingin din naman ang pinukol niya sa akin. “Hindi mo mapipilit si Rayle na mahalin ka kasi alam mo naman sa simula palang na ako na ang mahal niya! Wala siyang ibang babae na minahal kundi ako lang kaya kung ako sayo tigilan muna ang kahangalan mo hayop ka!” hindi ako magpapatalo sa kagaya niya kahit kailan kahit mahina lang ako marunong akung lumaban para sa buhay at mga mahal ko. Higit sa lahat hindi niya matuturuan ang isang tao na mahalin siya, naisip ko sa kanya si Ivan pero si Ivan magagawa ko pa siyang pagsabihan at ipaintindi sa kanya ang lahat pero siya hindi ko alam kung saan siya kumuha ng tapang niya para gawin ito.
“Kung binigay mo nalang sana sa akin si Rayle hindi na sana umabot sa ganito! Mas mahal ko si Rayle kaysa sa pagmamahal mo Kleyton! Mas matagal kuna siyang kilala kaysa sayo at halos lahat ng tungkol sa kanya alam ko mas malapit ako kaysa sayo at mas malakas ako pero putangina ikaw parin ang pinili niya kahit alam naman niyang kayang-kaya kung kalabanin ang kapatid ko para sa kanya at alam kung makukuha ko ang sumpa sa kanya ng kapatid ko pero putangina mo dahil hinintay ka parin niya kaya mas mabuti nalang siguro na patayin ko nalang kayong dalawa para tuluyan na kayong mawala dito sa mundo! Hindi din naman ako magiging masaya kung alam kung hindi ako ang mahal ng lalaking mahal ko kaya mas mabuti na ang mawala nalang kayong dalawa ng lahat nalang tayo hindi na magiging masaya!” hindi ko alam kung ano ang naig niyang ipalabas o ang kanyang pinupunto kasi sobrang kitid naman ng kanyang utak kung iyon lang ang kanyang rason. Nakikita ko sa kanya si Ivan pero naman ganito ka kitid ang utak ni Ivan hindi kagaya niya na natapon na ng tuluyan sa ilog ang kanyang utak.
“Napaka-kitid naman ng utak mo para sabihin sa akin na sana binigay ko nalang sayo si Rayle! Kung mahal na mahal mo si Rayle mas mahal ko siya kung hindi mo kayang nakikita siya sa ibang babae sa tingin mo ano ang pakiramdam ko? Patas lang naman tayong nagmamahal dito pero ako ang mahal ni Rayle at hindi ikaw! Kung gusto mo kaming dalawa na patayin gawin mo hindi kita pipigilan pero hindi ako matatahimik dito at hahayaan ka nalang na patayin kami kasi marunong naman kaming lumaban!” dahan-dahan akung tumayo at tinignan siya lalo ng masama ng bigla din namang tumayo sa tabi ko si Rayle kaya mas lalo lang naging masama ang kanyang tingin sa amin.
“Just accept the fact that you’ll gonna die!” biglang nandilim ang buong paligid at mas lalong kumidlat ng malakas at lumakas ang hangin sa paligid na naging dahilan para matumba ang ibang kahoy at mamatay ang apoy sa paligid na nagawa kanina ni Rayle. Bigla nalang ito nawala na parang bula at sa isang iglap sumulpot ito sa aming harapan at akamang sasaksakin ako nito ng kanyang espada ng mabilis akung tinabig ni Rayle at sinalag ang atake ng bruha gamit ang kanyang espada na hawak. Mabilis akung napaupo sa lupa ng tinabig ako ni Rayle kanina malamang kung hindi niya ako tinabig baka nasaksak na talaga ako ng tuluyan ng bruha. Alam kung ako talaga ang kanyang pakay dahil hindi niya pinansin si Rayle at ako na naman ang kanyang tinakbo at hindi na siya naabutan ni Rayle at mabilis nga niya akung nasipa at ramdam na ramdam ko ang sakit ng kanyang pagkakasipa lalo nan g tumama ang aking likod sa kahaoy at mabilis akung napasuka ng dugo at napa-igik sa sakit.
