“Hindi ako matatahimik dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang totoo Kleyton! Hindi ako isang tanga na hindi mo sasabihin sa akin ang totoo handa naman akung makinig at intindihin ang sasabihin mo!” hindi ko alam kung maiintindihan ba ni Ivan ang sasabihin ko kasi kung iisipin ko palang ang hirap din naman kasing intindihin. “Sa tingin mo matatahimik ako ng harap-harapan kung nasaksihan ang ginawa muna pagpatay sa ano mang nilalang na iyan! Hindi ko alam kung ikaw paba ang Kleyton na kilala ko noon o hindi na kasi sa nakikita ko ngayon ibang-iba kana!” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang iyon.
Kahit sabihin pa natin na gusto kung sabihin kay Ivan ang buong katotohanan mahihirapan naman siyang paniwalaan ang lahat ng ito ako nga noon halos hindi ako makapaniwala siya pa kaya? Dahan-dahan kung tinignan si Ivan na ngayon ay nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at sunod-sunod na umiling at nakakita ako ng pagdududa sa kanyang mga mata.
“Ano kaba talaga Kleyton?” nagulat ako sa kanyang sinabi sa akin na parang nagdududa siya sa pagkatao kuna dapat naman talaga kasi kahit ako hindi ko alam na may ganito pala sa aking pagkatao. “Simula lang naman iyan noong makapasok ka sa lintik na mansion na iyon! Ano ba talaga nag mansion na iyon na halos mabaliw kana at ang mas malala bumalik kapa doon! Doon mo ba nakilala ang hayop na lalaking tinatawag muna Rayle? Ang hirap paniwalaan pero wala naman akung pwedeng isipin kundi iyon! Simula ng araw na iyon nagbago kana na halos natulala at hindi kana nabalik sa sarili mo! Ang hinihingi ko lang naman ay ang katotohanan na kailangan kung malaman Kleyton! Bakit ba ayaw mo itong sabihin sa akin!” tinignan ko siya gamit ang aking masakit na titig at malalim na napabuntong hininga kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“May mga bagay dito sa mundo na hindi mo pwedeng malaman Ivan hindi sa lahat ng pagkakataon sasabihin ko nalang sayo ang lahat-lahat na nangyari sa buhay ko kasi buhay ko ito at labas kana kung ano man ang gagawin ko o magiging desisyon ko sa buhay!” malakas kung sigaw sa kanya na kaagad naman na nagpatahimik sa kanya ng tuluyan. Hindi kuna nga alam ang gagawin ko nakisabay pa siya, hindi ako galit sa kanya sadyang ayaw ko lang talaga siyang madamay sa gulo ko ngayon. “Hindi mo alam kung ano ang hirap at sakit na pinagdaanan ko para lang malagpasan ko ang lahat ng iyon Ivan! Hindi moa lam kung anong sakit sang dinanas ko para lang sa lalaking mahal ko kaya parang-awa muna umalis ka nalang at kalimutan ang mga pangyayaring ito! Ayaw kung pati ikaw masangkot sa kung ano man ako ngayon!” hindi kuna napigilan ang aking sarili at nasabi ko ang mga salitang iyon kay Ivan na mas lalo naman niyang ikinagulat. Kahit ako din naman hindi ko inaasahan na masasabi ko iyon sa kanya ng harap-harapan. Hindi niya alam kung anong sakit at paghihirap ang dinanas ko para kay Rayle at ayaw ko ng dagdagan pa niya ang sakit na iyon. Mahalaga din naman sa akin si Ivan at kagaya ng sinabi ko ayaw kuna siyang madamay sa kung ano man ang meron ako ngayon.
“Sinabi kuna sayo Kleyton na hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang lahat-lahat!” malakas niyang sigaw sa akin na parang hindi niya narinig ang sinabi ko sa kanya kanina. “Kahit ano pa ang sasabihin mo hinding-hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo!” mabilis akung napahilamos sa aking mukha kasi bakit hindi nakakaintindi si Ivan na hindi ko sa kanya sasabihin. Buo parin ang desisyon kuna huwag sabihin sa kanya ang totoo kasi mas lalong magiging malala lang ang sitwasyon at kung ano pa ang mangyari sa kanya kung alam siya sa lahat-lahat ng ito.
“Wala kang malalaman na kahit ano Ivan kung wala akung sasabihin sayo kaya kung ako sayo hayaan muna ako dahil buhay ko ito! Huwag mo ng hintayin na masira na talaga tayong dalawa dahil diyan sa ginagawa mo! Huwag mo nbg sagarin ang pasensya ko at makalimutan kung kaibigan kita at tuluyan na kitang kalimutan, respituhin mo ang desisyon ko sa buhay dahil hindi mo ako pag-aari at wala kang karapatan sa akin! Kaibigan lang kita at kung gusto muna hindi mawala ang kahuli-hulihang koneksyon nating dalawa might as well na sundin mo nalang ang sinabi ko dahil handa akung kalimutan ka para sa buhay at pangarap na gusto ko,” hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon na alam kung mas lalong nagbigay kay Ivan ng sakit ang mga salitang iyon pero wala na naman akung choice kundi sabihin sa kanya iyon para tuluyan na niya akung pabayaan. Alam kung masakit kahit nga ako nasaktan din naman sa mga sinabi ko sa kanya pero dahil wala akung magawa kundi ang gawin iyon.
“Kleyton,” mahinang sabi ni Ivan sa akin habang sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha dahil sa aking sinabi. Buong tapang akung tumalikod sa kanya at dahan-dahan na kinuha ang aking mga gamit at bag at ako nalang mismo ang umali sa lugar na iyon at iniwan ko siyang nakatayo at nakatulala doon na mukhang nasobrahan sa gulat sa aking sinabi. Im so sorry Ivan hindi ko man gustong saktan ka pero kailangan ko lang talagang gawin iyon. Habang naglalakad ako palayo sa kanya naririnig ko pa ang kanyang mga hikbi na mas lalong nagpasakit sa aking damdamin hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko pero ipinag-patuloy ko nalang ang aking paglalakad at pinigilan ang aking sarili na huwag mapalingon sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ko siya ulit nito haharapin matapos ng lahat-lahat kung sinabi sa kanya na masasakit na salita hindi ko alam kung makakaya ko ulit siyang harapin at tawagin na kaibigan matapos ng aking ginawa at sinabi. Alam kung tuluyan ng nag-iba ang paningin sa akin ni Ivan matapos ng lahat-lahat na aking sinabi sa kanya.