Habang abala ako sa kakatingin kay Rayle na ngayon ay nasa mata na nito ang kanyang mukha hindi ko mapigilan ang mapangiti na naman at mapatingin sa kanyang katawan ng mariin, ilang oras na kami dito at malapit nadin sumapit ang hapon pero hindi parin ako nagsasawa na si Rayle ang kasama ko. Akmang lalapit sana ako sa kanya ng maka-rinig ako ng alolong ng lobo kaya biglang binalot ng kaba ang aking puso lalo na ng biglang dumilim nalang ang buong kalangitan at sunod-sunod na kidlat at kulog ang namayani sa buong paligi isama mo pa ang malakas na simoy ng hangin kaya mabilis na naman akung napalapit kay Rayle at napayakap ng mahigpit. Pero si Rayle parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari sa paligid at nanatiling nakatakip sa mukha niya ang kanyang kamay. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid at mas lalong binalot ng kaba ang aking puso ng makita ko ang mga nilalang na naglalaway habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa mga nilalang na nasa paligid at handa na kaming atakihin ano mang oras.
“Rayle gumising ka maraming kalaban sa paligid Rayle,” natatakot kung saad habang sinasabi ang salitang iyon. Pero si Rayle nanatiling nakapikit at ang mas malala hinawakan niya lang ako sa kamay at mariin itong hinalikan at niyakap pa talaga ako. “Rayle alam mo naman siguro na maraming halimaw sa paligid diba?” nanginginig na ang aking boses habang sinasabi ito dahil mas malalaking goblin na ang nasa paligid namin at mukhang hindi kuna sila kakayanin at kaunting tulak lang nila sa akin baka tumilapon na ako ng tuluyan.
“Mahal na mahal kita Kleyton,” bigla akung natigilan sa salitang binitiwan ni Rayle na kahit nasa gitna na kami ng panganib nagawa niya parin sabihin ang mga salitang iyon pero ako naman na kinilig sa kanyang sinabi. “Kahit ano man ang dami nila ikaw parin ang inaalala ko at kahit masaktan man ako basta ligtas ka ayos na ako, ayaw kung masugatan kana naman at masaktan dahil sa akin kaya kahit na ano man ang mangyari huwag na huwag kang aalis sa tabi ko,” dahan-dahan na bumangon si Rayle at mabilis na binigay sa akin ang aking espada at matamis na ngumiti hindi ko alam na dinala niya pala ito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya pero tumango nalang ako at dahan-dahan na kinuha ang espada ko.
Mabilis na tumayo si Rayle at hinugot ang kanyang espada sa lalagyan at tumingin sa paligid kung saan napapalibutan kami ng madaming kalaban at basi sa kanilang mukha talagang papatayin nila kami. Ako naman ay dahan-dahan na napatayo at tinignan din ang mga kalaban sa paligid at kung hindi ako nagkakamali ako talaga ang kanilang pakay. Mas lalong kumulog ng malakas at lumakas ang ihip ng hangin sa buong paligid pero mas lalo akung nagulat ng biglang umusok ang tubig na umaagos sa talon at mas lalo pa itong umusok at ng mapatingin ako kay Rayle may asul na apoy na naman sa kanyang katawan.
Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit may apoy na lumalabas sa katawan ni Rayle pero ng yumakap ako sa kanya hindi naman ako napaso o ano pero kapag iba kusa nalang itong naging abo sa hindi malamang dahilan. Hindi nalang ako nagsalita at nanatiling naka-alarma hindi naman sa lahat ng oras aasa nalang ako kay Ryale. Naging handa nadin naman ako sa posibleng mangyari kung ano man ang kalalabasan nito bahala na.
“Hindi ko alam na dito ka pala Rayle,” bigla akung napatingin sa babaeng nagsalita at doon bumungad sa akin ang babaeng nakaharap noon ni Rayle na kapatid daw ni Esmerald habang nakasakay ito sa kanyang walis, hindi mo masasabi na pangit siya kasi tangina sobrang ganda niya at hindi mo mapag-kakamalan na bruha kung hindi siya nakasakay sa kanyang walis. Ang kinis at ang puti pa niya at bigla itong bumababa sa malaking bato malapit sa tubig at doon bigla nitong kinindatan si Rayle. “Kung ako kaya ang nagka-gusto sayo tatanggapin mo kaya? Mas maganda namana ko sa kapatid ko at di hamak na mas malakas ako sa kanya at higit sa lahat mas maganda naman ako kay Kleyton na walang alam kundi ang umasa lang sayo at hindi marunong lumaban napakahina naman niya kasi,” ako naman ang kanyang tinignan nito matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon at naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ko lang maintindihan ang kapatid ko kasi mahal ka niya tapos sinumpa ka naman niya na maghihintay ng ibang babae at mamahalin mo ng lubos pero mahal ka naman niya? Mukhang may hindi ako alam sa sumpa na pinatong niya sayo Rayle,” doon biglang kumabog ng malakas ang aking puso ng marinig ang sinabi ng bruha na ito na kahit ako din naman ay napa-isip sa kanyang sinabi. Bakit nga naman niya sinumpa sa ibang babae si Rayle kung mahal niya naman si Rayle? Bakit hindi ko naisip kaagad ang bagay na ito?