Hinawakan ko ang aking labi na ngayon ay tumutulo ang dugo dahil sa kanyang ginawa at sobrang sakit ng aking tiyan na kanyang sinipa. Mabilis akung napatingin sa kanya at dahan-dahan na napatayo at dinura ang dugo na nasa labi ko at muling tinignan si Rayle na ngyaon ay punong-puno ng pag-alala ang kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya upang itago ang sakit na nararamdaman ko pero ang lintik na bruha walang ibang ginawa kundi ang ngisihan lang ako. Itinukod ko ang espada na hawak ko habang umiilaw ito at ng akmang lalapitan ako ng isang goblin ng mabilis kung iniwasiwas ang aking espada kaya naputol ang kanyang kamay habang nagwawala ito sa lupa hindi ako nag-alinlangan at kinuha ang pagkakataon na iyon para patayin siya, kagaya ni Rayle mabilis kung pinutol ang kanyang ulo at sinipa ito palapit sa bruha. Tinignan niya ang ulo na gumulong papunta sa kanya at tinignan ako ng masama habang ako naman pinahid ulit ang dugo na nagkalat sa gilid ng aking labi.
“Damn you b***h!” muli na naman ako nitong sinugod at sa oras na hindi na naman siya nahabol ni Rayle at sa isang iglap nakasandal nalang ako sa malalaking bato malapit sa talon at mas lalong namula ang kanyang mga mata at ang dating isa nitong buntot ay naging madami na at hinaharangan nito si Rayle na hindi makalapit sa akin habang hawak-hawak niya ako sa leeg. “Walang makakaligtas ng buhay mo ngayon dito dahil papatayin ko kayong dalawa ni Rayle!” hindi ako nagpatinag sa kanyang sinabi at buong lakas kung itinaas ang aking hawak na espada at itinarak sa knayang tiya kaya mabilis niya akung nabitiwan at isang malakas na kulog at kidlat ang namayani sa buong paligid isama mo pa ang kanyang malakas na sigaw habang hawak-hawak niya ang kanyang tiyan na sinaksak ko. Isang malakas na sigaw ang aking narinig habang hawak-hawak niya parin ang kanyang tiyan at tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo sa kanyang kamay habang ako naman napaigik ng tumama ang aking paa sa baton g mabitiwan niya ako at kaagad namang tumulo ang dugo sa aking paa.
Mahapdi pero kailangan ko paring tiisin kasi hindi pwedeng unahin ko ang sakit kailangan kung maging matapang. Dahan-dahan akung tumayo at mabilis na tumakbo palapit kay Rayle at hinawakan ang kanyang kamay na ngayon ay namumuti na siya ito nga siguro ang lason na sinasabi ng bruha na iyan. Walang sabi-sabi kung pinatalikod si Rayle at kinuha ang kanyang espada at iyon ang ginamit para hiwain ang aking palad na kaagad niya namang ikina-gulat niya pero hindi na siya nagbitaw pa ng salita ng pinatulo ko sa sugat niya sa likod ang dugo na nagmumula sa aking kamay. Kitang-kita ko kung gaano kabilis na pumasok ang dugo ko sa kanyang sugat na kahit isang tulo wala itong sinayang at mabilis itong naghihilom habang lumalabas naman ang itim na likido nasa tingin ko ay ang lason na sinasabi ng bruha na ito. Alam kung malakas si Rayle kapag nandito ako at doon ko lang na realize na baka makukuha ng dugo ko ang lason ng bruha na iyon kasi maraming pagkakataon kanina na pwede niya akung tusukin ng kanyang buntot hindi niya ginawa mas pinili parin niyang sakalin ako. Ng tuluyan ng naghilom ang sugat ni Rayle akmang magsasalita ako ng bigla na naman akung tumilapon at literal na nanlaki ang aking mata ng maramdaman ang sakit sa aking buong katawan at isang malakas na tunog ang aking narinig at hindi tagal sumuka na naman ako ng dugo pero ngayon mas madami na ito at mas matinding sakit na ang aking nararamdaman. Nabitiwan ko ang hawak kung espada habang nakatingin sa bruha na ngayon ay nababalot nadin ang kanyang buong katawan at alam kung nanghihina na siya dahil dahil ang dating makinig niyang mukha ngyaon ay naging kulubot na ito siguro dahil kahit mabilis ko lang siyang nasaksak nahigop na kaagad na espada ang kanyang ibang lakas.
