Habang yakap-yakap ako ni Rayle at tinatakpan ang tenga ko dahil sa mga hinaing at hiyaw ng mga goblin na pinapatay ng mga knight na walang awa kahit anong pakaawa nila walang awa parin silang pinapatay ng mga knight at tanging mga tunog ng espada nila ang naririnig ko habang yakap-yakap ako ni Rayle. Sunod-sunod lang na tumulo ang aking mga luha habang nakabaon ang aking ulo sa dibdib ni Rayle at hinahaplos nito ang likod ko habang siya naman makailang-beses na itong napapamura at napapahigpit ang yakap sa akin.
“Im sorry baby kung nahuli na ako ng dating,” mahinang bulong sa akin ni Rayle habang naririnig ko ang kanyang hikbi sa aking balikat kaya mas lalo nalang akung naiyak sa kanyang sinabi, paano nalang kung hindi siya dumating edi sana wala na ako ngayon malamang napatay na nila ako ng tuluyan. “Nasaktan kana naman dahil sa akin at wala manlang akung nagawa para tulungan ka, tinignan lang kitang nasasaktan habang dinudurog ang puso ko habang nakikita kang nasasaktan. Kahit anong gawin ko hindi naman kita mapuntahan dahil hindi ko mapapasok ang lugar na iyon labas nasa kapangyarihan ko ang mapasok ang lugar na iyon kaya wala akung ibang nagawa kundi ang tignan ko nalang na nahihirapan at parang mamatay ako sa kakaisip kung paano kita matutulungan,” hindi ko maintindihan ang sinabi ni Rayle at akma na ang magtatanong sa kanya ng bigla nalang nagsalita ang mga knight sa likod ko kaya mabilis akung napabalikwas at napatingin sa kanila na balot na balot ang buong katawan kabilang na ang kanilang mukha, paano ba naman nakasuot sila ng pang-gyera na armor.
“Ikaw na ang bahala sa reyna nila Rayle mukhang sinaktan siya ng sobra-sobra ni Kleyton,” nanlaki ang aking mata ng magsalita ito at dahan-dahan na kinuha ang nakatakip sa kanyang ulo at halos nanlaki ang aking mga mata ng makita na tao din naman ito pero mahaba lang ang kanyang buhok at matamis itong ngumiti sa akin sabay kindat. “Nice meeting you Queen Kleyton,” isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin at kinindatan na naman ako. “Totoo nga ang sinasabi nila na sobrang ganda mo at hindi na ako magtataka kung patay na patay sayo si Rayle,” hindi ko napigilan ang aking sarili at napangiti ako sa kanyang sinabi sa tagal ko sa kakaikot sa palasyo ni Rayle hindi ko naman nakita ang mga knight na ito doon at ang alam ko nag-iisa lang si Rayle sa palasyo na iyon.
“Hindi lang basta sinaktan ni Kleyton pinasakitan niya pa,” doon naman ako napatingin sa lalaki na kakatanggal lang niya ng kanyang takip sa mukha sabay ngiti sa akin kulay itim naman ang buhok ng isa habang ang isa naman ay puti at nag sunod kung tinignan ay ang lalaki na papalapit sa amin sabay tanggal ng kanyang takip sa ulo at doon bumungad sa akin ang parang kamukha ni Rayle at kulay blond naman ang kanyang buhok at ngumiti sa akin. “Halos magwala na ng tuluyan si Rayle hindi lang basta nagwala dahil kahit tayo kanina parang papatayin na niya,” saad na naman nito at tinignan ako at ngumiti na naman parang hindi sila nagsasawa sa kakangiti. “Im Aris, Queen Kleyton,” nakangiting saad na naman nito at mabilis na inakbayan ang lalaking kulay puti ang buhok habang ang kamukha naman ni Rayle ay medyo lumuhod sa aking harapan at tinignan ang buong mukha ko.
“Maraming pasa ang mukha mo mukhang matatagalan bago gumaling ang mga yan at kapag nakita ng mga tao iyan sa mundo niyo talagang tatanungin ka nila kung sino ang nanakit sayo,” nakita ko naman ang pagtango ng dalawa sa unahan ko pero naramdaman ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Rayle at hinawakan ang aking kamay kaya sa kanya naman ako napatingin. “By the way I am Prince Austin, pinsan ako ni Rayle,” kaya naman pala medyo hawig ang kanilang mukha pero bakit hindi ko sila nakikita sa palasyo?
“At ako naman si Aiden,” saad ng lalaking kulay puti ang buhok at matamis na ngumiti sa akin habang si Austin naman ay kaagad na itong tumayo at tumabi sa dalawa habang si Rayle naman ay nanatiling nakahawak sa aking kamay. “Kami ang tatlong ambassador sa palasyo o mga knight kahit saan mo nalang kami tawagin diyan,” napangiti naman ako sa kanyang sinabi dahil kaagad na napawi ang takot ko ng makita ko sila lalo na at nandito na si Rayle sa tabi ko.
“Kakabukas ko lang botelya na pinagkukulungan sa kanila kanina kaya sila nakalabas at kung bakit hindi mo sila nakikita sa palasyo,” literal na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Rayle hindi sa hindi ako naniniwala pero talaga namang magugulat ka nalang at hindi makapanniwala lalo nan g sinabi ni Rayle na nakakulong lang sila sa botelya. “Hindi ko sila binuksan ang gugulo kasi kanina ko lang sila binuksan wala kasi akung mahanapan ng tulong,” saad pa ni Rayle kaya tinignan naman siya ng masama ng tatlong lalaki at binilatan siya at itinaas ang kanilang mga kamay.
“Hindi muna kami makukulong doon Rayle,” nakangising sagot sa kanya ng kanyang pinsan kaya napatawa nalang si Rayle sa kanila at napailing. Kung si Rayle lang din pala ang makakapag-palaya sa kanina bakit ngayon niya lang ginawa? Sana noon palang ginawa na niya para naman kahit paano may kasama siya sa malaking palasyo na iyon. Nilingon ko si Rayle pero kaagad niyang hinubad ang kanyang coat at kaagad na tinabon sa katawan ko at tinignan ang mga sugat ko sa katawan at katulad kanina napapamura na naman ito.
“Mamaya na tayo mag-usap tungkol sa kanila sa ngayon may papatayin pa ako,” matapos malagay ni Rayle ang coat na iyon sa akin hinaplos nito ang aking mukha at winika ang mga salitang iyon. Tinignan ko siya kung paano siya matapang na lumakad sa babaeng halimaw na kumuha sa akin sa kanina at basi sa mga narinig ko reyna nila ito at sobrang sama ng tingin niya sa akin habang yakap-yakap parin nito ang bangkay ng kanyang anak na pinatay ko kanina habnag ang isa naman nitong anak ay nakatago sa kanyang gilid at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot habang papalapit sa kanila si Rayle.
Lumapit naman sa akin si Austin at tinalian ang kamay kuna may kalmot kanina ng isang goblin upang matigil ito sa pagdudugo tapos ngumiti naman siya sa akin hanggang sa tuluyan na niyang matalian ang aking sugat at tumingin kay Rayle na ngayon ay nakatayo nasa tabi ng reyna ng mga goblin.
“Parang mababaliw kanina si Rayle habang nakikita ka niya sa tubig na nasasaktan at lumalaban ng p*****n sa reyna nila,” bumalik ang tingin ko kay Austin ng sabihin niya ang mga salitang iyon na kaagad namang nakakuha ng atensiyon kuna nakikita ako ni Rayle? “Hindi kami makakapasok sa tunnel na iyan dahil gawa iyan ng bruha na nagsumpa kay Rayle at wala nasa kapangyarihan ni Rayle iyon at wala kaming ibang magawa kundi ang panuurin ka nalang kanina,” hindi ko alam ang sasabihin ko pero iyon pala ang dahilan kaya kung bakit maka-ilang beses kung tinawag si Rayle hindi naman ito dumadating kasi pala hindi pala siya makakapasok doon. “Sa bawat tawag mo sa kanya na wala siyang magagawa parang kami ang papatayin niya dahil kahit kami wala din naman kaming magagawa,” mabilis kung binalik ang tingin ko kay Rayle at mabuti nalang talaga lumaban ako dahil kung hindi baka bangkay na talaga ako ngayon. Iisipin ko palang na nasasaktan kanina si Rayle sumasakit nadin ang puso ko peor nangyari na iyon at wala na akung magagawa kundi ang tanggapin nalang iyon.
Dahan-dahan akung lumapit kay Rayle at hinawakan ang kamay nito pero mabilis niya naman akung tinago sa kanyang likod at ang sakit ng tingin niya sa nilalang na ito na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin lalo na ng tignan ko ang kanyang anak na ngayon ay bangkay nalang at walang kamay habang nakanganga at sumusuka ng dugo at ang isa naman ay nasa gilid nito at nagtatago.
“Pinatay muna ang asawa ko tapos pinatay naman ng Reyna mo ang mga anak ko! Ang dapat na talaga sayo mawala kana dito sa mundo ng matahimik na kami sana tinuluyan kana ni Esmeralda!” bigla kaung napatingin kay Rayle kung tama ang hinala ko Esmeralda ang pangalan ng bruha na gumawa sa kanya nito, pero paano naging mundo ang lugar na ito kung panaginip ko lang naman ang lahat ng ito? “Sa dinami-dami ng pinatay mo kulang pa ang buhay ng minamahal mo para magdusa ka!” marahas ako nitong tinignan at itinaas ang kanyang anak na wala ng buhay at bigla niya nalang ito binitiwan at sunod-sunod na umiling sa akin. “Makikita mo nga na lilipad sa eri ang ulo ko pero sinisigurado kung makikita mo din kung paano mawala na parang abo ang mahal mo sa oras na kunin na siya sayo!” niyakap nito ang kanyang buhay na anak at sa isang iglap bigla nalang tumalsik sa katawan ko ang kanilang dugo at sa isang sandali tumilapon na lamang ang katawan nilang mag-ina sa dulo habang naiwan ang ibabang parte ng kanyang katawan dito sa harapan namin ni Rayle.
Dahan-dahan akung tinignan ni Rayle at hinawakan ang aking kamay sabay balik ng kanyang espada sa tagiliran nito at nilipat ang pagkakahawak nito sa aking pisngi. Ngayon ko lang na realize na mga Hari at Knight pala noong sa sinaunang panahon ang mga kasama ko ngayon pero habang nakatingin ako sa kanila para silang mga Prinsipe na kahit ilang taon ang magdaan hindi parin nagbabago ang kanilang mga mukha at mas lalong hindi sila mahuhuli sa bagong henerasyon. Sobrang galing nilang makipag-laban at sa isang iglap lang kayang-kaya ka nilang patayin at sino ang hindi makakapaniwala na may ganito palang mahika sa mundo at wala manlang nakakaalam na may ganito na palang nangyayari.
“Umuwi na tayo,” malumanay na saad sa akin ni Rayle at tinignan ang aking mga sugat. “Kailangan nating gamutin ang mga sugat mo at mas makakabuti siguro na dito ka nalang muna dahil sobrang delikado kana sa mundo niyo,” doon nabigla ako sa sinabi ni Rayle dahil parang may iba itong pinahihiwatig sa kanyang sinabi. “Nabasag ang harang sa mundo niyo at sa mundo ng kadiliman at hindi mo nalang sila makikita sa panaginip mo dahil hanggang sa totoong buhay makikita muna sila ng harapan,” biglang binalot ng kaba ang aking buong puso sa sinabi ni Rayle pero kaagad naman siyang ngumiti sa akin at kaagad akung niyakap.
“Ano ang ibig mong sabihin na harang? Anong makikita kuna sila sa mundo? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Rayle,” naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari lalong-lalo nasa sinabi ni Rayle na hindi ko nalang sila dito makikita kundi pati narin sa kabilang mundo dahil sa nasira ang harang, anong harang ang kanyang pinagsasabi? “Sabihin mo naman ito sa akin Rayle kasi naguguluhan na talaga ako, bakit ako mananatili dito? Paano nalang matutulog nalang ba ako doon sa kabilang mundo?” sunod-sunod kung tanong sa kanya hindi naman sa hindi ko gusto dito gusto ko lang ng maayos na explanation para hindi ako magmumukhang tanga kung kinakailangan.
Marahang hinaplos ni Rayle ang aking pisngi ng kumalas na ito sa kanyang pagkakayakap at marahan akung hinalikan sa noo sabay ayos ng coat o kapa na nilagay niya sa akin kanina. Hindi ko alam pero kahit masakit na ang buong katawan ko dahil sa sugat na natamo ko kanina at idagdag mo pa ang hapdi mas lalong sumasakit ang aking ulo.
“Bumalik muna tayo sa palasyo at doon sasabihin ko sayo kailangan ko pang gamutin ang mga sugat mo,” mahinahong saad ni Rayle kaya napatango nalang ako sa kanya at dahan-dahan niya akung dinala sa kanyang kabayo at mabilis na binuhat na parang papel upang makaupo ako. Ang ibang kasamahan naman ni Rayle ay nakasakay nasa kanilang kabayo at nakatingin nalang sa amin pero laking gulat ko ng sa likod ko umupo si Rayle kaya nasa unahan na niya ako ngayon at hindi na ako nagulat ng makarinig ako ng kantyaw mula sa mga kasamahan nito. Hindi ko nalang sila pinansin at sumandal nalang ako sa dibdib ni Rayle habang dahan-dahan niyang pinapalakad ang kabayo.
Habang ginagamot ni Rayle ang aking mga sugat sa katawan at nakahiga ako sa kama habang ang kanyang mga kasamahan naman ay nakaupo sa sofa habang kumakain sila ako naman kumakin ng prutas paano ba naman gutom talaga ako. Hindi ko alam kung paano ang nangyayari ito na magagawa kung kumain dito at masaktan habang tulog naman ako sa kabilang mundo, pero laking gulat ko ng sinabi sa akin ni Rayle na patay ako sa kabilang mundo kung sino man ang makakakita sa akin doon ngayon iisipin nila na patay ako dahil hindi ako humihinga doon at walang buhay ang aking katawan at dito ako buhay.
“Kinulong sila ni Esmeralda sa bote pero makakaya ko naman silang palabasin pero hindi ko ginawa kasi kailangan din naman nila ng pahinga hanggang sa hinayaan ko nalang sila doon kanina lang nila nalaman na makakaya ko silang palabasin,” gusto kung hambalusin si Rayle sa kanyang sinabi kaya mas lalong naningkit naman ang mata sa kanya ng mga kasamahan nito dahil sa kanyang sinabi. “Kung hindi ko lang kailangan ang tulong nila kanina hindi ko pa sila palalabasin,” hindi na nga nakatiis si Austin at binato na si Rayle ng hawak nitong apple pero nasalo lang ito ng isa at binato pabalik sa kanya.
“Tangina mo talaga kahit kailan Rayle!” sigaw nila kay Rayle pero si Rayle tumawa lang ng malakas at ako na ang kanyang hinarap. Hinawakan nito ang aking kamay ng matapos niya akung gamutin at hinaplos na naman niya ang aking pisngi.
“Hindi ko alam kung paano nasira ang harang na iyon pero alam kung kagagawan na naman ito ni Esmeralda hindi ko alam kung ano ang kanyang plano pero habang nandito ako hindi ka niya masasaktan, kayang-kaya ko siyang labanan hanggat nandito ka lang sa tabi ko. Your my kryptonite Kleyton at habang nandito ka may laban tayo,” ngumiti sa akin si Rayle pero ako napapikit nalang at napailing sa kanya dahil wala naman akung naintindihan sa kanyang sinabi. “Kapag nagising ka sa mundo niyo ngayon makikita mo ang sugat muna ito katulad ng nangyari dati, kung ano ang nangyari sayo dito iyon din ang mangyayari sa katawan mo sa kabilang mundo. Nasira kanina ang harang at nagsilabasan ang mga nilalang na naninirahan dito, para kasing nasa bolang crystal ang panaginip mo pero hindi hawak ni Esmeralda tanging ikaw lang,” ngumiti nalang ako kay Rayle at kahit nahihiya ako kina Austin hinawakan ko ang kamay ni Rayle.
“Mamaya mo nalang ako kausapin gusto ko ng magpahinga pwede mo ba akung tabihan?” mukhang nagulat pa si Rayle sa sinabi ko habang ako naman ay nakangiti at hindi tumitingin kina Aris dahil alam kung nakatingin sila sa amin ngayon ni Rayle habang nakangisi sila. “Gusto ko kasing magpahinga na katabi ka,” mahinang saad ko ulit kaya napangiti nalang sa akin si Rayle at kaagad na tumabi sa aking tabi at doon narinig ko ang hiyaw nila Austin at Aiden habang si Aris naman ay napapangiwi at napaiwas nalang sa amin pero hindi naman maitago ang ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi ko nalang sila pinansin at ng tuluyan ng makahiga si Rayle sa kama mabilis akung yumakap sa kanya at inamoy ang knayang dibdib na kaagad naman niyang ikina-ngiti. Nakahiga ako sa kanyang kamay habang hinahalikan niya ang aking noo at hinahaplos ang aking likod. Masakit ang buong katawan ko at parang hindi na ako makagalaw dahil sa aking mga sugat pero mas masakit ang mukha kuna halos pasa dahil sa maka-ilang beses niya akung hinampas sa sahig at talagang dumugo pa ang bunganga at ilong ko dahil sa kanyang ginawa. Masakit, sobrang sakit pero kahit anong magagawa ko kundi ang tiisin at tanggapin nalang ang sakit na ito, alam kung hinahayaan lang ako ni Rayle pero ang tamis naman ng kanyang mga ngiti sa akin.
“Magpahinga kana hindi kita iiwan dito, huwag kang mag-alala sa katawan mo sa mundo niyo nagpadala na ako ng magbabantay sayo doon habang nandito ka,” tumango na lamang ako kay Rayle habang dahan-dahan na akung napapikit at humigpit ang yakap sa kanya. Bahala na basta magpapahinga na muno ako ngayon dito sa mga bisig ni Rayle mas safe ako dito at sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya o nakayakap ako sa kanya.
Matinding takot ang sinapit ko dahil sa nangyari sa akin kanina at halos hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay hanggang ngayon pero malaki ang pasasalamat kuna kahit paano buhay parin ako ngayon at kasama ang mahal ko. Binaon ko ang aking mukha sa leeg ni Rayle at mas lalong yumakap sa kanya.
“Sa labas lang kami Rayle ikaw na muno ang bahala sa reyna mo ha magpapahangin lang,” hindi kuna nilingon kung sino ang nagsabi non basta ako nanatiling nakapikit na ako at nakayakap kay Rayle.
“Sige susunod na ako mamaya sa inyo sasamahan ko pa si Kleyton paki ayos nadin ng ibang gawain sa ibaba para may ambag naman kayo dito,” kahit inaantok na ako napangiti parin ako sa salitang binitiwan ni Rayle kaya narinig ko naman ang mura sa kanya nina Aris bago tuluyang sumira ang pinto. “Magpahinga kana huwag kang mag-alala walang makakapasok dito sa palasyo lalong-lalo na dito sa silid ko,” marahan na naman niyang hinalikan ang aking noo at doon tuluyan na nga akung nilamon ng antok habang nakayakap sa kanya.