Nanatiling tahimik si Rayle at walang imik habang masama ang kanyang tingin doon sa babae na halos balatan na niya ng buhay, kahit ako nga naman parang gusto ko din naman siyang balatan ng buhay. Sobrang sama ng tingin ko sa kanya na halos mapatay kuna siya sa paraan na pagkakatingin ko kaya mas lalo lang siyang napatawa sa akin. Hindi naman ako magpapatalo sa kanya kahit ganito lang ako lalaban ako sa kanila, mahal na mahal ko si Rayle at kapag siya na ang usapan kahit p*****n lalaban ako. I really love my man at kahit na ano man ang mangyari hinding-hindi ko siya ibibigay kahit kanino.
“Kahit anong sakit pa ng tingin mo sa akin hinding-hindi magbabago na mahina ka at wala ka namang kwenta, kung wala ang mga Knight at si Rayle malamang patay kana ngayon hindi ko lang maintindihan kung bakit sinumpa pa niya si Rayle sa ibang babae . Isipin mo nga naman diba?” biglang ngumisi ito ng nakakaluko habang ako naman binalot ng takot ang aking buong puso pero hindi ko ito pinahalata sa kanya at nanatili akung matatag at masama ang tingin sa kanya. Kapag nalaman niyang natatakot ako sa kanya mas aasarin at kung ano-ano pa ang sasabihin niya sa akin. “Sa lakas na meron si Rayle bakit siya magtatagal sa kagaya muna walang ibang kayang gawin kundi ang sumigaw nalang kapag nasa panganib ka at higit sa lahat hindi ka nababagay dito nababagay ka sa mundo ng mga tao na kagaya mong walang kwenta!” bigla akung napakuyom dahil sa salitang binitiwan nito kasi sobra akung na insulto sa kanyang sinabi pero wala naman akung magawa kundi ang tignan siya ng masama. Tanggap ko naman na wala akung laban sa kanila, ano ba ang laban ko sa bruha na kagaya niya? Nakasakay pa siya sa lumilipad na walis habang ako naglalakad lang ako.
“Oo, wala nga akung lakas kagaya niyo pero walang-wala naman kayong binatbat kay Rayle,” matapang kung sagot sa kanya kaya kahit si Rayle ay napatingin sa akin. “Kahit simpleng tao lang ako at walang binatbat pero ako naman ang mahal ng lalaking mahal niyo doon palang walang-wala na kayo,” kitang-kita ko ang pagbangon ng galit sa kanyang mukha habang binabangit ko ang mga salitang iyon, sino ba naman ang hindi magagalit kung iyon ang sasabihin sayo kahit ako din naman maiinis ako. “Nasa inyo nga ang lakas at tapang na sinasabi niyo pero nasa akin naman ang puso ni Rayle at handa niya akung ilaban hanggang p*****n matalo niyo man kami hinding-hindi niyo parin mababago ang katotohanan na ang isang kagaya ko lang ang naging katapat niyo sa pagmamahal ni Rayle,” kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang walis habang nakatingin sa akin. “Alam naman natin na hindi lang ang kapatid mo ang may pagtingin kay Rayle pati ikaw pero kagaya ng kapatid mo hindi ka din kayang mahalin ni Rayle ni tignan nga hindi niya kaya, ngayon mo sabihin sa akin na ako ang talunan sa ating dalawa? Kung mahina ako bakit hanggang ngayon buhay parin ako at kayo ang nanatiling talunan?” hindi man ako malakas kagaya nila kaya ko namang lumaban ng salita lang, tinignan ko siya ng masama at mabilis siyang napatingin sa espada na hawak ko at mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata. Alam ko namang sinagad kuna ang kanyang galit kaya hindi na ako magugulat na bigla nalang may lumipad sa akin dito na espada mamaya dahil sa paraan ng kanyang pagkaka-titig.
“Patayin niyo ang hayop nayan!” malakas niyang sigaw kaya mas lalo naman akung natakot ng sunod-sunod na tumalon papunta sa akin ang mga halimaw na goblin at sa isang iglap isa-isa nalang nahati ang kanilang katawan sa dalawa ng may parang may mainit na hangin ang nabuo at sa isang iglap nahulog sa lupa ang kanilang gutay-gutay na katawan. Bigla nalang lumitaw si Rayle sa aking harapan habang tumutulo ang dugo sa kanyang espada at dahan-dahan na napatingin ito sa akin sabay hapit sa aking beywang at humarap sa bruha na ngayon ay mas lalong nadagdagan ang galit sa kanyang mukha.
“You need to get her power baby,” mahinang bulong sa akin ni Rayle kaya mas lalong nanlaki ang aking mga sa kanyang sinabi kasi bakit ko naman kailangan na makuha ang kanyang kapangyarihan. “Kailangan na patayin mo siya para makuha mo ang kapangyarihan niya para makakaya mo ng lumaban kahit wala ako, don’t worry I will help you to kill her,” medyo kinabahan ako sa kanyang sinabi pero ng tignan ko ang kanyang mga mata nakita kung seryoso siya sa kanyang sinabi. “Makakaya ng espada mong kunin ang lakas niya sa oras na naiturok muna iyan sa kanya,” hindi ko alam kung kaya ko pero dahil sinabi sa akin ni Rayle at malaki naman ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako pababayaan gagawin ko ang lahat-lahat ng makakaya ko. “Just trust me baby,” marahang hinalikan ni Rayle ang aking pisngi matapos niyang ibulong ang mga salitang iyon kaya dahan-dahan naman akung napatingin ulit sa bruha na sobrang sama ng tingin sa akin.
“Hayop ka talaga Rayle! Hayop ka!” malakas niyang sigaw at kaagad na itinutok kay Rayle ang kanyang hawak na espada. “Mahal na mahal kita Rayle pero ano! Mas magaling naman ako kaysa kay Esmeralda kaya ako nalang Rayle iwan muna si Kleyton at sumama sa akin at ako ang puputol sa sumpa ng akpatid ko sayo!” hindi ko alam kung nababaliw lang talaga ba siya o ano dahil sa mga salitang kanyang binibitiwan. “Handa naman akung kalabanin ang sarili kung kapatid para sayo kung ako lang ang pipiliin mo!” ganon nga siguro ang pagmamahal nakaka-gago at higit sa lahat nakakabaliw ng sobra. Mahigpit kung hinawakan ang kamay ni Rayle at tumingin sa bruha na ngayon ay nakatingin sa kamay kuna nakahawak kay Rayle. Mamatay ka sa selos na hayop ka! Kahit kailan hinding-hindi ko ibibigay sa kanya si Rayle mahal na mahal ko si Rayle at kahit ano pa ang gawin nila hinding-hindi mawawala ang pagmamahal na iyon. Mahina man ako pero lalaban ako para sa mga taong mahal ko, hindi ang kagaya niya ang sisira sa pagmamahalan naming dalawa.
“Tapusin na natin to,” malamig na saad ni Rayle at dahan-dahan na binitiwan ang aking kamay. “Kahit ano pa ang gawin o sabihin mo p*****n parin ang uwi nating dalawa kasi hinding-hindi mangyayari na mamahalin kita,” nakita ko kaagad ang sakit sa kanyang mga mata sakit na alam kung kahit sinong babae siguro mahihirapan bumangon at tanggapin ang salitang iyon. “Mahal mo man ako o hindi papatayin parin kita at wala akung pakialam sa pagmamahal mo dahil papatayin parin kita,” sinipa ni Rayle ang nasa harapan nitong lamang loob ng goblin at iniwasiwas ang kanyang espada hanggang sa may lumabas na kulay asul na apoy doon at mabilis niya itong binato sa bruha habang ako naman biglang nagulat sa aking nakita kasi noon sa palabas ko lang nakikita ang ganitong eksena pero ngayon nasa harapan kuna at talagang totoo pero mabilis lang itong tinabig ng bruha ng tuluyan na itong makalapit sa kanya ang binato Rayle at ang masakit nitong titig ay napalitan ng galit at suklam kay Rayle.
“Kung hindi ka din naman pala maging akin pwes papatayin nalang kita kasama ng babaeng mahal mo! Binigyan na kita ng pagkakataon para matulungan kita pero mas pinili mo paring huwag pansinin ang pagmamahal ko sayo! Buhay mo nalang ang kukunin ko total ayaw mo naman sa akin diba kaya mas mabuti na mamatay ka nalang!” sa isang iglap bigla nalang nitong sinugod si Rayle at hindi ko nga nasundan ang kanyang mga galaw at bigla nalang ako nagulat na parang napasok ako sa isang glass na naman at ng tuluyan na akung makapasok doon palang sumabog ng malakas ang glass kung saan ako at ng mawala ang usok nakita ko ang bruha na inatake niya ako at kung wala ang glass malamang watak-watak na ang aking katawan. “Uunahin kita na hayop ka!” akmang aatakihin na naman ako nito ng bigla nalang siya tumilapon at nagbigay ito ng malakas na lindol ng tumama siya sa malaking bato at nagkaroon ito ng malaking bitak at nakita ko si Rayle na galit na galit ang kanyang mukha.
“Huwag kang lumabas sa glass na ito hanggat hindi ko sinasabi,” dahan-dahan niya akung tinignan at matamis na ngumiti. “Lumabas ka lang kapag sinabi ko at nagkaroon ng pagkakataon na mapatay mo siya,” kaagad akung tumango kay Rayle kaya mabilis naman siyang tumalon at sinugod ang bruha at hindi kuna nasundan ang bawat galaw nila dahil sa sobrang bilis at liksi. Pero mabilis akung napatayo ng biglang dinumog ng mga goblin ang glass kung nasaan ako at pinag-hahampas ito ng kung ano man ang kanilang makita o mahawakan nila. Bigla hindi manlang ito naging dahilan para mabiyak ang glass dahil wala nga itong basag kahit lahat-lahat pa sila humapas ng glass na ito. Kinuha ko ang espada na hawak ko at itinusok mula sa loob pero laking gulat ko ng lumabas ang dulo ng espada sa glass at kaagad na nasaksak ang goblin na natamaan nito kaya mabilis kung hinugot muli ang aking espada at muli na naman itong inulit at kagaya kanina tumagos naman ito kaya mas lalo akung napangisi, sa bawat goblin na pwede kung matamaan ng aking espada pinapatay ko.
Pero kaagad naman akung napatigil ng bigla nalang umayos ang tubig sa talon at ng makita ko ito kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng makita kung nakaluhod sa bato si Rayle at bigla itong sumuka ng dugo kaya mas lalo naman akung kinabahan at akmang lalabas ako ng glass ng marinig ang kanyang sinabi.
‘Stay there Kleyton!” malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa buong paligid kaya mabilis naman akung napatigil at hindi lumabas sa glass ng bigla siyang napabangon na parang wala lang sa kanya at dinura ang dugo nasa kanyang labi at umapoy na ng tuluyan ang kanyang buong katawan habang nasa itaas naman ng talon ang bruha at sa isang iglap bigla itong sinugod ni Rayle at kagaya kanina hindi kuna naman masundan ang bawat galaw nila pero rinig na rinig ko ang tunog ng kanilang mga espada.
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko at malakas na daing ng boses ng isang babae at doon ko nakita na nakatayo na ang bruha sa dulo habang hawak-hawak niya ang kanyang binti na ngayon ay umaagos ang kulay green na dugo at sunod-sunod siyang napamura habang si Rayle naman ay kakatayo niya palang sa lupa habang patuloy sa pag-apoy ang kanyang espada. Kitang-kita ko doon ang dugo ng bruha sa kanyang espada pero mabilis lang na tumalon si Rayle palapit sa akin at pinatay ang mga goblin na nasa labas ng glass at kaagad na nagkalat ang kanilang mga dugo sa glass na ikina-lunok ko naman ng maka-ilang beses. Hindi ko lang lubos akalain na ganito pala ka galing makipag-laban si Rayle na halos hindi kuna masundan ang kanyang galaw. Hindi naman ako natatakot sa kanya sadyang hindi lang ako makapaniwala sa aking mga nakikita sa tanang buhay ko hindi ko lubos akalain na makakakita at makakaranas ako nito na dati napanuod ko lang ito sa mga palabas pero ngayon harap-harapan ng nangyayari sa akin.
“Mukhang hindi muna ako kakayanin, sumuko ka nalang,” mabilis na saad ni Rayle at sa isang iglap nasa harapan na naman siya ng bruha at doon nagsimula na naman sila lumaban habang nawawasak na ang buong paligid at tuloy parin ang kidlat at kulog sa buong paligid at kung minsan nga nasisira at natatamaan na ang mga kahoy at nasusunog nadin ang buong paligid dahil sa apoy na nagagawa ni Rayle na kahit ang kaninang malamig na tubig sa talon ngayon ay umaapoy na. Tuloy parin sila sa paglalaban hanggang sa mabilis siyang nahuli ni Rayle sa leeg at kitang-kita ko kung paano siya itaas ni Rayle habang sinasakal ito at nakahawak ang bruha sa kanyang kamay. “Sinabi ko naman sayo na hinding-hindi ako magpapakita ng awa sa oras na nahuli kita!” umalingawngaw ang malakas na boses ni Rayle habang sinasbai niya ang mga salitang iyon at ako naman ay napahawak sa aking labi dahil kakaibang galit ang nakikita ko sa mga mata ni Rayle galit na kahit sino pwedeng-pwede niyang patayin.
“Hindi lang naman ikaw ang may kakayahan na pumatay Rayle!” nanlaki ang aking mga mata ng biglang nagkaruon ng buntot ang bruha at sa isang iglap bigla nalang nito itinusok ang dulo ng kanyang buntot sa likod ni Rayle at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rayle ng malaman niya ang ginawa ng bruha.