“Damn you b***h!” rinig kung mura ni Rayle at sa isang iglap bigla nalang nitong inatake ng bruha at sa isang iglap tumilapon na naman ito sa talon at doon mas lalong nag-away pa sila ni Rayle pero believe din ako sa kanya dahil kahit may sugat na siya nagagawa niya paring makipag-sabayan ng bilis kay Rayle at kagaya kanina hindi na naman sila mahabol ng aking mga mata sa taas. Dahan-dahan akung napagapang habang inaabot ang aking espada sa dulo dahil baka sugurin na naman ako ng mga goblin dito mamaya. Hindi nga ako nagkakamali dahil bigla nalang ako nakarinig ng sunod-sunod na ingay at ng tumingin ako sa aking likuran nakasunod at gumagapang palapit sa akin ang mga goblin hindi lang maliliit pero tangina ang lalaki nila!
Mas lalo ko pang binilisan ang paggapang upang maabot ko kaagad ang aking espada ng makita ko ang isa na mabilis itong tumatakbo papunta sa aking pwesto at kapag ako nahuli nito patay na ako! Tangina bigla akung napatigil sa paggapang ng maramdaman kung malapit na talaga siya sa akin kaya napapikit nalang ako at hinintay na tumama sa akin ang hawak nitong palakol ng isang talsik ng dugo ang aking naramdaman na tumama sa akin at doon mabilis kung binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kamay ni Ace kasama sina Austin at Aris na ngayon ay ang tatamis ng kanilang mga ngiti.
Mabilis akung pinatayo ni Ace at hinawakan ako sa kamay habang si Aris naman ay muling binigay niya sa akin ang aking espada at napatingin sa paligid na parang hindi na ito ang dating batis na sobrang ganda at tahimik dahil halos wasak at sirang-sira na ang buong paligid. Napangiti naman ako sa kanila at kaagad na dinura na naman ang dugo sa aking labi kaya napatingin sila doon ng bigla nalang umusok ang dugo kuna dinura ko sa lupa kahit ako din naman nagulat sa aking nakita. Hindi nalang ako nagsalita at pinahid ang dugo sa aking kamay at napatingin kina Rayle sa taas na hanggang ngayon ay tuloy parin silang dalawa sa pag-aaway. Tumingin ako kina Austin na biglang nagulat ng ngumiti din ako sa kanila.
“I need to kill her,” may diing saad ko at hindi kuna hinintay ang kanilang sagot at mabilis na akung tumakbo at kinausap si Rayle gamit ang aking isipan. “Ilapag mo siya dito ako ang papatay sa kanya,” mahina kung bulong sa aking isipan na alam ko namang narinig ni Rayle. Kakalimutan ko ang takot na meron ako ngayon dahil sa kagustuhan kung hindi na ako maging pabigat sa kanila kailangan kung sundin ang sinabi ni Rayle na kailangan ko siyang patayin. Parang normal nalang sa akin ngayon ang sabihin ngayon ang salitang papatayin dahil narin siguro sa namulat na ako kung ano talaga ang katotohanan dito sa mundo na ito.
Mabilis na sumabog ang tubig sa batis kanina at doon nakita kung tumama doon si Rayle at ang bruha habang hawak-hawak nito sa kamay si Rayle at ang kanyang ibang buntot ay naka-kapit pasa paa ni Rayle kaya hindi na ako nag-alinlangan pa at mabilis akung tumalon doon at ng makita ako ni Rayle mabilis siyang bumangon at buong lakas na umikot pataas hanggang sa naiwan nalang doon ang bruha at mabilis na sana nitong susundan si Rayle ng makita niya akung malapit nasa kanya kaya kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata pero huli na ang lahat para umiwas pa siya dahil naitarak kuna sa kanyang puso ang hawak kung espada.
“Die b***h!” malakas kung sigaw at tinignan siya kung paano niya tignan ang espada kung nakatarak sa kanya. “Sa huli daing mo parin ang huling maririnig mo dahil ako mismo ang nakapatay sayo na hayop ka!” malakas kung sigaw sa kanya at mas lalong diniinan ang pagkakatarak ng espada ko sa kanyang puso.