Habang nakatarak sa kanyang puso ang hawak-hawak kung espada bigla nalang tumulo ang kanyang luha at hinawakan ang aking espada na nakatarak sa kanya. Hindi ko naman mabasa ang kanyang nasa-isipan tanging ang kanyang mga mata lang na sumisigaw ng lungkot at sakit habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin ako sa kanya pero alam kung nasasaktan ko din naman siya, pareho lang naman kami nagmamahal dito pero siya nagmahal lang siya sa ibang paraan at masyado siyang makasarili sa pagmamahal na tinatawag.
“Tanggap ko naman na talo parin ako sa huli,” mapait itong napangiti sa akin na kaagad namang nagpagulo sa aking usapan. “Kahit anong sabi kuna papatayin ko kayong dalawa tadhana na ang gumawa ng paraan para manatili kayong dalawa sa isat-isat at alam ko naman na hindi ako kasama sa propesiya na tinatawag nila tanging ikaw lang,” hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa kanya at sa lumuluha nitong mga mata. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sakit sa kanyang mga mata lalo na ng makita ko ang kanyang luha.
“Kung mahal mo siya hindi n asana umabot sa ganito at kung mahal mo siya hayaan mo siyang maging masaya sa kung ano man ang gusto niya at kung mamahalin kaman niya ay iyong ginusto niya hindi dahil sa pinilit mo siya, alam mo naman sa simula palang na nakatadhana na siya sa ibang babae pero mas pinili mo parin siyang mahalin kagaya ng pagmamahal ng kapatid mo sa kanya,” hindi kuna napigilan ang aking sarili at nasabi ko ang mga salitang iyon sa kanya na totoo naman talaga. Hindi basta-basta ang pagmamahal ngayon , maaari ka niyang baguhin ng tuluyan hindi lang ikaw o ang sarili mo kundi pati narin ang buhay mo. “Mahal ko din naman si Rayle at kagaya ng pagmamahal mo sa kanya handa akung lumaban ng p*****n para sa aming dalawa,” kahit nababalot ng awa ang aking puso hindi ko parin hinugot ang espada kuna nakatarak sa kanyang puso habang dahan-dahan kung pinag-mamasdan ang kanyang mukha na unti-unting naging kulubot at panay pa ang suka niya ng dugo.
Kahit anong gawin niya hindi na magbabago pa ang lahat kahit sabihin pa natin nga napatay nga niya talaga kami wala paring magbabago. Ngumiti siya sa akin hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang kanyang ginawad sa akin pero alam kung nasasaktan siya ng sobra dahil kitang-kita ko din naman ito sa kanyang mga mata. Nakikita ko din sa kanyang mga mata ang totoong pagmamahal na tinatawag pero ang pagmamahal na iyon ay nakakasakal at makasarili, hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin pero iyon ang aking nakikita.
Pikit mata kung idiniin lalo ang espada sa kanyang dibdib at doon mas lalo itong umilaw at hindi nagtagal naging abo nalang ang bruha at naiwan akung nakatulala sa kanyang abo na ngayon ay nasa harapan ko hawak ang espada na hindi tumitigil sa kakailaw. Hindi kuna ngayon alam ang susunod kung gagawin matapos kung mapatay siya mismo, hindi ko din alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mapatay siya, hindi ko lubos akalain na aabot ako sa ganito ang makakaya kung pumatay ng walang kahirap-hirap at nagawa kung lumaban ng p*****n na noon naman kahit palaka hindi ko kayang patayin pero ngayon mapahalimaw man o bruha papatayin ko dahil lang sa pagmamahal ko. Hindi lang basta pagmamahal dhail buhay kuna si Rayle siya ang kalahati ng buhay ko.
Dahan-dahan lang akung napabalik sa wisyo ko ng may humawak sa balikat ko at ng lingunin koi to bumungad sa akin si Rayle na malalim napabunting hininga pero kaagad niya naman akung tinulungan na makatayo at mabilis na niyakap kaya hindi kuna napigilan ang aking sarili at napahagulgol na ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako tuluyang napaiyak siguro dahil narin sa emosyon na nasa puso kuna hindi ko maipaliwanag at isa pa kapag nasa tabi ko kasi si Rayle nagiging emosyonal na ako at pati sarili ko hindi kuna ma intindihan.
“Its okay baby, its okay,” mahinang bulong sa akin ni Rayle at mariin akung hinalikan sa noo at tinignan sa mga mata at matamis na ngumiti, imbis na masaktan ako napangiti nalang ako kahit na may mga luha parin ang aking mata. “Alam kung pagod at nasasaktan kana, just cry baby nandito lang ako sa tabi mo hinding-hindi kita iiwan,” muli na naman ako nitong niyakap ng mahigpti at hinaplos ang aking likod. Hinayaan ko lang si Rayle na gawin iyon kasi mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko kapag ginagawa niya iyon, parang hinahaplos ang aking puso na hindi ko alam. Tanging si Rayle lang naman ang may kakayahan na gawin iyon sa akin at siya lang ang may kaya na iparamdama sa akin kung gaano ako ka ligtas kapag nasa tabi ko siya, ganon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao.
“Umuwi na tayo sa palasyo para tuluyan ka ng makapag-pahinga at ng magamot kuna ang sugat mo,” biglang kumalas sa pagkakayakap nya sa akin si Rayle at tinignan ang aking mga sugat sa katawan at siya na mismo ang kumuha ng espada na hawak ko. “Bubuhatin na kita,” hindi na niya hinintay ang magiging sagot ko at mabilis na niya akung binuhat kaya wala na akung nagawa kundi ang hayaan nalang siya. Habang naglalakas kami nakasunod naman sina Austin na nahuli nan g dating dahil ng namatay na ang bruha mabilis na nagsi-takbo na ang kanyang mga alagad papunta sa pinanggalingan nila kung saan sa kadiliman, ano pa ang laban nila kung namatay na ang kanilang reyna kaya wala na silang magawa kundi ang tumakas nalang. Nakhawak ako sa leeg ni Rayle habang naglalakad kaming dalawa at mabilis naman akung sumadal sa kanyang dibdib habang naglalakad kami, paano ba naman wala na ang kanyang sugat siguro dahil nadin sa ginawa ko kanina kaya mabilis na naghilom ang kanyang mga sugat habang ako naman hindi manlang nawala.
Ganon pala ang epekto ko kay Rayle, sino ang mag-aakala na tama pala ang naisip kung paraan kanina para matalo ang bruha na iyon pero may parte naman sa puso kuna medyo naawa ako sa kanya pero nangyari na ang nangyari kaya wala na akung magagawa.