Chapter 45

2995 Words
Ilang araw na ako dito sa palasyo ni Rayle at bumalik lang ako sa mundo ko para magpadala ng sulat sa trabaho at mga kakilala kuna mawawala muna ako at magbabakasyon lang ako pero ang totoo matutulog lang naman ako sa bahay, hindi lang basta tulog dahil mamamatay ako ng ilang linggo pero gising naman ako dito sa mundo nina Rayle o mas tamang sabihin sa panaginip ko. May nagbabantay naman sa akin doon sa kabilang mundo kung sakali lang at anytime pwede naman akung makabalik kung sakal lang. Hindi naman kasi pwede na magpakita ako sa kanila doon na may mga pasa at sugat ako dahil talagang tatanungin nila ako kung ano ang nangyari sa akin at hindi ko naman pwedeng sagutin na sinaktan ako at nahuli ng reyna ng mga goblin dahil baka hindi sa hospital ang bagsak ko kundi sa mental. Walang maniniwala sa akin kapag iyon ang sinabi ko ako nga noon halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ako pa kaya? At isa pa iniiwasan ko din naman si Ivan dahil sa nangyari sa aming dalawa mukhang matagal pa kaming dalawa magkaka-usap dahil mukhang galit na galit talaga siya sa akin. Habang nakatingin ako kina Rayle na nagsasanay kasama sina Austin hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapangiti ng makita ang matamis na ngiti ni Rayle habang kasama ang kanyang mga kaibigan, wala naman silang sinasabi sa akin tungkol sa sumpa pero ang alam ko kailangan nila ako para tulungan sila para matapos na ang sumpa na ito at makabalik na sila sa totoong mundo at doon makakasama kuna sila. Hindi na ako makakapag-hintay sa araw na iyon ang makasama si Rayle sa totoong mundo ang gustong-gusto kung mangyari. Hindi ko lubos akalain na panaginip lang ang lahat-lahat ng ito at dito ko makikita ang lalaking mamahalin ko habang buhay ang lalaking magpaparamdam sa akin ng totoong pagmamahal na hinahanap ko. Kapag kasama ko siya kakaibang saya ang kanyang nabibigay at kapag kasama ko siya nakakalimutan ko ang lahat kung problema siya ang nagbigay sa akin ng lakas at panibagong rason kung bakit kailangan kung lumaban at mabuhay dito sa mundo kahit wala na akung pamilya. Si Lola naman kasi alam niya pala na ganito ang mangyayari sa akin at nakatakda na ang lahat-lahat ng ito kung alam ko lang sana naging masaya ako noon pero nangyari na nangyari kaya wala tayong magagawa kundi ang tanggapin nalang ito at maging masaya kung ano man ang meron ngayon. Ang mahalaga nalang sa akin ngayon ay nakilala ko si Rayle at hindi lang basta siya naging parte ng buhay ko dahil isa siya sa nagbibigay ng buhay sa akin. Siguro nga nangyari ang lahat ng ito dahil ito ang nararapat. Akamang tatawagin ko si Rayle ng bigla nalang dahan-dahan na dumilim ang buong paligid at isang maitim na ulap ang pumalibot sa buong palasyo medyo kinabahan naman ako dhail sobrang nakakatakot naman kasi ng ulap na ito lalo pa at biglang kumulog ng malakas at kasunod nito ay isang malakas na buhos ng ulan at sabay-sabay na kidlat. Biglang binalot ng kaba ang aking puso at sunod-sunod akung napaurong pero kaagad akung napaigtad ng may bigla nalang humawak sa kamay ko at kaagad akung hinila na mas lalo ko namang ikina-takot pero ng makita si Rayle kaagad naman akung kumalma at napayakap sa kanya. Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakakita ng ganong kidlat at tangina kulay pula pa talaga na malamang kapag tinamaan ka patay kana kaagad. Naging sunod-sunod pa ang kulog at kidlat na iyon hanggang sa tuluyan na akung hinila ni Rayle papasok sa loob habang yakap-yakap niya ako. “Kagagawan ito ng mga alagad niya alam kung nandito sila para takutin si Kleyton,” hindi ko mapigilang mapatingin kay Rayle ng sabihin niya ang mga salitang iyon anong para takutin ako? Para ba sa akin ang kulog at kidlat na iyon? Para saan naman para takutin ako? Panibagong nilalang na naman ba ang makikita ko na gagawin akung ulam at pagkain? Hindi kuna iyon mapigilang isipin dahil halos lahat ng nilalang dito maliban kina Rayle pagkain ang tingin sa akin. Dahan-dahan na hinaplos ni Rayle ang likod ko pero napakunot ang aking kilay habang nakatingin sa kanya dahil ang bilis naman nitong makarating dito sa akin habang nandito ako sa itaas ng palasyo at nandoon sila sa harden at parang sa isang iglap lang nandito na sila sa likod ko. Pero kaagad naman akung napabitaw kay Rayle ng makita ang kulay asul na apoy sa kanyang katawan pero bigla naman itong nawala at mabilis akung napatingin sa kamay kung nakayakap sa kanya kanina kung may paso ba ito. Alam kung nakita ni Rayle ang naging reaksiyon ko dahil bigla naman itong napatawa at hinawakan ulit ang aking kamay at masuyo itong hinalikan. Hindi ako namamalikmata kanina alam ko ang nakita ko, talagang kulay asul ito na apoy at bigla naman itong nawala kaya alam kung totoo iyon. “Ano iyon Rayle? Ano iyong nakita kuna kulay asul na apoy sa katawan mo? Alam ko ang nakita ko alam kung apoy talaga iyon pero bigla din namang nawala!” nakita ko ang pagtawa nina Austin sa sinabi ko kaya alam kung totoo talaga ang aking nakita. Biglang napatawa nalang sa akin si Rayle at sinabit ang buhok kuna nagkalat sa aking mukha sa tenga ko, simple lang ang mga gesture ni Rayle pero nakakataba ng puso ang kanyang ginagawa. “It’s a fire,” literal na sagot niya sa akin kaya napatampal naman ako sa noo ko. Totoo nga na apoy iyon pero ang expected kuna sasabihin niya sa akin ay explanation kung bakit siya may apoy sa katawan. “Talaga namang apoy ang nasa katawan ko hindi mo lang siguro na notice kung minsan pero kapag kasama kita umaapoy nag katawan ko kagaya nga ng sinabi ko your my kryptonite sayo nanggagaling ang lakas ko kapag wala ka para akung isang lantang gulay na walang lakas,” doon ko napagtanto ang kanyang sinabi na makailang beses na niyang sinabi sa akin ang tinutukoy niya ba ay kapag nasa tabi niya ako may kapangyarihan siya ganon ba? “Ano ang ibig mong sabihin? Akala ko pinapakilig mo lang ako kapag sinasabi muna ako ang kryptonite mo,” nakarinig ako ng tawa mula sa kanyang mga kaibigan at kahit si Rayle ay napatawa naman sa akin bakit may mali ba sa sinabi? “May mali basa sinabi ko?” tanong ko sa kanila kaya kaagad namang hinila ako ni Rayle at inakbayan habang naglalakad kami pababa. “Mamaya kuna sasabihin sayo sa ngayon kailangan ka muna naming itago,” naging seryoso ang mukha ni Rayle habang sinasabi niya ang mga salitang iyon kaya kahit ako natakot din. “Talagang gagawin nila ang lahat para mapatay ka at mawalay sa akin at iyon ang hinding-hindi mangyayari,” muling saad naman niya at bumaba kami sa palasyo hanggang sa makarating ako sa bulaklak na tinatawag niyang moonrise at mas lalong nanlaki ang mata ko ng kahit may glass ito lumusot parin ang kamay ni Rayle doon at kinuha ang isang paru-paro pero diba ang sabi