Chapter 43

2982 Words
Nakangising tumingin sa akin ang kanyang mga anak at ako naman nanatiling nasa sulok lamang at nakatutok ang kutsilyo sa kanila. Talagang papatay ako sa oras na lumapit sila sa akin hindi naman sila tao at self defense naman itong ginagawa ko, ikaw kaya ang kakainin tignan natin kung hindi ka lalaban ng p*****n. Muli kuna namang pinahid nag dugo sa aking labi na kanina pa tumutulo at kahit anong gawin ko hindi nauubos isama mo pa ang nasa ilong ko. “Kainin niyo na siya!” malakas na sigaw ng kanilang ina kaya mas lalong tumalim ang tingin nila sa akin at dahan-dahan na gumapang palapit sa akin habang tumutulo ang kanilang mga laway. “Siguraduhin niyong buto niya nalang ang matitira para mamatay sa sakit ang hayop na Rayle na iyon! Marami na siyang pinatay sa mga kauri natin kaya papatayin naman natin ang pinakamamahal niyang babae tignan natin kung mabubuhay pa siya!” kung nakakapatay lang ang tingin malamang kanina pa patay ang mga hayop na ito sa harapan ko! Nasaan kana ba Rayle tangina naman! Hindi kuna alam ang gagawin ko dito nagmumukhang matapang lang ako dito pero ang totoo sobrang takot na takot na talaga ako at hindi kuna alam kung ano ang sasapitin ko dito. Mas naunang lumapit sa akin ang meedyo maliit na nilalang at handa na ako nitong talunan na sigurado ako kapag kinagat niya ako talagang makukuha niya talaga ang balat ko. Hindi pala ako kakatayin dahil talagang kakainin nila ako ng buhay tangina naman! Ng handa na niya akung tinalunan mabilis akung tumayo kaya sa paa ko lang siya tumama at kahit masakit ang aking buong katawan at ang kanyang pagkakahawak sa paa ko mabilis ko siyang hinawakan sa leeg at hinila pataas, ang kapal ng kanyang balat at parang naaagnas ito kung hahawakan pero hindi ko pinansin iyon at buong tapang na tinapon ito palayo pero mas lalo lang akung nagulat ng bigla itong lumipat at nakadikit na siya sa itaas ng tunnel na gawa sa lupa. Tinignan ko ang kalmot niya sa aking paa kung saan nagbigay ng matinding hapdi sa akin kaya napapaingos ako at napangiwi ng bigla nalang ngumisi sa akin ang kanilang ina na mukhang naaaliw na nakikita akung nasasaktan at dumudugo ang ginawa sa akin ng kanyang mga anak. Hindi pa ako naka bawi ng bigla na naman akung sinugod ng isa sa kanila at sa ngayon nasa tiyan kuna naman siya at sa galit na dala na din ng takot buong tapang kung sinaksak ang nilalang na ngayon ay nakasabit sa tiyan ko at bumaon sa kanyang ulo ang hawak kung kutsilyo at kitang-kita ko ang kanyang pagngisi habang dahan-dahan na natatanggal ang kanyang kuko na nakatusok sa aking katawan. Naramdaman ko kaagad ang hapdi at sakit ng dibdib ko at ang ibang parte ng tiyan ko ng dahan-dahan na nahulog ang nilalang na sumugod sa akin at doon ko binunot ang kutsilyo na hawak ko kasabay ng malakas na pagsigaw ng kanyang ina habang tinitignan nito ang kanyang anak na dahan-dahan na nawawalan ng buhay sa kanyang harapan. Kahit ako nagulat din sa aking ginawa pero tama naman ang ginawa kuna lumaban at patayin siya dahil kung hindi ko siya papatayin malamang ako ang papatayin niya. Tinignan ko ang nakabulagta nitong katawan sa lupa habang lumalabas ang kulay green na likido sa kanyang ulo at doon mas lalong umalingawngaw ang malakas na sigaw sa akin ng kanyang ina habang dahan-dahan na napaluhod at nakatingin sa kanyang anak. Tinatagan ko