Habang pababa ako ng bundok hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ko kanina kay Ivan na nagpasakit sa kanyang damdamin. Bigla akung napatigil sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa bundok na pinanggalingan ko kanina kaya mas lalong binalot ng kaba ang aking puso ng maalala kung nandoon pa pala si Ivan at hindi pa siya nakababa. Walang alinlangan akung tumakbo pabalik sa bundok sabay tapon ng aking mga dala kanina at tanging iyong espada ko nalang ang aking dinala habang tumatakbo hindi alintana ang mga sugat ko sa aking buong katawan. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya, ako ang may kasalana ng lahat ng ito kapag may nangyaring masama kay Ivan.
Habang tumatako ako pabalik sa bundok nararamdaman ko ang sakit ng aking buong katawan pero hindi ko nalang ito pinansin kasi mas mahalaga ngayon ang kalagayan ni Ivan kaysa sa akin, walang alam si Ivan sa mga nangyayari ngayon at kagaya ng sinabi ni Ace makakapasok na dito sa mundo ng mga tao ang halimaw doon sa lugar nina Rayle. Hanggang sa tuluyan na nga akung makarating sa pinanggalingan ko kanina at doon ko nakita si Ivan na may tatlong goblin ang nakapalibot sa kanya at mukhang sabik na sabik silang kumain ng tao.
Mabilis akung tumakbo palapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay sabay paharap sa akin, mukhang nagulat pa siya ng makita ako ulit pero basang-basa ko naman ang saya sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin at hindi mawala ang takot sa kanyang mukha.
“Sinabi ko naman kasi sayo na umalis kana pero bakit hindi ka nakinig paano nalang kung nakaalis na ako,” malakas kung sigaw sa kanya pero mabilis niya lang akung hinawakan sa beywang at kaagad na niyakap ng mahigpit. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa pero hinayaan ko nalang siya at tinapik ang kanyang balikat, kagaya ng sinabi ko mahalaga din naman sa akin si Ivan at hindi ko kayang iwan nalang siya ng basta-basta naging parte na siya ng buhay ko at isa siya sa naging dahilan kung bakit hanggang ngayon dito parin ako sa mundo.
“Thank you for coming back Kleyton,” tanging sambit niya habang nakayakap ako sa kanya kaya ako naman napatampal nalang sa aking noo at dahan-dahan na napapikit kasi hindi kuna alam ang gagawin ko, hindi ko naman alam kung kaya kung labanan ang mga halimaw na ito kasi wala naman akung alam sa pakikipag-laban na tinatawag. Hindi ako kaisng galing nina Rayle nasa isang iglap nalang mappatay na nila ang mga halimaw na ito, ako nga halos mamatay na ako para lang mapanatiling buhay ang sarili ko hanggang sa dumating sina Rayle, pero ngayon walang Rayle na darating para tuluyan ako kahit anong sigaw ko dito hindi siya darating. Wala akung aasahan ngayon kundi ang sarili kuna lamang lalo pa at tatlo ang halimaw na ito at sabik na sabik pang kumain ng tao. Pagkatapos nito hindi kuna alam kung paano ko pa ito itatago kay Ivan, masyado na siyang nadamay at nasangkot sa gulo ko.
“Bumalik ako dito para tulungan ka Ivan, hindi ko naman kayang iwan ka dito na walang kaalam-alam at nasangkot ka nalang basta-basta sa gulo ko,” mahina kung sagot sa kanya at kaagad na kumalas sa kanyang pagkakayakap. “Hindi moa lam kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon at sana maintindihan mo ako kapag sinabi ko sayo na hayaan mo muna ako at intindihin kung ano man ang tinatago ko sayo kasi may tamang araw naman siguro para malaman mo ang buong katotohanan huwag lang ngayon,” mahina kung saad muli sa kanya at bigla nalang humaba ang espada na hawak-hawak ko kanina kaya doon naman siya napatingin at nanlaki nag kanyang mga mata sabay tingin ulit sa akin.
“Hindi ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko pero ang alam ko handa na silang kainin tayo kapag hindi tayo gumalaw,” mabilis ulit akung napatingin ulit sa paligid naming at doon kuna naman nakita ang mukha ng mga demonyo, sigurado ako na kilala ako ng hayop na ito. Itinutok ko ang espada ko sa kanila habang sobrang sakit ng tingin ko sa kanila pero kaagad ko lang nakita ang mga ngisi nila na parang nanalo na sila.