niya noon walang makakabasag ng glass na ito pero bakit ngayon makakapasok ang kanyang kamay at hindi manlang ito nababasag. Ng makuha na niya ang isang paru-paro bigla nalang itong naging espada na kaagad ko namang ikina-urong dahil sa gulat lalo nan g binigay niya ito sa akin. “Its your sword, walang makakahawak niyan at makakagamit tanging ikaw lang,” dahan-dahan kung kinuha ang espada na binigay niya sa akin at ng hawakan koi to magaan naman siya at hindi gaanong mahaba parang ginawa talaga para sa babae. “Makakaya kaya natin to Rayle?” doon ako napatingin kay Aris ng sabihin niya iyon at hawak na niya ang kanyang espada habang nakatingin sa akin. “Alam mo kung sino ang kalaban natin dito at kahit anong oras susugurin nila tayo, hindi ako sa natatakot pero ang kalagayan ni Kleyton sa kabilang mundo,” iyon ang sinabi ni Aris na kaagad namang nagpa-buntong hininga kay Rayle pero kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at hinaplos ang aking ulo. “Hindi ko alam kung paano ito nangyayari pero sirang-sira na ang harang sa mundo na ito Kleyton at anytime pwede kana nilang mapuntahan sa bahay mo at doon ka patayin, sa oras na pinatay ka nila doon makukulong kana dito habang buhay at iyon ang ayaw kung mangyari,” tinignan nito si Aiden na ngayon ay may hawak na itong malaking kawayan na may apoy. “Itinago ni Aiden ang katawan mo sa isang glass katulad nito upang walang makapasok o makahawak nito maliban nalang kung lumabas ka at pumasok doon,” tinignan ko ang glass na tinuro nito kung saan nasa loo bang bulaklak na moonrise. “Walang makakapasok sa glass na iyon at walang makakabasag habang nandito ka,” wala na akung nagawa kundi ang tumango nalang sa kanila. “Kaya ngayon dito ka nila sinusugod sa palasyo dahil mas malaki ang chance na makuha ka nila dito kaysa doon sa lupa,” ganon ba ka lakas ang glass na iyon na hindi nila mababasag kahit anong gawin nila? Sobrang hirap paniwalaan ng lahat-lahat ng ito pero wala naman akung magagawa dahil ito ang totoo at kahit ano pa ang isipin ko ito na ako ngayon tatanggapin ko nalang ng buong puso. “Don’t worry na iintindihan ko naman kayo at wala naman akung reklamo kung saan ako ligtas doon ako,” ngumiti sila sa akin at parang nabunutan sila ng tunok sa lalamunan ng sinabi ko sa kanila na ayos lang sa akin. Ano paba ang magagawa ko talagang wala na kundi ang magtiwala nalang sa kanila at hayaan sila sa kanilang mga plano, kung ano man ang tinutukoy nilang kalaban nila alam kung hindi ito basta-basta. “Hindi ko man alam kung ano ang mga kalaban niyo pero handa naman akung tumulong kung makakaya ko hindi niyo lang talaga ako kasing galing,” nakangiting saad ko sa kanila pero kaagad naman akung inakbayan ni Rayle. “Sapat nasa akin ang nandito ka sa tabi ko at habang nandito ka ako ang bahala sayo,” ngumiti nalang ako sa kanila at sumunod sa kanila habang palabas kami ng palasyo at naka-akbay sa akin si Rayle nakalimutan kuna nga na may kakaiba palang nangyayari dito sa labas ng palasyo at ng tuluyan na kaming makalabas doon ganon parin ang kulog at kidlat mas lalong lumala pa nga. Mahigpit akung napahawak kay Rayle ng makarinig ako ng mga halakhak at sari-saring ingay na talaga namang nakakapanindig balahibo. Biglang kumulog ng malakas at sunod-sunod ang pagkidlat hanggang sa may parang isang tunog ng kampana akung narinig at kaagad na may narinig akung