ang aking loon at maging matapang lalo na at mukhang nagalit kuna ng tuluyan ang kanilang ina ng pinatay ko ang kanyang anak. Kailangan kung ipagtanggol ang sarili ko kahit wala si Rayle dito I need to defend myself! Hinigpitan ko lalo ang hawak sa kutsilyo at buong tapang na inapakan ang katawan ng kanyang anak kung saan bigla itong tumighok at lumabas ang kulay green na likido sa kanyang bunganga nasa tingin ko ay dugo nila kaya mas lalong nanlisik ang mata ng kanyang ina sa akin lalo na ng napunta sa paa ko ang dugo ng kanyang anak. “Hindi lang isa ang papatayin ko sa mga anak mo kapag lumapit pa sila sa akin at sisiguradin kung mas malala pa dito ang gagawin ko!” hindi ko alam kung saan ako napulot ang tapang na meron ako ngayon pero kailangan ko naman talagang maging matapang at huwag nalang basta maghintay ng tulong mula kay Rayle kasi hindi sa lahat ng oras nandiyan siya para bantayan at protektahan ako. “Hindi lang ako basta-basta tao kung inaakala mo dahil handa akung lumaban ng p*****n para sa buhay ko total papatayin niyo din naman ako bakit hindi nalang tayo magsama-sama diba? Mapapatay mo nga ako pero sisiguraduhin ko din namang mawawalan ka ng mga anak na hayop ka!” mas lalong diniinan ko ang pagkakaapak sa bangkay ng kanyang anak nasa tingin ko tanging bangkay nalang sabay ngisi sa kanya at tinignan ang iba nitong anak na nagbabaga din ang mga mata na nakatingin sa akin. Tinignan ko ang isa niyang anak na mukhang galit na galit at handa na ako nitong atakin kaya hinanda kuna ang aking sarili kung sakaling susugurin niya talaga ako. At hindi nga ako nagkamali dahil mabilis itong tumalon sa akin at akma pa itong pipigilan ng kanyang ina ng hindi na niya hawakan ang paa ng kanyang anak at mabilis parin ako nitong sinugod at kahit masakit ang buong katawan ko mabilis kung sinalo ang kanyang anak at hinampas ito sa lupa at kaagad naman akung napangiwi ng makagat nito ang aking kamay pero buong tapang ko paring hinampas siya sa lupa at hinila ang kamay kung kagat-kagat niya, masakit pero kailangan kung tiisin at lakasan ang loob ko sabay saksak sa kanyang kamay na akmang aabot sa akin hindi lang basta saksak dahil talagang pinutol ko ang kanyang dalawang kamay at hinawakan ito sa leeg at hinarap sa kanyang ina na ngayon ay mas lalong nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa kanyang anak na walang kamay at humihiyaw na lamang sa sakit habang nagwawala sa pagkakahawak ko pero wala naman itong magawa at kaagad na umalingawngaw sa buong tunnel ang kanyang iyak kaya ako naman ngayon ang napangisi. Hindi ko alam kung sinapian ba ako ng demonyo pero hindi manlang ako nakaramdam ng awa habang hawak-hawak ko ang kanyang anak na humihiyaw sa iyak at naliligo sa sarili nitong dugo habang ang kanyang ina naman ay kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang kanyang dalawang anak na naliligo sa sarili nilang mga dugo pero ang isa patay na habang ang isa naman nagdudusa sa sakit dahil sa putol nitong mga kamay. Tinignan ko sa ibaba ang putol nitong kamay at mabilis itong sinipa papunta sa kanyang ina na ngayon ay nagbabaga ang mga tingin sa akin. “Magbabayad ka sa ginawa mo sa mga anak ko!” malakas nitong sigaw habang dahan-dahan niyang kinuha ang dalawang kamay ng kanyang anak na pinutol ko kanina pero ako tanging ngisi nalang ang nagawa ko at hinigpitan ang hawak sa leeg ng kanyang anak. “Hindi ka lang naming basta gagawin pagkain na hayop ka! Pinatay mo ang anak ko hayop ka!” malakas akung napatawa ng makailang-beses niyang banggitin ang salitang hayop sa akin na ang totoo siya naman talaga ang hayop hindi niya lang matanggap na napatay ko ang kanyang anak sa harapan niya mismo. “Bakit hindi ko papatayin ang anak mo kung papatayin niyo din ako? Kagaya ng sinabi ko sayo kung papatayin niyo din naman ako isasama kuna kayo para sama-sama na tayong lahat diba? Pero kung pwede naman na mabuhay ako tapos patay kayo mas mabuti talaga diba? Mahal mo naman siguro ang anak mo diba?” nginisihan ko siya ng sobrang laki ng makaisip ako ng paraan para makalabas sa lugar na ito at mapuntahan na ako ni Rayle. Itinutok ko ang kutsilyo sa ulo ng kanyang anak at hindi ko lang basta itinutok dahil sinigurado kung makaramdam ng sakit ang kanyang anak at kaagad na umihi ito sa takot na baka itatarak ko ang kutsilyo sa kanyang ulo, talaga namang itatarak ko ito pero mamaya na matapos ko siyang gamitin. “Palalabasin mo ako sa lugar na ito kung papatayin ko ang anak mo?” kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao habang nakatingin sa akin at mukhang hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanya paano ba naman ang taas ng kanyang tingin sa sarili niya na mapapatay nila ako ng tuluyan pero mukhang naging baliktad pa ang pangyayari. Kinuha niya ang kamay ng kanyang anak at maingat niya itong nilagay sa parang bulsa ng kanyang damit at bigla nalang sumabit ang kanyang isang anak sa kanyang balikat habang galit na galit sa akin. “Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko dahil papatayin kita!” tinignan ko siya ng masama at dahan-dahan na tinusok ang dulo ng kutsilyo sa ulo ng kanyang anak kaya humiyaw na naman ito lalo na ng tumulo ang dugo mula dito kaya napanganga ang kanyang ina habang nakatingin sa akin at itinaas ang kanyang kamay ng humiyaw ng malakas ang kanyang anak dahil sa ginawa ko. “Hayop ka talaga!” malakas nitong sigaw at naluluha nitong tinignan ang kanyang anak na inaapakan ko at wala ng buhay. “Anong pakiramdam na makikita mo ang anak muna walang buhay at nakahandusay na lamang habang ang isa naman wala ng kamay at kaunting mali mo lang siya na naman ang susunod na magiging bangkay,” kahit masakit ang aking buong katawan pinili ko paring lumaban at lakasan ang loob kuna kausapin siya. “Ilabas mo ako dito at baka ibalik ko ang anak mo pero kung ayaw mo papatayin ko siya, mapapatay mo nga ako pero patay naman ang dalawang anak mo kaya mamili ka!” hindi kaagad ito nakasagot sa aking sinabi tanging nakakuyom lang siya at walang ibang magawa kundi ang sundin ako dahil talaga naman hindi ako magda-dalawang isip na patayin ang anak niya. “Sumunod ka sa akin!” saad nito habang nagbabaga ang kanyang mga mata pero mabilis ko siyang tinaasan ng kilay at baka niluluko lang ako ng hayop na ito siguraduhin niya lang talaga nasa tamang daan niya ako dadalhin. “Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko kung ayaw muna hindi kana talaga dito makakalabas!” hindi ako natakot sa kanyang sinabi bagkus ay tinignan ko siya gamit ang mga malamig kung titig. “Subukan mo lang na lukuhin ako dahil itong hawak kung kutsilyo ay itatarak ko sa ulo ng anak mo! Ilabas mo ako dito at ibabalik ko ng buhay ang anak mo!” malakas kung sigaw sa kanya kaagad namang itong tumalikod at hinawakan ang kanyang anak nasa kanyang balikat. “Subukan mo lang gumawa ng kung ano-ano dahil alam muna ang kaya kung gawin kaya kung ako sayo ituro mo sa akin ang tamang daan at umayos ka kung gusto mo pang makitang buhay ang anak mo!” marahas ako nitong nilingon at sa tingin palang niya alam kung gustong-gusto na niya ako nitong patayin pero hindi naman niya magagawa dahil hawak ko ang kanyang anak na kanina pa umiiyak at nagwawala pero hindi naman makaalis sa pagkakahawak ko dahil wala na siyang kamay at tanging iyak at padyak nalang ang kanyang nagagawa. Muli itong bumalik sa kanyang paglalakad kaya dahan-dahan akung sumunod sa kanya sabay iwan ng bangkay ng isa nitong anak at maingat na sumunod sa kanya. Naging alerto ako sa mga galaw niya at hindi ako naging kampante sa mga paligid ko kailangan kung maging maingat sa mga galaw ko dahil kaunting mali ko lang baka maging hapunan na nga talaga nila ako. Kung maka-survive man ako talagang sasabihin ko kay Rayle na mahal na mahal ko siya at handa akung makasama siya habang buhay. Hanggang sa makalabas kami sa parang tunnel na iyon nakasunod parin ako sa kanya habang ang kanyang anak naman ay nanatiling nakatingin sa akin habang nagbabaga ang kanyang mga mata kaya bigla kung tinutok ang kutsilyo sa kanya na kaagad naman niyang ikinahawak sa kanyang ina at nakitaan ng takot ang kanyang mga mata kaya napangisi ko at binalik ko naman sa kapatid niya ang nakatutok kung kutsilyo at mas lalo lang itong nginisihan. Akala mo naman kung sinong matapang talagang matatakot ka sa mga mukha nila pero kung lalabanan mo sila makikitaan mo naman sila bg takot sa kanilang mga mukha kagaya nalang ng isang ito na ngayon hindi na nakatingin sa akin pasilip-silip nalang siyang habang naglalakad kami palabas sa kanilang kuta na wala akung ibang nakita kundi ang mga nakasabit na patay na mga hayop at bangkay ng ibang nilalang at ang mga karne ng hindi ko alam kung anong hayop. Hanggang sa tuluyan na nga kaming makalabas sa lugar na iyon at hindi na ako magtataka kung hindi nga ako mahanap ni Rayle dahil nasa ilalim kami ng lupa kanina at sa itaas nito ay may malaking puno at nandito ako sa dark forest na sinasabi ni Rayle. At ng palabas kami kanina may kung anong mahika na ginamit ang hayop na ito kaya hindi siguro ako mahanap o mapuntahan ni Rayle manlang. Pero ng tuluyan na kaming makalabas sa lugar na iyon bigla nalang tumigil ang lintik na ito at hinarap ako gamit ang kanyang nagbabaga na mukha pero laking gulat ko ng makita ang maraming goblin na naka-abang sa amin sa labas at kaagad na napangisi ng makita nila ako. “Ibalik muna sa akin ang anak ko!” hindi ako nakinig sa kanya at mas lalong itinutok ang kutsilyo sa ulo ng kanyang anak ng akmang susugurin ako ng isang goblin kaya malakas na napasigaw ang nilalang kanina na kumuha sa akin. “Huwag kayong lumapit sa kanya! Papatayin niya ang anak ko kapag lumapit kayo sa kanya!” malakas nitong sigaw kaya napaurong naman ang mga nilalang na ito habang nagbabaga ang kanilang mga mata na nakatingin sa akin. “Lumayo kayo sa akin mga tangina! Papatayin ko ang hayop na ito sa oras na hindi kayo lumayo sa akin!” malakas kung sigaw sa kanila at dahan-dahan na umurong hanggang sa wala na akung maurungan kundi ang malaking kahoy nalang. “Lumayo kayo sa akin mga demonyo kayo! Subukan niyo lang talaga lumapit dahil magiging bangkay nag tiyanak na ito!” kahit na nanginginig ang kamay ko habang nakatutok sa ulo ng tiyanak na ito tinatagan ko parin ang aking sarili. “Ibalik muna ang anak ko!” hiyaw ng nilalang kanina na kumuha sa akin pero hindi ako sumagot sa kanya kaya mas lalong umiyak ng malakas ang kanyang anak na hawak-hawak ko. “Ibalik muna ang anak ko hayop ka!” dahan-dahan na lumapit sa akin ang ina nito pero diniinan ko ang pagkakaturok ng kutsilyo sa ulo ng kanyang anak kaya bigla naman itong napatigil. “Ang sabi ko sayo ilabas mo ako sa kuta mo pero pina-abangan mo naman ako sa mga kauri muna hayop! Ikaw ang hindi marunog sumuno sa usapan nating dalawa na hayop ka! Hindi ko ibabalik ang anak mo hanggat hindi ako ligtas na nakaalis sa lugar na ito mapipilitan akung putulin nag ulo ng anak mo kapag hindi mo ako hinayaan na maka-alis dito!” malakas kung sigaw sa kanila at hindi nalang galit ng ina niya ang nakikita ko pati nadin ang galit ng ibang kasamahan niya ng makita nilang tumutulo ang dugo ng tiyanak na ito. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at laking gulat ko ng makita ang isang nilalang sa itaas ng puno na handa na akung talunan ng mabilis akung umiwas at naging dahilan ito para matumba ako at naitusok ko ang kutsilyo sa ulo ng tiyanak na ito at ang malakas at at sigaw ng ibang mga goblin ang umalingawngaw sa buong paligid kaya mabilis akung tumayo at hinugot ang kustilyo sa ulo ng tiyanak na ngayon ay wala ng buhay at nakangisi na lamang. Putanginang goblin naman kasi iyon kung hindi ako nakaiwas baka nakagat na niya ako pero mas lalo lang akung kinabahan ng wala na akung panangga sa kanila lalo na at patay na ang tiyanak na hawak ko kanina. Dahan-dahan akung umurong habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsilyo habang sila naman ay masama ang tingin sa akin at ang kanyang ina naman ay dahan-dahan na nilapitan ang anak nitong wala ng buhay at nakanganga na lamang habang lumalabas ang kanyang dugo sa kanyang bunganga. “Patayin niyo ang hayop nayan!” malakas niyang sigaw kaya doon na ako nawalan ng pag-asa na makaligtas pa, paano pa ako makakaligtas dito kung sobrang dami na nila at may mga patalim na silang dala habang ako tanging kutsilyo lang ang hawak ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at napaupo na lamang sa lupa ng bumangga ang aking paa sa malaking ugat ng kahoy at nanginginig ang aking kamay habang nakatingin sa mga patay gutom na mga nilalang. Kung nasaan Kaman ngayon Rayle palagi mo lang isipin na mahal na mahal kita kahit ano man ang mangyari. Nakahanda na akung harapin ang kamatayan ko ng marinig ang kanilang malalakas na alolong at handa na akung sugurin ng makarinig ako ng sunod-sunod na yapak hindi lang basta yakap kundi ang mga takbo ng mga kabayo at doon napatingin ako sa likod ko ng makakita ako ng ilang putting kabayo at may nakasakay na mga knight habang nasa gitna nila si Rayle at ang bilis ng kanilang takbo. Mas lalo lang akung naiyak ng mabilis na bumaba ng kabayo si Rayle at kaagad akung nilapitan at mahigpit na niyakap habang ang iba naman niyang kasamahan ay sinugod ang mga goblin na handa na sana akung atakihin. “I love you too baby,” mabilis nitong bulong sa akin habang yakap-yakap niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD