Waka kaming imikan ni Ivan habang nasa kotse kahit hanggang sa makabalik kami sa Manila at nasa harapan na kami ng apartment ko hindi parin ako nagsasalita hanggang sa siya na mismo ang kumuha ng gamit ko sa likod ng kanyang kotse habang ako naman ay umakyat nasa apartment ko. Alam kung naka sunod sa akin si Ivan at alam kung tatanungin niya ako tungkol dito at bakit ako nandoon at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam basta wala akung ganang sabihin sa kanya ang nangyayari sa akin dahil masyado namang mababaw ang dahilan ko at parang kabaliwan naman ang lahat ng ito na hindi ko alam basta kapag sinabi k okay Ivan baka kung ano na ang sasabihin niya sa akin.
Ng tuluyan na akung makapasok sa apartment ko kaaagd kung binaba ang maliit kung bag at naupo sa sofa at doon bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari sa akin kanina sa mansion kung saan may lalaking humawak sa akin at alam kung mariin ako nitong tinitignan habang may takip ang mga mata ko at mahigpit niya akung hinahawakan. Hindi ko lang talaga makilala kung sino ito dahil hindi naman siya sumasagot o gumagawa ng ingay kaya paano ko siya makikilala pero alam kung totoo ang mga sinasabi ng mga tao doon tungkol sa mansion sadyang parang nagulat at hindi lang talaga ako makapaniwala.
“Care to explain everything to me Kleyton,” ang malamig na boses ni Ivan ang namayani sa buong apartmen ko at ang malakas na paglapag nito ng aking maleta sa sahig ang sunod kung narinig. “Hindi na talaga kita maintindihan kung ano ang nangyayari sayo ano ba talaga ang nangyari alam kung may hindi ka sinasabi sa akin! Sobrang gulong-gulo na ako sa ginagawa mas lalo lang akung naguluhan dahil sa ginawa mo ngayon!” napalunok ako ng wala sa oras sabay buntong hininga ng malalim dahil hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko kay Ivan. Marahan kung nilingon si Ivan na nakakunot ang noo ang noo sa akin at talagang hinihintay ang sagot ko.
“Huwag ngayon Ivan please gusto ko ng magpahinga,” mahina kung sagot ko sa kanya dahil talagang iiwasan ko ang mga tanong niya ayaw kung magsinungaling sa kanya kaya mas mabuti pang huwag ko nalang sabihin sa kanya. “Gusto ko ng magpahinga kaya pabayaan mo muna ako,” akmang tatalikod na ako ng marinig kuna naman ang boses ni Ivan na nagpatigil sa akin at mariin na napapikit.
“Hindi ka aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo Kleyton at paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin,” paano ko sasabihin sa kanya ang katangahan na nandito sa isipan ko at paano ko sasabihin sa kanya ang sinabi sa akin ng mga tao doon sa San Nicholas dahil baka ano na naman ang kanyang sasabihin sa akin. Kaagad ko siyang nilingon at mabilis na napahilamos ito sa kanyang mukha habang mariin akung tinitignan na parang hindi alam ang kanyang gagawin. “Hindi mo lang alam kung paano ako mag-alala sayo ng marinig ang sinabi ni Hailey na umalis kasa isla at pumunta sa ibang lugar at ang mas nakakagulat ay nasa gitna ka ng trabaho at doon pa talaga sa lugar kung saan ka nawala Kleyton!” naiintindihan ko naman ang galit ni Ivan sa akin ano paba ang aasahan ko maliban sa naiwang pamilya ko pero nasa malayo naman sila si Ivan nalang at ang pamilya nito ang meron ako.
Kahit ako nga hindi kuna maintindihan ang sarili ko at naniniwala ako sa mga pinagsasabi sa akin lalo nasa panaginip kuna mas lalong nagpapagulo sa akin at hindi ko naman pwedeng sabihin ito sa iba dahil baka isipin nila baliw na talaga ako at kung ano-ano na ang nasa isip ko. Sinong hangal ang maniniwala sa akin kapag sinabi ko sa kanila ang nangyayari sa akin dahil wala!
“Please Ivan huwag ngayon please gusto kunang magpahinga,” mahinang kung saad na mas lalong ikina-pikit ni Ivan at ang sunod nitong ginawa ay ang ikina-gulat ko dahil mabilis ako nitong hinawakan sa kamay at tinignan ng deritso sa mga mata habang punong-puno ito ng sakit at hindi ko maipaliwanag na emosyon.
“Buntis kaba Kleyton? Sino ang ama ng ipinag-bubuntis mo!” mabilis na tinabig ko ang kamay ni Ivan na nakahawak sa kamay ko at umurong sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata sa gulat at para akung sinampal ng buong lakas dahil sa kanyang sinabi. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa kanyang sinabi kahit sino naman siguro magugulat diba? Ikaw ba naman ang sabihin ng harap-harapan kung buntis ka sa tingin mo hindi ka magugulat? “Hindi kuna alam ang iisipin ko pero iyan nalang palagi ang naririnig ko sa opisina dahil palagi ka nalang tulog at nakatulala at ano sa tingin mo ang iisipin nila sayo? Sabihin mo sa akin kung sino ang hayop na gumalaw sayo sa San Nicholas noong nawala ka at talagang binalikan mo pa ang lugar na iyon? Dahil ba dito Kleyton,” mas lalo lang akung natulala sa sinabi ni Ivan pakiramdam ko nawala ang lahat-lahat ng pagod ko sa katawan at mas lalo lang sumakit ang ulo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na iyon na pala ang tingin nila sa akin sa opisina at ganito na kalaki ang chismis sa akin sa opisina na wala naman silang alam sa puno’t dulo nito. Tangina lang talaga at pati si Ivan nadamay nadin dito.
“Hindi ko alam kung saan ako magsisimula Ivan pero hindi ako buntis! Saang lupalop ng mundo niyo nakuha na buntis ako? Hindi porket marami na akung iniisip at palagi na akung inaantok buntis na kaagad ako? At wala namang gumalaw sa akin Ivan ano ba hindi ko alam kung ano ang pinag-sasabi mo akala ko ba kilala mo ako pero dahil lang sa chismis sa office naniwala ka kaagad sa kanila! Sa tagal nating magkasama ngayon mo pa talaga ako pinag-isipan ng ganyan! Hindi ako buntis at wala nga akung lalaki sa buhay ko ang mabuntis pa kaya?” malakas kung sagot kay Ivan at sunod-sunod na napabuntong hininga at napahilamos sa aking mukha.
Hindi ko alam na ganon na pala ang epekto sa kanila ng ginagawa ko at talagang inakala nila na buntis ako? Tangina hindi ko alam na buntis na pala ako sa tingin ng ibang tao na hindi nga sumagi sa isip ko ang mabuntis ngayon lalo pa at marami pa akung iniisip isama mo pa si Ivan na kung ano-ano na ang nasa utak nito. Tinignan ko ng mariin si Ivan na ngayon ay tahimik parin pero hindi naman maalis ang tingin sa akin.
“So hindi ka buntis?” napatampal ako sa mukha ko at malakas na hinampas sa kamay si Ivan dahil sa kanyang sinabi dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko magagalit ba ako o matatawa sa kanya dahil nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi na ako magtataka kung pati kanday Tita aabot ang kabaliwan na chismis na ito. “Bakit kasi wala kang sinasabi sa akin hindi mo ba alam na galit na galit na ako sa kung sino man ang nagbuntis sayo! Tangina talaga Kleyton!” ngumiti nalang ako dahil kahit sa ganitong bagay kapakanan ko parin ang inuuna ni Ivan at ako parin ang kanyang inuuna.