“Sino ang mag-aakala na makakaharap natin ngayon ang pinakamamahal na reyna ni Rayle!” malakas na sigaw ng isa habang tumutulo ang kanyang laway sa amin ni Ivan. “Napaka-bobo naman niya para hayaan kapa niyang bumalik dito mukhang wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo at ang lakas ng loob muna bumalik sa mundo mo ng walang kasama,” biglang binalot ng kaba ang aking puso matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig-sabihin pero alam kung may nais siyang ipabatid sa akin na hindi ko alam. Hinayaan lang naman nila ako kanina na umalis at sila na daw ang magsasabi kay Rayle sana kung may hindi pwede sana sinabi na nila sa akin pero wala naman. “Mukhang pinabayaan kana nila at hindi sinabi sayo ang totoo,” doon binalot ng sobrang kaba ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. Napakuyom ang aking kamao habang nakatingin sa kanila dahil wala naman akung alam sa kanilang sinasabi at umalis ako ng palasyo na hindi naman kami nagka-usap ni Rayle.
“Kung inaasahan niyo na maniniwala ako sa inyo dahil wala si Rayle ngayon dito nagkakamali kayo kasi kahit ano pa ang sabihin niyo hinding-hindi ako maniniwala sa mga kagaya niyo na demonyo! Hindi ako magda-dalawang isip na patayin kayong lahat kapag sinubukan niyong lumapit sa amin! Bumalik na kayo sa mundo niyo mga hayop kayo hindi naman kayo nababagay dito!” sigaw ko sa kanila pero parang wala naman silang narinig at tuloy parin sila sa pagtawa sa akin habang nanlilisik ang kanilang mga mata. “Wala man si Rayle dito pero kayang-kaya kung ipagtanggol ang sarili ko at kayang-kaya kitang patayin kagaya ng ginawa ko sa anak ng reyna niyo! Baka nakalimutan mo ang ginawa ko sa anak ng mga walang kwenta mong reyna!” kitang-kita ko ang nag-uumpisang galit sa kanyang mukha ng sabihin ko ang mga salitang iyon. “Ngayon pa kaya na dito na kayo sa mundo kung saan ako lubusang lumaki? Kung inaakala niyo matatakot niyo ako dahil diyan sa mga sinasabi niyo hinding-hindi na, hindi na ako ang dating Kleyton na basta-basta nalang tatakbo sa inyo mga hayop!” mas lalo lang silang napatawa sa aking sinabi na parang iniinsulto pa ako mga tangina talaga ang mga hayop na ito! Hayop!
“Hindi ka naman naming tinatakot Queen Kleyton sadyang nagsasabi lang kami ng totoo na kapag umapak ka ulit dito sa mundo ng mga tao mas lalong bubukas ang lagusan sa pagitan ng dalawang mundo at mas lalong dadami ang mga nilalang na makakapasok dito,” parang akung sinampal sa kanilang sinabi at hindi kaagad ako nakasagot sa kanilang sinabi, para akung tanga na nakatulala na lamang at inalala ang kabubuhan na ginawa ko. Bakit hindi sa akin ito sinabi nina Ryale kung alam nila na ganito ang mangyayari kung babalik ako dito, kaya ba nilagyan nila ng glass ang katawan ko dito para doon nalang muna ako sa palasyo habang hindi pa naaayos ang lahat, handa naman akung intindihin ang lahat-lahat kung sinabi nila sa akin ngayon ano na ang gagawin ko nito? Kung tama nga ang kanilang sinabi sigurado ako na marami na ang nakapasok dito simula ng bumalik ako dito.
“Mukhang nauto siya ng ilang tauhan ni Esmeralda at walang alam si Rayle at ang mga Knight na umalis siya ng palasyo,” doon parang bombang sumabog sa buong utak ko ang lahat-lahat na nangyari kanina habang paalis ako ng palasyo, parang wala lang nga sa dalawang iyon ang pag-alis ko at ako naman si tanga na hindi hinintay sina Rayle. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa espada ko habang nakatingin sa kanila na walang ibang ginawa kundi ang tawanan nalang ako ng tawanan. “Sino ang mag-aakala na magiging bobo pala ang reyna ni Rayle at hindi niya alam na habang nandito siya mas lalong lumalaki ang butas ng lagusan sa kabilang mundo at walang makakapigil nito, at isa pa hindi na naman siya makakabalik sa palasyo dahil dito palang papatayin na natin siya at tuluyan ng masasakop ni Esmeralda ang mundo kabilang na doon si Rayle na wala ng kalaban-laban dahil wala na ang kanyang reyna,” dahan-dahan akung napatingin kay Ivan na ngayon ay ankalimutan kung nandito pala sa aking harapan at sobrang rami na niyang narinig at nalaman. Alam kung mas lalong dumami nag katanungan sa kanyang isipan kaya alam kung mas lalong hindi niya ako titigilan hanggat wala akung sinasabi sa kanya.
Nanatiling nakatingin sa akin si Ivan na hindi alam ang gagawin o sasabihin habang nakikinig siya sa usapan namin ng mga lintik na ito. Mariin akung napapikit at hinawakan ang kanyang kamay at hinayaan nalang si Ivan wala na akung magagawa kung kusa na niya itong narinig talagang hindi mo mapipigilan ang katotohanan talagang lalabas ito.
“Tapos ngayon ibang lalaki ang kasama mo hindi mo ba alam kung sakit ang maidudulot nito kay Rayle? Mukhang wala kang kaalam-alam sa nararamdaman ng Hari mo Queen Kleyton,” parang isang sampal na naman sa akin ang kanyang sinabi dahil sa hindi malamang dahilan kinabahan ako sa pwedeng damdamin ni Rayle at ang kanyang isipin. Umalis ako ng palasyo na hindi manlang nagpa-alam sa kanya at wala manlang siyang kaalam-alam na umalis ako doon. “Hindi mo ba alam na kapag kumakasama ka ng ibang lalaki nanghihina si King Rayle at nawawala ang kanyang lakas baka nakalimutan muna ikaw ang rason kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon kaya ganon nalang ang kagustuhan naming na patayin ka kasi kapag wala kana magiging abo nalang si Rayle at wala ng hahadlang sa kung ano man ang gusto naming gawin,” dahan-dahan kung tinignan si Ivan na hanggang ngayon hindi parin alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Mabilis akung napahilamos sa aking mukha at napatingin ulit sa mga goblin na hanggang ngayon ay nakangisi sa amin.
“Shut the f**k up!” malakas kung sigaw sa kanya ng muli na naman sana itong magsasalita kaya kaagad kung nakitaan ng takot ang kanyang mga mata ng marinig niya ang aking malakas na sigaw. “Hiningi ko ba ang opinion mo! Tumahimik ka pareho lang kayo ng mga kauri muna walang kwenta!” hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para harap-harapan na sigawan ang halimaw na ito. Hindi ko alam pero para nalang akung sinapian ng demonyo at nandilim ang aking paningin habang nakatingin sa kanila na ngayon ay unti-unting nawala ang kanilang mga ngisi.
“Kleyton ano ang pinagsasabi nila? Kahit isang salita sa mga sinasabi niyo wala akung maintindihan at hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko dahil wala naman akung alam sa sinasabi nila at ano ba sila? Kaya gusto kung malaman ang totoo Kleyton kasi nakakabaliw ang mga sinasabi niyo,” hindi ko din alam kung ano ang sasabihin k okay Ivan kasi hanggang ngayon hindi niya parin ako tinitigilan. Hindi ko nalang siya pinansin at dahan-dahan na lumapit sa mga goblin habang nagbabaga ang aking mga mata at itinaas ang aking espada na hanggang ngayon umiilaw parin. Nakitaan ko naman ng takot ang kanilang mga mukha ng nakita nilang hindi ako nagbibiro na magagawa ko silang patayin.
Mga mahihina naman sila pero sadyang matatakot ka lang talaga sa kanilang mga mukha at magaling sila manakot kung maniniwala ka. Noon nga ako halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanila pero kung makilala at makita mo pa ang kayang gawin ng ibang nilalang iwan ko nalang kung hindi ka nalang mapapalaban ng wala sa oras. Ng tuluyan ko ng maitaas ang aking espada na hawak kaagad naman silang nagsitakbuhan habang gumagawa ng ingay na kaagad ko namang ikina-gulat dahil hindi ko naman inaasahan na tatakbo nalang sila basta-basta, buong akala ko pa naman lalaban sila sa akin pero tatakbo lang pala sila.
Ng tuluyan na silang makalayo doon na ako napaupo sa damuhan at hinawakan ang aking puso ng bigla nalang humangin ng malakas at nakaramdam ako kaagad ng lamig sa buong paligid. Biglang lumapit sa akin si Ivan at hinawakan ako sa kamay pero parang pinaso ako ng kanyang kamay kaya mabilis akung napalayo sa kanya at hinawakan ang kamay kung hinawakan niya, maski naman siya nagulat sa inasal ko pero kaagad niyang tinignan ang kanyang kamay na hinawak sa akin at hindi nalang siya nagsalita.
“Kleyton,” mahinang tawag niya sa aking pangalan pero sunod-sunod akung umiling sa kanya at pinulot ang espada ko at kaagad na tumayo. Alam kuna ang kasunod nito pero kagaya kanina hindi ko siya pinansin at kung ano ang desisyon ko kanina iyon parin ngayon, wala akung sasabihin sa kanya na kahit ano, hinding-hindi ako magbibitiw ng salita sa kanya.
“Kagaya ng sinabi ko kanina Ivan wala akung sasabihin sayo sa ngayon, hintayin muna ako mismo ang magsabi sayo,” malamig kung sagot sa kanya at nauna ng maglakad. “Umalis na tayo dito baka bumalik pa sila at mas marami na sila,” hindi kuna hinintay ang kanyang sagot at mabilis na akung umalis sa lugar na iyon habang siya naman ay nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko pero kailangan ko lang sigurong manatiling tahimik at walang sinasabi sa kanya, mas safe siya kapag wala siyang alam.
Hanggang sa makarating kami sa kanyang kotse walang nag-imik sa aming dalawa at nanatiling nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang mga sinabi sa akin kanina ng mga goblin, hindi ko alam kung totoo ang mga iyon pero kung totoo man ang kanilang sinabi hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko kay Rayle kung tama lang sila, alam kung si Rayle ang malakas na hangin na iyon kanina, alam na alam ko dahil iyon ang nararamdaman ko kapag nandiyan si Rayle sa tabi ko pero kakaibang emosyon kanina ang naramdaman ko habang dinadama ko ang mga hangin na iyon.
Ng tuluyan na kaming makarating sa apartment ko tinulungan ako ni Ivan na maibalik ang gamit ko sa aking apartment at hindi kuna siya hinayaan na makapasok pa doon at sa pinto palang siya kinuha kuna ang aking mga gamit. Hindi niya pwedeng makita ang glass na nasa silid ko dahil mas lalong magdududa si Ivan kapag nakita niya ito. Mukhang nagulat kuna naman siya pero kailangan ko siyang pigilan.
“Umuwi kana Ivan hayaan muna ako, kung ano man ang nakita mo kanina hayaan mo muna iyon sasabihin ko naman sayo ang lahat-lahat pero hindi pa ako handa at sana maintindihan mo iyon, darating ang araw na ako mismo ang lalapit sayo para sabihin ang lahat-lahat ng ito pero ngayon masyado pa akung maraming iniisip at ayaw kung pati ikaw magka-problema sa akin kagaya ng sinabi ko ayaw kung masangkot ka sa kung saan man ako ngayon, umuwi kana muna at magpahinga ganon din naman ako,” mahina kung saad sa kanya at hindi kuna hinintay ang kanyang magiging sagot at kaagad ko ng isinara ang pinto at kaagad na ni-lock ito. Mabilis akung uminom ng maraming tubig at kaagad na nagbihis ng aking damit at nahiga sa loob ng glass dala-dala ang espada ko ng akmang hihiga na sana ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa aking pinto at doon napataas naman ang aking kilay. Don’t tell me hindi parin umaalis si Ivan sa labas ng aking pinto. Mabilis na naman akung bumangon sa pagkakahiga at dumiretso sa pinto at tinignan ito sa hole ng makita kung si Ivan nga ito at hindi talaga umalis sa harapan ng aking pinto.
Malalim akung napabuntong hininga at mas lalong nilagyan ng lock ang aking apartment, hindi siya pwedeng pumasok dito dahil iba ang pakiramdam ko kapag may katabi akung ibang lalaki, parang bumibigat ang aking puso at kaagad na pumapasok si Rayle sa aking isipan at kaagad na kumakabog ng malakas ang aking puso. Malalim muli akung napabuntong hininga at kumuha ng lakas ng loob.
“Ang sinabi ko Ivan pabayaan muna ako hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko? Hayaan muna kasi ako nagsasawa na ako sa ginawa mo kaya hayaan muna ako! Huwag ka ng dumagdag sa problema ko please kasi nagsasawa na ako! Intindihin mo naman ang sinabi kuna pabayaan muna ako!” malakas kung sinipa ang pinto at doon palang natahimik sa labas at hindi na ako nag-abala na tignan siya at muli na naman akung pumasok sa akung kwarto at mabilis itong sinirado, pinatay ko ang lahat-lahat ng ilaw at lahat ng kuryente sa loob ng apartment ko pati ang main switch pinatay ko din bago ako tuluyang pumasok sa glass, lumusot lang ako sa glass wala naman itong pinto sadyang ako lang ang makakapasok dito. Ng tuluyan na akung makahiga sa kama sa loob ng glass doon na ako hinila ng antok at san isang iglap sa aking pagdilat nandito na ako sa palasyo ni Rayle at halos lumuwa ang aking mga mata ng makita kung maraming bangkay sa paligid at patay na mga nilalang na mga kalaban ni Rayle habang silang apat sa dulo ay nakaupo at ng makita nila ako doon palang sila napabuntong hininga ng malalim habang hinahanap naman ng aking mga mata si Rayle.
Pero nakailang beses ng paglilibot ng aking paningin hindi ko mahanap si Rayle at doon na naman kumabog ng malakas ang aking puso at kaagad na binalot ako ng kaba. Pero kaagad naman itong nawala ng makita ko si Rayle na dulo na maraming dugo sa katawan at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong emosyon ang kanyang nasa mga mata pero ang alam ko lagot ako nito. Damn!