alolong ng aso hanggang sa may nakita na akung lobo sa dulo na kulay puti at sobrang tulis naman ng kanyang pangil habang dahan-dahan ang paglapit niya sa amin. Hindi ko alam ang gagawin ko pero humawak nalang ako sa kamay ni Rayle habang sila ay nakatingin nadin sa lobo na papalapit sa amin. “Kanina pa kita hinintay Ace,” malamig na saad ni Rayle at sa isang iglap naging tao ang lobo na nasa harapan namin at mabilis na napatingin ako kay Aris dahil talagang magkamukha sila ng lalaking sa harapan namin na kanina ay isang lobo. “Nasaan na sila? Ano ba talaga ang nangyayari bakit naging ganito?” tanong sa kanya ni Rayle pero tumingin lang sa akin ang lobo na ngayon ay anyong tao na at nakangiti sa akin. “Hindi na ako magtataka na talagang hinahabol ka ng kadiliman Queen Kleyton talagang ikaw lang ang nilalang dito sa buong mundo na may amoy buwan na dugo, your’e really the reason why the moonrise still continue blooming,” nangunot naman ang aking kilay sa kanyang sinabi dahil panibagong katanungan naman ito para sa akin. “Im Ace your Queen, kapatid ako ni Aris,” isnag matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin bago naging kulay grey na naman ang kanyang mga mata. “Kanina pa kita tinatanong kung nasaan na sila? Bakit naging ganito na dito? Hindi na mababago ni Esmeralda ang sumpa na ginawa niya kaya bakit naging ganito?” tanong sa kanya ni Rayle kaya kaagad namang naging seryoso ang mukha ni Ace. “Hindi niya binago ang naging sumpa niya sayo pero nakipag-sabwatan na naman siya sa kadiliman para patayin si Kleyton dahil mukhang nais niyang pahirapan ka lalo, alam mo naman ang tangina na iyon kada dekadang dumadaan iba-iba ang mukha niyang dinala kaya hindi natin malalaman kung saan at kung anong uri na siya ng nilalang ngayon pero isa lang ang sigurado ko,” mabilis akung tinignan ni Ace at mapait na ngumiti. “Nasa mundo siya ngayon kung saan nabubuhay si Kleyton at mukhang nagtagpo ang landas ninyong dalawa kaya nakakuha siya ng kaunting dugo mula sayo at iyon ang ginamit niya para masira ang harang sa mundo na mabuti nalang naagapan mo Rayle dahil kung hindi mas lalong magiging malala, hindi nalang basta panaginip ni Kleyton ito nakapasok na ang ibang nilalang sa mundo na ito,” maguguluhan ka sa mga sinasabi ni Ace pero kapag inisip mo ang lahat-lahat ng mga nangyayari sasakit lang ang ulo mo basta ang naiintindihan ko ang mortal nilang kaaway ay si Esmeralda ang bruhang nag-sumpa kay Rayle. “Alam kung nasa mundo siya nina Kleyton pero hindi ko alam kung sino sa mga nakilala ni Kleyton si Esmeralda, hindi naman nila makukuha si Kleyton sa mundo ng mga tao nakatago sa glass ng moonrise ang kanyang katawan kaya walang makakakuha o makakasakit sa kanya habang natutulog siya. Mas mabuti na dito nalang muna siya hanggat hindi natatapos ang gulo na ito malamit na naman kaming magka-harap ni Esmeralda at kapag dumating ang araw na iyon ibabalik ko sa kanya ang lahat-lahat ng niyang ginawa niyang kahayupan sa akin,” kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Rayle habang binabanggit niya ang mga salitang iyon. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ito ang ginawa sayo, nabuhay ka ng matagal na panahon at nagdusa ng sobra-sobra, talagang makakasira din naman pala ng buhay ang pagmamahal. “Pero mas malakas ako sa kanya ngayon lalo pa at nasa akin si Kleyton kaya hindi siya nagpapakita isang pagkakamali niya lang na magpa-kita sa akin sigurado kung magiging abo na siya ng tuluyan,” hindi nalang ako sumagot sa kanilang usapan dahil mas lalong sasakit lang ang ulo ko kapag nagtanong pa ako na nagtanong. Nanatiling nakahawak ako sa kamay ni Rayle habang hawak-hawak ang espada nitong binigay sa akin. “Nakasunod na sila sa akin at wala silang ibang habol kundi si Kleyton,” napangiwi ako sa sinabi ni Ace pero hindi nalang ako sumagot sa kanya. “Ako na ang bahala sa loob ng palasyo sa ibaba na kayo,” sa isang iglap naging lobo na naman ito at ng dumaan ito sa tabi ko halos manigas ako dahil magkasing-taas lang kami tangina! Tangina lang talaga kanina hindi naman siya ganito kalaki pero ngayon bakit ang laki-laki na niya at kapag umupo ito mas mataas pa siya sa akin kaya sino ang hindi matatakot sa kanya. “Nandito na nga sila Rayle,” napatingi ako kay Austin at Aiden na ngayon ay nakatingin sa kalangitan kung saan maraming nagliliparan na hindi maipaliwanag na nilalang habang ang ingay-ingay nila. “Pumasok na tayo,” bigla akung napatingin kay Austin ng bigla nalang nitong hinila ang espada ng statue sa fountain at sa isang iglap may hagdan na lumabas doon at kaagad akung hinila ni Rayle papasok doon at tangina sobrang dilim! “Mauna na kayo sasamahan ko ang kapatid ko sa loob ng palasyo!” hinayaan nalang nila si Aris na tumakbo pabalik sa palasyo habang si Austin naman at Aiden ay sumunod sa amin ni Rayle sa loob ng fountain na iyon at kaagad na isinara. Sa pagsara nila ng pinto kakaibang kabog at tunog ang naririnig namin sa taas pero tuloy-tuloy lang kami sa pagbaba habang hawak-hawak ako ni Rayle at nakasunod sila sa amin. Haba ng pababa kami umiilaw naman ang buong paligid ng apoy parang kusa nalang itong umilaw kaya naging maliwanag na ang buong paligid. “Hindi ko alam kung gaano tayo dito katagal pero kailangan nating mag-isip ng paraan para malayo sa kanila si Kleyton,” biglang saad ni Austin kaya napatigil kami sa paglalakad ni Rayle at bigla silang nilingon ni Rayle. “Dalhin natin siya sa west doon sa isang palasyo baka maayos pa ang lagay doon,” suggest naman nito pero ako wala naman akung naintindihan sa kanilang mga sinasabi. “Hindi siya pwede sa west alam mo namang itong palasyo na ito ang kadugtong ng panaginip niya hindi siya pwedeng ilayo dito, wala tayong ibang choice kundi ang labanan sila,” tanging sabi ni Rayle at bigla nalang ako nitong niyakap. “Magka-matayan man pero hindi ko sa kanila ibibigay si Kleyton,” kahit ganito na ang nangyayari sa amin hindi ko parin maiwasan na hindi kiligin sa mga sinasabi ni Rayle. “Kung ganon dalhin na natin siya sa dulo para makapag-handa na tayo baka ano mang-oras mapasok na tayo dito,” saad ni Aiden at nauna na itong lumakad sa amin kaya sumunod nalang kami habang si Austin naman ay nakasunod sa likod namin at pakanta-kanta lang ito. “Ano ba ang mga lumilipad na iyon kanina Rayle?” biglang tanong ko kay Rayle habang naglalakad kami. Parang uwak kasi ang tunog nila kanina pero ang laki naman nila. “Mga taong uwak sila kumakain sila ng lamang loob at kun sino man sa kanila ang makapatay sayo mas lalong lalaki at magiging malakas na kahit ako hindi ko kayang talunin kaya dito ka lang sa tabi ko huwag kang aalis dahil baka makuha ka nila sa akin,” natameme naman ako sa sinabi ni Rayle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD